Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Showing posts with label Christian growth. Show all posts
Showing posts with label Christian growth. Show all posts

Saturday, October 23, 2010

The Harvest of Giving

Elijah Abanto

Harvest. Sino’ng higit na maligaya kaysa sa magsasaka kapag tag-ani? Natapos na ang yugto ng “hindi naman nakatayo, hindi naman nakayuko,” at kaunting tiis na lang, dala-dala na sa tahanan ang ani at handa nang pakinabangan. Babalikan niya ang lahat ng pagpapagal, hirap, lakas, talino, at kahit na salapi na ginugol niya—at masasabi na at least, ay maaani na niya kahit papaano kung ano ang tinanim niya.

Ang pagbibigay ay tulad ng pagtatanim—sigurado ang pag-ani. Tulad ng pagtatanim na maaaring, isang araw, isang buwan, isang taon, o dalawampung taon pa minsan bago mo matikman ang ani—ang pagbibigay ay nagbibigay ng ani, maaaring ito’y dumating na ngayon, sa isang araw, sa isang buwan, sa isang taon, o pagkatapos pa ng dalawampung taon—ngunit sigurado ang ani. Sigurado. At kapag sinabi mong ani, maganda, at hindi pangit, ang makukuha mo.

“But this I say, He which soweth sparingly shall reap also sparingly: but he which soweth bountifully shall reap also bountifully” (1 Corinthians 9:6). Matagal ko na itong memorized, at malamang kahit na ikaw ay kabisado mo na rin siguro ito. Ngunit nakukuha kaya natin ang ibig-sabihin nito? Kung kaunti ang ating hinasik, kaunti ang ating naaani; kung marami, tiyak na marami rin ang ating aanihin. Isang prinsipyo tungkol sa pagbibigay: Depende sa ibinigay natin ang ibibigay sa atin. “Give, and it shall be given unto you,” (Luke 6:38) sabi nga ni Jesus. Iniisip ko kung bakit pwede namang “Give, and ye shall ye receive” tulad ng paghingi (Matthew 21:22; John 16:24); bakit pinahaba pa ni Jesus? Sa isang hindi nagbubulay, ang pagtanggap (“receive”) ay tulad lang ng pagbabalik sa iyo (“given unto you”); ngunit kung iisiping mabuti, ang dalawang ito ay may pagkakaiba. Ang una ay hindi mo alam kung ano o gaano kalaki ang makukuha mo; ang pangalawa ay tiyak kung ano at gaano kalaki (“it shall be”). Dinagdag pa ni Jesus: “good measure, pressed down, and shaken together, shall men give into your bosom”—higit pa madalas, sabi Niya.

When will we get this? Sa tingin ko ay naintindihan na natin, ngunit hindi lang natin pinaniniwalaan pa nang buo; may reserbasyon pa tayo. Ngunit kahit si Charles F. Stanley, isang Baptist pastor nang mahigit sa limampung taon na at founder ng In Touch Ministries ay sinabi na, bilang isa sa mga “Life Principles” ng Biblia, “You reap what you sow, more than you sow, later than you sow.”1

Nang gumawa ng article si Charles R. Swindoll, isang Baptist pastor sa loob ng halos 40 taon at founder ng Insight for Living, base sa Luke 6:37-38, ay ikinwento niya ang tungkol sa isang lolo na nakatira sa bundok kasama ang kanyang apo. Kapag sumigaw siya doon, ay aalingawngaw ang kanyang boses. Minsan nung sumigaw siya ng “I love you,” ay umalingawngaw din ng “I love you… I love you… love you…” Nung sumigaw siya ng “I hate you!” Binalikan din siya ng alingawngaw na “I hate you! … I hate you… hate you…” Ang ginagawa ay bumabalik sa ating parang alingawngaw.2 Paano kaya kapag “sumigaw” tayo ng pagbibigay? “Aalingawngaw” din sa’yo ang binigay mo; madalas mas marami pa kaysa sa binigay mo.

Sa devotional article pa ni Harold J. Sala, kilala sa Pilipinas bilang founder ng Guidelines International Ministries simula pa noong 1963, ay sinabi na kabilang sa tatlong dahilan kung bakit dapat tayong magbigay ay dahil iyon ang paraan ng Dios para tayo’y pagpalain.3 Lagi naman nating naririnig ito mula kay Pastor Abanto at marami pang biblikal na pastor at misyonero. Sinabi pa ni Sala, base sa Biblia, na makakapagpala lang ang Dios kung tayo’y nagbibigay.

Sinabi na rin ng Dios sa atin sa pinakakilalang talata na Malachi 3:10, “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in mine house, and prove me now herewith, saith the LORD of hosts, if I will not open you the windows of heaven, and pour you out a blessing, that there shall not be room enough to receive it.” Sa mga hindi ito ginagawa, hindi siguro dahil hindi nila alam ang sinasabi ng Dios, ngunit dahil ayaw nilang maniwala dito. Ngunit napatunayan ko na totoo ang Salita ng Dios. Marami akong nakitang halimbawa kung saan ang nagbibigay pa sa Gawain ang siyang inuutangan ng mga ibang hindi naman nagbibigay.

Saktong-sakto ang mga salitang binitawan ni William Stafford, isang Baptist pastor at evangelist nang mahigit sa 50 taon na rin, sa kanyang aklat na Spirit-Filled Giving. Ito ang kanyang sinabi: “Narito ang susi na nagpapalaya ng ani sa ating mga buhay. Nagiging bahagi tayo ng plano na ekonomiya ng Dios, ngunit kailangan muna nating simulan ang proseso sa pamamagitan ng pagbibigay. Higit pa rito, tayo ay nagbibigay dahil may layunin, hindi lang para matupad natin ang ating mga obligasyon sa Dios. Ang pag-iikapu ay isang utang na dapat nating bayaran, ngunit ang pagbibigay ay isang binhi na inihahasik.”4 Magkakaroon lamang ng ani kung naghahasik tayo. Gagana lamang ang ekonomiya ng Dios kung sisimulan ng pagbibigay natin.

But this is the good news: hindi talaga tayo nawawalan kapag nagbibigay. Tulad ng sinabi ni Pastor Felizardo Abanto, ito ay investment. “Cast thy bread upon the waters: for thou shalt find it after many days” (Ecclesiastes 11:1). Hindi lang fair ang Dios; more than fair pa ang Dios. Hindi Niya lang ibabalik ang binigay mo; higit pa rito. Hindi ko ipinapanalangin na maunawaan niyo ito; alam kong nauunawaan niyo ito. Ang panalangin ko ay paniwalaan niyo ito.

Pinagpala ka ng Dios kung ikaw ay malayang nagbibigay sa Panginoon, at sa Kanyang gawain. Expect that it will be given back to you. At huwag mong isipin na kapag nag-e-expect ka ng blessing mula sa binigay mo ay makasalanan iyon. No. Ganoon talaga ang sistema ng Dios. Tandaan natin ang sinabi ng Dios, “For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD” (Isaiah 55:8).

