Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Showing posts with label church. Show all posts
Showing posts with label church. Show all posts

Sunday, September 26, 2010

Back to the Basics

by Charles R. Swindoll

Ang yumao nang stratehista sa football, si Vince Lombardi, ay isang panatiko pagdating sa mga saligan. Sila na mga naglaro sa ilalim ng kanyang pamumuno ay madalas na magsabi ng tungkol sa kanyang sidhi, kanyang pwersa, kanyang hindi nawawalang sigasig para sa laro. Regular siyang bumabalik sa mga pangunahing pamamaraan ng blocking at tackling. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang pangkat, ang Green Bay Packers, ay natalo sa isang mas mahinang koponan. Masama na ang matalo … ngunit ang matalo sa koponan na iyon ay hindi mapapasubalian. Tumayag ng pagsasanay si Coach Lombardi noong sumunod na umaga. Tahimik na nakaupo ang mga kalalakihan, na mas mukhang hinagupit na mga tuta kaysa isang koponan ng mga kampiyon. Wala silang ka-ide-ideya kung ano ang aasahan mula sa lalaking kanilang pinakakinatatakutan nila.

Nagtitimpi at tumititig sa bawat isang atleta, nagsimula si Lombardi:

“Okay, babalik tayo sa simula ngayong umaga. …”

Hawak-hawak ang isang football sa taas na makikita ng lahat, patuloy siyang sumigaw:

“… mga ginoo, ito ay isang football!”

Tingnan mo naman kung gaano ka-basic iyon! Ang mga lalaking nakaupo doon ay naglalaro na ng football nang labinlima hanggang dalawampung taon … sila na mas alam ang opensa at depensa higit sa mga pangalan ng mga anak nila … at ngayon ay ipinapakilala niya ang football sa kanila! Para iyong pagsasabi, “Maestro, ito ay isang gabilya.” O, “Librarian, ito ay isang aklat.” O, “Marine, ito ay isang rifle.” O, “Ina, ito ay isang kawali.” Halatang-halata naman kung ano iyon!

Bakit naman sa tanang mundong ito makikipag-usap ang ekspertong coach na ito sa mga propesyunal na atleta sa ganoong paraan? Pero gumana naman iyon, sapagkat walang sinuman ang nagdala sa isang koponan sa tatlong magkakasunod na kampyonato sa buong mundo kundi siya. Ngunit—paano? Gumawa lamang si Lombardi sa isang simpleng pilosopiya. Naniwala siya na ang kagalingan ay pinakamainam na nakakamit sa pamamagitan ng pagma-master ng mga basics ng isang laro. Ang panlilito, pagpapasaya sa madla, at larong pakikipagsapalaran ay pupuno ng stadio (nang pansamantala) at maaaring makapagpanalo ng ilang mga laro (paminsan-minsan), ngunit sa huling pag-aanalisa ang mga palaging nananalo ay mga koponan na naglalaro nang matalino, taas-noo, at matigas na football. Kanyang stratehiya? Alamin ang iyong posisyon. Matuto kung paano ito gawin nang tama. Pagkatapos ay gawin ito nang buo mong lakas! Ang ganoong kasimpleng plano ang naglagay ng Green Bay, Wisconsin, sa mapa. Bago dumating si Lombardi, ang Green Bay ay isa lamang tigilan sa pagitan ng Oshkosh at Iceland.

Ang gumaganang stratehiya sa laro ng football ay gumagana rin sa iglesya. Ngunit sa mga ranggo ng Kristiyanismo, medyo mas madaling malito. Ah, hindi lang medyo: sobrang daling malito. Kapag sinasabi mong “church” sa ngayon, para lamang itong pag-order ng mainit na inumin … mayroon kang tatlumpu’t-isang klase ng mga lasa na pagpipilian. Maaari mong piliin ang mga madidiskarte, o mga humahawak ng ahas, o mga positibo mag-isip. Mga bandang may makukulay na ilaw, mga nakadamit na “pari” na may madudugong mga patalim, mga inahit na ulo na may magagandang mga bulaklak, at sumisigaw na mga showman na may mga nagpapagaling na mga linya ay mayroon din. Kung hindi pa iyon sapat, hanapin mo ang paborito mong “ismo” at magiging okay na: humanismo, liberalismo, matinding Calvinismo, politikal na aktibismo, antikomunismo, supernatural na spiritismo, o lumalabang pundamentalismo.

