Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Monday, December 6, 2010

The Logic of Giving and Receiving

by Elijah Abanto


Noong panoorin ko ang pelikulang The Chronicles of Narnia: The Lion, the Witch and the Wardrobe, mayroong eksena doon kung saan sinasabi ni Susan, na “logically it’s impossible,” tinutukoy ang kwento ng bunso nilang kapatid na si Lucy tungkol sa isang mahiwagang mundo sa dulo ng isang wardrobe (o malaking cabinet ng mga damit). Sinasabi niya na imposible na magkaroon ng ganoong klaseng mundo—at ang daan pa ay pamamagitan ng isang cabinet. Well, nagkamali siya (at least sa movie na iyon at sa nobelang pinagbasihan niyon), at nagtagpuan din niya ang sarili sa mundong sinabi niya noong una na “logic’lly it’s impossible.”
Binanggit ko ang eksenang upang gumawa ng isang mahalagang punto: natural na para sa atin na bumase sa ating pangangatwiran, o, “logic.”Kaya ang mga sinabi ni Susan ay kadalasan ding lumalabas sa ating mga bibig— “logically it’s impossible,” o anumang tulad ng pangungusap na ito. And it makes sense, really, at magagamit natin ang ganitong pag-iisip sa maraming aspeto ng buhay. Siyempre halata naman na para makapagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng cell phone ay dapat kang mag-text. Sang-ayon sa pangangatwiran (logic) natin na ang pag-aaral nang mabuti ay magreresulta sa pasado (kung hindi man mataas) na grado.
Ngunit pagdating sa mga pangungusap ng Biblia, parang ang salitang “logic” ay out-of-the-question, o walang lohikal na eksplanasyon. Marami pa ring mga Kristiano ang hindi ma-gets na “all that will live godly shall suffer persecution” (2 Timothy 3:12). Ano ang logic sa taong nagbabago na at nagkakaroon na ng takot sa Dios na sasaktan at uusigin ng tao? At paano’ng papasok sa kokote natin na ang mga inuusig o pinagtatawanan o sinisiraan dahil kay Kristo ay mga “blessed” o “happy” (Matthew 5:11)?
Pagdating din naman sa mga inuutos ng Dios sa atin, it seems na ang bawat isa ay illogical, o (nahulaan mo na siguro), ay wala sa katwiran. Sino ang naka-get-over sa utos na “Love your enemies” (Matthew 5:44; Luke 6:27, 35)? “Logic’lly it’s impossible!” halos-sabihin na natin, kahit na tayong mga Kristiano. Kahit ang utos ng Dios kina Adan at Eba na huwag kainin ang bunga ng Puno ng Pagkaalam ng Mabuti at Masama (Genesis 2:9, 17) ay mukha ring illogical, dahil ang itatanong ng isip, “Bakit pa ilalagay doon ng Dios ang punong iyon kung hindi naman kakainin ang bunga?” At paanong ang pagbibigay ay magreresulta sa pagkakaroon ng mas marami pa; i.e., “Give and it shall be given you” (Luke 6:38)?
Ngunit tulad ni Susan, kadalasan, ay nauuwi tayo sa pagkakamali. Nalalaman natin na totoo at tama ang isang bagay—parang si Lucy na napatunayang totoo at hindi sinungaling. “Logically” parang imposible, ngunit posible pala at talagang mangyayari.
Ngunit totoo kayang “logic’lly it’s impossible!”? Sa aking mga pag-iisip ay na-realize ko: Aba, may katwiran naman pala. Isang pagkakamali lang na nagagawa nating mga Kristiano ay ang isipin na ang lahat ng inuutos ay illogical, at laging parang wala sa katwiran. Ngunit marami na ring nakapagtanto na ang mga utos ay may katwiran—kung pag-iisipan lamang mabuti. At sa article na ito ay nais kong ipakita kung gaano kalohikal ang biblikal na pilosopiyang “Give and it shall be given you,” o, sa ibang salita, “Give and receive.”
