Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Thursday, September 9, 2010

I’m Only Quoting You

by Elijah Abanto

Malamang kahit sinong tao ay ganito ang pilosopiya: that one way or the other, ay mayroon tayong pinaniniwalaan sa sinasabi ng isang tao at mayroon ding hindi natin pinaniniwalaan. Kung mayroon man akong isang personang pinaniniwalaan ng buo yun ay ang Dios; at kung mayroon man akong isang libro na pinaniniwalaan nang buo yun ay ang Biblia, dahil iyon ang Salita ng Dios. Nothing more, nothing less.

Pero may dating na kakaiba sa isang tao kapag sumipi ka sa aklat ng isang manunulat o personalidad—mas madaling isipin na kaya mo siya sinipian ng mga salita ay dahil pinaniniwalaan mo ang lahat ng kanyang mga opinyon at sinasabi—lalo na kung positibo ang tingin mo sa sinipi mo mula sa kanyang isinulat. At ito’y natural; maraming matatalinong tao na ganito ang unang reaksyon, bagaman sa kanilang pag-iisip ay kumaklaro na baka hindi naman ganito ang kaso ng sumipi.

Ngunit narito lamang ang aking sasabihin: hindi lahat ng sinisipian ko o kinukuhanan ng article ay pinaniniwalaan ko sa lahat ng kanyang sinasabi o ginagawa. Mabuti na lamang at naibigay itong suwestiyon ng aking pastor na sumulat ng isang artikulo patungkol dito para maging klaro sa mga mambabasa ang ibig-sabihin ng pagkuha ko ng mga sipi sa ibang mga kilalang Kristiano.

Para mas malinaw o para mas mapatunayan kong ganun nga ang aking katayuan ay nais kong ipakita sa inyo ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan sa tatlo sa mga awtor na kinuhanan ko ng mga artikulo para sa BDJ: sina Charles F. Stanley, Charles R. Swindoll, at Charles W. Colson. (Ngayon ko lang napansin na puro “Charles” ang mga kilalang Kristiano na kinuhanan ko ng sipi o articles.)

Charles F. Stanley. Sa tatlong tao na kinukuhanan ko palagi ng articles, siya ang pinakagusto ko. Una sa lahat ito ay dahil kilala siya bilang isang Baptist. Ang ibig kong sabihin, hindi niya itinatago ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang Baptist, kahit na kadalasan sa Amerika ang mga Southern Baptist pastors at writers, sa halos lahat ng pagkakataon, ay hindi babanggitin na sila’y Baptist. Ngunit ang pangalan mismo ng church na kanyang pinagpa-pastor-an niya ay “First Baptist Church of Atlanta,” at alam ko iyon dahil nakita ko sa kanyang TV program na In Touch with Dr. Charles F. Stanley—ibig-sabihin buong mundo ang nakakaalam na Baptist siya. At hinahangaan ko siya dahil doon. Ang kanyang mga articles sa In Touch magazine ay sinasang-ayunan ko, at sa tingin ko ay biblikal. Maaari kong sabihin na sa ngayon ay wala pa akong nababasa mula sa kanya na hindi ko sinasang-ayunan.

Ang hindi ko lang sinasang-ayunan sa kanya ay ang kanyang pananatili sa Southern Baptist Convention. Ang SBC ay hiniwalayan ng maraming Baptist pastors dahil sa ginagawa nitong kompromiso sa doktrina. Bagaman hindi mo siya maririnig na sumasali sa mga aktibidades ng SBC gaya ng ibang kilalang SB pastors at writers tulad nina Rick Warren, Josh McDowell, at marami pang iba, ay iba pa rin ang matawag na kasali sa grupong ito. Sabi nga sa Biblia na “come out of her, my people, that ye be not partakers of her sins, and that ye receive not of her plagues” (Revelation 18:4). Bagaman iba ang tinutukoy ng passage na ito, ang prinsipyo ng paghiwalay sa anumang organisasyon na mali ay nandoon pa rin.

