Read. Meditate. Change. The Official Blog of BDJ, CYPA Paper Ministries, Capitol Bible Baptist Church
Welcome to BDJ Online!
Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.
Monday, December 6, 2010
The Logic of Giving and Receiving
Silence: When God Speaks Clearly
The Real Issue: Why Stewardship? by Bishop Felizardo Abanto
Unbelief
Sumasamba Ka Ba Talaga?
Ayon sa Encarta® World English Dictionary, ang salitang worship ay nagmula sa Matandang Ingles na salitang weortscipe, o worthship, na ang ibig-sabihin ay “condition of worth” o kahalagahan. Ito ay sang-ayon sa mga talatang mababasa natin sa Biblia na nagsasalaysay ng mga eksena ng pagsamba sa Diyos tulad ng mababasa natin sa mga talatang ito: ; 5:12-13:
Pagbibigay ng karapat-dapat na pagpapahalaga sa Diyos—yan ang isang kahulugan ng pagsamba.
And Thomas answered and said unto him, My LORD and my God. —John 20:28
And the four beasts had each of them six wings about him; and they were full of eyes within: and they rest not day and night, saying, Holy, holy, holy, LORD God Almighty, which was, and is, and is to come.
And, behold, there came a leper and worshipped him, saying, Lord, if thou wilt, thou canst make me clean.—Matthew 8:2
While he spake these things unto them, behold, there came a certain ruler, and worshipped him, saying, My daughter is even now dead: but come and lay thy hand upon her, and she shall live.—Matthew 8:2
Then came she and worshipped him, saying, Lord, help me.—Matthew 15:25
Mula doon ay masasabi natin na hindi totoo ang sinabi ng misyonero na hindi talaga tayo sumasamba sa Diyos kung hindi pang-worship ang kinakanta natin. Mali din ang aplikasyon ng iba na masasamba mo lamang ang Diyos kung magpe-praise and worship style tayo. Paano ang pipe na hindi man lang makapagsalita? Paano ang mga lumpo at paralisado na hindi makatalon o maitaas ang kamay tulad ng ginagawa ng mga Pentecostal? Ang pagsamba ay higit pa sa pagkanta ng worship song o pagtalon o pagtaas ng kamay na sinasabi nila.
Ang article na ay isang nerebisa na bersyon ng orihinal na isinulat ni Elijah Abanto, “Sumasamba Ba Tayo? Isang Imbestigasyon Tungkol sa Tunay na Pagsamba sa Diyos.” Unang nilathala sa BDJ, Volume 2, Issue 49 (August 9, 2009).
Sunday, October 31, 2010
Resting in God
by Elijah Abanto
Natutulog ka ba? Marami sa atin ang magsasabi ng, “Alangan namang hindi!” Pero mayroon ding mga malungkot na magsasabi, “Gusto ko sana, pero, walang panahon, eh. Siguro idlip. Pikit nang kaunti. Pero higit pa doon...”
Mayroon pa ngang lungsod na tinatawag na “The City that Never Sleeps”—ang New York, USA. Sa totoo nga lang, kinekwenta ng maraming analysts ang pagiging abala ng isang lungsod o bansa sa pamamagitan ng kung ilang oras lamang natutulog ang mga tao sa espisipikong lugar. Mas matindi pa rito, ay sinusukat din ng ilang ekonomista ang kaunlaran ng isang bansa sa pamamagitan ng kung ilang oras patay ang ilaw—which means kung ilang oras tulog ang tao—mas kaunting oras, mas maunlad. Mas masipag, mas may mararating—ang mga bansa o lungsod na hindi natutulog, ika nga nila. At may katotohanan ito. Ang United States of America, isa sa mga pinaka-abalang bansa sa buong mundo, ang siya ring pinakamaunlad at pinakamakapangyarihan. Ako na ang magsasabi sa’yo, ang mga kompanyang may pinakamalalaking kita ay sila na gumagawa “round the clock,” tulad ng mga multinational companies tulad ng Procter & Gamble, Unilever, Coca-Cola, etc. Ang mga successful na artista ay puno ang schedule sa taping.
