by Elijah Abanto
May dalawang klase ng mga bigong Kristiano.
Akin itong natutunan sa mga kapwa ko Kristiano sa iglesia at maging sa aking sariling buhay. Una ay ang Kristianong alam niya na may pagkukulang siya sa Panginoon ngunit tingin niya ay hindi niya ito kayang pagtagumpayan. Pangalawa ay ang Kristiano na hindi alam na may pagkukulang siya sa Panginoon at tingin Niya ay kaya Niyang pagtagumpayan ang lahat ng “pagsubok,” ika nga. Ngunit iisa lamang ang dahilan kung bakit sila mga bigo—at may kaugnayan ito sa Biblia, ang Salita ng Dios. Mayroong at least tatlong ibinibigay na utos ang Dios sa atin patungkol sa Kanyang Salita: basahin ito, pagbulay-bulayan, at tuparin ito sa ating buhay.
Read. Sanay ako’ng magtanong sa aking mga estudyante sa Sunday School o kahit na lang sa mga ka-eskwela ko sa Bible school kung nakapag-devotion na sila nung umaga. Iniisip ko na ang lesson ng “Daily Walk” ay naturo na sa kanila, at siyempre sa mga Bible student, Bible student sila eh! But then, 90% of the time—ito ang kanilang sagot: Hindi. Ang pagbabasa ng Biblia ang isa sa mga pinakasimple (kung hindi pinakamadali) na utos ng Dios sa atin. Sabi sa 1 Timothy 4:13, “Till I come, give attendance to reading, to exhortation, to doctrine” (emphasis mine). Sa unang bahagi ng Revelation 1:3, “Blessed is he that readeth … the words of this prophecy.” At kung hindi pa sapat ito sinasabi rin sa Isaiah 34:16a, “Seek ye out the book of the Lord, and read.” Oo, pinakasimple, pinakamadali, ngunit, isa rin sa mga pinakamadaling suwayin ng isang tipikal na Kristiano. Mas madali pang sundin ang utos na “magtrabaho” (2 Thessalonians 3:10) - na sa tingin ko nga’y baka hindi naman talaga nakita ng karamihan ng mga Kristiano ang talatang ito sa Biblia, ngunit sinusunod, ginagawa—kaysa ang umupo sa isang tabi at, magbasa. Napatunayan ko pa ngang kayang ipagpalit ng isang Kristiano ang kanyang pagbabasa ng Biblia sa pagpasok sa trabaho, ngunit hindi kayang ipagpalit ang pagpasok sa trabaho (o sabihin natin, pagpasok sa school) sa pagbabasa ng Biblia. Siyempre, hindi ka makakahanap ng Kristianong magpapa-late sa trabaho o school dahil kailangan niya pang magbasa ng Biblia! Tatanungin sila kung bakit ganun, “Mahalaga kasi ito eh, kailangan.” Iniisip ko kung ang pagbabasa ng Biblia ay hindi. Hindi nakapagtataka kung parating bigo at hindi lumalago ang isang Kristiano, dahil kahit na pagdampot ng Aklat na ito at pagbabasa nito ay hindi pa magawa.
Ngunit kung tayo’y magtatagumpay, dapat tayong magbasa ng Biblia. Ang salitang “read,” “reading,” at “readeth” ay mababasa mo ng 80 beses sa 76 na talata sa Biblia, at bukod sa mga kaunting talata na tumutukoy sa pagbabasa ng isang sulat, lahat na ng ibang talata ay tumutukoy sa pagbabasa ng Kasulatan. Mababasa mo sa Lumang Tipan na nagbabasa sila ng Biblia dahil nais nilang magtagumpay sa kung anumang trabaho o pagsubok na nakaharap sa kanila. Ang hari ay inutusan na magbasa ng Biblia (Deuteronomy 17:19). Nung sina Joshua ay nagtayo ng altar sa Panginoon, nagbasa sila (Joshua 8:34-35). Nung nais ni king Josiah na manumbalik ang mga Israelita sa Panginoon, maging si Nehemiah, sila’y nagbasa muna ng Kasulatan! (2 Kings 22:8, 10, 16, 23:2; Nehemiah 8:3, 8, 18, 9:3, 13:1). Bago muna magtagumpay ang kanilang gawain, nagbabasa muna sila ng Biblia. Dito nakita nila ang kanilang mga pagkukulang, at sa tulong din nito kaya naitatama na nila ang kanilang buhay sa Panginoon.