I want to end this article with a story. Mula sa Mark 12:41-44:

Umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman. Nakita niya kung papaano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Maraming mayayaman ang naghulog ng maraming salapi sa kaban ng yaman. Lumapit ang isang dukhang babaeng balo at naghulog ng dalawang sentimos na maliit lang ang halaga.  Tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang dukhang babaeng balong ito ang naghulog ng higit na malaking halaga kaysa sa kanilang lahat na naghulog ng salapi sa kaban ng yaman. Ito ay sapagkat silang lahat ay naghulog ng mga labis nila. Ngunit siya, sa kabila ng kaniyang karukhaan, ay inihulog ang lahat ng kaniyang kabuhayan.

Ano kaya ang nangyari sa babaeng balo? You judge. bdj

1 Stanley, Life Principles Notes. In Touch.org.

2 Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, p. 155.

3 Sala, Today Can Be the Best Day of Your Life, August 4.

4 Stafford, Spirit-Filled Giving, pp. 98-99.

Monday, October 4, 2010

How to Benefit from the Bible

by Reyvie Manalo

Jas 1:21  Wherefore lay apart all filthiness and superfluity of naughtiness, and receive with meekness the engrafted word, which is able to save your souls.

Bilang mga Kristyano, hindi natin ikinahihiyang sabihin na ang Bibliya ang ating batayan sa ating pananampalataya at pamumuhay. Ito ay isang napakagandang patotoo. Sa atin na mga Baptists na nagfe-Facebook, nakalagay sa ating profile na ang Bible ang ating favorite book.

Subalit kung nais nating makakuha ng pakinabang sa Aklat na ito, hindi sapat na sinasabi lamang natin ito. Kaya hayaan nyo akong magbigay ng ilang pamamaraan kung paano tayo makakakuha ng tunay na benepisyo mula sa Bibliya.

I Must Receive the Word of God

Kung nais talaga nating makinabang mula sa Salita ng Dios, dapat natin itong tanggapin sa ating mga buhay.

Sa ating teksto ay gumagamit si Santiago ng isang ilustrasyon ng isang binhi at isang lupa. (...receive with meekness the engrafted word). Sa Matthew 13, binigyan tayo ng Panginoon ng isang talinhaga na kapareho ang klase. Sinasabi Niya ang tungkol sa binhi (ang Salita) at sa lupa (ang puso). Paano yun na parehong uri ng binhi ang ginamit, ngunit nagbubunga ng iba’t ibang resulta? Ang sagot ay nasa lupa! Yung isang lupa ay tinanggap ang Salita nang may tamang pag-uugali, habang ang iba ay hindi.

How do I receive the Word with right attitude?

1. Be careful - Jas 1:19  Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:

Maging mabilis na makinig. Ibigay ang iyong buong atensyon. Maging alerto. Don’t miss the message!

2. Be calm - Jas 1:19 …slow to wrath.

A relaxed attitude increases receptivity. Kung ikaw ay relaxed, mas kaya ng tao na makipag-usap sa’yo nang higit at kaya mong makaintindi nang malinaw. Sa kabilang banda, kung tayo ay galit, balisa, nagdaramdam, mapait, nagiging balakid/harang ito sa pagpapanatili sa ating mapakinggan ang Salita ng Dios.

3. Be clean - Jas 1:21  Wherefore lay apart all filthiness and superfluity of naughtiness, and receive with meekness the engrafted word, which is able to save your souls.

Nangangahulugan ito na pagtigil sa paggawa ng anumang imoral o masama. Bago ka makapagtanim ng isang binhi, mahalaga na bunutin muna ang mga damo. Ang mga damo ay nagiging balakid sa paglago ng halaman. Kapag tayo’y may kasalanan sa ating mga buhay, hinaharangan nito ang pakikinig ng Salita. Pinipigilan ng kasalanan ang Salita ng Dios na lumapit sa ating mga puso. Kaya hangga’t hindi tayo malinis, hindi tayo masyadong makikinabang mula sa Salita.

4. Be compliant.  Jas 1:21  ..and receive with meekness the engrafted word,..

Ito ay nangangahulugan na pagtanggap nang may kababaan ng loob. Ito ay nangangahulugang yung pwedeng maturuan, mapagpakumbaba, at bukas sa pagbabago. Huwag kang umakto na parang alam mo na ang lahat. Kapag iniisip mo na alam mo na lahat, mawawalan na ng silid para sa Salita na bigyang-pakinabang ka sa iyong buhay-Kristiano.

I Must Reflect on the Word of God

Jas 1:23  For if any be a hearer of the word, and not a doer, he is like unto a man beholding his natural face in a glass: 24  For he beholdeth himself, and goeth his way, and straightway forgetteth what manner of man he was.

Gumagamit dito si Santiago ng ilustrasyon ng isang salamin. Ang Salita ng Dios ay tulad ng isang salamin. Ang gamit ng salamin ay para suriin ang ating mga sarili. Anong silbi ng salamin kung matapos mong makita ang iyong sarili, ay wala ka namang gagawin patungkol dito?

Ang Salita ng Dios ay isang salamin ay kailangan nating gunitain!

Binibigyan tayo ni Santiago ng tatlong praktikal na mga paraan sa kung paano magbubulay-bulay sa Salita:

1.      Read it. Jas 1:25  But whoso looketh into the perfect law of liberty, and continueth therein, he being not a forgetful hearer, but a doer of the work, this man shall be blessed in his deed.

Ito’y nangangahulugan na dapat ay hindi tumigil sa pagtingin. Hindi lang ito basta pagbabasa, kung mas mailalarawan pa ng mga salitang research at investigation. Ang salitang look ay na nangangahulugang to stoop down and gaze in.

May dalawang paraan ng pagtingin sa salamin. Maaari kang sumulyap rito (glance), o tumitig rito (gaze). Kapag sumulyap ka lang, mabilis ka lang na aalis at kakalimutan kung ano ang iyong nakita. Ngunit hindi iyon ang gustong gawin natin ng Dios kapag nagninilay-nilay tayo sa Kanyang Salita. Nais Niya na tayo’y tumitig rito (pagmasdan ito nang mabuti). Magbigay ng mas mahabang oras/atensyon/tuon sa Salita.

Maraming mga Kristiano, para lamang masabi na nag- “quiet time,” ay susulyap lamang sila sa kanilang Biblia, at yun na yun. Hindi iyan ang ibig-sabihin natin kapag sinasabi nating I Must Reflect on God’s Word.

May isang magandang aklat akong natapos ilang buwan ang nakalilipas na pinamagatang Bible Study Methods. Sa aklat na iyon, ang awtor ay nagmungkahi ng siyam na bagay na dapat tingnan habang nagninilay-nilay sa Salita.

Gumamit siya ng isang acronym para rito para madaling maalala:

S – Is there a Sin to confess  

P – Promise to claim

A – Attitude to change

C – Command to obey

E – Example to follow

P – Prayer to be prayed

E – Error to avoid

T – Truth to believe

S – Something to praise God for

Simula noong matutunan ko ito, ginagamit ko na ang pattern na ito para magnilay-nilay sa Salita.

2.      Review it.  Jas 1:25  But whoso looketh into the perfect law of liberty, and continueth therein..

Ito ay pagbabasa ng Biblia at pag-iisip tungkol dito nang paulit-ulit. Pagbubulay-bulay ang tawag dito ng Biblia. Ang pagbubulay-bulay ay nangahulugang pag-iisip nang seryoso tungkol sa isang bagay nang paulit-ulit.