Pero ito rin ang isa sa mga nirereklamo nila—ang hindi makapagpahinga. Ang USA ay napagod na, at nasa daan na ng pagbagsak ng ekonomiya. Ang mga artista ay sinasamantala ang kaunting oras na walang schedule para matulog o makapagpahinga. Sa mga CEO o Manager o Supervisor ang makatulog lang ng isang oras ay isa nang pribilehiyo. Para sa kanila, ang kaunting sakit ay isang pagpapala. Anuman ang unlad nila, napagtatanto din nilang kailangan nila ng pahinga.
Ako, na tinagurian ng sinumang nakakakilala sa akin kahit ng aking pamilya na “busy man,” ay hindi maitatangging kailangan din ng tulog, ng pahinga—walang kaso kung ano ang posisyon, kung paano matulog, at gaano katagal—ang mahalaga, makapagpahinga. Ang “pagsusunog ng kilay” ay nawalan na ng appeal sa akin; bagaman nagpupuyat pa rin ako from time-to-time, hindi ko na ito nakikita bilang senyales ng pagiging masipag—nakikita ko na ito bilang isang pabigat na dapat alisin sa lalong madaling panahon. Kaya nga pag nakakaramdam na ako ng antok, hindi na ako magdadalawang-isip pa—magpapahinga na ako.
Bagaman ang Dios ay hindi natutulog, ang Dios ay sinasabi ng Biblia na nagpapahinga. Sabi sa Genesis 2:2-3, “At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Walang duda, ang Dios ay nagpahinga; at ang pagpapahinga, para sa Dios, ay isang banal na bagay (“ipinangilin,” ibig-sabihin ay ginawang banal). Kailan pa natin nakita ang pagpapahinga na “banal”? Yet God considered it such.
Nang alukin ni Abraham ang nagkatawang-tao na Dios na magpahinga at kumain, hindi ito tumanggi, bagkus ay inutusan pa siyang gawin ang sinasabi (Genesis 18:1-5). Hindi lamang ang mamamayan ng Israel ang binigyan ng Dios ng pahinga, maging ang lupa—sinabi sa Biblia na ang ikapitong taon ay taon ng pamamahinga ng lupa, kung saan hindi ito tataniman o bubungkalin (Exodus 23:10-11). Kahit ang mga pagmamay-aring hayop tulad ng baka o asno, o maging ang mga katulong o alipin, ay may karapatan at obligasyon na magpahinga (Exodus 23:12). Kung ito ay iniutos ng Dios sa bansa ng Israel, hindi kaya nakakabuti rin sa atin ang magpahinga? Ang hindi nauunawaan ng marami, ang utos ng Dios ay hindi para pahirapan ang tao kundi para bigyang-kaginhawahan ito. Ipinapakita din sa mga aklat ng kasaysayan ng Israel sa Biblia na isang pagpapala ang kapahingahan (cf. Judges, 1 and 2 Samuel, 1 and 2 Kings, etc.). Ayon sa Psalm 127:2, binibigyan ng Dios ang Kanyang iniibig ng pagtulog—sa ibang mga salita, pahinga.
Nakita natin na ang pagpapahinga (tulad ng pagtatrabaho) ay ginagawa ng Dios, nirerekomenda ng Dios, pinapayagan ng Dios, inuutos ng Dios, binibigay ng Dios—ngunit ang nakapagtataka, maraming tao, maging mga nagsasasabing nananampalataya sila kay Jesus bilang Tagapagligtas, ay hindi ito ginagawa. Pinipili nating magtrabaho nang Linggo at Huwebes kaysa makipagtagpo sa Panginoon—magtrabaho kaysa magpahinga. Pinipili nating sumuway kaysa sumunod—dagdag pasanin imbes na pahinga.