Pero teka! Ano ba talaga ang mga basics ng “iglesya”? Ano ang pinakapangunahing Gawain ng isang iglesyang naniniwala sa Biblia? Kung aalisin ang lahat ng mga hindi kinakailangan, ano ang matitira? Makinig tayo sa ating Coach. Sinasabi Niya sa atin na mayroon tayong apat na pangunahing prayoridad kung nais nating matawag na isang iglesya:

katuruan … pagsasama-sama … pagpuputul-putol ng tinapay … pananalangin (Mga Gawa 2:42).

Sa apat na ito tayo ay dapat na “patuloy na igugol ang ating mga sarili.” Ang mga matitibay, balanse, at “nagwawaging” mga iglesya ay sila na mina-master ang mga basics na ito. Ang mga ito ang bumubuo ng aspeto ng ano ng iglesya.

Ang paano ay pareho lamang na mahalaga. Muli, ang Coach ay sinasabihan ang ating koponan. Sinasabi Niya na ang iglesya na ginagawa ang kanyang trabaho ay ang iglesya na:

… nagsasanay sa mga banal para sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Kristo … (Efeso 4:12).

“Aba, ang dali naman pala,” sasabihin mo. “Napaka-simple naman yata?” itatanong mo. Handa ka na ba sa isang panggulat? Ang pinakamahirap na trabaho na maaari mong maisip ay ang pagpapanatili ng mga pangunahing gawain na ito. Maraming mga tao ang walang ideya kung gaano kadaling iwanan ng mga kinakailangan at mapasali sa ibang mga gawain.

Maniwala ka—mayroong tuluy-tuloy na daloy ng mga hiling mula sa mabubuti, at nakatutulong na sources na gamitin ang pulpit bilang isang plataporma para sa kanilang agenda. Inuulit ko, mabubuti at nakakatulong na sources, ngunit hindi kinakailangan … hindi direktang may kaugnayan sa ating pangunahing layunin. Ang layunin ng iglesya ay ang interpretasyon, eksposisyon, at aplikasyon ng Banal na Kasulatan.

Ngunit ang ganoong iglesya ay napakabihira sa ating lupain, parang gusto mong tumayo at magsabi:

“Mga Kristiano, ito ay Biblia!”

Pagpapalalim ng iyong mga ugat: Acts 2:42-47; Ephesians 4:12-16; Ephesians 2:19-22

Pagsasanga: Gawin ang mga sumusunod na basics: 1) matuto sa mga tinuturo; 2) makipag-fellowship sa kapwa mananampalataya; 3) sumama sa mga activities ng church; 4) manalangin.

—Mula sa Growing Strong in the Seasons of Life ni Charles R. Swindoll, pp. 372-375.

Thursday, July 1, 2010

Being Loyal

by Elijah Abanto

TAYO NGAYON AY NASA HENERASYON KUNG SAAN ANG SALITANG “COMMITMENT” AY WALA SA MGA DIKSYUNARYO NG PUSO AT ISIP NG TAO. Ang salitang ito ay “obsolete” na para sa kanila. Tama na ang bigat ng “commitment” sa asawa. Tama na ang bigat ng “commitment” sa pagpapalaki ng anak. Tama na ang bigat ng “commitment” sa kaibigan, sa pangako, sa sinabi. Natural na para sa tao na magsabi ng, “Gagawin ko,” ngunit hindi gagawin. Natural na para sa marami na magsabi na, “Totoo ang sinasabi ko,” na sa totoo lamang ay isang kasinungalingan. At ang malungkot, ang bagay na ito ay nadala sa pakikipag-ugnayan natin sa iglesiya. Sasasabihin natin, “Aattend ako,” hindi naman pala. At hindi lang inimbitahang bisita ang nagsasabi nito; may mga miyembro rin. Mayroon naman ding mga nagsasabing, “Ayokong mangako.” Pwede mong sabihin na ito’y mas okay kaysa mangako na hindi tutuparin, ngunit isa lamang din itong senyales na hindi kayang magtalaga ng tao ng kanyang sarili sa isang bagay.


