Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Wednesday, May 5, 2010

Living Beyond Discontentment, by Charles R. Swindoll





AN INTRODUCTION FROM THE EDITOR
Ayon sa Wiktionary, ang salitang “greed” ay nangangahulugang “A selfish or excessive desire for more than is needed or deserved, especially of money, wealth, food, or other possessions”1 o isang makasarili o sobra-sobrang paghahangad nang mas marami pa sa kinakailangan o karapat-dapat, lalo na ng pera, kayamanan, pagkain, o iba pang mga pag-aari.
Madalas kong iniisip, bakit ba ang tao ay nagiging “greedy” o sakim? Bakit ba ang isang tao ay gusto na sa kanya lang ang isang bagay, at bakit pag mayroon na siya ng ganito ay gusto niya pa ng mas marami? Sabi nga sa Ecclesiastes 5:10, “He that loveth silver shall not be satisfied with silver; nor he that loveth abundance with increase: this is also vanity.” Pero bakit nga ganoon?
Discontentment. Hindi pagiging kontento. Kaya bago mo resolbahin ang greed, dapat ay bigyang-pansin muna natin ang discontentment.
1Wiktionary, “greed,” en.wiktionary.org.

****************************************************************

THE GRIND OF DISCONTENTMENT
Maraming mga tao ang kinakain ang kanilang mga puso, naghihirap mula sa sakit na “If Only.” Ang mga germs nito ay sinasabi ang bawat aspeto ng ating buhay.
Kung mayroon lang akong mas maraming pera
Kung kaya ko lang makakuha ng mas magandang grado
Kung mayroon lang kaming mas magandang bahay
Kung hindi lang kami nagkaroon ng ganung kapangit na investment
Kung hindi lang ako nanggaling sa masamang background
Kung nanatili lang siya na asawa ko
Kung mas matibay lang ang aming pastor
Kung kaya lang lumakad ng anak ko
Kung mayroon lang kaming anak
Kung hindi lang kami nagkaroon ng anak
Kung nagtagumpay lang yung negosyo
Kung hindi lang namatay ang asawa ko nang bata
Kung humindi lang ako sa droga
Kung binigyan lang nila ako ng pahinga
Kung hindi lang ako na-aksidente
Kung sinabi lang niya sa akin
Kung tatanggapin lang nila ako sa kung sino ako
Walang katapusan ang listahan. Nakahabi sa lahat ng mga salitang iyon ay isang buntung-hininga na nagmumula sa pagiging hindi kontento o discontentment. Pag nadala pa ito nang mas malayo, dumarating tayo sa punto ng pagkaawa sa sarili—isa sa mga pinaka-hindi-katanggap-tanggap at hindi mapapasubalian sa lahat ng mga ugali. Ang discontentment ay isa sa mga pahirap sa atin na pinipwersa ang iba na makinig sa listahan ng ating mga aba. Ngunit hindi sila magtatagal! Ang mga kaluluwang hindi kontento ay mabilis na nagiging mga kaluluwa na naiiwang mag-isa.
Natutuwa ako na hindi iniwasan ni Solomon ang isyu ng discontentment. Sa tatlong magkakahiwalay na okasyon ay nagsulat siya ng mga kasabihan para basahin nating lahat. Ang bawat isa ay isang kasabihan na may paghahambing kung saan iyung mas nauunang bahagi ay ipinapakita na “mas mainam” kaysa nahuling bahagi. Halimbawa:

Better is a dinner of herbs where love is, than a stalled ox and hatred therewith. (Proverbs 15:17)

Sino’ng nangangailangan na kumain ng mamahaling steak? Ano’ng malaking bagay kung kumakain nga kayo ng steak eh wala namang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang kumakain nito? Napangiti ako nang may mabasa ako tungkol sa isang babae sa isang party na pinipiliit pasayahin ang hitsura ilang taon na ang nakalilipas. Napansin ng isang kaibigan ang malaking nangigislap na bato sa kanyang daliri at napabulalas, “My gulay! Napakagandang diyamante!”
“Oo,” pag-amin niya, “yan ay isang Callahan na diyamante. Kasama nito ay isang Callhan na sumpa.”
“Callahan na sumpa?” tanong ng kanyang kaibigan. “Ano yun?”
“Yung asawa ko—si Mr. Callahan,” sinabi niya nang nakakunot.
Itinatanong ni Solomon, “Ano’ng buti na magkaroon ng maraming-marami ng isang bagay kung may kasama namang poot?”
Isa na namang pagkastigo:

Better is a dry morsel, and quietness therewith, than an house full of sacrifices with strife. (Proverbs 17:1)

Nakakita na tayo nang ganyan. Maraming mga tao at party, walang tigil na pagdating at paglabas ng mga tao, walang katapusang gawain at tone-toneladang pagkain … ngunit may awayan. Huwag na lang. O gaano kadaling madaya ng lahat ng ingay at usok ng pagkain! Ang isang simpleng mangkok ng lugaw sa isang payapang lugar ay mas mabuti pa.

Better is a little with righteousness than great revenues without right. (Proverbs 16:8)

Hindi mo rin kayang hindi makuha ang punto noon. Kahit ano—kahit ano¬—na nangangailangan ng kawalan ng hustisya para makamit ay hindi magdadala ng kasiyahan. Kahit na ang Taj Mahal kung may kawalang-hustisya ay walang binatbat sa “kaunti” na may katuwiran. Ano ang kwenta kung ang isang tao ay puno nga ang pera sa bangko at ang kanyang na-invest ay kahanga-hanga kung kailangan naman pala niyang mabuhay nang nakokonsensya? Para lang iyong pagtulog na nakasabit sa hanger. Bawat galaw na iyong ginagawa ay isa na namang paalala na may mali.
Dapat itong marinig, hindi lang ng mga mayayaman, kundi pati ng mga mahihirap. Pareho lang na kailangan ng ganitong payo ang tao na gusto ng (at mayroon namang) napakarami at ang tao na pakiramdam nila ay kailangan pa nila ng mas marami. Bihira na magkaroon ng kaugnayan ang hindi pagiging kontento sa kalagayan mong pinansyal. Ang kasakiman ay siyang kanser ng pag-uugali, hindi dahil sa kakulangan sa pondo kundi dahil sa maling mga motibo. Mayroong hindi na kailanman makokontento, gaanuman karami ang mayroon sila. Ang discontentment ay parang isang magnanakaw na patuloy na iniistorbo ang ating katahimikan at ninanakaw ang ating kasiyahan. Hindi ito tumitigil sa pagbulong ng, “kailangan mo ng mas marami pa … mas marami pa … mas marami pa … mas marami pa …”
Basahin mo ang 1 Timothy 6:6-10, 17-19 nang maingat, na parang binabasa mo pa lang ito sa kauna-unahang pagkakataon.
Sabi nga ng pilosopong Tsino na si Lao Tzu:

Walang hihigit na unos kaysa sa sobrang pag-aasam sa mga bagay. Walang hihigit na pagkakasakdal kaysa hindi pagiging kontento. At wala nang hihigit na kasiraan kaysa sa kasakiman.

********************************************

PAGNINILAY-NILAY TUNGKOL SA
DISCONTENTMENT

1. Nung binasa mo yung listahan ng mga “if only,” ay maaaring wala doon ang partikular mong “if only.” Kung ganon, sabihin mo na ito rito.
2. Basahin mong muli ang mga salita ni Lao Tzu. Ngayon ay isipin mo, mayroon ba talaga dapat na hindi ikakuntento?
3. Si Jesus, sa kanyang walang kamatayang Sermon on the Mount, ay sinabi na “You cannot serve God and mammon” (Matthew 6:24). Ano ang pagkakaiba ng “pag-iipon” at “paglilingkod” sa pera? Isa pang kaisipan: Kung si Jesus ay mabubuhay kaya ngayon, makakaramdam kaya Siya ng kahit na kaunting discontentment? Bakit? O bakit hindi? bdj

———————————————————————
Mula sa Living Beyond the Daily Grind, pp. 221-225. Inilathala ng Word Publishing. Isinalin sa Tagalog ni Elijah E. Abanto.

Friday, April 30, 2010

The Plug-In Drug, by Charles R. Swindoll



Isang nakakamanghang eksperimento sa adiksyon ang iniulat sa isang issue ng Good Housekeeping magazine. Hindi adiksyon sa droga. Hindi rin adiksyon sa alcohol. Ito’y adiksyon sa telebisyon.

May isang diyaryo sa Detroit [USA] na nagbigay ng offer sa 120 pamilya sa lungsod. Pinangakuan ang mga pamilya ng 500 dolyares kung sila’y papayag na hindi manonood ng TV sa loob ng isang buwan. Tama—500 dollars kung papanatilihin nilang nakapatay ang TV sa loob lamang ng 30 araw. Hulaan mo kung ilan ang tumanggi sa offer.

Ninety-three.

At sa dalawampu’t pitong mga pamilya na pumayag, lima ang pinag-aralan at iniulat sa article ng magazine na iyon. Naisip mo na siguro kung gaano kalaking adjustment ang ginawa nila. Ang bawat pamilya ay nanonood ng TV mula 40 hanggang 70 na oras kada linggo … yun ay mula 5.7 hanggang 10 oras bawat araw. Isipin mo yun! Bawat araw ng bawat linggo ang mga parehong tunog at larawan ang patuloy na naging bahagi ng mga pamilyang iyon—taon-taon.

Nagkaroon ng mga kakaibang epekto ang hindi panonood ng telebisyon. May isang babae na nagsimulang makipag-usap sa pusa at may mag-asawa na simula noon ay hindi na nakipag-usap sa isa’t isa!

Ngunit mayroon din nangyaring maganda. Ang mga libro ay nahuhugot na mula sa lalagyan, na nakaipon na ng alikabok sa pagpapabaya, at binasa. Ang mga pamilya ay naglaro, nakinig sa radyo, at masayang naglalaro ng pagre-record! Sa isang pamilya may dalawang batang naglaan ng oras para magsanay ng pagi-spell ng kanilang mga pangalan at tirahan!

At, milagro ng mga milagro, mayroon pang mga pamilya na nag-ulat na ang kanilang mga batang anak ay hindi na nagngangawa tuwing papaliguan sila sa gabi! At may ilan (mabuting umupo ka muna) ay kusang nagsanay ng kanilang mga piano lessons.

Ang mga resulta? Well, ang mga “no TV month” families ay kailangang aminin ang apat na mga katotohanan:

1. Sila’y naging mas-close.

2. Mas maraming oras para magkasarilinan ang mga magulang at mga anak.

3. Nagkaroon ng kapansin-pansing pagtaas sa pagiging pasensyoso sa pagitan ng magkakapamilya.

4. Nag-improve ang kanilang pagiging malikhain.

Nais ko sanang i-report ang sumusunod sa kabaligtaran… ngunit nais kong maging honest imbes na maging mapangarapin at idagdag na nanalong muli ang telebisyon sa kanila. Lahat sa limang pamilyang iyon ay bumalik sa kanilang adiksyon sa halos ganun ding kadaming oras kumpara sa una. May ilan pa ngang nakahigit pa.

Hindi naman yung TV ang nagbibigay ng alalahanin sa akin. Hindi, ito’y isa lamang gamit na maaaring magamit at ma-enjoy paminsan-minsan. Ang nagpapalungkot sa akin ay yung pag-abuso nito—yung adiksyon na sinisira ang pagiging malikhain ng tao at lumulumpo ng mga personal na relasyon sa tao. Sumasang-ayon ako sa puna na ginawa ng Christian Medical Society Journal nitong mga nakalipas na taon:

Ang pangunahing panganib ng telebisyon ay hindi nakabase sa pag-uugaling nagre-resulta mula rito kundi sa pag-uugaling pinipigilan nito.

Ang pagbukas ng telebisyon ay maaaring makasira ng proseso na nagbabago ng mga musmos sa pagiging mga mature na tao … at nagpaparalisa ng mga manonood na maging palaisip at maalagang mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit narinig ang isang siyam-na-taong bata sa San Francisco na nagsasabi:

“Mas gusto ko pang manood ng TV kaysa maglaro sa labas dahil nakakabagot sa labas. Pare-pareho lamang naman sila ng nilalaro, tulad ng duyan at iba pang bagay.”

Isang kilalang awtoridad ang nagsasabi na ang mga batang pinalaki sa telebisyon ay dumarating sa katandaan nang walang kitang senyales ng pagbaba ng katalinuhan sa kabuuan. Mukha namang walang malaking kabawasan sa utak, ngunit mayroong ilang mga kakaibahan na nagbibigay-alalahanin sa mga eksperto sa larangang ito.

· Pagtaas ng komunikasyon na halos walang normal na salita (tulad ng “pare … uh … alam mo na … uh…”).

· Napakakaunting naiisip na mga konsepto mula ang mga young adults.

· Isang matindi at halos walang-kabuluhan na pagdepende sa musika na may heavy beat bilang kaisa-isa nilang gusto.

· Madalas na pagkakaroon ng bawal na gamot.

· Mas malaking interes sa mga passive experiences kaysa sa mga bagay na nangangailangan ng pag-iisip at aktibong pakikilahok.

At dahil ang telebisyon ay nasa malaking porsyento ng mga tahanan, ang mga problemang ito ay hindi bumababa.

Mga kapatid, dapat tayong gumawa ng paraan tungkol dito! Dapat lang nating gamitin nang tama ang dalawa sa mga pinakamaliliit na bagay sa iyong bagay, ang on-and-off button ng iyong TV at ang payak ngunit makapangyarihang salitang Hindi. Alalahanin natin ang mga salitang ito:

Finally, brethren, whatsoever things are true, whatsoever things are honest, whatsoever things are just, whatsoever things are pure, whatsoever things are lovely, whatsoever things are of good report: if there be any virtue, if there be any praise, think on these things. (Philippians 4:8, KJV). 

Maniwala ka, ang mga benepisyo na inyong makukuha ay mas mahalaga pa kaysa sa $500 at tunay na tatagal.

Para sa pagbabago, tanggalin mo na sa saksakan ang telebisyon mo.

Palalalimin ang iyong mga ugat:
Psalm 25:15; Ezekiel 20:21-31; 1 John 2:15-17

Pagsasanga:
1. Hinahamon kita na patayin ang iyong TV sa loob ng isang linggo at punuin ang mga libre mong oras ng kahit isang magandang libro, pakikinig sa musikang Kristiano, paglalaro ng isang magandang laro, paglakad, pagbisita na hindi mo pa nakikita sa nakalipas na tatlong buwan.

2. Sa bawat isang oras na ikaw ay nanood ng TV, ay tumbasin mo rin ng isang oras ng pagbabasa ng Bible o isang magandang libro.

—————————————————————————————————
Ito ay isang Tinagalog na article mula sa aklat ni Charles R. Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 326-328. Inilathala ng Multnomah Press, Portland, Oregon. ©1983 Charles R. Swindoll, Inc.