Nais ng Dios na bigyan tayo ng pahinga. Kaya sinabi ni Jesus, “Come unto Me, and I will give you rest” (Matthew 11:28-29). “[Cast] all your care upon Him; for he careth for you” (1 Peter 5:7). Isa sa mga dahilan kung bakit tayo gustong iligtas ng Dios ay dahil gusto Niya tayong bigyan ng walang-hanggang kapahingahan kapag pumanaw na ang ating buhay, isang bagay na mangyayari lamang kapag tayo’y nasa langit na. Ayaw Niya tayong maghirap, magtangis, magngalit ng ngipin—mga bagay na mangyayari sa sinumang mapunta sa walang-hanggang kaparusahan, ang impyerno. Ngunit alam ng bawat Cristiano na mas maraming tumatanggi sa kapahingahang ito kaysa tumatanggap rito.
Bakit hindi tayo magpahinga sa Dios? Bakit hindi natin ilagak ang ating mga problema, pasanin, kabalisahan, kalungkutan, lahat-lahat, sa Dios, na nais namang ibigay ito—at dumalo sa simbahan, imbes na magtrabaho? Bakit hindi tayo sumandal sa Kanyang mga bisig, sumilong sa anino ng Kanyang mga pakpak, at magpahinga? Ibig-sabihin eh, makipag-usap sa Kanya sa pananalangin, magbasa at magbulay-bulay ng Kanyang Salita, makinig sa pangangaral, at makisama sa mga mananampalataya? Bakit hindi tayo magpahinga?
Sabi nga ng ating pastor, “Kawawa naman sila! Nagtatrabaho imbes na mag-church!” Oo nga naman. Kawawa nga sila. Puro sila nagtatrabaho; wala silang oras para magpahinga. At kawawa ka rin kung tumutulad ka sa kanila.
Bakit hindi natin tularan si Jesus? Siya ay nagpahinga nang apatnapung araw sa pag-aayuno (Matthew 4:1-2). Noong nandito pa Siya sa mundo, hindi Niya inisip na kasayangan ang magpahinga sa Dios sa pamamagitan ng panalangin gabi-gabi (Matthew 14:23; 26:36; Luke 5:16). Hindi Siya nagdalawang-isip matulog sa gitna ng bagyo—hindi Siya nabalisa, nanghinawa—nagpahinga Siya (Matthew 8:23-27; Mark 4:35-41). Bakit hindi mo rin ito gawin? Subukan mong magpahinga sa Kanya, at baka tulad Niya—magtagumpay ka laban sa diyablo, sa mga pagsubok, at “makapagpatigil” ng mga bagyong dumarating sa iyo. bdj
Saturday, October 23, 2010
The Harvest of Giving
Elijah Abanto
Harvest. Sino’ng higit na maligaya kaysa sa magsasaka kapag tag-ani? Natapos na ang yugto ng “hindi naman nakatayo, hindi naman nakayuko,” at kaunting tiis na lang, dala-dala na sa tahanan ang ani at handa nang pakinabangan. Babalikan niya ang lahat ng pagpapagal, hirap, lakas, talino, at kahit na salapi na ginugol niya—at masasabi na at least, ay maaani na niya kahit papaano kung ano ang tinanim niya.
Ang pagbibigay ay tulad ng pagtatanim—sigurado ang pag-ani. Tulad ng pagtatanim na maaaring, isang araw, isang buwan, isang taon, o dalawampung taon pa minsan bago mo matikman ang ani—ang pagbibigay ay nagbibigay ng ani, maaaring ito’y dumating na ngayon, sa isang araw, sa isang buwan, sa isang taon, o pagkatapos pa ng dalawampung taon—ngunit sigurado ang ani. Sigurado. At kapag sinabi mong ani, maganda, at hindi pangit, ang makukuha mo.