This is where loyalty comes. Loyal ka ba? Ang “loyalty” ay nangangahulugang pagkakaroon ng commitment sa isang partikular na bagay o tao o grupo ng tao. Madali na makakuha ng katapatan mula sa taong personal mong naging kaibigan, nakasama. Ngunit, mahirap magkaroon ng katapatan sa mga bagay o tao na hindi mo kilala, kaibigan, o alam nang buo. This is especially true of new members and transferees in a church. Madalas ang mga bagong miyembro ay mananatiling committed sa church hangga’t naroroon ang nagdala sa kanila sa Panginoon; kapag nawala ito mawawala na rin sila. Marami sa mga transferees o galing sa ibang iglesiya o palipat-lipat na ay wala nang commitment na kahit ano sa iglesiyang kanilang nilipatan. Maaaring maging miyembro sila, maaaring maging isa sila sa mga nagbibigay, aktibo, ngunit naghihintay lamang ng bagay na ikaka-offend nila at sila’y aalis na. Simply put, ang katapatan ay mahirap magkaroon sa isang tao.

Minsan sa Seminary ay nag-usap-usap kami ng aking mga schoolmate kung saan nag-iisip sila ng topic na kanilang ipu-pursue sa thesis, at sinabi ko na ang pinakamagandang thesis na magagawa nila ay ang thesis na mula sa kanilang puso. Kaya, nagsalita ang isa, “Elijah, ang gusto ko, yung tungkol sa loyalty—loyalty sa church. Yun ang nasa puso ko eh.”

Today, what is in my heart is loyalty to the church. Sa totoo lang, dapat nasa puso ng bawat isa ang pagiging tapat sa iglesiyang kanyang kinabibilangan ngayon. Ang aking church, Capitol Bible Baptist Church, ay magsa-sign ng Church Covenant once again pagkatapos ng dalawang buwan ng pag-aaral ng Church Covenant sa Sunday School, at sa pamamagitan niyon, sa pamamagitan ng pirma ko, ay ipinapakita ko ang aking katapatan. If you’re a member of this church, at ikaw ay pipirma sa isasagawang Church Covenant, ang pirma bang iyon ay nangangahulugan na magiging tapat ka sa iglesiyang ito? Kung mayroon mang ilang hindi magiging matapat, ayokong maging isa ka roon. Isa ka na ba sa magsasabi, “Ito ang aking iglesiya. Dito na ako hanggang kunin ako ng Panginoon”?

Kung nais nating matuto ng loyalty o katapatan, isang magaling na guro ang Biblia. At isa sa mga lessons nito tungkol sa katapatan ay makikita sa mga karakter na mababasa rito. At naisip ko na gamitin ang tatlong karakter na sumusunod upang tulungan kang maging matapat sa anumang bagay na pinagtalagahan mo, kabilang na ang iglesiya: si Mark, si Demas, at si Peter, ilan sa mga taong minsang hindi naging matapat sa Diyos at anuman o sinumang may kaugnayan sa Kanya.



MARK (Acts 13:5-13)

Si Mark, o John Mark, ang kanyang buong pangalan, ang sumulat ng aklat ng Book of Mark, ang pangalawang aklat ng Bagong Tipan. Siya marahil ang lalaki na hindi pinangalanan sa Mark 14:51-52. Nang si Apostle Paul, at si Barnabas, ay inordinahan ng iglesiya sa Antioch na maglakbay sa Asya upang mag-akay ng kaluluwa, (Acts 13:1-2) ay nagdesisyon silang dalhin si Mark para maging katulong nila sa mga bagay-bagay. (v. 5) Nung mga panahong iyon ay hindi pa malakas si Mark bilang Kristiano. At kung babasahin mo ang mga sumunod na nangyari sa kanila, ay makikita mo ang maraming hirap na naranasan nila mula sa pag-uusig ng mga hindi naniniwala. Nakakita na siya ng isang halimbawa nito sa Salamis pa lamang, ang unang lugar na kanilang pinuntahan, at marahil sinabi niya sa sarili, “Naku, siguradong mayroon pang darating na mas matindi dito. Ayokong masali sa gulong ito.” Kaya, makikita mo na iniwan na lamang niya sila at umuwi sa Jerusalem. (v.13)

Loyalty Principle #1: Ang isang matapat na tao ay handang harapin ang hirap kaugnay ng bagay na kanyang binigyan ng pangako. Dahil wala pang loyalty si Mark noon, natural na madali siyang susuko pag naharap sa nagbabantang hirap at pagsubok. Walang hirap na mag-aalis ng katapatan ng isang matapat na tao.



