Mag-isip ka ng isang pamilya. Magigising ang mga anak, hindi dahil sa tawag ng kanilang ina, o amoy ng masarap na almusal, ngunit dahil sa ingay ng pag-aaway ng kanilang tatay at nanay. Magmamadaling umalis ang tatay; ipapasa naman nung nanay ang kanyang galit sa kanyang mga anak, sa pamamagitan ng bulyaw at masamang tingin. Dahil doon, isa sa mga anak ang sasagot nang pabalang sa kanyang ina.Yung isa pang anak, na mas matanda sa kanya, ay papagalitan siya dahil sa kanyang ugali at manghahamon ng away. Aalis ang mga anak sa eskwela nang mapait at galit.
Walang may gusto ng ganoong pamilya. Ngunit madalas ay makikita natin ang ganitong uri ng eksena sa halos bawat pamilya—baka nga maging sa pamilya mo.
“Ano’ng gagawin namin ngayon?” itatanong mo. Huwag kang mag-alala; may pag-asa. Nagbibigay ang Biblia nang malinaw na mga instruksyon para magkaroon ng isang maka-Dios, lumalago, at nagtatagumpay na pamilya. Apat ito. Anu-ano ang mga ito?
James 1:19—Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:
Proverbs 4:1—”Hear, ye children, the instruction of a father, and attend to know understanding.”
Ang salitang “listen,” noong tingnan ko sa Merriam-Webster Dictionary, ay may apat na ibig-sabihin kung gagamitin ito bilang isang action word. Lahat ay laging may karugtong na pagdinig, tulad ng iyong iniisip marahil. Ang isa ay isang makaluma o archaic na ibig-sabihin: “to give ear to,” paglalaan ng iyong tainga sa isang salita—parang yung ginagawa mo kapag may bumubulong sa iyo. Nagagawa mo na ba ito minsan sa iyong tahanan? Kung ikaw yung ama o ina, nagawa mo na ba ito sa iyong asawa o anak? O kung ikaw ay anak, sa iyong mga magulang? Ang nakakalungkot, ang pakikinig ay isa sa mga malaking “kapanasanan” ng maraming indibidwal kasama mga Kristiano.
Mas madaling tayong magsalita kaysa makinig. Ayon nga sa mga statistics, sa isang grupo na nag-uusap, kailangan lang magsalita ng isang tao ng labindalawang salita para automatic na magsalita ang isa pa. Kahit nagsasalita pa yung isa, awtomatiko, pagkaabot niya ng labindalawang salita, magsasalita na yung iba.
Marami sanang hindi na kinakailangang problema ng pamilya na naresolba kung ang pakikinig lamang ay kasama sa ating pag-uugali.
Ang salitang “hear,” kasama ang lahat ng anyo ng salitang ito, ay nababanggit sa Biblia ng higit sa 810 na beses. Kung paulit-ulit na binabanggit, ibig-sabihin mahalagang-mahalagang ito. Dapat tayong makinig kung magtatagumpay ang isang pamilya.
Heto ang ilang mungkahi na pwede mong gawin kung gusto mong malinang ang pagiging palamakinigin:
· I-break mo ang statistics! Huwag kang sasabay na magsalita sa nagsasalita. Hintayin mo siyang matapos.
· Huwag ka agad mag-react.
· Hayaan mong may makipag-usap sa’yo ngayong lingo at huwag kang magsalita hangga’t hindi niya hinihiling sa iyong magsalita ka.
Ephesians 5:19—Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your heart to the Lord;
Philippians 1:27—Only let your conversation be as it becometh the gospel of Christ: that whether I come and see you, or else be absent, I may hear of your affairs, that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel;
Nasa panahon na tayo kung saan ang “pakikipag-usap nang ispiritwal” ay pinagtatawanan o nililibak. Subukan mong magsabi ng “The Lord be with you” bilang pagbati kung hindi asarin. Pero mukhang hinulaan na ito ng
Hosea 9:7, dumarating na raw ang panahon na ang propeta ay tinatawag nang baliw, ang ispiritwal na tao ay ulol.Ngunit may isang bagay tungkol sa pagsasalita nang ispiritwal na nagpapakalma sa isang tao. May epekto pa nga na parang binabantayan nila ang kanilang aksyon o sinasabi.
Isang magandang halimbawa ng ganitong klase ng pag-uusap ay makikita kina Boaz, kanyang mga manggagawa, Ruth, at Noami. (hal., Ruth 2:4)
Maaari na nating simulan na makipag-usap nang ispiritwal, sundin mo lang ang mga mungkahing ito:
· Panatilihin mo ang salitang “Dios” sa iyong pakikipag-usap nang hindi bababa sa 7 beses isang araw.
· Subukan mong huwag matawa o mang-asar sa taong nagsalita ng ispiritwal. Tanggapin mo ito nang normal at may paggalang.
Let’s submit to one another.
Ephesians 5:21—Submitting yourselves one to another in the fear of God.
1 Peter 5:5—Likewise, ye younger, submit yourselves unto the elder. Yea, all of you be subject one to another, and be clothed with humility: for God resisteth the proud, and giveth grace to the humble.
Isipin mo na lang ang isang anak na lalaki o babae na nagpapasakop na lamang sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga maglang. Wala ditong kaso kung anong klaseng magulang, kahit stepfather o stepmother iyan, masama o mabuting magulang—mas maganda kung nagpapasakop na lamang ang anak.
Isipin mo na lamang ang isang asawang babae na handing magpasakop sa kanyang asawa.
At isipin mo rin ang isang lalaki na binibigyang-konsiderasyon ang mga mungkahi ng kanyang asawa at anak at nagpapasakop rito kung ito naman ay tama.
Ang laki ng kaibahan, tama?
Maraming mga maliliit na bagay ang nagiging “iceberg” dahil sa kakulangan sa pagpapasakop. Ngunit marami din namang mga “icebergs” ang nawawala kapag may submission.
Paano mo lilinangin ang ganitong klase ng attitude? Try these two steps:
· Ikaw na ang magtanong, “Mayroon po kayong ipapagawa?” “May kailangan ka ba?” “Ano sa tingin mo?” Mas madali na magpasakop kapag ikaw na ang nauunang mag-alok.
· Planuhing sabihing “Oo,” kapag may nag-utos sa’yo, o nagbigay ng suwestiyon—basta alam mo namang tama at hindi naman nakakasama.
Philippians 2:3—Let nothing be done through strife or vainglory; but in lowliness of mind let each esteem other better than themselves.
1 Timothy 2:8—I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.
James 5:16—Confess your faults one to another, and pray one for another, that ye may be healed. The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.
Patawarin niyo ako sa pagiging negatibo ko, ngunit, sa totoo lang, sa bawat panahon na ako ay napapadaan sa mga tahanan, kahit na sa mga Kristiano, bihira akong makarinig mula sa magulang ng mga positibong bagay tungkol sa kanilang mga anak. (Aminin!) Sa bawat mabuting ginawa, mayroon naman tayong itutumbas na sandaang masamang bagay tungkol sa tao. Sa mga anak, tuwing Mother’s Day o Father’s Day lang yata nakakapagsalita nang positibo! (Siguro pag may Children’s Day na rin ay magkaroon ng positibong masasabi ang mga magulang sa anak!) Madalas din sa pagitan ng mag-asawa ang ganitong klase ng eksena—pintasan, simangutan.
Ngunit alam mo, at alam ko, na mas nakakatulong ang mga positibong salita kaysa negatibo. Kahit kailan ay ganun na iyon. Mas mahirap tanggapin ang negatibo. Hindi naman dapat mawala ang negatibo, lalo na kung totoo at karapat-dapat namang banggitin; ngunit lalong hindi dapat kung walang positibo.
Ang resulta tuloy ay mga mabababa, imbes na naitataas, na ispiritu. Galit, at hindi kabaitan ang karaniwang resulta ng puro na lang pintas. Bakit hindi purihin ang mga nagawang tama ng isa’t isa? Kung may mali, ipanalangin natin nang taimtim sa Dios; kung kailangang kastiguhin, gawin mo, ngunit hindi dapat nawawala ang pagpansin ng tama.
Ilang mga suwestiyon:
· Purihin agad-agad ang nagawang tama at huwag nang ipagpaliban pa. Mas madali itong gawin nang “on-the-spot” kaysa maghintay ka pa ng “tamang” panahon. Hindi na iyon darating.
· Ipag-pray siya kung may nagawa siyang mali.
Mag-isip ka uli ng isang pamilya. Gigising ang mga anak—dahil mayroon silang morning devotions. Babati ang mga anak, “Magandang umaga po.” Pagkatapos ay mananalangin sila. Nakahanda ang masarap na almusal. Mukhang masaya si Ama. Maaliwalas ang mukha ni Ina. Ang lalaki, bago umalis, ay magtatanim ng halik ng pagmamahal sa kanyang asawasa kanyang asawa, na nagsasabing, “Gabayan ka ng Panginoon sa ating mga anak.” “Pagpalain ka ng Dios,” sasagot ang asawa nang pagkatamis-tamis. Ang mga anak? Nakangiti, halos-mangiyak-ngiyak na sa ligaya, at nagsasabing, “Ba-bye.” At mula doon ay magpapasalamat sila sa Dios para sa araw na iyon at sa mga magulang habang papunta sa school.
Ang lahat ay nagnanais ng ganoong klase ng pamilya. Pero, huwag kang mag-alala; hindi lang ito posible sa fairy tale—pwede rin itong mangyari sa totoong buhay. Sa tulong ng Dios, pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita, at patuloy na pananalangin sa Kanya, ang pamilya mo’y magiging maka-Dios, lalago, at magtatagumpay.
Nagsisimula iyon—sa’yo. bdj