Sa Bagong Tipan naman, madalas mong mababasa ang “read” sa kaisa-isang tanong ni Jesus, tungkol sa Salita ng Dios: “Have ye never read…?” (Matthew 12:3, 5; 19:4; 21:16, 42; 22:31; Mark 2:25; 12:10, 26; Luke 6:3) “Hindi niyo ba nabasa?” Nakakahiya ang tanong na ito kung ito’y sasabihin pa sa isang Kristiano. “Hindi niyo ba nabasa?”
Meditate. Hindi natatapos sa pagbabasa lamang ang buhay-Kristiano. Madalas kung magbabasa man tayo ay para lamang tayong mga bagyo na dumadaan sa isang lugar at mawawala na rin bigla. Nakakapagbasa tayo ng Tagalog o English, pero hindi ko alam kung nauunawaan natin lahat ng binasa natin. Kung, ikaw, Kristiano, ay nagbabasa ng Kasulatan, araw-araw, tama iyan. Ituloy mo lang iyan. Ngunit kung ikaw ay nagbabasa lamang at hindi nagme-meditate, ibig-sabihin, ay nagbubulay-bulay sa iyong nabasa, malaki ang nami-miss mo. Ngunit sabi sa Joshua 1:8, “… thou shalt meditate therein day and night...” Sabi rin sa 1 Timothy 4:15, “Meditate upon these things; give thyself wholly to them; that thy profiting may appear to all.”
Nung hinanap ko ang mga talata tungkol sa pagbabasa, natutuwa ako sa ilang natagpuan ko. Kadalasan kong nababasa na kasama ng pagbabasa ang pang-unawa (“understand”) rito o paliwanag (Nehemiah 8:8; Daniel 5:7; Ephesians 3:4; Habakkuk 2:2; Matthew 24:15; Mark 13:14). Ang ating nababasa ay walang kabuluhan kung hindi ito naiintindihan. Kaya kailangan ng meditation.
Si David, na tinatawag na “a man after God’s own heart” (Acts 13:22) ang sumulat ng halos-lahat ng Book of Psalms, at makikita natin sa aklat na ito ang pinakamaraming pagbabanggit ng salitang “meditate” (9 sa 14 na beses na binanggit ito sa Kasulatan). Basahin mo ang mga sumusunod: Psalm 1:2; 63:6; 77:12; 119:15, 23, 48, 78, 148; at 143:5. Ang tunay na lalaki sa puso ng Dios ay ang tao na pinag-iisipan kung ano ang gustong sabihin ng Dios patungkol sa kanyang nabasa.
Kaya tayo nagsasawa sa pagbabasa ng Biblia ay dahil hindi natin ito talaga maunawaan. Pakiramdam kasi natin para tayong nakikipag-usap sa isang taong iba ang linggwahe. Oo, naiintindihan natin yung English, yung Tagalog, pero yung pinakamensahe, parang hindi. At talagang manghihinawa ka talaga kung ganon. Ngunit ang dahilan lamang kung bakit ay kawalan ng meditation. Para tayong tulad ng mga nasa talatang ito, galing sa Isaiah 29:11-12:
And the vision of all is become unto you as the words of a book that is sealed, which men deliver to one that is learned, saying, Read this, I pray thee: and he saith, I cannot; for it is sealed: And the book is delivered to him that is not learned, saying, Read this, I pray thee: and he saith, I am not learned.
Sa mga matatalino ibinigay para basahin, ang sagot ay, “May selyo yan eh.” Sa mga hindi nag-aral ibinigay para basahin, ang sagot ay, “Wala akong pinag-aralan.” Sa ibang mga salita, “Hindi ko babasahin yan kasi hindi maintindihan!” Hindi nila alam na sa gabay ng Banal na Ispiritu sa pamamagitan ng meditation, ay “maaalis na ang selyo” ng Kasulatan at mauunawaan ito kahit ng isang walang pinag-aralan.
Maraming Kristiano ang naghahanap sa Biblia ng isang partikular na talata tungkol sa isang bagay at natatapos na bigo kahit na “tutuklawin” na sila nung talatang hinahanap nila. Ang dahilan? Binasa lamang, hindi pinagbulayan. Parang pagkain na isinubo at nilunok na lang bigla, imbes na nguyain—kaya yung sarap nung pagkain ay parang hindi nalasahan. Kung nagme-meditate man tayo ay hindi ang kasulatan kundi mga problema sa buhay. Sabi nga sa Isaiah 33:18, “Thine heart shall meditate terror”! Magbubulay-bulay pa rin naman tayo kahit hindi Bible, pero kung hindi ang Biblia, ano?