Kaunti lamang (kung mayroon man) ang nakikita ko sa kalikasan na hindi sumusunod sa batas na ito. Paano nagkakaroon ng makakain ang isang kingfisher bird (tulad ng nasa frontpage ng BDJ ngayon) ng mga isda—sa ibang mga salita, ang lahat ng mga hayop? Kailangan muna niyang maglabas—magbigay—ng enerhiya upang makahuli o makakuha ng pagkain. Paano tayo nakakatanggap ng oxygen (na kailangan natin para mabuhay) mula sa mga halaman, kung may alam ka sa science? Sa pamamagitan ng pagbubuga—pagbibigay—natin ng carbon dioxide sa kanila, hindi ba? Alam din nating lahat na bago bigyan—makatanggap—ng bunga ng isang puno ay kailangan muna natin siyang diligan—bigyan—ng tubig at pataba. At sinuman ay hindi makakatanggi na ang tanging paraan para bigyan ng babae ang kanyang asawa ng anak ay dapat munang magbigay ang lalaki ng kanyang punlay (note: hindi tayo bastos dito, okay) sa babae, hindi ba? Kung “logically” lamang ang pag-uusapan, kapatid, ang “Give and receive” ay noon pa lohikal kung kalikasan ang tatanungin.
Kaya ka makakatanggap ng sweldo sa kinsenas o bonus ngayong Disyembre dahil nagtrabaho ka—nagbigay ka ng lakas, oras, at salapi, hindi ba? Makakatanggap ka ng medal sa school, o sa competition, kung nanalo ka siyempre—ngunit kailangan mo munang mamuhunan—magbigay—ng talino, lakas, at talento. Makakapagbigay ka lamang ng tamang sagot sa tanong ng teacher mo kung nakinig ka nang mabuti o nagbasa o nag-aral—o nakatanggap ka muna ng katalinuhan, hindi ba? Ano pang lohika o katwiran ang kailangan mo kung kitang-kita naman, kahit sa buhay nating mga tao na ang sinumang nagbibigay ay tumatanggap?
Hayaan ninyong magpakita ako ng halimbawa mula sa aking buhay at sa ministeryong pinagkatiwala sa akin ng Panginoon. Bakit ba tumatanggap ng support ang Paper Ministry mula sa ilang miyembro ng Capitol BBC at maging mula sa ibang mga Baptists? Kasi nauna ang ministeryong ito magbigay sa kanila. Kaya ngayon, sa biyaya ng Panginoon, ay tumatanggap ng suporta ang paper ministry. (Sidetalk: Kaya naman sa inyo na binibigyan ng BDJ o mga coloring papers na hindi nagbabalik sa Paper Ministry, kayo ang illogical.) Nito lamang nakaraang linggo ay nakatanggap ako ng meryenda mula sa pamilya ng mga batang binigyan ko ng aral at kwento mula sa Biblia. Tinapay at juice, tanghalian, bibingka at juice, wafer sandwich at juice—lahat ng iyon natanggap ko kasi tinuruan ko sila—binigyan ko sila ng oras, lakas, at talino. “Logically,” iyon ang magiging resulta.
Now I know how logical giving and receiving is. Sana ay na-gets mo na rin ngayon, para hindi na tayo matakot magbigay. Isipin mo na lang, ang Dios. Paano ba Siya nakakatanggap ng papuri mula sa atin—bakit ba natin Siya pinupuri at sinasamba at pinapasalamatan? Eh, kasi, mga kapatid, kaibigan, binigay Niya kasi sa atin ang bugtong na Anak Niyang si Jesus at niligtas tayo mula sa mga kasalanan.
That’s how logical giving and receiving is. bdj

If you want to avail a copy of BDJ Volume 3, Issue 44, just comment below.

1 comment:

  1. The happy family: Spouses Support is a blog that is interested in supporting and training spouses to raise their children in a proper way, and a guide towards a happy family by suggesting solutions to marriage problems and also considered a guide for women during pregnancy.

    ReplyDelete