Kung alam mo kung paano mag-alala, alam mo kung paano magbulay-bulay. Kumuha ka ng isang negatibong ideya at isipin mo ito nang paulit-ulit, iyon ay tinatawag na “worry” o pag-aalala. Ngunit kung kinuha mo ang Salita ng Dios ay pinag-isipan mo ito nang paulit-ulit, ito ay tinatawag na “meditation” o pagbubulay-bulay.

Psa 119:97  MEM. O how love I thy law! it is my meditation all the day.

The Lord told Joshua Jos 1:8  This book of the law shall not depart out of thy mouth; but thou shalt meditate therein day and night..

Maaaring ikaw ay nagmamaneho, ngunit ikaw ay nagbubulay-bulay; maaaring ikaw ay nagluluto/naglilinis ng bahay/naglalaba ng mga dami, ngunit ikaw ay nagbubulay-bulay. Dapat tayong magsanay na pagbulay-bulayan ang Salita ng Dios.

3.      Remember it. Jas 1:25  But whoso looketh into the perfect law of liberty, and continueth therein, he being not a forgetful hearer..

Dito na pumapasok ang kahalagahan ng Scripture memorization. Kabisaduhin mo ang mga kasulatan sa iyong isip at ingatan ito sa iyong puso. Sinabi ng psalmista, Thy word have I hid in my heart that I might not sin against thee.

Huwag mong tingnan ang pagkakabisado na isang pabigat. Dapat blessing ang memorization, hindi burden.

And speaking of remembering, sila na nanag-take note ay may malaking lamang sa mga iba na hindi. Meron silang mababalikan na material in case makalimutan nila ang mensahe na kanilang napakinggan before.

So those are the practical ways to Reflect on the Word: Read it, Review it, and Remember it.

Para sa panghuling bahagi, kung nais nating mapagpala ng Salita ng Diyos, kinakailangan nating tumugon sa Salita ng Diyos!

I Must Respond to the Word of God

Going back to the book of James, Jas 1:22 But be ye doers of the word, and not hearers only, deceiving your own selves.

Huwag lang basta makinig sa Salita—sanayin ito, isabuhay ito, kumilos ayon dito, at gawin kung ano ang sinasabi nito!

May mga Kristiano na gusting ma-church, making sa mensahe, ngunit umaalis sila nang walang intensyon na tumugon sa anumang napakinggan nila.

Sinasabi ni Santiago na dinadaya natin ang ating mga sarili kung hindi natin hahayaan ang Salita na baguhin tayo. May mga Kristianong nag-iisip na sapat na ang biblikal na kaalaman upang lumago. Ngunit sa nakikita natin, ang sukatan ng pagiging malago ay hindi kaalaman—ang sukatan ng pagiging malago ay ang karakter.

May mga Kristiano na nag-iisip na sila’y mga ispiritwal na higante dahil sa dami ng biblikal na impormasyon sa kanilang ulo, ngunit sa paningin ng Dios sila ay mga ispiritwal na kutong-lupa, mga wala pa sa gulang, sapagka’t hindi nila matutunan na tumugon sa kanilang nalalaman.

Dapat natin alalahanin na ang kaalaman ay nagdadagdag ng responsibilidad. Kapag mas marami tayong alam, mas mrami tayong pananagutan. Sinabi ni Jesus, To whom much is given, much is required. Sinabi ni Santiago, To him who knows to do good and doeth it not, it is sin.

Kaya ang tanong sa atin ngayon ay ito, “Ano ang gagawin ko sa aking nalalaman? Ako ba ay tumutugon sa Salita ng Dios?”

Naalala ko na may nabasa akong kwento tungkol sa isang myembro ng church na dumating nang huli isang Sunday ng umaga. Habang siya’y nakaupo sa tabi ng isa pang myembro, tinanong niya ito nang mahina, “Tapos na pa yung preaching?” Matalinong sumagot ang myembro sa kanya at nagsabi, “Na-preach na yung message, pero hindi pa natin nagagawa!”

Kaya mga Kristiano, kung nais talaga nating makinabang mula sa ating Biblia, umaasa ako na maaalala natin ang tatlong simpleng mga hakbang na ito: Receive the Word, Reflect on the Word, and Respond to the Word. bdj

Ang article na ito ay sinulat ni Bro. Reyvie Manalo, at pinublish originally sa Facebook in three parts under the same title. Isinalin nang buo sa Tagalog ni Bro. Elijah Abanto.

Si Bro. Reyvie ay dating myembro ng Capitol BBC, at aktibong myembro na ng Calvary Baptist Church sa Dubai, UAE. Kasama niyang nakikinabang sa Biblia ang kanyang asawang si Rio at anak na si Hannah.

Sunday, September 26, 2010

Back to the Basics

by Charles R. Swindoll

Ang yumao nang stratehista sa football, si Vince Lombardi, ay isang panatiko pagdating sa mga saligan. Sila na mga naglaro sa ilalim ng kanyang pamumuno ay madalas na magsabi ng tungkol sa kanyang sidhi, kanyang pwersa, kanyang hindi nawawalang sigasig para sa laro. Regular siyang bumabalik sa mga pangunahing pamamaraan ng blocking at tackling. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang pangkat, ang Green Bay Packers, ay natalo sa isang mas mahinang koponan. Masama na ang matalo … ngunit ang matalo sa koponan na iyon ay hindi mapapasubalian. Tumayag ng pagsasanay si Coach Lombardi noong sumunod na umaga. Tahimik na nakaupo ang mga kalalakihan, na mas mukhang hinagupit na mga tuta kaysa isang koponan ng mga kampiyon. Wala silang ka-ide-ideya kung ano ang aasahan mula sa lalaking kanilang pinakakinatatakutan nila.

Nagtitimpi at tumititig sa bawat isang atleta, nagsimula si Lombardi:

“Okay, babalik tayo sa simula ngayong umaga. …”

Hawak-hawak ang isang football sa taas na makikita ng lahat, patuloy siyang sumigaw:

“… mga ginoo, ito ay isang football!”

Tingnan mo naman kung gaano ka-basic iyon! Ang mga lalaking nakaupo doon ay naglalaro na ng football nang labinlima hanggang dalawampung taon … sila na mas alam ang opensa at depensa higit sa mga pangalan ng mga anak nila … at ngayon ay ipinapakilala niya ang football sa kanila! Para iyong pagsasabi, “Maestro, ito ay isang gabilya.” O, “Librarian, ito ay isang aklat.” O, “Marine, ito ay isang rifle.” O, “Ina, ito ay isang kawali.” Halatang-halata naman kung ano iyon!

