Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Showing posts with label relationship with God. Show all posts
Showing posts with label relationship with God. Show all posts

Monday, December 6, 2010

Sumasamba Ka Ba Talaga?

by Elijah Abanto

Noong ikatlong anibersaryo ng Capitol Bible Baptist Church, ay ipinangaral ng isang panauhing beteranong pastor ang kahalagahan ng pagsamba sa Diyos. Biblikal ang kanyang pagtingin sa kahalagahan nito at kakulangan nito sa karamihan ng mga Baptist na iglesiya.


At ilang lingo lamang pagkatapos nito, ay may isang beteranong misyonero naman ang nagsabi na karamihan sa mga iglesiyang Baptist ay hindi talaga sumasamba sa Diyos dahil hindi pangsamba ang mga inaawit natin sa himnaryo, kundi mga patotoo lamang at pang-ebanghelismo.


Sa parehong pagkakataong ito ay hindi naging malinaw kung ano ba ang tinatawag na pagsamba o worship. At nang ako’y nag-imbestiga, aking nakita na sa kabuuan, ay maraming nagkukulang sa aspetong ito. Maaaring isa ka sa mga iyon.


Si Donald S. Whitney, isang Baptist na awtor ng aklat na Spiritual Disciplines for the Christian Life (NavPress), ay nagbahagi ng kanyang karanasan noong ikasumpung kaarawan niya. Masaya na sana ang kanyang kaarawan, dahil maraming handa, regalo; naroon din lahat ng kanyang pamilya at kaibigan. Ngunit nang sila’y manood na ng baseball, iniwanan siyang lahat ng mga ito at nag-iisa na lamang siya habang nanonood. “Ipinapaala sa akin nito,” sabi niya kaugnay ng kwento, “ang paraan kung paano natin tratuhin ang Diyos sa pagsamba. Bagaman dumadalo tayo sa isang okasyon kung saan Siya ang Panauhing Pandangal, posible na Siya’y bigyan natin ng nakasanayan nang paghahandog, umawit ng kaunting mga alam na nating kanta sa Kanya, at pagkatapos ay lubusan na natin Siyang makalimutan habang tayo’y nakatuon sa ibang tao at nakikisaya sa pagganap ng mga taong nasa harapan natin” (Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life, p. 86, translated). At pagkatapos nito, sabi pa niya, ay tingin natin ay nagawa natin nang tama ang ating obligasyon na Siya’y sambahin. Ngunit hindi pala.


Ayon sa Encarta® World English Dictionary, ang salitang worship ay nagmula sa Matandang Ingles na salitang weortscipe, o worthship, na ang ibig-sabihin ay “condition of worth” o kahalagahan. Ito ay sang-ayon sa mga talatang mababasa natin sa Biblia na nagsasalaysay ng mga eksena ng pagsamba sa Diyos tulad ng mababasa natin sa mga talatang ito: ; 5:12-13:

Thou art worthy, O Lord, to receive glory and honour and power: for thou hast created all things, and for thy pleasure they are and were created. —Revelation 4:11
Saying with a loud voice, Worthy is the Lamb that was slain to receive power, and riches, and wisdom, and strength, and honour, and glory, and blessing.
And every creature which is in heaven, and on the earth, and under the earth, and such as are in the sea, and all that are in them, heard I saying, Blessing, and honour, and glory, and power, be unto him that sitteth upon the throne, and unto the Lamb for ever and ever. —Revelation 5:12-13


Pagbibigay ng karapat-dapat na pagpapahalaga sa Diyos—yan ang isang kahulugan ng pagsamba.

Sa Webster’s Seventh-New Collegiate Dictionary, ang pagsamba ay nangangahulugang “paggalang o pagpitagan sa isang dibinong persona [tulad ng Diyos]” (p. 1031, translated). Ang “paggalang o pagpitagan” ay isang gawaing hindi nagsisimula sa labas paloob, kundi mula sa loob palabas. Bago ka sumagot sa iyong magulang nang pabalang ay nasa puso mo muna ang hindi paggalang. Bago mo matapat at mahigpit na yakapin ang iyong asawa o anak o kaibigan ay mayroon munang pag-ibig na nasa iyong puso. Ganoon din sa Diyos.


At mula sa panloob nating nararamdaman ay hindi natin mapigilan na tumugon at ituon ang atensyon sa Kanya. Pag nakikita mo ang magandang paglubog ng araw, o tinig ng mga ibon, ay maiisip mo ang kadakilaan ng Lumikha at mula sa puso mo ay mapapaluhod ka, o maiiyak, o mapapa-awit, o makakapagbigkas ka ng pasasalamat sa Kanya. Iyon ang pinaka-ibig-sabihin ng pagsamba: “ang pagtutuon ng atensyon at pagtugon sa Diyos” (Whitney, Spiritual Disciplines, p. 87). Basahin mo ang dalawang siping ito mula sa Biblia ng mga halimbawa ng pagsamba:


And Thomas answered and said unto him, My LORD and my God. —John 20:28


And the four beasts had each of them six wings about him; and they were full of eyes within: and they rest not day and night, saying, Holy, holy, holy, LORD God Almighty, which was, and is, and is to come.
Revelation 4:8
Makikita mo rin na sa maraming pagkakataon ang mga pinagaling ni Jesus ay lumuhod at sumamba sa harapan Niya:


And, behold, there came a leper and worshipped him, saying, Lord, if thou wilt, thou canst make me clean.—Matthew 8:2


While he spake these things unto them, behold, there came a certain ruler, and worshipped him, saying, My daughter is even now dead: but come and lay thy hand upon her, and she shall live.—Matthew 8:2


Then came she and worshipped him, saying, Lord, help me.—Matthew 15:25


Mula doon ay masasabi natin na hindi totoo ang sinabi ng misyonero na hindi talaga tayo sumasamba sa Diyos kung hindi pang-worship ang kinakanta natin. Mali din ang aplikasyon ng iba na masasamba mo lamang ang Diyos kung magpe-praise and worship style tayo. Paano ang pipe na hindi man lang makapagsalita? Paano ang mga lumpo at paralisado na hindi makatalon o maitaas ang kamay tulad ng ginagawa ng mga Pentecostal? Ang pagsamba ay higit pa sa pagkanta ng worship song o pagtalon o pagtaas ng kamay na sinasabi nila.


Dadalhin tayo sa pagsamba sa Diyos ng mga pagpapahayag Niyang ito: sa pamamagitan ng (1) sangnilikha o Creation (Roma 1:20); (2) Kanyang isinulat na Salita, ang Biblia (2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:20-21); at ng (3) Buhay na Salita, si Jesu-Kristo (Juan 1:1, 14; Hebreo 1:1-2).


Hindi lamang pag-awit ang ekspresyon ng pagsamba. Maaaring ikaw ay sumasamba sa Diyos kahit sa pagbabasa mo lamang ng Biblia; pakikinig ng pararangal; pananalangin at pakikinig sa pananalangin; maging ang pagsunod sa Kanya at anupamang bagay na ginagawa sa ngalan Niya, ay maaari yung maging pagsamba. Ngunit higit pa rito, ang pagsamba ay yung punung-puno ang iyong isip at puso ng tungkol sa Diyos na hindi mo na maisip na gumawa ng anupamang bagay. Yun ang pagsamba.


Ngunit, tulad ng aking nasabi, marami sa mga iglesiya, at sa palagay ko’y karamihan sa mga iglesiyang Baptist, ay hindi talaga sumasamba sa Diyos—pangunahin na rito ang mga manggagawa. Hindi porke na isa ka sa mga pinaka-abala sa worship service ay ikaw na ang pinakasumasamba sa Diyos. Madalas ay kabaligtaran.


Nakita ko ang katotohanang ito sa aming mga estudyante sa Bible school. Tandaan na kadalasan ng mga nag-aaral sa Bible school ay mga manggagawa na kani-kaniyang iglesiya. Tuwing kami’y magde-devotion sa umaga o chapel hour sa tanghali ay kita mo ang kawalang sinseridad sa ginagawa ang mga estudyante rito—minsan ay kabilang ako. Makikita mo na dinidiktahan ang nagpapakanta o nangungunang mag-aaral, niloloko o pinagtatawanan ang mensahe o patotoo, nagkikwentuhan ang mga estudyante, at walang paki-elam sa kaayusan ang mga ito. Ang nakikita kong pinaka-sinsero sa ginagawa niya tuwing ganitong oras ay yung isang 1st year student na anim na buwan pa lamang sa Baptist church na kanyang kinabibilangan at galing pa sa Pentecostal. Wala, ayaw-na-ayaw mag-special number, kung aawit man, ay hindi talaga pinaghandaan.


Pag-uwi sa iglesiya, may makikita kang palingon-lingon na ina habang nananalangin; mga kabataang nakikipagdaldalan habang preaching o choir number; mga batang kumakain ng sitsirya habang nagpi-preach ang pastor; mga taong akyat-baba dahil “nasi-C.R.” Ang mga workers naman ay abala sa pagpigil ng ingay, pagkuha ng bilang, pagpapa-fill-up ng visitor’s slip, at pagtatanong kung ano na ang susunod sa “worship” programme. Aawit lang kung kailan naisip, magbabasa kapag sinipag, at ipipikit ang mata kapag ginusto lang. Hindi nga nakikipagdaldalan, ngunit hindi naman iniisip ang ipinapangaral ng pastor. Nakapikit nga ang mata, ngunit sa totoo lang ay pagkain sa tanghalian ang umiikot sa utak. Marami din ang natutulog. Umaawit nga, wala naman sa puso ang kinakanta. Nagbibigay nga, ngunit parang gawa lamang ng responsibilidad. Aktibo nga sa iglesiya, ngunit ang buhay ay hindi tama sa harap ng Diyos. Mga kapatid, hindi ito pagsamba. Ito’y pagpapahiya sa Diyos. Ang Panauhing Pandangal ay gusto na lamang sigurong umalis dahil parang wala naman ang tinatawag na pagsamba. Alalahanin, ang pagsamba ay mula sa loob palabas.


Maraming mga Kristiano na para nang mga Fariseo, na sinasabihan ni Jesus, “Pinaparangalan ako ng mga taong ito ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang puso ay malayo sa Akin. Sinasamba nila Ako nang walang kabuluhan” (Mateo 15:8-9). Ang tawag dito ay ka-ipokritohan.


Ang pagsamba sa Diyos ay pagsamba sa Kanya “sa ispiritu at katotohanan” (Juan 4:24). Sa ispiritu, o sa loob, at sa katotohanan, o sa panlabas. Ganoon ang tunay na pagsamba. Hindi na kailangan at hindi na dapat mang-hiram pa ng musikang hindi sang-ayon sa Diyos para masabing sumasamba ka. Hindi kailangan ng pagtalon at pagtaas ng kamay para masabing sumasamba ka. Ang kailangan ay pagtuon ng atensyon at pagtugon sa kung sino Siya.


Sumasamba ba tayo? Alam na natin ang tunay na pagsamba. Totohanin na kaya natin ngayon? bdj


Ang article na ay isang nerebisa na bersyon ng orihinal na isinulat ni Elijah Abanto, “Sumasamba Ba Tayo? Isang Imbestigasyon Tungkol sa Tunay na Pagsamba sa Diyos.” Unang nilathala sa BDJ, Volume 2, Issue 49 (August 9, 2009). 

If you want to avail a free copy of this BDJ Volume 3, Issue 40, just post a comment on this article.

Saturday, October 23, 2010

The Harvest of Giving

Elijah Abanto

Harvest. Sino’ng higit na maligaya kaysa sa magsasaka kapag tag-ani? Natapos na ang yugto ng “hindi naman nakatayo, hindi naman nakayuko,” at kaunting tiis na lang, dala-dala na sa tahanan ang ani at handa nang pakinabangan. Babalikan niya ang lahat ng pagpapagal, hirap, lakas, talino, at kahit na salapi na ginugol niya—at masasabi na at least, ay maaani na niya kahit papaano kung ano ang tinanim niya.

Ang pagbibigay ay tulad ng pagtatanim—sigurado ang pag-ani. Tulad ng pagtatanim na maaaring, isang araw, isang buwan, isang taon, o dalawampung taon pa minsan bago mo matikman ang ani—ang pagbibigay ay nagbibigay ng ani, maaaring ito’y dumating na ngayon, sa isang araw, sa isang buwan, sa isang taon, o pagkatapos pa ng dalawampung taon—ngunit sigurado ang ani. Sigurado. At kapag sinabi mong ani, maganda, at hindi pangit, ang makukuha mo.

“But this I say, He which soweth sparingly shall reap also sparingly: but he which soweth bountifully shall reap also bountifully” (1 Corinthians 9:6). Matagal ko na itong memorized, at malamang kahit na ikaw ay kabisado mo na rin siguro ito. Ngunit nakukuha kaya natin ang ibig-sabihin nito? Kung kaunti ang ating hinasik, kaunti ang ating naaani; kung marami, tiyak na marami rin ang ating aanihin. Isang prinsipyo tungkol sa pagbibigay: Depende sa ibinigay natin ang ibibigay sa atin. “Give, and it shall be given unto you,” (Luke 6:38) sabi nga ni Jesus. Iniisip ko kung bakit pwede namang “Give, and ye shall ye receive” tulad ng paghingi (Matthew 21:22; John 16:24); bakit pinahaba pa ni Jesus? Sa isang hindi nagbubulay, ang pagtanggap (“receive”) ay tulad lang ng pagbabalik sa iyo (“given unto you”); ngunit kung iisiping mabuti, ang dalawang ito ay may pagkakaiba. Ang una ay hindi mo alam kung ano o gaano kalaki ang makukuha mo; ang pangalawa ay tiyak kung ano at gaano kalaki (“it shall be”). Dinagdag pa ni Jesus: “good measure, pressed down, and shaken together, shall men give into your bosom”—higit pa madalas, sabi Niya.

When will we get this? Sa tingin ko ay naintindihan na natin, ngunit hindi lang natin pinaniniwalaan pa nang buo; may reserbasyon pa tayo. Ngunit kahit si Charles F. Stanley, isang Baptist pastor nang mahigit sa limampung taon na at founder ng In Touch Ministries ay sinabi na, bilang isa sa mga “Life Principles” ng Biblia, “You reap what you sow, more than you sow, later than you sow.”1

Nang gumawa ng article si Charles R. Swindoll, isang Baptist pastor sa loob ng halos 40 taon at founder ng Insight for Living, base sa Luke 6:37-38, ay ikinwento niya ang tungkol sa isang lolo na nakatira sa bundok kasama ang kanyang apo. Kapag sumigaw siya doon, ay aalingawngaw ang kanyang boses. Minsan nung sumigaw siya ng “I love you,” ay umalingawngaw din ng “I love you… I love you… love you…” Nung sumigaw siya ng “I hate you!” Binalikan din siya ng alingawngaw na “I hate you! … I hate you… hate you…” Ang ginagawa ay bumabalik sa ating parang alingawngaw.2 Paano kaya kapag “sumigaw” tayo ng pagbibigay? “Aalingawngaw” din sa’yo ang binigay mo; madalas mas marami pa kaysa sa binigay mo.

Sa devotional article pa ni Harold J. Sala, kilala sa Pilipinas bilang founder ng Guidelines International Ministries simula pa noong 1963, ay sinabi na kabilang sa tatlong dahilan kung bakit dapat tayong magbigay ay dahil iyon ang paraan ng Dios para tayo’y pagpalain.3 Lagi naman nating naririnig ito mula kay Pastor Abanto at marami pang biblikal na pastor at misyonero. Sinabi pa ni Sala, base sa Biblia, na makakapagpala lang ang Dios kung tayo’y nagbibigay.

Sinabi na rin ng Dios sa atin sa pinakakilalang talata na Malachi 3:10, “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in mine house, and prove me now herewith, saith the LORD of hosts, if I will not open you the windows of heaven, and pour you out a blessing, that there shall not be room enough to receive it.” Sa mga hindi ito ginagawa, hindi siguro dahil hindi nila alam ang sinasabi ng Dios, ngunit dahil ayaw nilang maniwala dito. Ngunit napatunayan ko na totoo ang Salita ng Dios. Marami akong nakitang halimbawa kung saan ang nagbibigay pa sa Gawain ang siyang inuutangan ng mga ibang hindi naman nagbibigay.

Saktong-sakto ang mga salitang binitawan ni William Stafford, isang Baptist pastor at evangelist nang mahigit sa 50 taon na rin, sa kanyang aklat na Spirit-Filled Giving. Ito ang kanyang sinabi: “Narito ang susi na nagpapalaya ng ani sa ating mga buhay. Nagiging bahagi tayo ng plano na ekonomiya ng Dios, ngunit kailangan muna nating simulan ang proseso sa pamamagitan ng pagbibigay. Higit pa rito, tayo ay nagbibigay dahil may layunin, hindi lang para matupad natin ang ating mga obligasyon sa Dios. Ang pag-iikapu ay isang utang na dapat nating bayaran, ngunit ang pagbibigay ay isang binhi na inihahasik.”4 Magkakaroon lamang ng ani kung naghahasik tayo. Gagana lamang ang ekonomiya ng Dios kung sisimulan ng pagbibigay natin.

But this is the good news: hindi talaga tayo nawawalan kapag nagbibigay. Tulad ng sinabi ni Pastor Felizardo Abanto, ito ay investment. “Cast thy bread upon the waters: for thou shalt find it after many days” (Ecclesiastes 11:1). Hindi lang fair ang Dios; more than fair pa ang Dios. Hindi Niya lang ibabalik ang binigay mo; higit pa rito. Hindi ko ipinapanalangin na maunawaan niyo ito; alam kong nauunawaan niyo ito. Ang panalangin ko ay paniwalaan niyo ito.

Pinagpala ka ng Dios kung ikaw ay malayang nagbibigay sa Panginoon, at sa Kanyang gawain. Expect that it will be given back to you. At huwag mong isipin na kapag nag-e-expect ka ng blessing mula sa binigay mo ay makasalanan iyon. No. Ganoon talaga ang sistema ng Dios. Tandaan natin ang sinabi ng Dios, “For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD” (Isaiah 55:8).

I want to end this article with a story. Mula sa Mark 12:41-44:

Umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman. Nakita niya kung papaano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Maraming mayayaman ang naghulog ng maraming salapi sa kaban ng yaman. Lumapit ang isang dukhang babaeng balo at naghulog ng dalawang sentimos na maliit lang ang halaga.  Tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang dukhang babaeng balong ito ang naghulog ng higit na malaking halaga kaysa sa kanilang lahat na naghulog ng salapi sa kaban ng yaman. Ito ay sapagkat silang lahat ay naghulog ng mga labis nila. Ngunit siya, sa kabila ng kaniyang karukhaan, ay inihulog ang lahat ng kaniyang kabuhayan.

Ano kaya ang nangyari sa babaeng balo? You judge. bdj

1 Stanley, Life Principles Notes. In Touch.org.

2 Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, p. 155.

3 Sala, Today Can Be the Best Day of Your Life, August 4.

4 Stafford, Spirit-Filled Giving, pp. 98-99.

Monday, September 20, 2010

Growing Old

by Charles R. Swindollist2_2897117_scribbles_grandparents

Ang pagtanda, tulad ng buwis, ay isang katotohanan na dapat nating harapin. Ngayon, huwag na huwag ninyo akong tatanungin kung kailan tumitigil ang paglaki at kalian nagsisimula ang pagtanda—hindi ko masasagot iyan! Ngunit mayroong ilang mga senyales na mababasa natin sa paglalakbay ng ating buhay na nagsasabi na tayo’y pumapasok na sa paglipat na ito.

Sa pisikal na aspeto, ang tumatandang katawan ay lagi nang “pumipreno.” Mabilis ka nang hingalin, kumpara nung dati na halos hindi ka na tumigil sa pagtakbo. Mas gusto mo na ngayong umupo kaysa tumayo … na manood na lamang kaysa gumawa … na kalimutan ang iyong kaarawan imbes na alalahanin ito! Sa mental na aspeto, ang tumatandang utak ay naghahanap na ng pahinga. Hindi ka na makaalala nang kagaya ng dati, at hindi ka na tumutugon na tulad ng dati. Nagsisimula ka nang magbulay-bulay tungkol sa nakaraan at kinabukasan imbes na tungkol sa ngayon. Sa emosyonal na aspeto, dumadaan ka na sa mga kakaibang takot at damdamin na dati’y sinumpa mo pang “hindi mangyayari sa akin,” tulad ng:

· Pagiging negatibo, kritikal, at talaga namang iritable sa ilang pagkakataon.

· Pagdadalawang-isip na hayaan sila na mas bata na magpasan ng mas maraming responsibilidad.

· Pakiramdam na hindi ka gusto at “nasa daan” nila.

· Pagdalas ng pag-iisip ng “paano na kung…?”

· Pagkaramdam ng guilt sa mga nakalipas na pagkakamali at mga maling desisyon.

· Pakiramdam na ikaw ay nakalimutan na, hindi mahal, nag-iisa, at dinadaan lang.

· Madaling mabagabag ng mga tunog, bilis, kalabuan ng bukas patungkol sa pinansyal na aspeto, at sakit.

· Pag-iwas sa pangangailangan na mag-adjust at makibagay.

Ang lahat na ito—at mayroon pang mas marami—ay pinapalala pa ng alaala nung mga araw na iyon kung saan ay sapat-na-sapat ka pa, may kakayahan, kailangan, at buo. Habang tumitingin ka na ngayon sa salamin, napipilitan kang umamin na ang mga daliri ng pagtanda ay nagsimula nang magkintal ng mga marka sa bahay mo ng putik … at mahirap nang maniwala na ang mga natitira mong taon ay mayroon pang halaga.

Ngunit hindi ito tama! Maling-mali ito! O gaano maaaring maging kapani-panira ang ganyang klase ng pag-iisip! O kay bilis na madadala ka ng ganyang pag-iisip sa kulungan ng pagkaawa sa sarili, napapalibutan pa ng apat na malalamig na pader ng pag-aalinlangan, depresyon, kawalang-kabuluhan, at kalungkutan.

Ang mga patriyarka ng Dios ay palagi nang kasama sa mga pili Niyang pag-aari. Higit na naging epektibo si Abraham nung siya’y tumanda na at naging mas malumanay. Hindi nakaranas ng higit na sukat ng tagumpay hanggang sa mag-otsyenta na siya. Otsyenta-singko anyos na si Caleb nang simulan niyang ma-enjoy ang mga pinakamagagandang layon ng Dios. Matandang-matanda na si Samuel nang pangunahan siya ng Dios ng Israel na itayo ang “school of the prophets,” isang institusyon na nagkaroon ng matagal na impluwensya para sa ispiritwalidad at pagkamaka-Dios sa ilang dantaon pang darating. At sino ang makakatanggi sa paraang ginamit ng Dios si Pablo noong kanyang mga huling araw, nagsusulat ng mga titik ng pagpapalakas ng loob sa sulatin na pinapahalagahan natin ngayon!

Walang sinuman ang nabibigong makita na ang pagtanda ay may sariling kahirapan at sakit sa puso. At totoo ito. Ngunit ang makita lamang ang mga mainit na buhangin ng iyong karanasan sa disyerto at makaligtaan ang mga kaibig-ibig na oasis dito at doon (kaunti man ang mga ito) ay parang pagbabago ng huling bahagi ng iyong paglalakbay sa buhay sa isang tuyo at mapait na pagtitiis kung saan ang sinuman ay nagiging miserable.

Huwag mong kalimutan—desisyon ng Dios na ikaw ay mabuhay nang ganito katagal. Ang matanda mong edad ay hindi isang pagkakamali … o pagkalimot … o anumang huli na naisip. Hindi ba oras na upang palamigin ang iyong dila at palambutin ang iyong ngiti na isang nakakapanariwang inumin mula sa tubig ng oasis ng Dios? Kay-tagal mo nang nauuhaw para rito.

Palalimin ang Iyong Mga Ugat

Proverbs 16:31; Psalm 92:14; Isaiah 46:4; Titus 2:2-3

Pagsasanga

1. Gumugol ng oras kasama ang isang matanda at alamin ang ilan sa kanyang mga pinakamagagandang alaala, at sa mga paraang ginamit siya ng Dios, o sa mga pinapangarap niyang magamit sana siya ng Dios.

2. Magsimulang manalangin para sa hinaharap, na ikaw ay magiging isang matapat at kagamit-gamit na sisidlan.

3. Itanong ito sa tatlong matatanda na tinuturing mong maka-Dios: Ano ang palagi mong ginagawa (gayundin ang paminsan-minsan) upang makalinang ka ng isang mas malapit na relasyon sa Dios? Pakinggan mo ang kanilang mga salita. bdj

Isinalin mula sa Ingles na artikulo ni Charles R. Swindoll, “Growing Old,” sa aklat niyang Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 348-49, inilathala ng Multnomah Press.

Saturday, July 31, 2010

The Bible: Does It Really Change You?

by Elijah Abanto

May dalawang klase ng mga bigong Kristiano.


Akin itong natutunan sa mga kapwa ko Kristiano sa iglesia at maging sa aking sariling buhay. Una ay ang Kristianong alam niya na may pagkukulang siya sa Panginoon ngunit tingin niya ay hindi niya ito kayang pagtagumpayan. Pangalawa ay ang Kristiano na hindi alam na may pagkukulang siya sa Panginoon at tingin Niya ay kaya Niyang pagtagumpayan ang lahat ng “pagsubok,” ika nga. Ngunit iisa lamang ang dahilan kung bakit sila mga bigo—at may kaugnayan ito sa Biblia, ang Salita ng Dios. Mayroong at least tatlong ibinibigay na utos ang Dios sa atin patungkol sa Kanyang Salita: basahin ito, pagbulay-bulayan, at tuparin ito sa ating buhay.

Read. Sanay ako’ng magtanong sa aking mga estudyante sa Sunday School o kahit na lang sa mga ka-eskwela ko sa Bible school kung nakapag-devotion na sila nung umaga. Iniisip ko na ang lesson ng “Daily Walk” ay naturo na sa kanila, at siyempre sa mga Bible student, Bible student sila eh! But then, 90% of the time—ito ang kanilang sagot: Hindi. Ang pagbabasa ng Biblia ang isa sa mga pinakasimple (kung hindi pinakamadali) na utos ng Dios sa atin. Sabi sa 1 Timothy 4:13, “Till I come, give attendance to reading, to exhortation, to doctrine” (emphasis mine). Sa unang bahagi ng Revelation 1:3, “Blessed is he that readeth … the words of this prophecy.” At kung hindi pa sapat ito sinasabi rin sa Isaiah 34:16a, “Seek ye out the book of the Lord, and read.” Oo, pinakasimple, pinakamadali, ngunit, isa rin sa mga pinakamadaling suwayin ng isang tipikal na Kristiano. Mas madali pang sundin ang utos na “magtrabaho” (2 Thessalonians 3:10) - na sa tingin ko nga’y baka hindi naman talaga nakita ng karamihan ng mga Kristiano ang talatang ito sa Biblia, ngunit sinusunod, ginagawa—kaysa ang umupo sa isang tabi at, magbasa. Napatunayan ko pa ngang kayang ipagpalit ng isang Kristiano ang kanyang pagbabasa ng Biblia sa pagpasok sa trabaho, ngunit hindi kayang ipagpalit ang pagpasok sa trabaho (o sabihin natin, pagpasok sa school) sa pagbabasa ng Biblia. Siyempre, hindi ka makakahanap ng Kristianong magpapa-late sa trabaho o school dahil kailangan niya pang magbasa ng Biblia! Tatanungin sila kung bakit ganun, “Mahalaga kasi ito eh, kailangan.” Iniisip ko kung ang pagbabasa ng Biblia ay hindi. Hindi nakapagtataka kung parating bigo at hindi lumalago ang isang Kristiano, dahil kahit na pagdampot ng Aklat na ito at pagbabasa nito ay hindi pa magawa.

Ngunit kung tayo’y magtatagumpay, dapat tayong magbasa ng Biblia. Ang salitang “read,” “reading,” at “readeth” ay mababasa mo ng 80 beses sa 76 na talata sa Biblia, at bukod sa mga kaunting talata na tumutukoy sa pagbabasa ng isang sulat, lahat na ng ibang talata ay tumutukoy sa pagbabasa ng Kasulatan. Mababasa mo sa Lumang Tipan na nagbabasa sila ng Biblia dahil nais nilang magtagumpay sa kung anumang trabaho o pagsubok na nakaharap sa kanila. Ang hari ay inutusan na magbasa ng Biblia (Deuteronomy 17:19). Nung sina Joshua ay nagtayo ng altar sa Panginoon, nagbasa sila (Joshua 8:34-35). Nung nais ni king Josiah na manumbalik ang mga Israelita sa Panginoon, maging si Nehemiah, sila’y nagbasa muna ng Kasulatan! (2 Kings 22:8, 10, 16, 23:2; Nehemiah 8:3, 8, 18, 9:3, 13:1). Bago muna magtagumpay ang kanilang gawain, nagbabasa muna sila ng Biblia. Dito nakita nila ang kanilang mga pagkukulang, at sa tulong din nito kaya naitatama na nila ang kanilang buhay sa Panginoon.

Sa Bagong Tipan naman, madalas mong mababasa ang “read” sa kaisa-isang tanong ni Jesus, tungkol sa Salita ng Dios: “Have ye never read…?” (Matthew 12:3, 5; 19:4; 21:16, 42; 22:31; Mark 2:25; 12:10, 26; Luke 6:3) “Hindi niyo ba nabasa?” Nakakahiya ang tanong na ito kung ito’y sasabihin pa sa isang Kristiano. “Hindi niyo ba nabasa?”

Meditate. Hindi natatapos sa pagbabasa lamang ang buhay-Kristiano. Madalas kung magbabasa man tayo ay para lamang tayong mga bagyo na dumadaan sa isang lugar at mawawala na rin bigla. Nakakapagbasa tayo ng Tagalog o English, pero hindi ko alam kung nauunawaan natin lahat ng binasa natin. Kung, ikaw, Kristiano, ay nagbabasa ng Kasulatan, araw-araw, tama iyan. Ituloy mo lang iyan. Ngunit kung ikaw ay nagbabasa lamang at hindi nagme-meditate, ibig-sabihin, ay nagbubulay-bulay sa iyong nabasa, malaki ang nami-miss mo. Ngunit sabi sa Joshua 1:8, “… thou shalt meditate therein day and night...” Sabi rin sa 1 Timothy 4:15, “Meditate upon these things; give thyself wholly to them; that thy profiting may appear to all.”

Nung hinanap ko ang mga talata tungkol sa pagbabasa, natutuwa ako sa ilang natagpuan ko. Kadalasan kong nababasa na kasama ng pagbabasa ang pang-unawa (“understand”) rito o paliwanag (Nehemiah 8:8; Daniel 5:7; Ephesians 3:4; Habakkuk 2:2; Matthew 24:15; Mark 13:14). Ang ating nababasa ay walang kabuluhan kung hindi ito naiintindihan. Kaya kailangan ng meditation.

Si David, na tinatawag na “a man after God’s own heart” (Acts 13:22) ang sumulat ng halos-lahat ng Book of Psalms, at makikita natin sa aklat na ito ang pinakamaraming pagbabanggit ng salitang “meditate” (9 sa 14 na beses na binanggit ito sa Kasulatan). Basahin mo ang mga sumusunod: Psalm 1:2; 63:6; 77:12; 119:15, 23, 48, 78, 148; at 143:5. Ang tunay na lalaki sa puso ng Dios ay ang tao na pinag-iisipan kung ano ang gustong sabihin ng Dios patungkol sa kanyang nabasa.

Kaya tayo nagsasawa sa pagbabasa ng Biblia ay dahil hindi natin ito talaga maunawaan. Pakiramdam kasi natin para tayong nakikipag-usap sa isang taong iba ang linggwahe. Oo, naiintindihan natin yung English, yung Tagalog, pero yung pinakamensahe, parang hindi. At talagang manghihinawa ka talaga kung ganon. Ngunit ang dahilan lamang kung bakit ay kawalan ng meditation. Para tayong tulad ng mga nasa talatang ito, galing sa Isaiah 29:11-12:



And the vision of all is become unto you as the words of a book that is sealed, which men deliver to one that is learned, saying, Read this, I pray thee: and he saith, I cannot; for it is sealed: And the book is delivered to him that is not learned, saying, Read this, I pray thee: and he saith, I am not learned.



Sa mga matatalino ibinigay para basahin, ang sagot ay, “May selyo yan eh.” Sa mga hindi nag-aral ibinigay para basahin, ang sagot ay, “Wala akong pinag-aralan.” Sa ibang mga salita, “Hindi ko babasahin yan kasi hindi maintindihan!” Hindi nila alam na sa gabay ng Banal na Ispiritu sa pamamagitan ng meditation, ay “maaalis na ang selyo” ng Kasulatan at mauunawaan ito kahit ng isang walang pinag-aralan.

Maraming Kristiano ang naghahanap sa Biblia ng isang partikular na talata tungkol sa isang bagay at natatapos na bigo kahit na “tutuklawin” na sila nung talatang hinahanap nila. Ang dahilan? Binasa lamang, hindi pinagbulayan. Parang pagkain na isinubo at nilunok na lang bigla, imbes na nguyain—kaya yung sarap nung pagkain ay parang hindi nalasahan. Kung nagme-meditate man tayo ay hindi ang kasulatan kundi mga problema sa buhay. Sabi nga sa Isaiah 33:18, “Thine heart shall meditate terror”! Magbubulay-bulay pa rin naman tayo kahit hindi Bible, pero kung hindi ang Biblia, ano?

Dito papasok ang prayer. Madalas na panalangin ang kinatatapusan ng pagbubulay-bulay. Kapag naisip mo na ang nais ipaunawa ng Panginoon sa’yo, kadalasan mong magiging reaksyon ay ang kausapin Siya, humingi ng tawad kung may pagkukulang, humingi ng lakas para masunod ang anumang utos doon, o magpasalamat sa Kanya sa katotohanang ipinakita Niya sa iyo. Ang meditation ay tulay sa pagitan ng pakikipag-usap sa atin ng Dios (pagbabasa ng Bible) at pakikipag-usap natin sa Dios (pananalangin).

Change. Kapansin-pansin rin sa mga talatang nakita ko tungkol sa pagbabasa ay ang aksyong kasunod nito. Ang pinakaunang talatang may salitang “read” ay ang Exodus 24:7, kung saan binasa ni Moises ang batas ng Panginoon sa mga tao. At alam niyo ba ang tinugon ng mga Israelita? “All that the LORD hath said we will do, and be obedient.” That should be enough. Ipinapakita lamang nito na hindi nagsasalita ang Dios nang wala lang; hindi, nais Niyang gawin at sundin natin ang utos o prinsipyo na nakapaloob sa talatang binasa o pinagbulay-bulayan natin. Ang hari ay dapat na magbasa ng Biblia “that he may learn to fear the LORD his God, to keep all the words of this law and these statutes, and do them” (Deut. 17:19). Nang basahin kay haring Josiah ang aklat ng Panginoon, nakita niya ang pagsuway ng kanyang bansa, “And it came to pass, when the king had heard the words of the law, that he rent his clothes” (2 Chr. 34:19). Karugtong pa nito ay ang personal na pagbabasa sa publiko ng hari at paggawa ng kasunduan sa Panginoon na susundin Siya nang buong puso, buong kaluluwa. (2 Chr. 34:29-32). Pagkatapos noon ay inalis niyang lahat ang mga diyos-diyosan sa kanyang kaharian, “And all his days they departed not from following the LORD, the God of their fathers” (v. 33).

Habang binabasa ko ang mga talatang ito, hindi ko maiwasang umiyak. Nakita ko ang aking kasalanan, at mula rito ay humingi ako ng tawad sa Panginoon sa aking pagbabaya ng pagbabasa ng Kanyang Salita, pagbubulay-bulay rito at pagsunod sa anumang ipinag-uutos nito. Humingi ako ng tulong sa Kanya para magawa ko na ang mga ito nang tuluy-tuloy.

Hindi ko alam kung naaapektuhan ka na rin ng iyong binabasa. Nararamdaman mo ba ang Panginoon na nakikipag-usap sa iyo? Nakikita mo na ba kung mayroon kang pagkukulang sa Kanya sa bagay na ito? Kumikilos na rin ba ang Dios sa iyo sa mga oras na ito?

Kung ganon, nakita mo na kung ano ang nagiging epekto kapag nagbabasa ka at nagbubulay-bulay. Yan ang mararamdaman mo kapag nagbabasa ka at nagbubulay-bulay ka ng Salita ng Dios. Nais mong magbago, kumilos, gumawa—ayaw mo nang magpatumpik-tumpik pa; ayaw mo nang manatili sa gitna ng kawalang-kahulugan na buhay na kinatatayuan mo ngayon. Ayaw mo nang maging bigo. Gusto mo nang magbago, kumilos, gumawa—gusto mo nang magkaroon ng silbi, ng kahulugan, ang buhay mo! Gusto mo nang lumapit sa Kanya, humingi ng lakas, tulong, kapangyarihan, pagpupuspos, upang magawa mo na ang Kanyang sinasabi. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Ikaw din ba?

Read. Meditate. Change. Sa totoo lang, ito ang sikreto sa matagumpay na buhay-Kristiano. Kapag ikaw ay nagbasa, nagbulay-bulay, at nagbago, asahan mo—hindi na magiging katulad ng dati ang buhay mo. Magkakaroon ng sigla, tibay at kakaibang ganda ang buhay na dating patay, mahina at puno ng kasiraan. bdj

Wednesday, May 5, 2010

Who's Blazing Your Trail? by Steve Farrar

Psalm 16:8-11 8I have set the LORD always before me: because he is at my right hand, I shall not be moved. 9Therefore my heart is glad, and my glory rejoiceth: my flesh also shall rest in hope. 10For thou wilt not leave my soul in hell; neither wilt thou suffer thine Holy One to see corruption. 11Thou wilt shew me the path of life: in thy presence is fulness of joy; at thy right hand there are pleasures for evermore.
Psalm 119:105
Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.
Luke 9:23 And he said to them all, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross daily, and follow me.



Sa kasaysayan, mayroong mga kilalang landas. Ang Appalachian Trail, ang Oregon Trail, ang Natchez Trail, at ang Chisholm Trail ay ilan lamang sa mga mga kilalang landas noong unang mga araw ng Amerika. Ang mga ito ang unang interstate system ng bansa.
Ngunit anumang landasin ang iyong naiisip, ipinapakita na naman ng kasaysayan nang paulit-ulit kung gaano karunong na manatili sa tamang landas. Kung ikaw ay papunta sa Oregon, talaga namang dapat na dumaan ka sa Oregon Trail, imbes na subukan ang daang gustuhin natin. Hindi na kailangan ng malalim na pag-iisip para malaman kung bakit.
Kailangan munang gumawa ng pagkarami-raming paglalakbay sa mga dead-end na landas bago nabuo ang tamang landasin. Ngunit sila na nauna ay nakatagpo din ng isang landas na mayroon lahat ng kinakailangan. At maaari mong masabi na ang mga nauna sa ating dumaan roon ay minarkahan ang daanang iyon para sa susunod sa kanilang dadaan din doon.
Ang landas, kung gayon, ay ang daan ng karunungan. Kapag dumikit ka rito, maaari kang umasa na makakahanap ka ng tubig, damuhan para sa iyong hayop, sisilungan, at pahingahan habang nasa daan.
Siguro ay hindi mo masyadong napag-isipan, ngunit, ikaw ay nasa isang landas din. Ngayon mismo, sa oras na ito. At tulad din ng mga nauna, umaasa ka na mahahanap mo ang lahat ng iyong kailangan doon.
  Maaaring ikaw ay nasa tamang landas o nasa maling landas. Ngunit kung nasaan ka man, ikaw ay nasa gitna ng daang iyon. Kung ikaw ay nasa maling landas, mayroon pa ring oras upang baguhin mo ang iyong direksyon. Kung ikaw ay nasa tamang landas ngayon, maaari mo pa ring mapili ang maling landas bukas. Araw-araw kapag bumangon ka mula sa iyong higaan, pipiliin mo na naman kung ano ang landas na iyong dadaanan.
Ang buhay Kristiano ay isang landas. Ang landas na iyon ay nagsisimula noong ikaw ay ipagbuntis at natatapos sa kamatayan. At ngayon, sa iyong pagtatapos sa eskwela, ay gagawa ka na naman ng isang desisyon. Isang napakahalagang desisyon. Anong daan ang iyong susundin—at sino ang pinagkakatiwalaan mo upang magliwanag ng landas para sa iyo?

Ang article na ito ay Tagalog version ng isang devotional article ng Our Journey, January 14, 2007, pp. 28-29. Unang na-publish sa BDJ Volume 3, Issue 6, March 18, 2010. All rights reserved.

Thursday, September 3, 2009

Who Can Only Be the Doers?

by Bishop Felizardo D. Abantopastor2

James 1:22--

“But be ye doers of the word, and not hearers only…”

Only born-again Christians can be the doers of the Word of God. There is a person who said, “I’m not interested with the breed but with the deed.” But the Bible says that the deed depends upon the breed. The tree is known by its fruit (Matthew 7:7). If it looks like a duck, walks like a duck, and speaks like a duck, then it must be a duck. True Baptists live like the true Baptists. I like the name “Baptist” and I’m proud of this name. Baptists do good, look good, and feel good. They love Jesus Christ. They support His work. They may be far, but they are still concerned about this. I love them. Apostle Paul mentioned to the Philippian Christians (4:18),

“the things which were sent from you, an odour of a sweet smell, a sacrifice acceptable, wellpleasing to God.”

If our ministry is separated from God and from the doers of the Word, it will die. We appreciate them enough and fast for them and pray to God that He will bless more abundantly.