Isa pa rito ay ang pag-tolerate ni Stanley sa mga articles na inilalathala sa In Touch magazine. Ang mga articles niya mismo ay tama at naaayon sa Biblia, ngunit ang ibang articles na hindi niya isinulat, yun ang problema. Ang ibang mga articles sa kanyang publikasyon ay sumasang-ayon sa mga modernong musika na pang-”Kristiano” daw, o kaya naman may article na ini-interview ang mga Kristiano na may maling pilosopiya. Oo nga, hindi siya ang sumusulat nito, ngunit hindi rin naman tama ang pumayag ka na mailathala sa publikasyon mo ang mali, dahil tulad nga ng sinabi ko sa mga unang talataan, mas madaling isipin na dahil kinuhanan mo ng sipi ang isang tao ay pinaniniwalaan mo ang bawat sinasabi nito at ginagawa, which is not the case, I think, kay Stanley. Ang musika sa kanyang iglesiya ay conservative. Not once did he invite anyone na may modernong “Kristianong” musika sa First Baptist Atlanta. Ngunit ang pag-tolerate, yun ang hindi ko sinasang-ayunan sa kanya.

Charles R. Swindoll. Maaaring pinakagusto ko si Stanley personally ngunit si Swindoll naman ang pinakapaborito ko. Marahil ay dahil mas marami akong libro niyang nababasa. Isa pa, his writing at paraan niya kung paano i-expound ang Scriptures ay very interesting at nakaka-disarma. Pinagpala siya ng Dios ng magandang panulat. Lagi ko ring napapakinggan ang kanyang mga mensahe sa Insight for Living, kanyang radio program na bino-broadcast sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas (sa 702-DZAS), at sa Internet. Ang kanyang mga mensahe ay biblikal, interesante, at nakakahamon, nakakapag-bigay inspirasyon. What’s more interesting is that he is also a Baptist!

Which is also the first cause na hindi ko siya sinasang-ayunan—hindi mo maririnig sa kanyang bibig palagi na Baptist siya. Ang mga alam kong iglesya na kanyang pinagpastoran, tulad ng First Evangelical Free Church of Fullerton at sa ngayon ay Stonebriar Community Church, ay halatang wala ang pangalang “Baptist” doon. Nalaman ko lamang na Baptist siya sa isa sa mga broadcast niya sa radio at minsan ko lang iyon narinig.

Secondly, nakabasa na ako ng mga aklat ni Swindoll kung saan hindi ko sinasang-ayunan ang mga sinisipian niya ng mga salita. Minsan ay nag-quote siya ng isang Roman Catholic, si Henri Nouwen, sa kanyang aklat na Intimacy with the Almighty. Hindi ko rin sinasang-ayunan ang kanyang pagsasabi ang paggamit niya nang maraming versions para ma-klaripika ang mga medyo malalabong talata, at pagsasabi na “mas tama ang ganitong translation.” (Though pareho sila ni Stanley nang ginagamit na version, which is the New American Standard Bible, ay hindi naman nagsasalita si Stanley na mas tama ang ganitong translation.) Isa pa ay ang kanyang pilosopiya na walang unacceptable kind of music, bukod lang sa Rock. Siya mismo ay nakikinig ng Country music, ayon sa kanyang mga broadcasts at sa aklat niyang The Grace Awakening. Sinabi niya na walang problema sa kung anong musika o damit ng isang tao, though sa sarili niya ay mayroon siyang personal na convictions. Ngunit ang ganitong klase ng pilosopiya ay misleading. Dagdag pa rito ang kanyang involvement sa deeply-compromised na Promise Keepers, isang interdenominational na organisasyong directed sa mga adult men na tinatanggap ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo.

Charles W. Colson. Isa sa mga nakakuha ng aking atensyon tungkol sa kanya ay ang istorya mismo ng kanyang kaligtasan. Isang masamang politiko na naging dedikadong Kristiano—ito ay isang kamangha-mangha at magandang patotoo sa buong mundo (tinalakay niya ito sa best-selling niyang aklat na Born Again.) Isa pa ay ang kanyang matapang at matalim na paraan niya ng pagsusulat. Kung may nakikita siyang mali, buong tapang niyang babanggitin kasama ang mga pangalang kaugnay doon. With all the wrongs set aside, gusto kong writer si Charles Colson. Isa siyang Baptist anyway.