Bakit naman sa tanang mundong ito makikipag-usap ang ekspertong coach na ito sa mga propesyunal na atleta sa ganoong paraan? Pero gumana naman iyon, sapagkat walang sinuman ang nagdala sa isang koponan sa tatlong magkakasunod na kampyonato sa buong mundo kundi siya. Ngunit—paano? Gumawa lamang si Lombardi sa isang simpleng pilosopiya. Naniwala siya na ang kagalingan ay pinakamainam na nakakamit sa pamamagitan ng pagma-master ng mga basics ng isang laro. Ang panlilito, pagpapasaya sa madla, at larong pakikipagsapalaran ay pupuno ng stadio (nang pansamantala) at maaaring makapagpanalo ng ilang mga laro (paminsan-minsan), ngunit sa huling pag-aanalisa ang mga palaging nananalo ay mga koponan na naglalaro nang matalino, taas-noo, at matigas na football. Kanyang stratehiya? Alamin ang iyong posisyon. Matuto kung paano ito gawin nang tama. Pagkatapos ay gawin ito nang buo mong lakas! Ang ganoong kasimpleng plano ang naglagay ng Green Bay, Wisconsin, sa mapa. Bago dumating si Lombardi, ang Green Bay ay isa lamang tigilan sa pagitan ng Oshkosh at Iceland.

Ang gumaganang stratehiya sa laro ng football ay gumagana rin sa iglesya. Ngunit sa mga ranggo ng Kristiyanismo, medyo mas madaling malito. Ah, hindi lang medyo: sobrang daling malito. Kapag sinasabi mong “church” sa ngayon, para lamang itong pag-order ng mainit na inumin … mayroon kang tatlumpu’t-isang klase ng mga lasa na pagpipilian. Maaari mong piliin ang mga madidiskarte, o mga humahawak ng ahas, o mga positibo mag-isip. Mga bandang may makukulay na ilaw, mga nakadamit na “pari” na may madudugong mga patalim, mga inahit na ulo na may magagandang mga bulaklak, at sumisigaw na mga showman na may mga nagpapagaling na mga linya ay mayroon din. Kung hindi pa iyon sapat, hanapin mo ang paborito mong “ismo” at magiging okay na: humanismo, liberalismo, matinding Calvinismo, politikal na aktibismo, antikomunismo, supernatural na spiritismo, o lumalabang pundamentalismo.

Pero teka! Ano ba talaga ang mga basics ng “iglesya”? Ano ang pinakapangunahing Gawain ng isang iglesyang naniniwala sa Biblia? Kung aalisin ang lahat ng mga hindi kinakailangan, ano ang matitira? Makinig tayo sa ating Coach. Sinasabi Niya sa atin na mayroon tayong apat na pangunahing prayoridad kung nais nating matawag na isang iglesya:

katuruan … pagsasama-sama … pagpuputul-putol ng tinapay … pananalangin (Mga Gawa 2:42).

Sa apat na ito tayo ay dapat na “patuloy na igugol ang ating mga sarili.” Ang mga matitibay, balanse, at “nagwawaging” mga iglesya ay sila na mina-master ang mga basics na ito. Ang mga ito ang bumubuo ng aspeto ng ano ng iglesya.

Ang paano ay pareho lamang na mahalaga. Muli, ang Coach ay sinasabihan ang ating koponan. Sinasabi Niya na ang iglesya na ginagawa ang kanyang trabaho ay ang iglesya na:

… nagsasanay sa mga banal para sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Kristo … (Efeso 4:12).

“Aba, ang dali naman pala,” sasabihin mo. “Napaka-simple naman yata?” itatanong mo. Handa ka na ba sa isang panggulat? Ang pinakamahirap na trabaho na maaari mong maisip ay ang pagpapanatili ng mga pangunahing gawain na ito. Maraming mga tao ang walang ideya kung gaano kadaling iwanan ng mga kinakailangan at mapasali sa ibang mga gawain.

Maniwala ka—mayroong tuluy-tuloy na daloy ng mga hiling mula sa mabubuti, at nakatutulong na sources na gamitin ang pulpit bilang isang plataporma para sa kanilang agenda. Inuulit ko, mabubuti at nakakatulong na sources, ngunit hindi kinakailangan … hindi direktang may kaugnayan sa ating pangunahing layunin. Ang layunin ng iglesya ay ang interpretasyon, eksposisyon, at aplikasyon ng Banal na Kasulatan.

Ngunit ang ganoong iglesya ay napakabihira sa ating lupain, parang gusto mong tumayo at magsabi:

“Mga Kristiano, ito ay Biblia!”

Pagpapalalim ng iyong mga ugat: Acts 2:42-47; Ephesians 4:12-16; Ephesians 2:19-22

Pagsasanga: Gawin ang mga sumusunod na basics: 1) matuto sa mga tinuturo; 2) makipag-fellowship sa kapwa mananampalataya; 3) sumama sa mga activities ng church; 4) manalangin.

—Mula sa Growing Strong in the Seasons of Life ni Charles R. Swindoll, pp. 372-375.

Monday, September 20, 2010

Growing Old

by Charles R. Swindollist2_2897117_scribbles_grandparents

Ang pagtanda, tulad ng buwis, ay isang katotohanan na dapat nating harapin. Ngayon, huwag na huwag ninyo akong tatanungin kung kailan tumitigil ang paglaki at kalian nagsisimula ang pagtanda—hindi ko masasagot iyan! Ngunit mayroong ilang mga senyales na mababasa natin sa paglalakbay ng ating buhay na nagsasabi na tayo’y pumapasok na sa paglipat na ito.

Sa pisikal na aspeto, ang tumatandang katawan ay lagi nang “pumipreno.” Mabilis ka nang hingalin, kumpara nung dati na halos hindi ka na tumigil sa pagtakbo. Mas gusto mo na ngayong umupo kaysa tumayo … na manood na lamang kaysa gumawa … na kalimutan ang iyong kaarawan imbes na alalahanin ito! Sa mental na aspeto, ang tumatandang utak ay naghahanap na ng pahinga. Hindi ka na makaalala nang kagaya ng dati, at hindi ka na tumutugon na tulad ng dati. Nagsisimula ka nang magbulay-bulay tungkol sa nakaraan at kinabukasan imbes na tungkol sa ngayon. Sa emosyonal na aspeto, dumadaan ka na sa mga kakaibang takot at damdamin na dati’y sinumpa mo pang “hindi mangyayari sa akin,” tulad ng:

· Pagiging negatibo, kritikal, at talaga namang iritable sa ilang pagkakataon.

· Pagdadalawang-isip na hayaan sila na mas bata na magpasan ng mas maraming responsibilidad.

· Pakiramdam na hindi ka gusto at “nasa daan” nila.

· Pagdalas ng pag-iisip ng “paano na kung…?”

· Pagkaramdam ng guilt sa mga nakalipas na pagkakamali at mga maling desisyon.

· Pakiramdam na ikaw ay nakalimutan na, hindi mahal, nag-iisa, at dinadaan lang.

· Madaling mabagabag ng mga tunog, bilis, kalabuan ng bukas patungkol sa pinansyal na aspeto, at sakit.

· Pag-iwas sa pangangailangan na mag-adjust at makibagay.

Ang lahat na ito—at mayroon pang mas marami—ay pinapalala pa ng alaala nung mga araw na iyon kung saan ay sapat-na-sapat ka pa, may kakayahan, kailangan, at buo. Habang tumitingin ka na ngayon sa salamin, napipilitan kang umamin na ang mga daliri ng pagtanda ay nagsimula nang magkintal ng mga marka sa bahay mo ng putik … at mahirap nang maniwala na ang mga natitira mong taon ay mayroon pang halaga.

