Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Sunday, October 10, 2010

The Thriving Family

by Bro. Elijah Abanto
Mag-isip ka ng isang pamilya. Magigising ang mga anak, hindi dahil sa tawag ng kanilang ina, o amoy ng masarap na almusal, ngunit dahil sa ingay ng pag-aaway ng kanilang tatay at nanay. Magmamadaling umalis ang tatay; ipapasa naman nung nanay ang kanyang galit sa kanyang mga anak, sa pamamagitan ng bulyaw at masamang tingin. Dahil doon, isa sa mga anak ang sasagot nang pabalang sa kanyang ina.Yung isa pang anak, na mas matanda sa kanya, ay papagalitan siya dahil sa kanyang ugali at manghahamon ng away. Aalis ang mga anak sa eskwela nang mapait at galit. Walang may gusto ng ganoong pamilya. Ngunit madalas ay makikita natin ang ganitong uri ng eksena sa halos bawat pamilya—baka nga maging sa pamilya mo.
“Ano’ng gagawin namin ngayon?” itatanong mo. Huwag kang mag-alala; may pag-asa. Nagbibigay ang Biblia nang malinaw na mga instruksyon para magkaroon ng isang maka-Dios, lumalago, at nagtatagumpay na pamilya. Apat ito. Anu-ano ang mga ito?

Let’s start listening.
James 1:19—Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:
Proverbs 4:1—”Hear, ye children, the instruction of a father, and attend to know understanding.”
Ang salitang “listen,” noong tingnan ko sa Merriam-Webster Dictionary, ay may apat na ibig-sabihin kung gagamitin ito bilang isang action word. Lahat ay laging may karugtong na pagdinig, tulad ng iyong iniisip marahil. Ang isa ay isang makaluma o archaic na ibig-sabihin: “to give ear to,” paglalaan ng iyong tainga sa isang salita—parang yung ginagawa mo kapag may bumubulong sa iyo. Nagagawa mo na ba ito minsan sa iyong tahanan? Kung ikaw yung ama o ina, nagawa mo na ba ito sa iyong asawa o anak? O kung ikaw ay anak, sa iyong mga magulang? Ang nakakalungkot, ang pakikinig ay isa sa mga malaking “kapanasanan” ng maraming indibidwal kasama mga Kristiano.
Mas madaling tayong magsalita kaysa makinig. Ayon nga sa mga statistics, sa isang grupo na nag-uusap, kailangan lang magsalita ng isang tao ng labindalawang salita para automatic na magsalita ang isa pa. Kahit nagsasalita pa yung isa, awtomatiko, pagkaabot niya ng labindalawang salita, magsasalita na yung iba.
Marami sanang hindi na kinakailangang problema ng pamilya na naresolba kung ang pakikinig lamang ay kasama sa ating pag-uugali.
Ang salitang “hear,” kasama ang lahat ng anyo ng salitang ito, ay nababanggit sa Biblia ng higit sa 810 na beses. Kung paulit-ulit na binabanggit, ibig-sabihin mahalagang-mahalagang ito. Dapat tayong makinig kung magtatagumpay ang isang pamilya.
Heto ang ilang mungkahi na pwede mong gawin kung gusto mong malinang ang pagiging palamakinigin:
· I-break mo ang statistics! Huwag kang sasabay na magsalita sa nagsasalita. Hintayin mo siyang matapos.
· Huwag ka agad mag-react.
· Hayaan mong may makipag-usap sa’yo ngayong lingo at huwag kang magsalita hangga’t hindi niya hinihiling sa iyong magsalita ka.