“But this I say, He which soweth sparingly shall reap also sparingly: but he which soweth bountifully shall reap also bountifully” (1 Corinthians 9:6). Matagal ko na itong memorized, at malamang kahit na ikaw ay kabisado mo na rin siguro ito. Ngunit nakukuha kaya natin ang ibig-sabihin nito? Kung kaunti ang ating hinasik, kaunti ang ating naaani; kung marami, tiyak na marami rin ang ating aanihin. Isang prinsipyo tungkol sa pagbibigay: Depende sa ibinigay natin ang ibibigay sa atin. “Give, and it shall be given unto you,” (Luke 6:38) sabi nga ni Jesus. Iniisip ko kung bakit pwede namang “Give, and ye shall ye receive” tulad ng paghingi (Matthew 21:22; John 16:24); bakit pinahaba pa ni Jesus? Sa isang hindi nagbubulay, ang pagtanggap (“receive”) ay tulad lang ng pagbabalik sa iyo (“given unto you”); ngunit kung iisiping mabuti, ang dalawang ito ay may pagkakaiba. Ang una ay hindi mo alam kung ano o gaano kalaki ang makukuha mo; ang pangalawa ay tiyak kung ano at gaano kalaki (“it shall be”). Dinagdag pa ni Jesus: “good measure, pressed down, and shaken together, shall men give into your bosom”—higit pa madalas, sabi Niya.
When will we get this? Sa tingin ko ay naintindihan na natin, ngunit hindi lang natin pinaniniwalaan pa nang buo; may reserbasyon pa tayo. Ngunit kahit si Charles F. Stanley, isang Baptist pastor nang mahigit sa limampung taon na at founder ng In Touch Ministries ay sinabi na, bilang isa sa mga “Life Principles” ng Biblia, “You reap what you sow, more than you sow, later than you sow.”1
Nang gumawa ng article si Charles R. Swindoll, isang Baptist pastor sa loob ng halos 40 taon at founder ng Insight for Living, base sa Luke 6:37-38, ay ikinwento niya ang tungkol sa isang lolo na nakatira sa bundok kasama ang kanyang apo. Kapag sumigaw siya doon, ay aalingawngaw ang kanyang boses. Minsan nung sumigaw siya ng “I love you,” ay umalingawngaw din ng “I love you… I love you… love you…” Nung sumigaw siya ng “I hate you!” Binalikan din siya ng alingawngaw na “I hate you! … I hate you… hate you…” Ang ginagawa ay bumabalik sa ating parang alingawngaw.2 Paano kaya kapag “sumigaw” tayo ng pagbibigay? “Aalingawngaw” din sa’yo ang binigay mo; madalas mas marami pa kaysa sa binigay mo.
Sa devotional article pa ni Harold J. Sala, kilala sa Pilipinas bilang founder ng Guidelines International Ministries simula pa noong 1963, ay sinabi na kabilang sa tatlong dahilan kung bakit dapat tayong magbigay ay dahil iyon ang paraan ng Dios para tayo’y pagpalain.3 Lagi naman nating naririnig ito mula kay Pastor Abanto at marami pang biblikal na pastor at misyonero. Sinabi pa ni Sala, base sa Biblia, na makakapagpala lang ang Dios kung tayo’y nagbibigay.
Sinabi na rin ng Dios sa atin sa pinakakilalang talata na Malachi 3:10, “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in mine house, and prove me now herewith, saith the LORD of hosts, if I will not open you the windows of heaven, and pour you out a blessing, that there shall not be room enough to receive it.” Sa mga hindi ito ginagawa, hindi siguro dahil hindi nila alam ang sinasabi ng Dios, ngunit dahil ayaw nilang maniwala dito. Ngunit napatunayan ko na totoo ang Salita ng Dios. Marami akong nakitang halimbawa kung saan ang nagbibigay pa sa Gawain ang siyang inuutangan ng mga ibang hindi naman nagbibigay.
Saktong-sakto ang mga salitang binitawan ni William Stafford, isang Baptist pastor at evangelist nang mahigit sa 50 taon na rin, sa kanyang aklat na Spirit-Filled Giving. Ito ang kanyang sinabi: “Narito ang susi na nagpapalaya ng ani sa ating mga buhay. Nagiging bahagi tayo ng plano na ekonomiya ng Dios, ngunit kailangan muna nating simulan ang proseso sa pamamagitan ng pagbibigay. Higit pa rito, tayo ay nagbibigay dahil may layunin, hindi lang para matupad natin ang ating mga obligasyon sa Dios. Ang pag-iikapu ay isang utang na dapat nating bayaran, ngunit ang pagbibigay ay isang binhi na inihahasik.”4 Magkakaroon lamang ng ani kung naghahasik tayo. Gagana lamang ang ekonomiya ng Dios kung sisimulan ng pagbibigay natin.