Ngunit hindi ito tama! Maling-mali ito! O gaano maaaring maging kapani-panira ang ganyang klase ng pag-iisip! O kay bilis na madadala ka ng ganyang pag-iisip sa kulungan ng pagkaawa sa sarili, napapalibutan pa ng apat na malalamig na pader ng pag-aalinlangan, depresyon, kawalang-kabuluhan, at kalungkutan.

Ang mga patriyarka ng Dios ay palagi nang kasama sa mga pili Niyang pag-aari. Higit na naging epektibo si Abraham nung siya’y tumanda na at naging mas malumanay. Hindi nakaranas ng higit na sukat ng tagumpay hanggang sa mag-otsyenta na siya. Otsyenta-singko anyos na si Caleb nang simulan niyang ma-enjoy ang mga pinakamagagandang layon ng Dios. Matandang-matanda na si Samuel nang pangunahan siya ng Dios ng Israel na itayo ang “school of the prophets,” isang institusyon na nagkaroon ng matagal na impluwensya para sa ispiritwalidad at pagkamaka-Dios sa ilang dantaon pang darating. At sino ang makakatanggi sa paraang ginamit ng Dios si Pablo noong kanyang mga huling araw, nagsusulat ng mga titik ng pagpapalakas ng loob sa sulatin na pinapahalagahan natin ngayon!

Walang sinuman ang nabibigong makita na ang pagtanda ay may sariling kahirapan at sakit sa puso. At totoo ito. Ngunit ang makita lamang ang mga mainit na buhangin ng iyong karanasan sa disyerto at makaligtaan ang mga kaibig-ibig na oasis dito at doon (kaunti man ang mga ito) ay parang pagbabago ng huling bahagi ng iyong paglalakbay sa buhay sa isang tuyo at mapait na pagtitiis kung saan ang sinuman ay nagiging miserable.

Huwag mong kalimutan—desisyon ng Dios na ikaw ay mabuhay nang ganito katagal. Ang matanda mong edad ay hindi isang pagkakamali … o pagkalimot … o anumang huli na naisip. Hindi ba oras na upang palamigin ang iyong dila at palambutin ang iyong ngiti na isang nakakapanariwang inumin mula sa tubig ng oasis ng Dios? Kay-tagal mo nang nauuhaw para rito.

Palalimin ang Iyong Mga Ugat

Proverbs 16:31; Psalm 92:14; Isaiah 46:4; Titus 2:2-3

Pagsasanga

1. Gumugol ng oras kasama ang isang matanda at alamin ang ilan sa kanyang mga pinakamagagandang alaala, at sa mga paraang ginamit siya ng Dios, o sa mga pinapangarap niyang magamit sana siya ng Dios.

2. Magsimulang manalangin para sa hinaharap, na ikaw ay magiging isang matapat at kagamit-gamit na sisidlan.

3. Itanong ito sa tatlong matatanda na tinuturing mong maka-Dios: Ano ang palagi mong ginagawa (gayundin ang paminsan-minsan) upang makalinang ka ng isang mas malapit na relasyon sa Dios? Pakinggan mo ang kanilang mga salita. bdj

Isinalin mula sa Ingles na artikulo ni Charles R. Swindoll, “Growing Old,” sa aklat niyang Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 348-49, inilathala ng Multnomah Press.

Tuesday, September 14, 2010

Loving God (Part 2)

by Charles W. Colson

Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli, tinawag ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na salubungin Siya sa Bundok ng Mga Olibo (Mount of Olives). Isipin mo na lamang ang kanilang pagkasabik, dahil noong oras na iyon ay naniniwala silang ititindig na ng kanilang Amo ang Kanyang kaharian sa lupa at tutuparin na ang dakilang pangako kung saan kumapit ang mga Judio sa daan-daang taon ng pasakit at pananakop. Magiging hari si Kristo, hindi lamang ng Israel kundi ng buong mundo. At sila ay magiging nasa tabi Niya, na hinahatulan ang mga bansa, nagpapataw ng mga parusa, nagpaparangal ng mga matutuwid. Ang labing-isang lalaking ito, na karamihan ay mga mangingisdang walang-pinag-aralan, ay isinugal ang kanilang mga buhay kay Jesus; naiwala ang lahat sa Pagpapako sa Krus ni Jesus; nakita ang kanilang pag-asa na bumalik noong Pagkabuhay-na-Muli; at sa araw na ito ay makikita ang Jesus na kanilang pinagtiwalaan na naghahari sa lupa. O paanong ang tibok ng kanilang mga puso ay bumilis sa pag-aabang nila habang nagmamadali sa mga daan ng Jerusalem at pataas sa bundok.

At ang halos-walang-hinga nang kagandahan ng sandal sa nasa kanila; ang kanilang minamahal na si Jesus ay naghihintay sa kanila, nakatingin nang malalim sa bawat isang mata nila. Mismong ang Kanyang presensya ay nakapagdulot ng ganoong paghanga na isa-isa sila ay nagpaluhod sila. Ito na ang Koronasyon.

Sa wakas ang isa sa kanila ay bumulalas ng isang tanong na gusto nilang lahat itanong: “Panginoon, ikaw ba sa oras na ito ay gagawing ibalik ang kaharian sa Israel?” (Mga Gawa 1:6).

Matalim si Jesus, nangangastigo sa Kanyang tugon. “Hindi para sa inyo na malaman ang mga panahon at mga petsa, na inilagay ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan.” Inutusan na Niya sila na maghintay sa Jerusalem; ngayon ay sinabi naman Niya na may isang kapangyarihan na darating sa kanila doon. “At kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, at sa lahat ng Judea, at sa Samaria, hanggang sa kadulu-dulahang bahagi ng mundo” (Acts 1:7-8).

Pagkatapos noon ay parang bigla huminga ang kalawakan, na naglalagay ng malaking espasyo sa pagitan Niya at nila. Bago pa sila makapagprotesta, wala na Siya, at umakyat sa isang ulap.

Mahirap kahit na isipin ang mga matitinding emosyon na maaari nilang naranasan sa sandaling iyon. Banal na paghanga? Nakakagilalas na takot? At anong inisyal na pagkadismaya! Naiwan na silang nag-iisa, mga tinalikuran sa kanilang sariling lupain. Kaunti lamang ang kanilang mga pinagkukuhanan ng yaman. At higit sa lahat ng mga ito, inutusan pa sila na bumalik at maghintay—ang pinakamahirap sa lahat para sa mga malalakas na lalaki na gawin.

Nalalaman kung gaano sila katao at kung saan nanggaling ang bawat isa, maaari nating isipin ang mga pagpipilian na maaari nilang pinag-isipan; si Philip, ang isang mahinang ito, ay nais na magtago sa mga burol; si James at John ay gusto na agad nang ipakalat ang salita; si Simon Zelotes ay gusto na bumuo na lamang ng isang gerilya; ang iba ay nakikita ang kanilang pag-asa sa mga pagkilos tulad ng pag-agaw ng kontrol ng gobyerno—ang mga kaparehong opsyon na kinai-interesan ng napakaraming mga mananampalataya ngayon.