Dito papasok ang prayer. Madalas na panalangin ang kinatatapusan ng pagbubulay-bulay. Kapag naisip mo na ang nais ipaunawa ng Panginoon sa’yo, kadalasan mong magiging reaksyon ay ang kausapin Siya, humingi ng tawad kung may pagkukulang, humingi ng lakas para masunod ang anumang utos doon, o magpasalamat sa Kanya sa katotohanang ipinakita Niya sa iyo. Ang meditation ay tulay sa pagitan ng pakikipag-usap sa atin ng Dios (pagbabasa ng Bible) at pakikipag-usap natin sa Dios (pananalangin).
Change. Kapansin-pansin rin sa mga talatang nakita ko tungkol sa pagbabasa ay ang aksyong kasunod nito. Ang pinakaunang talatang may salitang “read” ay ang Exodus 24:7, kung saan binasa ni Moises ang batas ng Panginoon sa mga tao. At alam niyo ba ang tinugon ng mga Israelita? “All that the LORD hath said we will do, and be obedient.” That should be enough. Ipinapakita lamang nito na hindi nagsasalita ang Dios nang wala lang; hindi, nais Niyang gawin at sundin natin ang utos o prinsipyo na nakapaloob sa talatang binasa o pinagbulay-bulayan natin. Ang hari ay dapat na magbasa ng Biblia “that he may learn to fear the LORD his God, to keep all the words of this law and these statutes, and do them” (Deut. 17:19). Nang basahin kay haring Josiah ang aklat ng Panginoon, nakita niya ang pagsuway ng kanyang bansa, “And it came to pass, when the king had heard the words of the law, that he rent his clothes” (2 Chr. 34:19). Karugtong pa nito ay ang personal na pagbabasa sa publiko ng hari at paggawa ng kasunduan sa Panginoon na susundin Siya nang buong puso, buong kaluluwa. (2 Chr. 34:29-32). Pagkatapos noon ay inalis niyang lahat ang mga diyos-diyosan sa kanyang kaharian, “And all his days they departed not from following the LORD, the God of their fathers” (v. 33).
Habang binabasa ko ang mga talatang ito, hindi ko maiwasang umiyak. Nakita ko ang aking kasalanan, at mula rito ay humingi ako ng tawad sa Panginoon sa aking pagbabaya ng pagbabasa ng Kanyang Salita, pagbubulay-bulay rito at pagsunod sa anumang ipinag-uutos nito. Humingi ako ng tulong sa Kanya para magawa ko na ang mga ito nang tuluy-tuloy.
Hindi ko alam kung naaapektuhan ka na rin ng iyong binabasa. Nararamdaman mo ba ang Panginoon na nakikipag-usap sa iyo? Nakikita mo na ba kung mayroon kang pagkukulang sa Kanya sa bagay na ito? Kumikilos na rin ba ang Dios sa iyo sa mga oras na ito?
Kung ganon, nakita mo na kung ano ang nagiging epekto kapag nagbabasa ka at nagbubulay-bulay. Yan ang mararamdaman mo kapag nagbabasa ka at nagbubulay-bulay ka ng Salita ng Dios. Nais mong magbago, kumilos, gumawa—ayaw mo nang magpatumpik-tumpik pa; ayaw mo nang manatili sa gitna ng kawalang-kahulugan na buhay na kinatatayuan mo ngayon. Ayaw mo nang maging bigo. Gusto mo nang magbago, kumilos, gumawa—gusto mo nang magkaroon ng silbi, ng kahulugan, ang buhay mo! Gusto mo nang lumapit sa Kanya, humingi ng lakas, tulong, kapangyarihan, pagpupuspos, upang magawa mo na ang Kanyang sinasabi. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Ikaw din ba?
Read. Meditate. Change. Sa totoo lang, ito ang sikreto sa matagumpay na buhay-Kristiano. Kapag ikaw ay nagbasa, nagbulay-bulay, at nagbago, asahan mo—hindi na magiging katulad ng dati ang buhay mo. Magkakaroon ng sigla, tibay at kakaibang ganda ang buhay na dating patay, mahina at puno ng kasiraan. bdj
Read. Meditate. Change. The Official Blog of BDJ, CYPA Paper Ministries, Capitol Bible Baptist Church
Welcome to BDJ Online!
Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.