Let’s talk spiritual.
Ephesians 5:19—Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your heart to the Lord;
Philippians 1:27—Only let your conversation be as it becometh the gospel of Christ: that whether I come and see you, or else be absent, I may hear of your affairs, that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel;
Nasa panahon na tayo kung saan ang “pakikipag-usap nang ispiritwal” ay pinagtatawanan o nililibak. Subukan mong magsabi ng “The Lord be with you” bilang pagbati kung hindi asarin. Pero mukhang hinulaan na ito ng Hosea 9:7, dumarating na raw ang panahon na ang propeta ay tinatawag nang baliw, ang ispiritwal na tao ay ulol.
Ngunit may isang bagay tungkol sa pagsasalita nang ispiritwal na nagpapakalma sa isang tao. May epekto pa nga na parang binabantayan nila ang kanilang aksyon o sinasabi.
Isang magandang halimbawa ng ganitong klase ng pag-uusap ay makikita kina Boaz, kanyang mga manggagawa, Ruth, at Noami. (hal., Ruth 2:4)
Maaari na nating simulan na makipag-usap nang ispiritwal, sundin mo lang ang mga mungkahing ito:
· Panatilihin mo ang salitang “Dios” sa iyong pakikipag-usap nang hindi bababa sa 7 beses isang araw.
· Subukan mong huwag matawa o mang-asar sa taong nagsalita ng ispiritwal. Tanggapin mo ito nang normal at may paggalang.
Let’s submit to one another. 

Ephesians 5:21—Submitting yourselves one to another in the fear of God.
1 Peter 5:5—Likewise, ye younger, submit yourselves unto the elder. Yea, all of you be subject one to another, and be clothed with humility: for God resisteth the proud, and giveth grace to the humble.
Isipin mo na lang ang isang anak na lalaki o babae na nagpapasakop na lamang sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga maglang. Wala ditong kaso kung anong klaseng magulang, kahit stepfather o stepmother iyan, masama o mabuting magulang—mas maganda kung nagpapasakop na lamang ang anak.
Isipin mo na lamang ang isang asawang babae na handing magpasakop sa kanyang asawa.
At isipin mo rin ang isang lalaki na binibigyang-konsiderasyon ang mga mungkahi ng kanyang asawa at anak at nagpapasakop rito kung ito naman ay tama.
Ang laki ng kaibahan, tama?
Maraming mga maliliit na bagay ang nagiging “iceberg” dahil sa kakulangan sa pagpapasakop. Ngunit marami din namang mga “icebergs” ang nawawala kapag may submission.
Paano mo lilinangin ang ganitong klase ng attitude? Try these two steps:
· Ikaw na ang magtanong, “Mayroon po kayong ipapagawa?” “May kailangan ka ba?” “Ano sa tingin mo?” Mas madali na magpasakop kapag ikaw na ang nauunang mag-alok.
· Planuhing sabihing “Oo,” kapag may nag-utos sa’yo, o nagbigay ng suwestiyon—basta alam mo namang tama at hindi naman nakakasama.