Ngunit inutusan sila ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Maghintay para sa ano? Laban man ito kung iisipin sa kanilang bawat pakiramdam, ang “maghintay” ang eksakto nilang ginawa. Sila ay sumunod at, mahirap man na intindihin, ay ginawa ito nang may “dakilang kagalakan.”

Sa loob ng sampung araw sila ay naghintay—120 sila lahat-lahat, nagsasama-sama sila, nang may isang pag-iisip at nagpapatuloy sa panalangin. Sila ay naghintay. At pagkatapos ito ay dumating.

Nang may pwersang tulad sa isang libong ipo-ipo ang kapangyarihang ipinangako ay nahimlay sa kanila at ang Banal na Ispiritu ay pinalakas ang mga ordinaryong lalaking ito na gawin ang Gawain ng Dios. Bawat isa sa kanila ay naging higante ng pananampalataya. Bilang resulta, sa loob ng isang dantaon kalahati ng kilalang-mundo noon ay kumilala kay Kristo.

Ang desisyon ng mga alagad na sumunod kay Jesus pagkatapos ng Pag-akyat sa langit ay nagpatunay ng isang punto ng pagbabago sa kasaysayan. Hindi na ulit tulad ng dati ang mundo.

Ang realisasyon ng mga alagad na si Kristo ay kung ano sinasabi Niyang Siya ang tumulak sa kanila sa pagsunod. Iyan ang malakasaysayang realidad ng Kristiyanismo.

Nauunawaan na ito’y napakahalaga, dahil ito ang nag-iiba ng Kristiyanismo mula sa lahat ng ibang mga relihiyon. Ang Kristianong pananampalataya ay nakahimlay hindi lamang sa mga dakilang katuruan o pilosopiya, hindi sa karisma ng isang pinuno, hindi sa tagumpay sa pagtataas ng mga moral na pagpapahalaga, hindi sa kakayahan o kahusayang-magsalita o mabubuting gawa ng mga kakampi nito. Kung magkaganon, ito ay wala nang higit na pagtawag sa awtoridad kaysa sa mga kasabihan ni Confucius o ni Mao o Buddha o Mohammed o sinuman sa libu-libong mga kulto. Ang Kristiyanismo ay nahihimlay sa katotohanang pangkasaysayan. Si Jesus ay nabuhay, namatay, at nabuhay mula sa mga patay upang maging Panginoon ng lahat—hindi lamang sa teorya o pabula, kundi sa katotohanan.

Nauunawaan iyon, ang Kristiyanismo ay dapat na maglabas mula sa mananampalataya ng kaparehong tugon na nakuha nito mula sa mga unang alagad: isang masidhing kagustuhan na sundin at lugurin ang Dios—isang ginustong pasukin na disiplina. Iyan ang simula ng totoong pagiging disipulo. Iyan ang simula ng pagmamahal sa Dios.

Para sa alagad ito ay malinaw na malinaw; malinaw silang inutusan ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Ngunit paano natin malalaman ang dapat nating gawin? Ang ganyang kalinaw na mga utos ay hindi kadalasang dumarating sa ating pagkaligtas; walang boses mula sa langit na nagbibigay sa atin ng mga utos. Kaya saan tayo pupunta para mahanap ito?

May isang mambabatas, isang Fariseo na nagnanais na ilagay si Jesus sa isang patibong, ay nagbigay ng kapareho ding tanong sa Kanya ilang dantaon nang nakakaraan. “Guro,” sinabi nito, “ano ang pinakadakilang kautusan sa Batas?” (Mateo 22:36). Ang tugon ni Kristo ay naitatak sa mga alaala ng mga mananampalataya mula noon: “Ibigin ang Panginoon mong Dios na buo mong puso at buo mong kaluluwa at buong mong pag-iisip. Ito ang una at pinakadakilang kautusan.”

“Ngunit paano ba natin mamahalin ang Panginoon?” maitanong natin. Sinagot ito ni Jesus sa isang diskusyon kasama ang mga alagad: “Kung mahal ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga kautusan” (John 14:15). O, tulad sa isinulat ng apostol Juan paglaon, “Ito ang pag-ibig ng Dios, na tuparin natin ang Kanyang mga kautusan” (1 John 5:3).

At iyon ang nagdadala sa atin sa isang lugar: ang Banal na Biblia. Upang masunod ang Kanyang mga kautusan, dapat nating malaman ang kanyang mga kautusan. Nangangahulugan iyon na dapat natin malaman at sundin ang mga Kasulatan, ang susi sa pagmamahal sa Dios at ang simulang punto para sa pinakasabik-sabik na paglalakbay ng buhay.

Ngunit mabalaan kayo: Kung hindi ka pa handa na maalis ang iyong mga kaaliwan sa buhay, mas mabuti pa na tumigil ka nang magbasa ngayon.

Ilang taong nakalilipas may isang artikulo sa magazine tungkol sa aking ministeryo sa kulungan na nagtapos na “ang kulungan ang nagbago ng buhay ni Chuck Colson.” Nauunawaan ko naman na maaaring maisip iyon ng taga-ulat, ngunit ito ay hindi sa gayon. Maaari naman akong lumaya sa kulungan at kalimutan na lamang ito; sa totoo nga lang iyon ang gusto ko. Ngunit kahit na ang bawat makataong pakiramdam ay nagsasabi, “Alisin mo na ito sa iyong isip magpakailanman,” patuloy na inihahayag ng Biblia sa akin ang pagkasidhi ng Dios para sa mga nasasaktan at nagpapasakit at nahihirapan; ang Kanyang mapilit na Salita ay sinasabi sa akin na maawa din ako tulad Niya.

Ang “nagbago” sa akin ay hindi ang kulungan, ngunit ang pagsasapuso ng mga katotohanang inihayag sa Kasulatan. Sapagka’t ang Biblia ang siyang kumompronta sa akin nang may bagong kaalaman ng aking kasalanan at pangangailangan para sa pagsisisi; Biblia ang nagdulot sa akin na magutom para sa katuwiran at hanapin ang kabanalan; at ang Biblia ang tumawag sa akin sa pakikisama sa mga nagdadalamhati. Ang Biblia ang patuloy na humahamon sa aking buhay ngayon.

Iyon ay isang matinding bagay. Ito ay nakaka-convict. Ito ang kapangyarihan ng Salita ng Dios at ito ay, sa sarili lamang nito, ay nakakapagbago ng buhay.

Handa ka na bang magpabago nang totoo sa Salita ng Dios at sumunod sa Kanya bilang patunay ng iyong pag-ibig sa Dios? bdj

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 36-40. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

Saturday, July 31, 2010

Life Lessons from the Saguaro Cactus

Cactus Hotel

by Brenda Guiberson

Sa isang mainit at tuyong araw sa disyerto, may isang matingkad-na-pulang prutas na nahuhulog mula sa isang matangkad na saguaro cactus. Plop. Bumubuka ito pahiwalay pagbagsak sa mabuhanging lupa. May dalawang libo itong itim na butong nangingintab sa sikat ng araw.