Showing posts with label reading. Show all posts
Showing posts with label reading. Show all posts
Saturday, July 31, 2010
Tuesday, February 3, 2009
BDJ 1--February 1, 2009
Nagbabasa Ako… by Bro. Elijah Abanto

Hindi karaniwang ugali ng Pilipino ang magbasa. Bunga ito ng mga pagano nating simula bilang mga Indones at nagpatuloy sa pananakop ng mga EspaƱol na kung saan ay ginawa pa lalo tayong mga ignorante na dapat "sumunod na lang at huwag nang magtanong" sa loob ng 333 taon. Naibalik lang ang ating kamalayan sa pananakop ng mga Amerikano nang 77 taon kung saan nabigyan tayo ng tamang edukasyon. Ngunit ang 77 taong ito ay hindi sapat upang tablan ang 333 taong impluwensiya ng Romano Katoliko sa ating buhay—isa na ang pagiging walang tiyaga sa anumang uri ng kaalaman, bukod nga lang sa tsismis. Ngunit salamat na nga lamang dahil higit pa sa edukasyon, hinatid din sa atin ng Amerika ang totoong Mabuting Balita, kung saan tayo naligtas ng dugo ng Anak ng Ama na si Jesu-Kristo, at nabuksan ng Banal na Ispiritu ang ating isip sa pang-unawa. Ang malungkot lang ay hindi natin mapagtagumpayan ang katamaran nating magbasa.
Nakita ko na ito agad sa ating iglesiya. Sa biyaya ng Panginoon ay naging mahilig akong magbasa (para sa akin ay isang pagpapala ang mahilig sa pagbabasa, lalo na ng nakakaluwalhati sa Kanya), at lahat ng aking natututunan ay gusto kong ibahagi sa inyo. Ito nga ang nagdulot upang kilusin ako ng Panginoon upang simulan ang CYPA Paper Ministries kasama ang Baptist's Digest bilang isa sa mga publikasyon. (Mapapansin niyo siguro na karaniwan na napa-publish sa BD ay mga isinalin na mga articles sa Ingles, dahil marami kaming librong Ingles.) Bukod pa roon, nakahiligan ko rin na mamigay ng mga sobrang libro o booklets mula sa aming tahanan sa bawat pamilya ng mga miyembro. Ang ikinalulungkot ko nga lang, madalas ay hindi ito binabasa. (Hindi kasama rito ang mga alam kong talagang binabasa ang anumang makita niyang interesante, kabilang ang BD.) Isang halimbawa na lamang ay sa tuwing araw ng Linggo na namimigay ako ng Baptist's Digest sa mga miyembro, kadalasan ay makikita ko na iniwan sa mga song book, Bible (!), at mga upuan ito pagkatapos ng service. Minsan ay nakikita ko pang lukot at punit-punit o puro lupa. Ang masama pa, malalaman ko kung sino ang taong iyon na nang-iwan dahil sinusulat ko ang pangalan ng binibigyan ko! (Hindi para manghuli kundi para maibahagi ko nang tama sa mga miyembro ang BD.) Isa pang patunay ay ang mga Bibliyang nakikita kong naiiwan sa church. Naisip ko, Paano nga namang magbabasa ng BD ang mga ito kung mismong Bibliya nila ay hindi nila binabasa? Harapin natin ang ating katotohanan: Hindi tayo mahilig magbasa.
Ngunit iba ang sinasabi ng Biblia. Gusto ng Diyos na tayo'y nagbabasa. Bakit? Unang-una ay dahil binigyan Niya tayo ng isang Bibliya. Susulat ba ang Diyos ng libro na hindi naman babasahin? Pangalawa, ayaw tayong maging ignorante ng Diyos. Tingnan mo kung ano ang nagiging bunga ng kawalang-kaalaman: "Ang aking bayan ay nawasak dahil sa kakulangan sa kaalaman" (Hosea 4:6). Pangatlo, paulit-ulit na binanggit ng Bibliya ang pagbabasa. Ang salitang "read" at lahat ng anyo nito ay 76 na beses na ginamit sa Biblia (KJV). Kadalasang ginagamit ng Diyos ang pag-uulit ng isang salita upang ipakita ang kahalagahan nito. Pang-apat, binibigyan ng Diyos ng pagpapala ang sinumang nagbabasa at naghahanap ng kaalaman. (Pahayag 1:3; Kawikaan 3:13). Sa totoo lang, ang pagkakaroon ng takot sa Diyos ang mag-uudyok sa'yong magkaroon ng kaalaman (Kawikaan 1:7).
Nagpapasalamat ako sa Diyos na napalaki ako ng mga magulang ko na may kagustuhang magkaroon ng kaalaman. At gusto ko maranasan niyo rin ang pagpapapala na dulot ng pagbabasa. Make it a commitment to God to start reading this year. Una basahin mo ang Bible mo, at pagkatapos ay iba pang mga libro o babasahin na tutulong upang lumago ka bilang Kristiano.
So paano! Magbabasa pa ako!
Subscribe to:
Posts (Atom)