Ngunit ang mali lang sa kanya ay ang bulgar niya ring pakikipag-fellowship sa ibang sekta ng Kristianismo, ang Roman Catholicism bilang isang kapansin-pansing halimbawa. Kino-quote niya sina Mother Teresa, Henri Nouwen, St. Augustine, Richard John Neuhaus, at marami pang ibang Catholics. Nais niyang magkaisa ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo na naniniwala sa Fundamentals, na nakikita niyang batayan para i-fellowship o hindi i-fellowship ang isang sekta o hindi. Naniniwala siya na kapag ang doktrina ay hindi kasama sa Fundamentals na ito, ay dapat lamang na makipag-fellowship sa mga ito. Ang kanyang mga sulatin ay very convincing na kung hindi mo alam ang doktrinang tama, ay paniniwalaan mo lahat ng kanyang sinasabi.

He’s very ecumenical na sumulat pa siya ng isang aklat para sa kilusan na nagtutulak na makiisa sa mga Katoliko. Iyon ang Evangelicals and Catholics Together (isinulat niya pa ito kasama si Richard John Neuhaus, isang kilalang Catholic priest).

You may even have learned something from this. I’m glad my pastor adviced me about this. At nais ko rin na ang bawat Kristiano ay huwag gawing idol ang mga tao (kahit Kristiano, especially kahit Baptist pa ito). No one is perfectly right on something. Maaaring ako mismo ay may maling paniniwala. Ang nais ko lamang sa bawat isa ay ang paniwalaan ang Dios at ang Kanyang Salita nang buo, and from that ay kumuha ng babasahin na sumasang-ayon sa katotohanan na ito at gamitin para sa ikatitibay ng ibang mga Kristiano.

Kaunti lamang ang nakakapagpasaya sa akin nang higit sa makita ang isang Kristiano na lumago at na-encourage dahil sa aking isinulat o nilathala. bdj

Tuesday, August 31, 2010

Loving God: Faith and Obedience

by Charles Colson

Bilang paghahanda, bago isinulat ni Charles Colson ang kabanatang ito ay ikinwento muna niya ang kasaysayan ng buhay ni Boris Alexander SolzhenitsynKornfeld, isang Judiong doktor noong namamayagpag pa ang Soviet Union, isang Komunistang grupo na kinapapalooban ng Russia, at ang malupit nitong diktador na si Stalin. Doon ay naging preso siya, ngunit bilang isang doktor ng mga sundalo sa prison camp. Nakita niya ang kalupitan ng sundalo roon, at ng Komunismo sa kabuuan, at hindi nagtagal sa puso niya ay tinalikuran niya ang mga ito, at nanampalataya kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas. Mula noon ay sumusuway na siya sa mga malupit na utos ng mga sundalo doon, tulad ng pagpatay sa mga pasyente niyang hindi nagugustuhan ng mga sundalo. Ang naging sukdulan pa ay ang pagbabahagi niya ng Salita ng Dios sa isang pasyente. May nakarinig sa kanya, at sinumbong sa isang sundalo. Kaya noong kinagabihan, sa pagtulog niya, ay pinukpok ang kanyang ulo ng maso nang walong beses na agad niyang ikinamatay. Ang pasyenteng binahaginan niya ng Salita ng Dios ay naligtas din, na nakalaya sa Komunismo roon, at ipinamahagi sa buong mundo ang kanyang ginawa. Iyon si Alexander Solzhenitsyn.

Si Boris Kornfeld ay isang dakilang isinataong kabalighuan (paradox). Isang Judio na tinalikuran ang pananampalataya ng kanyang mga ninuno. Isang doktor na nasayang nang walang katuturan ang mga taong ginugol sa pagsasanay. Isang political na ideyalista kung saan ang pangitaing maganda ay nauwi sa isang tigang na kulungan ng Siberia. Isang preso na ibinigay ang buhay para lamang sa isang nanakaw na isang piraso ng tinapay. Sa bawat isa sa mga aspetong iyon, si Boris Kornfeld ay isang bigo—iyon ay sa sistema ng pagpapahalaga ng sanlibutan. Ngunit kinuha ng Dios ang kabiguang iyon ng isang tao upang madala kay Kristo ang isang tao na magpapatuloy bilang isang mala-propetang boses at isa sa mga pinakama-impluwensyang manunulat sa buong mundo.

Sapagka’t ang mga salita ni Kornfeld ay ginawa ang mapangkumbinse at mapang-convict na gawain nito, hinihipo ang tinawag paglaon ni Solzhenitsyn na “isang sensitibong pisi.” Iyon ang kanyang sandali ng ispiritwal na pagkabuhay; “Dios ng kalawakan, naniniwala akong muli sa Inyo! Kahit na itanggi Kita, nariyan Ka pa rin,” kanyang isinigaw. Isa yung ispiritwal na pagsasalin—ang buhay na kinuha mula sa isang tao at inilipat sa isa para sa isang layunin ng Dios.

At sa kanyang kaligtasan ay nakita ni Solzhenitsyn ang kabalighuan ng kaharian ng Dios. Sapagka’t sa kahungkagan ng Russian gulag na iyon ay kanyang naramdaman ang isang bagay na hindi makita ng milyung-milyong naghahanap ng kaligayahan sa kayamanan ng buhay-Kanluran. Isinulat niya paglaon, “ang katuturan ng pamumuhay sa lupa ay nakasalalay, hindi sa isang kaisipan na kinalakihan natin, ang pagyaman, kundi sa paglago ng kaluluwa.”

Ang maikling buhay-Kristiano ni Kornfeld ay naisabuhay sa isang limitadong sitwasyon at paligid, halos nasa isolation, o pagkakahiwalay sa karamihan, pa nga. Sa maraming paraan ay maaari nating isipin na ang kanyang desisyon na huwag pirmahan ang mga medical forms [o “death certificate” kung baga para sa mga preso], kanyang pag-uulat ng pagiging korap ng isang bantay [sa pagnanakaw nito ng tinapay na para sa mga pasyenteng preso], kahit na ang kaunting oras ng pagpapatotoo sa isang halos-mamatay na na pasyente ay walang kabuluhan, at magdadala lamang sa kanya ng wala kundi ng kung ano ang nangyari sa kanya sa katapusan—ang brutal na kamatayan sa mga kamay ng mga dumakip sa kanya. Ngunit ang pananampalataya ni Kornfeld ay malakas, tiyak, at sinsero. At kahit papaano ang kapwa niya Kristiano at ang Banal na Ispiritu ay nagbahagi ng isang katotohanan sa kanya: ang hinihingi sa kanya ng Dios ay pagsunod, anuman ang mangyari. Pagsunod nang may iisang pag-iisip sa pananampalataya.

At iyon ang aral ng Rusong doktor na ito: ang nais ng Dios mula sa Kanyang bayan ay pagsunod, kahit na ano ang sitwasyon, kahit na hindi alam kung ano ang kalalabasan nito.

Lagi na namang ganito. Ang Dios na tinatawag ang Kanyang bayan sa pagsunod at nagpapakita lamang ng pahapyaw ng kung ano ang mangyayari sa kanilang mga pagpupunyagi.

Karamihan sa mga dakilang katauhan sa Lumang Tipan ay namatay nang hindi nakikita ang katuparan ng mga pangako na kanilang pinanghawakan sa buong buhay nila. Ginugol ni Pablo ang buong buhay niya sa pagtatatag ng unang iglesia, ngunit habang papalapit na ang kanyang kamatayan ang lahat ng kanyang nakita ay isang linya ng maliliit na kongregasyon sa Mediterranean, at marami pa sa mga ito ay pinahina ng makalamang kalayawan o pagkakahati dahil sa maling doktrina.