Let’s praise each other; 
let’s pray for each other.
Philippians 2:3—Let nothing be done through strife or vainglory; but in lowliness of mind let each esteem other better than themselves.
1 Timothy 2:8—I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.
James 5:16—Confess your faults one to another, and pray one for another, that ye may be healed. The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.
Patawarin niyo ako sa pagiging negatibo ko, ngunit, sa totoo lang, sa bawat panahon na ako ay napapadaan sa mga tahanan, kahit na sa mga Kristiano, bihira akong makarinig mula sa magulang ng mga positibong bagay tungkol sa kanilang mga anak. (Aminin!) Sa bawat mabuting ginawa, mayroon naman tayong itutumbas na sandaang masamang bagay tungkol sa tao. Sa mga anak, tuwing Mother’s Day o Father’s Day lang yata nakakapagsalita nang positibo! (Siguro pag may Children’s Day na rin ay magkaroon ng positibong masasabi ang mga magulang sa anak!) Madalas din sa pagitan ng mag-asawa ang ganitong klase ng eksena—pintasan, simangutan.
Ngunit alam mo, at alam ko, na mas nakakatulong ang mga positibong salita kaysa negatibo. Kahit kailan ay ganun na iyon. Mas mahirap tanggapin ang negatibo. Hindi naman dapat mawala ang negatibo, lalo na kung totoo at karapat-dapat namang banggitin; ngunit lalong hindi dapat kung walang positibo.
Ang resulta tuloy ay mga mabababa, imbes na naitataas, na ispiritu. Galit, at hindi kabaitan ang karaniwang resulta ng puro na lang pintas. Bakit hindi purihin ang mga nagawang tama ng isa’t isa? Kung may mali, ipanalangin natin nang taimtim sa Dios; kung kailangang kastiguhin, gawin mo, ngunit hindi dapat nawawala ang pagpansin ng tama.
Ilang mga suwestiyon:
· Purihin agad-agad ang nagawang tama at huwag nang ipagpaliban pa. Mas madali itong gawin nang “on-the-spot” kaysa maghintay ka pa ng “tamang” panahon. Hindi na iyon darating.
· Ipag-pray siya kung may nagawa siyang mali.
Mag-isip ka uli ng isang pamilya. Gigising ang mga anak—dahil mayroon silang morning devotions. Babati ang mga anak, “Magandang umaga po.” Pagkatapos ay mananalangin sila. Nakahanda ang masarap na almusal. Mukhang masaya si Ama. Maaliwalas ang mukha ni Ina. Ang lalaki, bago umalis, ay magtatanim ng halik ng pagmamahal sa kanyang asawasa kanyang asawa, na nagsasabing, “Gabayan ka ng Panginoon sa ating mga anak.” “Pagpalain ka ng Dios,” sasagot ang asawa nang pagkatamis-tamis. Ang mga anak? Nakangiti, halos-mangiyak-ngiyak na sa ligaya, at nagsasabing, “Ba-bye.” At mula doon ay magpapasalamat sila sa Dios para sa araw na iyon at sa mga magulang habang papunta sa school.
Ang lahat ay nagnanais ng ganoong klase ng pamilya. Pero, huwag kang mag-alala; hindi lang ito posible sa fairy tale—pwede rin itong mangyari sa totoong buhay. Sa tulong ng Dios, pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita, at patuloy na pananalangin sa Kanya, ang pamilya mo’y magiging maka-Dios, lalago, at magtatagumpay.
Nagsisimula iyon—sa’yo. bdj

Friday, April 30, 2010

The Plug-In Drug, by Charles R. Swindoll



Isang nakakamanghang eksperimento sa adiksyon ang iniulat sa isang issue ng Good Housekeeping magazine. Hindi adiksyon sa droga. Hindi rin adiksyon sa alcohol. Ito’y adiksyon sa telebisyon.

May isang diyaryo sa Detroit [USA] na nagbigay ng offer sa 120 pamilya sa lungsod. Pinangakuan ang mga pamilya ng 500 dolyares kung sila’y papayag na hindi manonood ng TV sa loob ng isang buwan. Tama—500 dollars kung papanatilihin nilang nakapatay ang TV sa loob lamang ng 30 araw. Hulaan mo kung ilan ang tumanggi sa offer.

Ninety-three.

At sa dalawampu’t pitong mga pamilya na pumayag, lima ang pinag-aralan at iniulat sa article ng magazine na iyon. Naisip mo na siguro kung gaano kalaking adjustment ang ginawa nila. Ang bawat pamilya ay nanonood ng TV mula 40 hanggang 70 na oras kada linggo … yun ay mula 5.7 hanggang 10 oras bawat araw. Isipin mo yun! Bawat araw ng bawat linggo ang mga parehong tunog at larawan ang patuloy na naging bahagi ng mga pamilyang iyon—taon-taon.

Nagkaroon ng mga kakaibang epekto ang hindi panonood ng telebisyon. May isang babae na nagsimulang makipag-usap sa pusa at may mag-asawa na simula noon ay hindi na nakipag-usap sa isa’t isa!

Ngunit mayroon din nangyaring maganda. Ang mga libro ay nahuhugot na mula sa lalagyan, na nakaipon na ng alikabok sa pagpapabaya, at binasa. Ang mga pamilya ay naglaro, nakinig sa radyo, at masayang naglalaro ng pagre-record! Sa isang pamilya may dalawang batang naglaan ng oras para magsanay ng pagi-spell ng kanilang mga pangalan at tirahan!

At, milagro ng mga milagro, mayroon pang mga pamilya na nag-ulat na ang kanilang mga batang anak ay hindi na nagngangawa tuwing papaliguan sila sa gabi! At may ilan (mabuting umupo ka muna) ay kusang nagsanay ng kanilang mga piano lessons.