Mr. Randy David, host of a television program said, “As a scientist of the society we are not interested in what religion you are in, but on what good you are causing to the society.” Wrong again. Your philosophy depends upon your theology. Out of Jesus Christ there is no one capable of imparting good to mankind. Like Israel at the time of the Divided Kingdom, of the 19 rulers, no one reigned rightly in the Northern Kingdom because all of them are worshipping gods. You may say you believe in God or not, but if you are not a true believer of Jesus Christ you cannot do anything good (Romans 3:12). That is the reason why they who profess that they are Christians ay commanded to doers of the Word and not just hearers. Their actions signify their words, and their breed.

Translated by Bro. Elijah Abanto from the article “Sino Lang ang Magiging Tagatupad?” originally published in Baptist’s Digest 18, (Volume 1) May 11, 2008, p. 4.

Thursday, July 23, 2009

Sincerely Yours, Job (Series Part 3)

by Bro. Elijah E. Abanto
Based on Charles R. Swindoll's message, What Job Teaches Us About Ourselves

Last time we stopped on the principle that it takes great discernment to detect wrong advice from well-meaning people. With all their reasonableness, these people still don't have a divine viewpoint always--only the Bible has. And we also learned that sound theology or doctrine keeps you sound and stable on trying times. Yes, and what theology did Job knew at that time to be stable? He knew and believed this doctrine: We are not here to be happy; we are here for God to be glorified. He believed that we are here to praise and worship God in spite of what happens, knowing that they are all for His glory.

Now here is the fifth principle: Caring and sensitive friends know when to come, how to stay quiet, and what to say (if anything at all!). From this point on we see Job's friends. Consider the following passages:

Now when Job's three friends heard of all this evil that was come upon him, they came every one from his own place; Eliphaz the Temanite, and Bildad the Shuhite, and Zophar the Naamathite: for they had made an appointment together to come to mourn with him and to comfort him. And when they lifted up their eyes afar off, and knew him not, they lifted up their voice, and wept; and they rent every one his mantle, and sprinkled dust upon their heads toward heaven. So they sat down with him upon the ground seven days and seven nights, and none spake a word unto him: for they saw that his grief was very great. (2:11-13)


People who may know Job's story would raise a brow against these three, but, let's face it, they were really friends of Job! Because in the first place, they visited him. They knew when Job needed them. And without words, they understood his grief, lifted up their voices, wept, and sprinkled dust upon their heads as a sign of sorrow for him. They were friends indeed, and this must have been one of the factors why Job endured the trial at this time.

Remember David and Jonathan? How Jonathan's friendship made David strong to continue in life in spite of opposition? If you read the psalms of David, many are composed in his sorrowful and depressed state, and you could he might be even suicidal. Remembering Jonathan's unwavering friendship must have been one of the factors that helped him till he became the king of Israel.

The next one must be a hard truth, but, unless we firmly cling to God, this principle will truly apply to us. Consider the following passage:

After this opened Job his mouth, and cursed his day. (3:1)


Now, there you go: It is easy to be Monday-morning quarterbacks, but then we encounter suffering, and we become weak. See the shift of words? The story didn't end with Job worshiping and praising God for the testing, nor did it end with his words about God's sovereignty--instead, it continues, and we see that Job's strong front was beginning to fade. He "cursed his day"! He cursed the day of his birth! And that frequently happens to us. If we did like Job at first, we must have been saying, The Lord saw my faithfulness to him even in this situation. Maybe He will remove this now. But if that is Job's expectation, it wasn't immediately realized, furthering his grief and peeling off this strong armor against negative thoughts. If our grip in God is not strong enough, we are sure to expect this kind of feeling. Let me show you the next verses:

And Job spake, and said, Let the day perish wherein I was born, and the night in which it was said, There is a man child conceived. Let that day be darkness; let not God regard it from above, neither let the light shine upon it. Let darkness and the shadow of death stain it; let a cloud dwell upon it; let the blackness of the day terrify it. As for that night, let darkness seize upon it; let it not be joined unto the days of the year, let it not come into the number of the months. (vv. 2-6)


This principle might have caused his three friends and Jehu to comment on Job's suffering--and formed chapters 4-41 of the book! At first they are the best of friends to have, but then, they could not keep themselves, so they began to say things--which we know are wrong! We need God to stay strong in these situations of prolonged grief and suffering.

But this is the good thing: Job never cursed God. Job might have cursed "his day," but never do you hear him curse God. He knew that God had a purpose for that. He knew that God had a better plan for his life than what he thought of. So he endured all the loss, the pain, and the accusations of his friends until the final day of his suffering. Last principle: The cultivation of obedient endurance is the crowning mark of maturity. There are two ways man can look at suffering: first he can see it as an intrusion of God in his life, that causes him to outrage and point his accusing finger on God; the second is he can see it as an opportunity given by God to let him show his faithfulness, causing him to endure all the hard things. Let's jump to the last chapter of Job to see where the principle lies:

Then Job answered the LORD, and said, I know that thou canst do every thing, and that no thought can be withholden from thee. Who is he that hideth counsel without knowledge? therefore have I uttered that I understood not; things too wonderful for me, which I knew not. Hear, I beseech thee, and I will speak: I will demand of thee, and declare thou unto me. I have heard of thee by the hearing of the ear: but now mine eye seeth thee. Wherefore I abhor myself, and repent in dust and ashes. (42:1-6)


This is true maturity: you won't deny your mistake; instead you admit them (though we may think, I've endured all this!) and repent. And Job never expected that God would change his circumstances for the good, but what was important was that he understood that he do not need to understand everything--what's important is that God is there, and all that happens never passes without His permission.

Wednesday, July 8, 2009

Sincerely Yours, Job (Series Part I)


by Bro. Elijah E. Abanto

Based on Charles R. Swindoll's sermon, What Job Teaches Us About Ourselves

You're so excited. You're nervously sweating. What would he say to me? you think. In your hands is a personal letter from a Bible character--a personal letter, come to think of it! You can't wait to read that letter.

Imagine that the one who sent you a letter was Job--one of the most exalted characters of the Bible--he writes to you. And in his book he has some lessons to teach us. If we will read the Book of Job, we can see the story of a believer who was struck with great tribulations and what was his reaction to them and also the reactions of the people around him. And from that story are principles that we will learn and apply to our lives--especially by those Christians who are now experiencing suffering and tribulations--in other words, trials.

Let's read the Book of Job 1:1-5:


There was a man in the land of Uz, whose name was Job; and that man was perfect and upright, and one that feared God, and eschewed evil. And there were born unto him seven sons and three daughters. His substance also was seven thousand sheep, and three thousand camels, and five hundred yoke of oxen, and five hundred she asses, and a very great household; so that this man was the greatest of all the men of the east. And his sons went and feasted in their houses, every one his day; and sent and called for their three sisters to eat and to drink with them. And it was so, when the days of their feasting were gone about, that Job sent and sanctified them, and rose up early in the morning, and offered burnt offerings according to the number of them all: for Job said, It may be that my sons have sinned, and cursed God in their hearts. Thus did Job continually.

If we remember Job's story, later on he suffered great trials. Now, from what we have read we see that great trials and suffering come also to the most faithful Christians. Most of us think that Job exceeds us in godliness, and yet he was the one who experienced the greatest tests in the Bible. It teaches us that not only the wicked and disobedient are subject to these kind of suffering. From those verses let's describe Job:

1. Job was "perfect and upright, and one that feared God, and eschewed evil." (v. 1) Job's example must be emulated by all of us: no blemish, fears God and avoids evil.

2. Job was richly blessed. (v.2-3) He was blessed with many children; he was blessed with much possessions, which must be the result of his diligence; and he was blessed with wisdom, the reason why he was recognized as the "greatest of the men of the east." Obviously, we can learn from here that God blesses those who genuinely fear him - and also, even the richest person in the world could be a godly person.

3. Job had a perfect family. (vv. 4-5) We cannot deny that the bond between these siblings was firm--they always had the time of coming together and having fellowship. The brothers were probably close to their sisters, which was hard to see in families today--it is rare that brothers and sisters are close to each other. This would not have happened if Job wasn't a good father and husband together with his wife. And he really thinks about the spiritual state of his children--an enough reason for him to sacrifice for the sins of his children, even if those sins were done in their hearts. Have we prayed for each one of our children, thinking not only their physical well-being but also their spiritual health?

Lord, we have witnessed the life of Job. Come to think of it--it's possible! It's possible to live a "perfect, holy" life that fears You! We also learned that You are blessing those who believes in You. May You help us to be concerned, not only for the physical health of our children, but also for their spiritual well-being. Forgive us for our shortcomings in these matters. Help us, Lord. Amen.

Note--This sermon was based (not exactly or entirely) on a recent Insight for Living radio program episode of Chuck Swindoll's ministry. You can help this ministry through requesting some of their great resources, or just donating to their helpful ministry. You can reach them online at http://www.insightworld.org/.