DEMAS (2 Timothy 4:10)

Kaunti lamang ang nalalaman natin tungkol kay Demas, bukod sa tinawag siyang “fellow worker” ni Paul nang dalawang beses sa sulat nito (Colossians 4:14; Philemon 24). Maaaring isa siya sa mga nakita ni Paul bilang isang Kristiano na aktibo sa iglesiya.

Ngunit sa ikalawang sulat ni Paul kay Timothy ay sinabihan ni Paul si Timothy na magsumikap na pumunta sa kanya:



For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica…



Loyalty Principle #2: Ang isang matapat na tao ay hindi maaakit ng mga bagay mula sa labas na mukhang maganda o kapaki-pakinabang. Marahil ay nakita niyang mas nakakaakit ang mga bagay ng mundo kaysa sa bagay ng Diyos, kaya kahit na ikasama ng isang kapatid sa Panginoon, ay iniwan niya ito. Ngunit ang isang matapat na tao ay hindi naaakit ng ibang bagay, dahil iisa lamang ang kanyang puso, ang kanyang isip. Na nagdadala sa atin sa isa pang katotohanan:

Loyalty Principle #3: Ang isang matapat na tao ay iisa lamang ang binibigyan ng kanyang tuon at debosyon. “Ye cannot serve God and mammon,” sabi ni Jesus(Matthew 6:24). Hindi kailanman nagiging loyal ang isang tao na dalawa-dalawa ang iniisip. “A doubleminded man is unstable in all his ways,” sabi ni James (1:8).



PETER (Luke 22:54-62)

Kilala natin si Peter bilang isa sa mga pinakakilalang apostol sa Bagong Tipan. Siya ang pinakamasalita, pinakamasigasig sa mga apostol. Siya ang nagpahayag na si Jesus ang Messiah; siya ang naglakas-loob lumakad sa tubig papunta kay Jesus; siya rin ang nagsabi na hanggang sa kamatayan, ay hindi niya iiwan si Jesus. Ngunit—ngunit, sa pagkakataong ito, ay mapatunayang mababaw pa ang kanyang katapatan.

Mababasa natin sa talatang tinutukoy sa taas na inaresto na si Jesus ng mga Romanong sundalo at dinala sa harap ni Caiaphas, ang mataas na saserdote noong panahong iyon. Tumakbo ang mga alagad sa takot sa mga ito, kasama si Peter, ngunit nagdesisyon din siyang sundan ito sa malayo. Hanggang sa lumamig. Nagpainit siya sa isang apoy sa paligid kung saan may nakakilala sa kanya. “Kasama ka niya ah!” sabi nung isa. Sa takot niya ay tumanggi siyang siya ay kasama ni Jesus. Hanggang may pangalawang nakakilala, hanggang sa pangatlo. Sa huling pagtanggi ay hindi na niya napigilang magmura. Pagkatapos ay tumilaok ang manok. Mukha sa mukha, nalaman niyang hindi pa pala siya ganoong katapat kay Jesus.

Loyalty Principle #4: Hindi isinusuko ng isang matapat na tao ang kanyang katapatan sa ilalim ng kagipitan. Alam ko na nung sinabi niyang hindi niya iiwan at ikakaila si Jesus ay seryoso siya, ngunit dahil hindi pa ganoong kalalim si Peter sa kung ano ang kanyang pinapasok, ay ikinaila niya si Jesus. Ang isang matapat na tao ay hindi natatakot o nadadala sa kagipitan, gaanuman ito katindi.

Loyalty Principle #5: Ang isang matapat na tao ay hindi dumidepende sa kanyang sarili para manatiling matapat, kundi sa iisang Matapat, ang Diyos. Nakita mo ba, kala ni Peter ay kaya niyang gawin ang mga bagay-bagay sa kanyang lakas, ngunit nadaya siya. Bago siya maging tunay na matapat sa isang bagay o tao, kailangan niya munang dumipende sa Diyos, ang magbibigay ng lakas sa kanya upang magawa niya ito. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang manalangin, magbulay-bulay ng at makinig sa pangangaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos, dahil dito mo pinapakita na ikaw ay umaasa sa Kanya, nagtitiwala sa Kanya.



Commitment. