Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Monday, December 6, 2010

The Real Issue: Why Stewardship? by Bishop Felizardo Abanto

Sa biblikal na stewardship ang tunay na isyu ay hindi pera at salapi. Sa totoo lang ito ay tungkol sa pagbabagong-loob at ispiritwalidad. Ang tunay na pagbibigay sa Dios at ang Gawain ng Dios ay isang bagay ng Ispiritu ng Dios. Ang mga bagay ng Ispiritu ng Dios ay kabaliwan sa mga likas o hindi ligtas na tao. Ang mga makakasulatan na mga katuruan ay nauunawaan lamang sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Ispiritu ng Dios. Walang tao na tinatawag si Jesus na Panginoon ngunit sa pamamagitan ng Banal na Ispiritu. Tanging ang isang anak ng Dios ang makakatanggap ng ganitong katuruan tungkol sa stewardship (o pagkakatiwala).

Hindi maunawaan ni Judas kung kayang magsayang ni Maria ng isang napakamahal na uri ng pabango sa Panginoon. Ngunit si Zacchaeus ay handang ibigay ang kalahati ng kanyang mga ari-arian sa mga mahihirap at ibalik nang makaapat na patong anuman ang nakuha niya sa pamamagitan ng pandaraya, kahit na ang batas ay humihingi lamang ng pagbabalik ng nakuha, na may dalawampung porsiyentong interes. Kahit na dati ay interesado lamang siya sa pagkamal, ngayon dahil siya’y isa nang mananampalataya, handa na siyang magbigay para sa Panginoon. Si Zacchaeus ay nakaranas ng pagbabago ng puso dahil tinanggap na niya si Jesus bilang kanyang Panginoon.

Ang pangalawang salik ay ang ispiritwalidad o ang antas ng pagpapasok ng anak ng Dios sa Kanyang mga kautusan. Ang Biblia ay kumikilala ng dalawang uri ng mga mananampalataya: ang karnal at ang ispiritwal. Ang karnal na Kristiano ay hindi pa talaga nagpapasakop sa Dios. Nabubuhay pa rin siya na parang isang di-mananampalataya. Siya ay tulad ng isang sanggol na kailangan pang matutunan ang bawat bagay. Nakakalito sa mananampalataya at di-mananampalataya ang mga karnal na Kristiano. Nagsasasabi siya na siya’y ligtas ngunit nagkukulang sa pananampalataya at mabuting gawa. Siya ay hindi matapat. Para siyang isang ngipin na may sira at isang paa na wala sa ayos. Kailangan niyang lumago at maging mature. Sasaktan niya ang iyong puso at bibigyan ka niya ng sakit ng ulo. Magkakaroon ng inggitan, awayan, at pagkakahati-hati dahil sa kanya. Hindi natin sila kailangan sa iglesya.

Sa kabilang banda ay ang ispiritwal na Kristiano. Siya ang kaligayahan ng Panginoon at ang haligi ng kanyang pamilya at ng iglesya. Siya’y nagpapasakop nang buo sa Panginoon. Ang kanyang buhay ay huwaran sa lahat sa komunidad. Siya’y nirerespeto at sinusunod ng kanyang mga anak. Nais nilang maging gaya niya. Ang kanyang asawa, na kanya pa ring kasama, ay nagpapasakop sa kanyang pamumuno at itinataas siya nang gayon na lamang sa pag-ibig. Siya ay isang mabuti at matapat na katiwala ng Dios: ibinibigay ang kanyang ikapu, mga handog, misyon, firstfruits at iba pang pagbibigay para sa gawain ng Panginoon. Siya ay isang aktibong mang-aakay ng kaluluwa at masigasig na nakikilahok sa lahat ng mga gawain ng iglesya. Ang kanyang katapatan sa pastor niya at iglesya ay hindi mapapasubalian. Ang kanyang pamumuno ay hindi mapupulaan. Kaya nga lahat ng pastor ay nais siya bilang miyembro. Iniisip mo ba na ang ispiritwal na Kristiano ay maghihirap at mabu- “burn out” dahil sa lahat ng mga ito? Hindi.

“He shall be like a tree planted by the rivers of water. His leaf also shall not wither and whatsoever he doeth shall prosper.”

Ang ispiritwal na Kristiano ay natutunan na ang tunay na isyu ng biblikal na pagkakatiwala ay hindi pera at salapi ngunit tunay na pagbabagong-loob at buo na pagpapasakop sa Dios.

Nawa ang lahat ng ating mga miyembro ay maging tunay na mananampalataya at magpakita ng ispiritwalidad sa kanilang mga buhay. Amen. bdj

Ang article na ito ay isang dinagdagan at isinalin-sa-Tagalog na bersyon ng artikulong isinulat ng ating mahal na pastor, Bishop Felizardo D. Abanto, para sa Baptist’s Digest Weekly 44 (BDJ Volume 1, Issue 44), November 9, 2008.

If you want to avail a copy of BDJ Volume 3, Issue 42 (CYPA Paper Ministries' 3rd Anniversary Edition Issue), just post a comment here.

No comments:

Post a Comment