Kapag lumalamig na ang simoy ng hangin sa gabi, isang matandang daga ang lumalabas at kinakain ang makatas na prutas. Ang isang binhi na naiwang nakakapit sa balahibo nung daga ay nahuhulog sa ilalim ng isang puno na ang pangalan ay paloverde.

Ito ay isang mainam na lugar para sa binhi na mahulog. Ang isang spotted ground squirrel na naghahanap ng makakain ay hindi ito nakikita. Ang isang house finch na umaawit sa taas ng paloverde ay hindi ito nakikita.

Pagkatapos ng maraming tuyong mga araw, isang malakas na ulan ang bumabagsak sa disyerto. Hindi magtatagal at uusbong na mula sa lupa ang isang batang cactus.

Unti-unti, unti-unti, ang binhi ay lumalaki. Pinoprotektahan ito ng paloverde mula sa mainit na araw at malalamig na gabi. Pagkatapos ng sampung taon ay apat na pulgada pa lamang ang cactus. Sa liit nito, ang tanging makakaakyat lamang sa matinik nitong balat ay mga langgam.

Pagkatapos ng bagyo, kapag ang mga disyerto ay namumulaklak na ng kulay, ang cactus ay humihigop ng tubig gamit ang kanyang mahahabang mga ugat at nagmumukhang mataba.

Kapag walang ulan, ginagamit ng cactus ang lahat ng tubig na kanyang naipon sa loob at nagmumukhang mapayat. Ang paloverde ay nawawalan na ng dahon. Ngunit mayroon pa ring kaunting silong para sa cactus. Pagkatapos ng dalawampu’t limang taon, ang cactus ay dalawang talampakan ang taas. Nagpapalamig roon ang isang jackrabbit at ngumunguya ng maberde nitong balat. Ngunit kapag namamataan na ang isang coyote [isang uri ng mabangis na aso], ay nagtatago ang rabbit sa isang malapit na butas sa lupa.

Pagkatapos ng limampung taon ang cactus ay tumatayo na ng sampung talampakan at mukhang tuwid at malakas sa tabi ng matandang paloverde. Sa kauna-unahang pagkakataon, may sumisibol na matingkad na puti-at-dilaw na mga bulaklak sa tuktok ng cactus. Bawat tagsibol simula ngayon, ang mga bulaklak ay bubuka nang isang gabi lamang at sasara sa kainitan ng araw. Ito ay nagsisilbing panghalina sa buong disyerto. Sa iba’t ibang bahagi ng araw at gabi ang mga ibon, bubuyog, at paniki ay dumarating para sa nectar nito.

Natutuyo ang mga bulaklak, at pagkatapos ng isang buwan ang prutas na matingkad na pula na puno ng maiitim na buto ay hinog na at handa na. darating ang isang Gila woodpecker para kumain. Tumitingin siya sa paligid ng cactus at nagde-desisyong manatili roon.

Nakahanap siya ng isang perpektong lugar sa disyerto upang magsimula ng isang bagong hotel.

Ang woodpecker ay nagsisimula nang magtrabaho, at ang tanging kasangkapang ginagamit niya ay ang kanyang mahaba at matigas na tuka. Tap, tap, tap. Bumubutas siya sa balat ng cactus. Tap, tap, tap. Malalim ang kanyang paghuhukay, upang makagawa ng espasyo na comportable at malaki.

Hindi nasasaktan ang cactus. Bumubuo ito ng isang matibay na dagta sa buong paligid ng butas upang maprotektahan ang sarili sa panunuyo. Nakakakuha ang woodpecker ng magandang pugad na malilim sa maiinit na mga araw, at mainit at insulado sa malalamig na gabi. At nakakakuha din ng pakinabang ang cactus: gustung-gusto ng woodpecker na kumain ng mga insektong makapagdadala ng sakit sa cactus.

Pagkalipas ng animnapung taon ang cactus hotel ay labingwalong talampakan na ang tangkad. Upang makapagdagdag ng espasyo, nagpapatubo ito ng isang sanga. Gagawa ng panibagong butas ang woodpecker. Kasunod ang isang white-winged dove na gagawa ng pugad sa sanga ng cactus. Sa bandang baba, sa pinag-iwanan ng woodpecker, ay papalit ang isang matandang elf owl. Pakiramdam ng mga ibon ay ligtas sila, dahil nabubuhay sila sa taas ng nakakatusok na halamang ito kung saan walang anumang makakaabot sa kanila.

Sa buong paligid ng disyerto ay may mga butas na may iba’t ibang laki, para sa mga langgam at daga, mga lizard at ahas, rabbit at fox. Pagkatapos ng isandaan at limampung taon, mayroon na ring mga butas na may iba’t ibang laki sa cactus. Tumigil na rin sa paglaki ang cactus. Ito ay limampung talampakan na, na may pitong mahahabang mga sanga. Walong tonelada na ang bigat nito—kasing-bigat ng halos limang sasakyan.

Nais ng kahit anong hayop na manirahan sa cactus hotel. Doon ay nakakapangitlog ang mga ibon at nakapagpalaki ng mga anak ang mga daga. Kahit mga insekto at paniki ay naninirahan doon.

Kapag may isang hayop na umaalis, mayroon namang pumapalit. At kada tagsibol ay dumarating sila para masarap na nectar at makatas na pulang prutas.

Paglipas ng dalawangdaang taon, ang matandang cactus na ito ay madadala ng pagihip ng hangin at babagsak sa mabuhanging lupa. Ang malalaki at matitinik nitong mga sanga ay mawawasak sa pagbagsak.

Ang mga nilalang na nabuhay sa itaas nito ay kailangan nang maghanap ng panibagong tirahan. Ngunit ang mga ilan na gusto manirahan sa may baba ay pumupunta rito. Ang isang millipede, isang scorpion, at maraming mga langgam ay madaling nakakahanap ng tirahan sa natumbang hotel na ito.

Pagkatapos ng maraming mga buwan, ang matitira na lamang rito ay mga malakahoy na pahaba na sumuporta sa cactus noong nakatayo pa ito nang matuwid. Pumupunta rin dito ang isang lizard, upang maghanap ng mga insekto. Ang isang ahas ay nagtatago sa isang silong doon.

At sa buong paligid, may isang gubat ng mga cactus na unti-unti, unti-unting lumalaki sa disyerto. Sa pagdaan ng init at lamig, pagkabasa at tagtuyot, may ilang mabubuhay nang matagal upang maging mga cactus hotel rin.



Ito ang isinalin na bersyon ng aklat na Cactus Hotel, ni Brenda Guiberson, inilathala ng Henry Holt and Company, New York, NY, noong 1991.



THE CACTUS LESSONS

By Bro. Elijah Abanto



Nung mabasa ko ang kwentong ito, ako’y namangha sa kapayakan ng pagkakasulat nito. Ngunit bukod pa roon, ako’y higit na natuwa nang ipasok ng Panginoon sa isip ko ang mayamang mga aral ng Biblia at buhay mula sa kwentong ito.



