Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Monday, September 20, 2010

Growing Old

by Charles R. Swindollist2_2897117_scribbles_grandparents

Ang pagtanda, tulad ng buwis, ay isang katotohanan na dapat nating harapin. Ngayon, huwag na huwag ninyo akong tatanungin kung kailan tumitigil ang paglaki at kalian nagsisimula ang pagtanda—hindi ko masasagot iyan! Ngunit mayroong ilang mga senyales na mababasa natin sa paglalakbay ng ating buhay na nagsasabi na tayo’y pumapasok na sa paglipat na ito.

Sa pisikal na aspeto, ang tumatandang katawan ay lagi nang “pumipreno.” Mabilis ka nang hingalin, kumpara nung dati na halos hindi ka na tumigil sa pagtakbo. Mas gusto mo na ngayong umupo kaysa tumayo … na manood na lamang kaysa gumawa … na kalimutan ang iyong kaarawan imbes na alalahanin ito! Sa mental na aspeto, ang tumatandang utak ay naghahanap na ng pahinga. Hindi ka na makaalala nang kagaya ng dati, at hindi ka na tumutugon na tulad ng dati. Nagsisimula ka nang magbulay-bulay tungkol sa nakaraan at kinabukasan imbes na tungkol sa ngayon. Sa emosyonal na aspeto, dumadaan ka na sa mga kakaibang takot at damdamin na dati’y sinumpa mo pang “hindi mangyayari sa akin,” tulad ng:

· Pagiging negatibo, kritikal, at talaga namang iritable sa ilang pagkakataon.

· Pagdadalawang-isip na hayaan sila na mas bata na magpasan ng mas maraming responsibilidad.

· Pakiramdam na hindi ka gusto at “nasa daan” nila.

· Pagdalas ng pag-iisip ng “paano na kung…?”

· Pagkaramdam ng guilt sa mga nakalipas na pagkakamali at mga maling desisyon.

· Pakiramdam na ikaw ay nakalimutan na, hindi mahal, nag-iisa, at dinadaan lang.

· Madaling mabagabag ng mga tunog, bilis, kalabuan ng bukas patungkol sa pinansyal na aspeto, at sakit.

· Pag-iwas sa pangangailangan na mag-adjust at makibagay.

Ang lahat na ito—at mayroon pang mas marami—ay pinapalala pa ng alaala nung mga araw na iyon kung saan ay sapat-na-sapat ka pa, may kakayahan, kailangan, at buo. Habang tumitingin ka na ngayon sa salamin, napipilitan kang umamin na ang mga daliri ng pagtanda ay nagsimula nang magkintal ng mga marka sa bahay mo ng putik … at mahirap nang maniwala na ang mga natitira mong taon ay mayroon pang halaga.

Ngunit hindi ito tama! Maling-mali ito! O gaano maaaring maging kapani-panira ang ganyang klase ng pag-iisip! O kay bilis na madadala ka ng ganyang pag-iisip sa kulungan ng pagkaawa sa sarili, napapalibutan pa ng apat na malalamig na pader ng pag-aalinlangan, depresyon, kawalang-kabuluhan, at kalungkutan.

Ang mga patriyarka ng Dios ay palagi nang kasama sa mga pili Niyang pag-aari. Higit na naging epektibo si Abraham nung siya’y tumanda na at naging mas malumanay. Hindi nakaranas ng higit na sukat ng tagumpay hanggang sa mag-otsyenta na siya. Otsyenta-singko anyos na si Caleb nang simulan niyang ma-enjoy ang mga pinakamagagandang layon ng Dios. Matandang-matanda na si Samuel nang pangunahan siya ng Dios ng Israel na itayo ang “school of the prophets,” isang institusyon na nagkaroon ng matagal na impluwensya para sa ispiritwalidad at pagkamaka-Dios sa ilang dantaon pang darating. At sino ang makakatanggi sa paraang ginamit ng Dios si Pablo noong kanyang mga huling araw, nagsusulat ng mga titik ng pagpapalakas ng loob sa sulatin na pinapahalagahan natin ngayon!

Walang sinuman ang nabibigong makita na ang pagtanda ay may sariling kahirapan at sakit sa puso. At totoo ito. Ngunit ang makita lamang ang mga mainit na buhangin ng iyong karanasan sa disyerto at makaligtaan ang mga kaibig-ibig na oasis dito at doon (kaunti man ang mga ito) ay parang pagbabago ng huling bahagi ng iyong paglalakbay sa buhay sa isang tuyo at mapait na pagtitiis kung saan ang sinuman ay nagiging miserable.

Huwag mong kalimutan—desisyon ng Dios na ikaw ay mabuhay nang ganito katagal. Ang matanda mong edad ay hindi isang pagkakamali … o pagkalimot … o anumang huli na naisip. Hindi ba oras na upang palamigin ang iyong dila at palambutin ang iyong ngiti na isang nakakapanariwang inumin mula sa tubig ng oasis ng Dios? Kay-tagal mo nang nauuhaw para rito.

Palalimin ang Iyong Mga Ugat

Proverbs 16:31; Psalm 92:14; Isaiah 46:4; Titus 2:2-3

Pagsasanga

1. Gumugol ng oras kasama ang isang matanda at alamin ang ilan sa kanyang mga pinakamagagandang alaala, at sa mga paraang ginamit siya ng Dios, o sa mga pinapangarap niyang magamit sana siya ng Dios.

2. Magsimulang manalangin para sa hinaharap, na ikaw ay magiging isang matapat at kagamit-gamit na sisidlan.

3. Itanong ito sa tatlong matatanda na tinuturing mong maka-Dios: Ano ang palagi mong ginagawa (gayundin ang paminsan-minsan) upang makalinang ka ng isang mas malapit na relasyon sa Dios? Pakinggan mo ang kanilang mga salita. bdj

Isinalin mula sa Ingles na artikulo ni Charles R. Swindoll, “Growing Old,” sa aklat niyang Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 348-49, inilathala ng Multnomah Press.

No comments:

Post a Comment