Tuesday, May 26, 2009

BDJ 9--Lakad Tayo!

by Bro. Elijah Abanto
Lahat na siguro tayo nakipag-usap—kahit nga sanggol nakikipag-usap na, kahit utal-utal pa ang pananalita! Oo, nakaranas na tayong lahat makipag-usap.
Ano nga ba ang pakikipag-usap? Ito ang pakikipagpalitan ng dalawa o higit pang mga persona ng mga salita tungkol sa isang pangkaraniwang paksa. Kaya sa pakikipag-usap hindi pwedeng mag-isa ka lang, bukod na nga lang kung kinakausap mo ang iyong sarili—in a way, parang dalawang tao din iyon!
With that in mind, imagine-in niyo ang dalawang taong naglalakad sa daan. Karaniwan ay ganito ang eksenang ating kinabibilangan kapag tayo ay may visitation o soul winning. Ano bang ginagawa niyo habang kayo ay naglalakad-lakad sa daan? Wala bang imikan? Walang salita, lakad lang? Siguro napapasabi ka, “Siyempre naman hindi! Nag-uusap kami—nakaka-boring kaya ang walang kausap!” Tama. At tsaka kung gusto mong mapalapit sa taong iyon, hindi mo siya susupladuhan. Tama?
Dalhin natin ang ganyang kaisipan sa relasyon natin sa Diyos. Simula nang tayo’y magsisi sa ating mga kasalanan, naniwala sa Kanyang ginawa sa krus ng Kalbaryo, at tinanggap Siya sa ating mga puso bilang Tagapagligtas, nagkaroon na tayo ng relasyon sa Diyos: Siya ang ating Ama, at tayo nama’y Kanyang mga anak. At simula nang maging Kristiano ka, ay lagi na tayong lumalakad na kasama Niya. Mayroon na tayong daily walk kasama Siya.
Ngunit nakikipag-usap ka ba sa Kanya? Para alalahanin kung ano ang ibig-sabihin ng pakikipag-usap, bumalik ka sa unang pahina. “Pakikipagpalitan.” In some way, “mahiyain” ang ating Ama, at nais Niya na ikaw ang magsimula ng usapan—ayaw ka Niyang pilitin sa usapang hindi mo naman gustong gawin.
Nalaman natin na tayo ay nagsasalita sa Ama sa pamamagitan ng prayer, o pananalangin. Ang Diyos naman ay nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng pag-aaral natin ng Biblia, o Bible study. (Bible study, dahil, kung babasahin lamang, at hindi natin iintindihin, hindi iyon pakikipag-usap.)
Ano’ng ginagawa natin pag nanalangin? Sinasabi natin lahat (lahat, dapat) sa Kanya—ating mga kasalanan (pag-amin), ating mga pagpapala at biyaya (pagpapasalamat), at ating mga kailangan (paghiling). Sa paraang ito ay nagsasalita tayo sa Kanya. At karamihan sa atin ay hindi nabibigo sa bahaging ito—kahit iilang minuto lamang (ngunit hindi naman din dapat ganon lang kaikli), ay nagagawa nating magsalita sa Kanya. (Pansinin niyo na laging “magsalita” ang ginagamit ko, hindi “makipag-usap.”) Ngunit paano ang Bible study? Marami sa atin ang nabibigo sa bahaging iyan. At parang wala lang sa atin kung mapag-aralan natin ang Biblia o hindi sa buong araw.
Ngunit isipin mo na lamang kung sa usapan ay yung kasama mo lang ang salita-ng-salita at hindi ka niya binibigyan ng pagkakataon na magsabi ng kahit isang salita lang. Naiinis ka. Nababagot ka. Baka hindi ka na makapagpigil at magsabi ka, “Ano ka ba, bakit ayaw mo akong pagsalitain? Gusto mo ikaw lang ang nagsasalita?” At ikaw, galit, ay mas mamabutihin pa iwan na lang siya, at maghanap na lang ng ibang bubuwisitin niya.
Ngayon balik tayo sa Diyos. Kinakausap Niya tayo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia. (“Kinakausap” ang aking ginamit dahil bago ka kausapin ng Diyos, ikaw muna ang dapat lumapit sa Kanya at magsalita. Ipapaliwanag ko maya-maya.) Ibig-sabihin, kung hindi tayo nagbabasa at nag-aaral ng Biblia, parang tayo yung taong ayaw pasalitain yung kausap. Nakuha niyo ba? At dahil doon, “iiwan” Niya tayo at hindi na pakikinggan ang ating panalangin—bagaman, dahil mapagpasensya ang Diyos ay matagal pa bago Niya gawin ’yon. Pero isipin mo na lang kung ano’ng nararamdaman Niya sa ating ginagawa pag walang Bible study. Parang tinatakpan natin ang bibig Niya nang sapilitan.
Dahil ang Diyos ay “mahiyain,” lumapit ka sa Kanya at sabihin mong kausapin ka Niya. “Ano po bang gusto Ninyong sabihin sa akin?” Lumapit ka sa Bible mo at buksan sa Scripture reading, at sabihin mo, “Ano po ang gusto Niyong ipaunawa mula dito?” At kakausapin ka Niya nang buong puso, at pakikinggan Niya rin kung ano ang sinasabi mo sa Kanya. Di ba ganon ang magandang pakikipag-usap? Titibay ang inyong relasyon ng Diyos; nasisiyahan Siya, at natutuwa ka rin.
Bakit hindi mo iyon gawin simula ngayon? Tama ang walang imikan! Tama na ang ikaw lang ang salita nang salita! Isaayos mo na ang paglakad mo kasama Siya.
Maglaan ka ng takdang oras. 6 AM. 12 NN. 3 PM. 9 PM. Kahit ano’ng oras basta magtakda ka. At sundin mong palagi. Huwag kang mahuhuli—dahil hindi nahuhuli ang Diyos sa iyo. At kung sakaling mabigo ka ng isang beses, ‘wag kang manghina—hingin mo lang ang Kanyang tawad, at magsimula kang muli nang panibago. At kung ano’ng sabihin Niya sa iyo, huwag magdalawang-isip na sundin iyon. At sinasabi ko sa iyo, mas malamang ay “susundin” Niya rin ang sinasabi mo sa Kanya!
“Lakad tayo!” sabi ng Diyos. At sa paglakad na iyon ay titindi lamang ang inyong relasyon ng Diyos kung mag-uusap kayong dalawa. Di ba ang ganda? Kung mapagtatanto lang natin.

BDJ 8--Wala Bang Signal?