But this is the good news: hindi talaga tayo nawawalan kapag nagbibigay. Tulad ng sinabi ni Pastor Felizardo Abanto, ito ay investment. “Cast thy bread upon the waters: for thou shalt find it after many days” (Ecclesiastes 11:1). Hindi lang fair ang Dios; more than fair pa ang Dios. Hindi Niya lang ibabalik ang binigay mo; higit pa rito. Hindi ko ipinapanalangin na maunawaan niyo ito; alam kong nauunawaan niyo ito. Ang panalangin ko ay paniwalaan niyo ito.
Pinagpala ka ng Dios kung ikaw ay malayang nagbibigay sa Panginoon, at sa Kanyang gawain. Expect that it will be given back to you. At huwag mong isipin na kapag nag-e-expect ka ng blessing mula sa binigay mo ay makasalanan iyon. No. Ganoon talaga ang sistema ng Dios. Tandaan natin ang sinabi ng Dios, “For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD” (Isaiah 55:8).
I want to end this article with a story. Mula sa Mark 12:41-44:
Umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman. Nakita niya kung papaano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Maraming mayayaman ang naghulog ng maraming salapi sa kaban ng yaman. Lumapit ang isang dukhang babaeng balo at naghulog ng dalawang sentimos na maliit lang ang halaga. Tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang dukhang babaeng balong ito ang naghulog ng higit na malaking halaga kaysa sa kanilang lahat na naghulog ng salapi sa kaban ng yaman. Ito ay sapagkat silang lahat ay naghulog ng mga labis nila. Ngunit siya, sa kabila ng kaniyang karukhaan, ay inihulog ang lahat ng kaniyang kabuhayan.
Ano kaya ang nangyari sa babaeng balo? You judge. bdj
1 Stanley, Life Principles Notes. In Touch.org.
2 Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, p. 155.
3 Sala, Today Can Be the Best Day of Your Life, August 4.
4 Stafford, Spirit-Filled Giving, pp. 98-99.
Sunday, October 10, 2010
The Thriving Family
Mag-isip ka ng isang pamilya. Magigising ang mga anak, hindi dahil sa tawag ng kanilang ina, o amoy ng masarap na almusal, ngunit dahil sa ingay ng pag-aaway ng kanilang tatay at nanay. Magmamadaling umalis ang tatay; ipapasa naman nung nanay ang kanyang galit sa kanyang mga anak, sa pamamagitan ng bulyaw at masamang tingin. Dahil doon, isa sa mga anak ang sasagot nang pabalang sa kanyang ina.Yung isa pang anak, na mas matanda sa kanya, ay papagalitan siya dahil sa kanyang ugali at manghahamon ng away. Aalis ang mga anak sa eskwela nang mapait at galit.
Walang may gusto ng ganoong pamilya. Ngunit madalas ay makikita natin ang ganitong uri ng eksena sa halos bawat pamilya—baka nga maging sa pamilya mo.
“Ano’ng gagawin namin ngayon?” itatanong mo. Huwag kang mag-alala; may pag-asa. Nagbibigay ang Biblia nang malinaw na mga instruksyon para magkaroon ng isang maka-Dios, lumalago, at nagtatagumpay na pamilya. Apat ito. Anu-ano ang mga ito?
James 1:19—Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:
Proverbs 4:1—”Hear, ye children, the instruction of a father, and attend to know understanding.”
Ang salitang “listen,” noong tingnan ko sa Merriam-Webster Dictionary, ay may apat na ibig-sabihin kung gagamitin ito bilang isang action word. Lahat ay laging may karugtong na pagdinig, tulad ng iyong iniisip marahil. Ang isa ay isang makaluma o archaic na ibig-sabihin: “to give ear to,” paglalaan ng iyong tainga sa isang salita—parang yung ginagawa mo kapag may bumubulong sa iyo. Nagagawa mo na ba ito minsan sa iyong tahanan? Kung ikaw yung ama o ina, nagawa mo na ba ito sa iyong asawa o anak? O kung ikaw ay anak, sa iyong mga magulang? Ang nakakalungkot, ang pakikinig ay isa sa mga malaking “kapanasanan” ng maraming indibidwal kasama mga Kristiano.