Ang mga resulta? Well, ang mga “no TV month” families ay kailangang aminin ang apat na mga katotohanan:

1. Sila’y naging mas-close.

2. Mas maraming oras para magkasarilinan ang mga magulang at mga anak.

3. Nagkaroon ng kapansin-pansing pagtaas sa pagiging pasensyoso sa pagitan ng magkakapamilya.

4. Nag-improve ang kanilang pagiging malikhain.

Nais ko sanang i-report ang sumusunod sa kabaligtaran… ngunit nais kong maging honest imbes na maging mapangarapin at idagdag na nanalong muli ang telebisyon sa kanila. Lahat sa limang pamilyang iyon ay bumalik sa kanilang adiksyon sa halos ganun ding kadaming oras kumpara sa una. May ilan pa ngang nakahigit pa.

Hindi naman yung TV ang nagbibigay ng alalahanin sa akin. Hindi, ito’y isa lamang gamit na maaaring magamit at ma-enjoy paminsan-minsan. Ang nagpapalungkot sa akin ay yung pag-abuso nito—yung adiksyon na sinisira ang pagiging malikhain ng tao at lumulumpo ng mga personal na relasyon sa tao. Sumasang-ayon ako sa puna na ginawa ng Christian Medical Society Journal nitong mga nakalipas na taon:

Ang pangunahing panganib ng telebisyon ay hindi nakabase sa pag-uugaling nagre-resulta mula rito kundi sa pag-uugaling pinipigilan nito.

Ang pagbukas ng telebisyon ay maaaring makasira ng proseso na nagbabago ng mga musmos sa pagiging mga mature na tao … at nagpaparalisa ng mga manonood na maging palaisip at maalagang mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit narinig ang isang siyam-na-taong bata sa San Francisco na nagsasabi:

“Mas gusto ko pang manood ng TV kaysa maglaro sa labas dahil nakakabagot sa labas. Pare-pareho lamang naman sila ng nilalaro, tulad ng duyan at iba pang bagay.”

Isang kilalang awtoridad ang nagsasabi na ang mga batang pinalaki sa telebisyon ay dumarating sa katandaan nang walang kitang senyales ng pagbaba ng katalinuhan sa kabuuan. Mukha namang walang malaking kabawasan sa utak, ngunit mayroong ilang mga kakaibahan na nagbibigay-alalahanin sa mga eksperto sa larangang ito.

· Pagtaas ng komunikasyon na halos walang normal na salita (tulad ng “pare … uh … alam mo na … uh…”).

· Napakakaunting naiisip na mga konsepto mula ang mga young adults.

· Isang matindi at halos walang-kabuluhan na pagdepende sa musika na may heavy beat bilang kaisa-isa nilang gusto.

· Madalas na pagkakaroon ng bawal na gamot.

· Mas malaking interes sa mga passive experiences kaysa sa mga bagay na nangangailangan ng pag-iisip at aktibong pakikilahok.

At dahil ang telebisyon ay nasa malaking porsyento ng mga tahanan, ang mga problemang ito ay hindi bumababa.

Mga kapatid, dapat tayong gumawa ng paraan tungkol dito! Dapat lang nating gamitin nang tama ang dalawa sa mga pinakamaliliit na bagay sa iyong bagay, ang on-and-off button ng iyong TV at ang payak ngunit makapangyarihang salitang Hindi. Alalahanin natin ang mga salitang ito:

Finally, brethren, whatsoever things are true, whatsoever things are honest, whatsoever things are just, whatsoever things are pure, whatsoever things are lovely, whatsoever things are of good report: if there be any virtue, if there be any praise, think on these things. (Philippians 4:8, KJV). 

Maniwala ka, ang mga benepisyo na inyong makukuha ay mas mahalaga pa kaysa sa $500 at tunay na tatagal.

Para sa pagbabago, tanggalin mo na sa saksakan ang telebisyon mo.

Palalalimin ang iyong mga ugat:
Psalm 25:15; Ezekiel 20:21-31; 1 John 2:15-17

Pagsasanga:
1. Hinahamon kita na patayin ang iyong TV sa loob ng isang linggo at punuin ang mga libre mong oras ng kahit isang magandang libro, pakikinig sa musikang Kristiano, paglalaro ng isang magandang laro, paglakad, pagbisita na hindi mo pa nakikita sa nakalipas na tatlong buwan.