Nitong mga mas kabaguhan na mga panahon, ang dakilang kolonyal na pastor na si Cotton Mather ay nanalangin para sa revival nang mga oras araw-araw sa loob ng dalawampung taon; ang Great Awakening (“Dakilang Paggising”) [sa Amerika] ay nagsimula sa taon ng kanyang kamatayan. Sa huli ay tinanggal na rin ng Imperyo ng Britanya ang pang-aalipin habang ang Kristianong taga-parliamento at pinuno ng kilusan na alisin ang slavery na si William Wilberforce ay nakahimlay sa kanyang kamatayan, pagod matapos ang halos limampung-taon niyang kampanya laban sa kasanayan ng pang-aalipin ng tao. Napakakaunti ng mga nadala sa Panginoon sa buong buhay na pagmi-misyon ni Hudson Taylor sa silanganan: ngunit ngayon ay milyung-milyon na ng mga Tsino ang yumakap sa pananampalataya na buong pagpapasensya niyang tinanim at inalagaan.

Mayroong mga maaaring mag-isip na ang ganitong klase ng dibinong modelo ay malupit, ngunit ako’y kumbinsido na mayroong dakilang karunungan dito. Nalalaman kung gaano tayo kadaling tawagin ng sirena ng tagumpay, hindi tayo hinahayaan ng Dios na makita ito, at samakatwid ay luwalhatiin ang sarili, sa kung anong ginawa sa pamamagitan natin.

Ang isang iskriptyural na analohiya ng hindi nagtatanong na pagsunod na inaasahan ng Dios ay makikita sa pagpapagaling ni Jesus sa alipin ng isang centurion. Sinabi nina Mateo at Lukas kung paano lumapit ang centurion kay Kristo para sa paralisadong alipin niya; nang alukin siya ni Jesus na puntahan ang alipin, mabilis na tumugon ang centurion na kailangan lamang magbigay ni Jesus ng kautusan at ang alipin niya ay gagaling na. Naintindihan ng centurion ang mga tungkol sa bagay na ito dahil tuwing uutusan niya ang kanyang mga sundalo na humayo, humahayo ang mga ito; sa kaparehong paraan ay naintindihan niya ang awtoridad ni Jesus na tulad ng isang komander ng militar kung saan ang isang tao ay nagbibigay ng pagtalimang walang tanung-tanong. Dahil sa ligayang dulot na pagkakadiskubre ng ganoong klase ng pananampalataya, hindi lamang pinagaling ni Jesus ang alipin, kundi ginamit ang centurion bilang halimbawa ng pananampalataya sa Kanyang mga salita sa karamihan.

Ginagawang malinaw ng Biblia, at ang mga karanasang tulad ng kay Kornfeld ay kinukumpirma, na ang walang tanung-tanong na pagtanggap ng at pagsunod sa awtoridad ni Jesus ay ang haligi ng buhay-Kristiano. Ang iba pa ay nakasalalay na rito. Ibinibigay din nito ang susi sa pag-unawa na para sa marami ay isang malaking misteryo ng Kristiyanismo: ang pananampalataya.

Ang nagliligtas na pananampalataya—yung kung saan tayo ay napapaging-matuwid, ginawang matuwid sa Dios—ay isang kaloob ng Dios; at, oo, kasama rin dito ang isang rasyonal na proseso dahil ito ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Dios. “O sige,” maaaring sabihin ng isang nakikibakang Kristiano, “ngunit kung praktikal na sasabihin paano ba nagiging totoo ang aking pananampalataya? Paano ko ba makakamtan ang ganoong klase at tibay ng pananampalataya ng isang lumalagong Kristiano?”

Doon pumapasok ang pagsunod. Para sa lumalagong pananampalataya—yung pananampalataya na lumalalim at lumalaki habang isinasabuhay natin ang ating buhay-Kristiano—ay hindi lamang kaalaman, kundi kaalaman na kinikilusan. Hindi lamang iyon paniniwala, ngunit paniniwalang isinasabuhay—sinasanay. Sinabi ni Santiago na dapat tayong maging mga tagagawa ng Salita, hindi lamang mga tagapakinig. May isang Alemang pastor na na-martyr sa Nazi concentration camp na nagsabi, “Yun lamang na naniniwala ang masunurin; yun lamang na sumusunod ang naniniwala.”