Mas madaling tayong magsalita kaysa makinig. Ayon nga sa mga statistics, sa isang grupo na nag-uusap, kailangan lang magsalita ng isang tao ng labindalawang salita para automatic na magsalita ang isa pa. Kahit nagsasalita pa yung isa, awtomatiko, pagkaabot niya ng labindalawang salita, magsasalita na yung iba.
Marami sanang hindi na kinakailangang problema ng pamilya na naresolba kung ang pakikinig lamang ay kasama sa ating pag-uugali.
Ang salitang “hear,” kasama ang lahat ng anyo ng salitang ito, ay nababanggit sa Biblia ng higit sa 810 na beses. Kung paulit-ulit na binabanggit, ibig-sabihin mahalagang-mahalagang ito. Dapat tayong makinig kung magtatagumpay ang isang pamilya.
Heto ang ilang mungkahi na pwede mong gawin kung gusto mong malinang ang pagiging palamakinigin:
· I-break mo ang statistics! Huwag kang sasabay na magsalita sa nagsasalita. Hintayin mo siyang matapos.
· Huwag ka agad mag-react.
· Hayaan mong may makipag-usap sa’yo ngayong lingo at huwag kang magsalita hangga’t hindi niya hinihiling sa iyong magsalita ka.
Ephesians 5:19—Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your heart to the Lord;
Philippians 1:27—Only let your conversation be as it becometh the gospel of Christ: that whether I come and see you, or else be absent, I may hear of your affairs, that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel;
Nasa panahon na tayo kung saan ang “pakikipag-usap nang ispiritwal” ay pinagtatawanan o nililibak. Subukan mong magsabi ng “The Lord be with you” bilang pagbati kung hindi asarin. Pero mukhang hinulaan na ito ng
Hosea 9:7, dumarating na raw ang panahon na ang propeta ay tinatawag nang baliw, ang ispiritwal na tao ay ulol.Ngunit may isang bagay tungkol sa pagsasalita nang ispiritwal na nagpapakalma sa isang tao. May epekto pa nga na parang binabantayan nila ang kanilang aksyon o sinasabi.
Isang magandang halimbawa ng ganitong klase ng pag-uusap ay makikita kina Boaz, kanyang mga manggagawa, Ruth, at Noami. (hal., Ruth 2:4)
Maaari na nating simulan na makipag-usap nang ispiritwal, sundin mo lang ang mga mungkahing ito:
· Panatilihin mo ang salitang “Dios” sa iyong pakikipag-usap nang hindi bababa sa 7 beses isang araw.
· Subukan mong huwag matawa o mang-asar sa taong nagsalita ng ispiritwal. Tanggapin mo ito nang normal at may paggalang.
Let’s submit to one another.
Ephesians 5:21—Submitting yourselves one to another in the fear of God.
1 Peter 5:5—Likewise, ye younger, submit yourselves unto the elder. Yea, all of you be subject one to another, and be clothed with humility: for God resisteth the proud, and giveth grace to the humble.
Isipin mo na lang ang isang anak na lalaki o babae na nagpapasakop na lamang sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga maglang. Wala ditong kaso kung anong klaseng magulang, kahit stepfather o stepmother iyan, masama o mabuting magulang—mas maganda kung nagpapasakop na lamang ang anak.
Isipin mo na lamang ang isang asawang babae na handing magpasakop sa kanyang asawa.
At isipin mo rin ang isang lalaki na binibigyang-konsiderasyon ang mga mungkahi ng kanyang asawa at anak at nagpapasakop rito kung ito naman ay tama.
Ang laki ng kaibahan, tama?