Isa mga katotohanang dapat nating matutuhan sa kwentong ito ay na tayo ay may pinagmulan. Hindi magkakaroon ng panibagong cactus kung wala munang nauna at gumawa sa atin. Ang tanong eh, nagpapasalamat ka ba sa Dios na Siyang pinagmulan mo? O yung tao kaya na ginamit Niya? Maraming mga anak ang iniiwan na lamang ang kanilang mga matandang magulang sa isang senior care house at inaabanduna na lamang sila. Hindi nila naisip na kung wala ang mga ito ay wala din sila.



Pangalawa, lahat ng nangyayari ay may dahilan ang Dios. Sa anumang pangyayari ay laging nandoon ang Dios. Isipin mo na lamang na kung walang kumapit na buto sa balahibo ng daga, may panibago kayang cactus na sisibol? Maraming mga bagay sa ating buhay na kung hindi kumilos ang Panginoon ay hindi tayo magtatagumpay. Kahit na ganung kaliit na bagay sa tingin natin, hindi maaaring walang kinalaman ang Dios doon.



Pangatlo, habang tayo ay lumalaki ay kailangan natin ng mag-aalaga, gagabay, at poprotekta sa atin. Isipin mong ikaw yung cactus. Kung walang paloverde tree, sa tingin mo ba ay lalaki ang cactus sa ganung kalaking taas? Kung wala yung paloverde, madaling makikita nung squirrel o nung finch yung binhi at makakain. Kung wala yung paloverde, maanod lang ng tubig-ulan yung binhi dahil walang ugat na poprotekta at pipigil sa kanya. Kung wala yung paloverde, walang magpoprotekta sa cactus mula sa init at sa lamig. Isipin mo ngayon na ang paloverde sa buhay mo ay iyong Dios, magulang, pastor, at ispiritwal na mga guro. Kung wala sila, ano kaya ang mangyayari sa iyo?



Pang-apat, darating talaga sa buhay ang pagsubok—ngunit ang mainam gawin ay ang matuto mula rito. Dumating ang bagyo sa panahong binhi pa lamang siya, ngunit hindi natin makikita ang cactus na nagreklamo. Imbes, pagkatapos nito, ay ginamit ng cactus ang kanyang mahahabang ugat para kumuha ng tubig mula rito. Dagdag pa rito ang aral na pagkatapos ng pagsubok, ay may pagpapalang darating—kung hindi lang tayo manghihinawa. Hindi mabubusog ang cactus sa tubig kung hindi muna siya tatagal sa matagal na buhos ng bagyo.



Makikita rin natin na pagkatapos ng bagyo ay tagsibol, at pagkatapos at tagtuyot. Isa pa nating dapat matutunan ay ang pagpapala ay dapat nating gamitin upang paghandaan ang susunod na hamon ng buhay. Kaya nag-ipon ng maraming tubig si cactus ay dahil susunod naman ang panahon ng tagtuyot. Dapat nating tandaan na hindi lang tayo dapat nagsasaya kapag may pagpapala, dapat din nating paghandaan ang darating na unos.



Nararapat na gantihan natin ng kabutihan ang ginawa sa atin ng ating mga “paloverde.” Hindi umalis sa tabi ng paloverde tree si saguaro cactus nung malaki na siya; bagkus, ay kasama niya ito hanggang sa tuluyan nang mamatay ang punong ito. Ganyan ba tayo sa ating mga magulang, o pastor, o Sunday School teacher? Napakagandang halimbawa ng cactus sa bagay na ito.



Pampito, maging pasensyoso at kuntento tayo. Lagi na akong nakakakita ng mga bata na gusto nang tumanda, gayundin naman ang matatanda na gusto nang bumata. Kawalan ito ng pasensya at kakuntentuhan. Hindi mainipin ang cactus; nung 10 years old siya 4 inches lamang ang laki niya; 25 years old na siya ay 2 feet pa lamang din siya. Nung naghintay pa siya hanggang sa maging 50 years old siya at tsaka siya naging 10 feet at nagkabulaklak at namunga. Nung tumanda siya ay patuloy lang din siya, nagbibigay tulong sa maraming hayop.



Ito ang nagdadala sa atin sa pangwalong aral: matuto tayong tumulong nang walang kapalit. Maaari mo na itong matutunan kahit bata ka pa lamang (sa batang edad ng cactus ay nakikinabang na sa kanya ang mga langgam), o sa kalagitnaan ng iyong edad (tulad ng cactus sa isang jackrabbit), o matanda na (sa mga ibon, paniki, at insekto). Kumakain sila doon, at naninirahan doon. Ngunit walang bayad. At habang naglilingkod tayo, dinadagdagan ng Dios ang ating kakayahan. Habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang cactus ng sanga, para mas marami pa ang makatira sa kanyang katawan.



Kapag ginugol natin ang ating buhay sa paglilingkod, ay patuloy tayo na magiging kapaki-pakinabang sa iba kahit pagkatapos ng ating buhay. Kahit patay ang cactus, mayroon pa ring nakakatira sa kanya. Mula din sa kanya nabuo ang cacti forest, o gubat ng marami pang mga cactus. Si Jesus, simula nung namatay Siya, hanggang ngayon, ay marami pa ring nababago ang buhay. Dalawang-libong taon na ang lumipas. Hindi natin kung ano ang maaaring maging bunga ng isang buhay katwiran sa bawa’t isa sa ngayon at sasusunod pang henerasyon.



Marami pa, marami pa. Kahit mula sa woodpecker, at marami pang iba roon ay mayroon kang mapupulot na aral. Ngunit ang mainam ay ang pagbulay-bulayan mo ang iyong mga natutunan at i-apply mo ito sa iyong buhay.

Wednesday, September 16, 2009

How Can I Grow?

by Bishop Felizardo D. Abanto
Taken from Baptist’s Digest Weekly 29, July 27, 2008, p.3

“And beside this, giving all diligence, add to your faith virtue; and to virtue knowledge; and to knowledge temperance; and to temperance patience; and to patience godliness; and to godliness brotherly kindness; and to brotherly kindness charity. For if these things be in you, and abound, they make you that ye shall neither be barren nor unfruitful in the knowledge of our Lord Jesus Christ.” —2 Peter 1:5-8
Are you a new believer? Or an old-time Christian? Every Christian needs to grow in his Christian life. To grow, you need to do these things:
1) Be a disciple and not merely a church-goer. A disciple follows Christ obediently every day.
2) Spend time reading the Bible each day, beginning with the New Testament. Meditate on what you have read, asking these three questions:
A) What does this tell me about God? (That would be His personality, character, and attributes.)
B) What is He commanding me to do? What does God want me to do in obedience to Him?
C) What is God promising me? Which promises is the Lord inviting me to claim today?
3) Pray to God in a conversational way (the way you talk to a person). The prayer should be both spontaneous and sincere. Prayer has various aspects including worship, petition, confession, and intercession.

Start a daily discipline of reading the Bible, meditating on it, and praying. Even if it is for fifteen minutes at the beginning, this will be a good start for you.


clip_image002Author Spotlight
Bishop Felizardo D. Abanto is pastor of Capitol Bible Baptist Church, located at Tanza, Cavite, Philippines, home of CYPA Paper Ministries, publisher of Baptist’s Digest Journal. He has written over 40 articles for BDJ. Visit CBBC’s website at www.capitolbiblebaptist.multiply.com.