Mukha man itong paikot na proposisyon, ngunit marami namang bagay na ganito—sa katotohanan at sa kasanayan. Isipin mo na lang ang tungkol sa pagkatuto na lumangoy. Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin. Tapos naiilang tayong hahakbang sa tubig, lalangoy, at biglaan ay makakalimutan ang lahat ng sinabi sa atin. Humahampas tayo sa tubig, naghahabol ng hininga at lumulubog. Sa bandang huli, kadalasan sa punto na lubusan na tayong nawalan ng pag-asa, sa isang sandali ay nakukuha na natin ang pakiramdam nang nakalutang. At dahil naisip nating posible nga ito, naaalala natin ang mga instruksyon sa atin at sinisimulan na natin itong sundin. At gumagana nga ito. Tulad ng pag-aaral na balansihen ang bisikleta o pagpapakadalubhasa sa isang banyagang wika, ang pananampalataya ay kalagayan ng pag-iisip na lumalabas sa ating mga ginagawa, at namumuno sa ating mga aksyon.

Kaya ang pagsunod ang susi sa totoong pananampalataya—ang hindi mayayanig na uri na pananampalataya na makapangyarihang naipakita sa buhay ni Job. Nawala kay Job ang kanyang pag-aari, kanyang pamilya (bukod sa isang mapag-angil niyang asawa), kanyang kalusugan, kahit na ang kanyang pag-asa. Ang payo ng mga kaibigan ay hindi nakatulong. Saan man siya tumingin, wala siyang mahanap na mga sagot sa kanyang abang kalagayan. Natira siyang nakatayong mag-isa. Ngunit kahit parang inabandona na siya ng Dios, kumapit pa rin si Job sa katiyakan na ang Dios ay kung sino Siya. Tiniyak ni Job ang kanyang pagsunod sa pamamagitan ng mga lumang salitang iyon ng pananampalataya: “Though He slay me, yet will I trust in Him” (“Kahit na patayin Niya ako, gayunpaman ay magtitiwala ako sa Kanya”).

Ito ang totoong pananampalataya: paniniwala at pagkilos nang may pagsunod sa kabila ng mga sitwasyon o ebidensyang laban dito. Dahil, kung ang pananampalataya ay nakadepende sa nakikitang ebidensya, hindi iyon magiging pananampalataya. “We walk by faith, not by sight,” isinulat ni apostol Pablo.

Walang kabuluhan sa mga Kristiano ang walang-tigil na humanap ng mga bagong demonstrasyon ng kapangyarihan ng Dios, na umasa ng dakilang pagtugon sa bawat pangangailangan, mula sa paggamot sa mga simpleng sakit hanggang sa paghahanap ng mapaparkehan ng sasakyan; dahil dito napupunta ang pananampalataya sa mga milagro imbes na sa Tagagawa nito.

Ang totoong pananampalataya ay nakadepende hindi sa mga misteryosong tanda, mga pagkilos ng mga bagay-bagay sa langit, o engrandeng dispensasyon mula sa isang Dios na nakikita bilang mayaman, at mapagkawanggang tiyuhin; ang totoong pananampalataya, sa pagkakaintindi ni Job, ay nakasalalay sa katiyakan na ang Dios ay kung sino Siya. Tunay ngang doon nga tayo ay nararapat na maging handa na itaya ang ating mga buhay.

May isang panahon kung saan may labing-isang lalaki ang ginawa ito mismo. Itinaya nila ang kanilang mga buhay sa pagsunod sa kanilang pinuno, kahit na ang paggawa nito ay laban sa lahat ng karunungang pantao. Ang akto na ito ng pagsunod ay nagbunga ng isang pananampalataya na nagpatapang sa kanila na tumindig laban sa sanlibutan at, sa kanilang buhay, ay binago ang mundo magpakailanman.

[Sila ang mga apostol ni Jesus.] (Itutuloy) bdj

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 31-35. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.