Maraming mga maliliit na bagay ang nagiging “iceberg” dahil sa kakulangan sa pagpapasakop. Ngunit marami din namang mga “icebergs” ang nawawala kapag may submission.
Paano mo lilinangin ang ganitong klase ng attitude? Try these two steps:
· Ikaw na ang magtanong, “Mayroon po kayong ipapagawa?” “May kailangan ka ba?” “Ano sa tingin mo?” Mas madali na magpasakop kapag ikaw na ang nauunang mag-alok.
· Planuhing sabihing “Oo,” kapag may nag-utos sa’yo, o nagbigay ng suwestiyon—basta alam mo namang tama at hindi naman nakakasama.
Philippians 2:3—Let nothing be done through strife or vainglory; but in lowliness of mind let each esteem other better than themselves.
1 Timothy 2:8—I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.
James 5:16—Confess your faults one to another, and pray one for another, that ye may be healed. The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.
Patawarin niyo ako sa pagiging negatibo ko, ngunit, sa totoo lang, sa bawat panahon na ako ay napapadaan sa mga tahanan, kahit na sa mga Kristiano, bihira akong makarinig mula sa magulang ng mga positibong bagay tungkol sa kanilang mga anak. (Aminin!) Sa bawat mabuting ginawa, mayroon naman tayong itutumbas na sandaang masamang bagay tungkol sa tao. Sa mga anak, tuwing Mother’s Day o Father’s Day lang yata nakakapagsalita nang positibo! (Siguro pag may Children’s Day na rin ay magkaroon ng positibong masasabi ang mga magulang sa anak!) Madalas din sa pagitan ng mag-asawa ang ganitong klase ng eksena—pintasan, simangutan.
Ngunit alam mo, at alam ko, na mas nakakatulong ang mga positibong salita kaysa negatibo. Kahit kailan ay ganun na iyon. Mas mahirap tanggapin ang negatibo. Hindi naman dapat mawala ang negatibo, lalo na kung totoo at karapat-dapat namang banggitin; ngunit lalong hindi dapat kung walang positibo.
Ang resulta tuloy ay mga mabababa, imbes na naitataas, na ispiritu. Galit, at hindi kabaitan ang karaniwang resulta ng puro na lang pintas. Bakit hindi purihin ang mga nagawang tama ng isa’t isa? Kung may mali, ipanalangin natin nang taimtim sa Dios; kung kailangang kastiguhin, gawin mo, ngunit hindi dapat nawawala ang pagpansin ng tama.
Ilang mga suwestiyon:
· Purihin agad-agad ang nagawang tama at huwag nang ipagpaliban pa. Mas madali itong gawin nang “on-the-spot” kaysa maghintay ka pa ng “tamang” panahon. Hindi na iyon darating.
· Ipag-pray siya kung may nagawa siyang mali.
Mag-isip ka uli ng isang pamilya. Gigising ang mga anak—dahil mayroon silang morning devotions. Babati ang mga anak, “Magandang umaga po.” Pagkatapos ay mananalangin sila. Nakahanda ang masarap na almusal. Mukhang masaya si Ama. Maaliwalas ang mukha ni Ina. Ang lalaki, bago umalis, ay magtatanim ng halik ng pagmamahal sa kanyang asawasa kanyang asawa, na nagsasabing, “Gabayan ka ng Panginoon sa ating mga anak.” “Pagpalain ka ng Dios,” sasagot ang asawa nang pagkatamis-tamis. Ang mga anak? Nakangiti, halos-mangiyak-ngiyak na sa ligaya, at nagsasabing, “Ba-bye.” At mula doon ay magpapasalamat sila sa Dios para sa araw na iyon at sa mga magulang habang papunta sa school.
Ang lahat ay nagnanais ng ganoong klase ng pamilya. Pero, huwag kang mag-alala; hindi lang ito posible sa fairy tale—pwede rin itong mangyari sa totoong buhay. Sa tulong ng Dios, pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita, at patuloy na pananalangin sa Kanya, ang pamilya mo’y magiging maka-Dios, lalago, at magtatagumpay.
Nagsisimula iyon—sa’yo. bdj