2. Sa bawat isang oras na ikaw ay nanood ng TV, ay tumbasin mo rin ng isang oras ng pagbabasa ng Bible o isang magandang libro.

—————————————————————————————————
Ito ay isang Tinagalog na article mula sa aklat ni Charles R. Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 326-328. Inilathala ng Multnomah Press, Portland, Oregon. ©1983 Charles R. Swindoll, Inc. 

Wednesday, July 15, 2009

They Aren't Genius But...



by Bro. Elijah E. Abanto

When my father told that the children should be with their parents in the worship service by giving an example of a child from our church, a man answered and said, "That kid must be genius. And not all kids are geniuses." I could not but both smile and be sad at the same time.

I smiled because it was such a good compliment for a child. Everyone who knows that child will be happy if she was called "genius." But in my heart I was sad because that description was used to justify the separation of kids from the actual worship service. This is not a good justification to the practice of separating children from young people and adults. Anyone who thinks will say that this man did not think what he said.

But I cannot point a finger to those who think like this man. It is because first and foremost, The first generation of believers and members of the church were grown-ups--meaning, they were saved as adults or in teens. And because of this, they are more familiar how to treat their own age, because they could understand them better. On the other hand, the fruit of this situation is that they do not know how to treat the children in the church. They were not children when they were drawn to church; they don't know what to do if this happens and that happens. So the method they derive into to remove the disorder the children make in the worship is to do what was done to them before they were saved--in other words, when they were just children--to be separated from adults. Or, they depend upon the child psychologists or experts for knowledge on how to cope with them. And in the beginning, it seems plausible enough, no problem--because really, the nuisance will be eliminated--they can worship God without "disturbance." But when the time comes we become perplexed, "Why did they become like that?"

But, with honest humility, I can say (through God's grace) that I know more on how to treat the children in the church--because I grew up in the church, in the pastor's family. I was saved as a child, I was baptized as a child--and here am I, by the grace of God, standing for and serving Jesus with all my heart and mind.

Did I have to be a genius in order to behave properly in the service, to listen, to take notes, and say, "Amen"? No. Children know and do as they learn. I learned to worship because I was raised to worship with my family in the church. I learned to read my Bible and pray because I was raised reading it, and not just listening to a Bible story in Sunday school and pray simple "Dear Lord Jesus" prayers. I was taught, that's why. I learned theology even though I was a child back then. I just needed to be saved to understand. And taught. I was never separated from them. Thank you, Daddy and Mommy. You always include me. Isn't it beautiful?

A child doesn't need to be a genius to be included in the service or serve the Lord. To encourage you, here are some examples from our church:

  • Joshua, when he was just a baby, could be silenced while in the service by command of the pastor. Jemima, who was barely two years old, has just sang the whole "Jesus Loves Me" in the church as a special number.
  • Daniel Joseph (also barely two years old) will always say "Amen" at the important points of our pastor's preaching. Also, other kids same age as he close their eyes while praying.
  • Justin (who has just turned 7) know how to sing complicated hymns with just reading the words in the song book, like "When the Saints Go Marching In" and "Make Me A Blessing" with no mistakes. The kids in our church love hymns just as choruses.
  • In our church kids 3 years old are joining the visitation, and giving out tracts. Examples: Jhona (4) and Joshua (3). Many of our children ages 12 below know the 13 points of witnessing (Operation Go), and actually, two have done it in the field: John Mark (12) and Jisilyn (10). The only reason why the others can't do it in actual was because they are shy.
  • Kids are included in the Bible quiz with the older ones! And they score!
  • By the way, all these kids are behaved in the worship service. We have approximately 40 children in our service, members and non-members.
That and many other examples can prove that. That starts in how these people look at these little ones: the pastor, the parents, the members. They barely know doctrine, but they can be taught. They barely know issues, but they can be taught. They are naturally disorderly, but theycan be ordered, if they are taught and trained. We need to just teach them!