by Bro. Elijah Abanto
Kung mayroon mang panahon sa buong kasaysayan na mas kinakailangang mag-pray, ngayon iyon. Kung mayroon mang oras kung kailan dapat manalangin nang pinakamatagal ang Kristiano, ngayon iyon. Kung isang panahon lang sa kasaysayan kailangang makipag-usap sa Diyos, ngayon ang panahon na iyon. Ngayon.
Sa totoo nga lang, sa lahat ng panahon sa kasaysayan, ay kailangan ng pananalangin. Sa unang mga araw ng sanlibutan, nakipag-usap ang Diyos sa mga tao tulad nina Adan, Noe, Abraham, Jacob, Jose, Moises at marami pang iba. Sa pagpapatuloy ng mundo, nariyan naman sina David, Samuel, Elias, Eliseo, Esaias, at mga propeta—kinakausap ng at nakikipag-usap sa, Diyos. At sa panahon ng Bagong Tipan, mismong si Jesus ay nanalangin—ang Diyos na nagkatawang-tao. Sinundan ito ng mga apostol at ng mga unang iglesiya sa iba’t ibang dako ng Kanluran.
Ngunit ang nakalulungkot, ang ating panahon ay nakakaranas ng pinakamahinang “signal” ng komunikasyon sa Diyos. Masyado nang naging abala sa mga gawain—mula bata hanggang matanda—at ang pakikipag-usap sa Diyos ay “naputol” na sa karamihan ng mga Kristiano. Noong una, kaya ng hanggang apatnapung-araw makipag-usap ng tao sa Diyos (halimbawa ay si Moises, si David, at mga propeta, hanggang kay Jesus). Noong panahon ng iglesiya, “araw-gabi” ay nananalangin ang buong iglesiya. Maging noong panahon ng Dark Ages at Reformation, ang mga Ana-Baptist at Protestante ay nananalangin ng dalawang-oras kada umaga, tanghali, gabi. Ngunit ngayon? Maaari nang ikaw ang sumagot sa tanong na iyan.
Wala na bang ‘signal’ ang ‘telepono’ natin sa Diyos sa mga panahon ngayon?
Sa sobrang ka-busy-han sa trabaho (empleyado man o may-ari mismo), sa eskwela (mula sa elementarya hanggang kolehiyo), at maging sa gawain ng Diyos (soul winning, Bible study, discipleship, choir), ay nawawalan na tayo ng panahon para sarilinin ang Diyos—Siya na iginugugol ang buong panahon Niya sa atin. Ang malala pa ay napupunta rin ang oras sa laro, panliligaw, paglalakwatsa, pakikipagdaldalan at pagtunganga sa TV ang panahon na maaari na sanang ilaan sa pakikipag-usap sa Diyos. Ang masama ay hindi ito ang panahon para magpatumpik-tumpik pagdating sa panalangin.
Yun nga lang mga tao na may matitigas na puso ay marahil sa hindi natin isinasama sa ating mga panalangin sila na nangangailangan ng kaligtasan. Ang buong mundo, pasama-nang-pasama (makikita mo kapag nagbabasa o nanonood ka ng balita), at kapit-kapit ang kanilang kamay para usigin ang mga Kristiano, ngunit ni isang misyonero ay hindi man lang natin maipanalangin. Ang ating bansa, na nasa bingit ng Charter Change, pag-angkin ng mga Muslim, at korapsyon, ay walang lugar sa ating mga prayer request. Ang ating lungsod, ang ating barangay, kailan natin nailapit sa Diyos? Ang ating iglesiya, paanong ito’y lalago at magiging patotoo sa paligid kung sa pagdadasal nati’y wala—ang ating pastor na nangunguna sa atin, kanyang pamilya, at bawat isa? Ang ating mga pamilya, paanong titibay, paanong lalakas, kung ang panalangin nati’y sasampung minuto lamang?
Mahina ba ang signal? Hindi mga kapatid. Kung gaano kalinaw ang reception noon sa kalangitan noon ay ganoon pa rin ngayon, walang pagbabago. Hindi nga lang natin ginagamit ang telepono, at madalas ay missed call o iilang saglit lamang. Kitang-kita na ito sa dami ng dumadalo sa prayer meeting—yun at yun na lang palagi pag Huwebes. May nagsabi ngang ebanghelista, “Kung gaano karami ang tao tuwing Sunday ng umaga, ganon ka-popular ang pastor. Kung gaano karami ang tao tuwing Sunday ng gabi, ganon kakilala ang iglesiya. At kung gaano karami ang tao tuwing prayer meeting, ganon ‘kasikat’ ang Diyos.” Hindi ba kilala ang Diyos sa ating buhay? Malamang ay dahil hindi natin Siya kadalas kausap. Paano natin makikilala ang hindi naman natin o bihira lamang natin kausapin?

BDJ 7--Long Distance Relationship: Will It Endure? Does It Work?

by Sis. Olivia E. Abanto
Ang isang nagpapatibay ng lahat ng uri ng relasyon ay ang komunikasyon. Ngunit sapat ba ito upang mapanatili o mapatibay ito?
Ito ang mga bagay na sumagi at naglaro sa aking isip nang aking bigyang pansin ang iba’t ibang uri ng relasyon.
Sa relasyon ng magkaibigan, isang kapatid ang minsang nagsabi sa akin, “Sa dinami-dami ng kaibigang tinuring ko ikaw ang binilang kong the best sa mga kaibigan na ’yon.” Hindi lang isa o dalawa ang nagbigkas ng ganyang mga kataga sa akin, pero dahil walang ganoong komunikasyon, sa anumang kadahilanan, ang pagiging best friends na tinatawag ay hindi ko napatunayang nanatili o tumibay, marahil hanggang sa puso lamang.
Isang pagiging katuwang sa gawain nang buong buhay ang naging pangako ng magkapatid sa Panginoon. Naunawaan niyang ang ‘gawain’ ay tunay na di simpleng grupo na pinupuntahan kada Linggo, pakikinig ng pangangaral ng Salita ng Diyos, pagkukumustahan—kundi ito’y pagtatalaga ng sarili upang sa lahat ng makakayang paraan ay maging katuwang ang isa’t isa sa pagpapatuloy at pagsulong nito. Datapwa’t sa agwat ng distansya tila ang pagtatalaga (commitment) ng pangako ay napapako. Nakakalungkot mang isipin na ang kasabihang, “Out of sight, out of mind” ay nagkakatotoo.
Sa harap ng bandana, dalawang mag-sing-irog ang nagbitiw ng pangakong “till death do us part,” datapuwa’t sa kahirapan ng buhay napilitang lumayo ang isa sa kanila upang pag-unlad ng pangarap ay magkaroon ng katuparan. Bihira sa ‘hindi’ ang pangakong “till death do us part” ay naibigay na sa malapit na kapiling na nagpadama ng pagmamahal na tunay daw.
So far so bad ang sagot sa tanong na hinahanapan natin ng sagot. But don’t lose hope, I still have one stick to go before we make a conclusion.
Tatlumpung taong nakalilipas nang tinanggap ako ng Diyos bilang anak, sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Physically ang Ama ay napakalayo sa akin. Ngunit ang mga pangakong pagtanggap at pag-ari sa akin bilang anak kailanman ay hindi binawi sa akin. Malayo man ang Ama sa akin ngunit ang Kanyang pangakong pagtatalaga na “kailanman ay hindi kita iiwanan ni pababayaan man”—wala akong naaalalang pangyayari o sapantaha na iniwan Niya o pinabayaan man ako. Naniniwala akong kahit isa sa Kanyang mga anak ay hindi nakaranas ng pagpapabaya. Bagaman sa pisikal na aspeto ay wala ang Diyos sa piling natin at di tiyak kung kailan ang takdang panahon ng pagsasama natin sa Diyos, walang pagkikitaan sa buhay ko na ang pagmamahal ng tunay ng Diyos ay di Niya pinadama sa akin. Hindi naging hadlang ang kawalan ng pisikal na presensya ng Diyos sa akin upang mapatunayang ang pangako Niya ay laging tapat. Laging ang linya ng komunikasyon ng Diyos ay bukas at di naging pang-abala sa Kanya. Ang pangako ng di pagpapabaya at pagmamahal ay lagi Niyang pinararanas sa bawat anak Niya.
In my sense of terms: Long Distance Relationship: Will it endure, does it work? Yes. Dahil ang ating Ama ay pinatunayan ito. Manatili lamang sa tamang landas, manatili lamang sa pagsunod sa ating Ama, dahil Kanyang sinasabi, “It is God which worketh in us both to will and to do of his good pleasure” (Philippians 2:13). Mabuti Niyang kaluguran na ang mga ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan, magkakapatid, at mag-aasawa ay trabahuhin at pagtiisan kahit na ang distansya ay mahaba. Nagawa ito ng Ama kaya kaya rin natin itong gawin.
Pagpapalain kayo ng Diyos!

Wednesday, February 25, 2009

BDJ 5--How Long Do You Pray?


This query was asked in one of our session in our leadership training program led by Pastor Felizardo Abanto. The answers? Some said 30 minutes, some 15, some 10, 5, 3, 1, ... well, some even said less than 1 minute and others say they are not timing their prayer. We know that whether it be long or short, as along as what we pray for (for the good of all and not self), and pray to (God and not idols or other gods), the way we pray (specific and direct not meaningless repeatings), and the reason we pray (for God's glory not man's praise) is right, then technically, it's right.
Now, let's assume that our prayer is right. Now then comes how long we pray. Are you timing your prayer? Whether we like it or not, it's important how long we pray. Are you one of those Christians who pray relatively long, or those who pray five minutes or less than a minute? I'm not talking about praying before meal, or in meetings, or in public, or any other, but your personal prayer. How long are you conversing with God?
The Bible and the Holy Spirit is the way God talks to us, which are certainly more than a minute or five minutes. Prayer is our way of talking back to him. So are we fair with God? Do we pray as long as He talks to us?
Don't say you don't have something to pray, because there's much to pray for. Begin with God's will, then for the world, your country, your community, your church, loved ones, family, then yourself. The word much is not enough to describe it. There's so very much to pray for, so less-than-a-minute prayer is not tolerable for God. If we want to please Him, we would talk to Him much. Examine how many words you say to your loved one or friend, and you'll find how should you talk to the One who have always talked to you.
"Time your prayer life," my pastor says. And it's a good advice for you my friend, if you want to grow in Christ. --Bro. Elijah E. Abanto

To read this paper in Filipino language, request our BDJ Paper by e-mailing us: cypapaper@live.com.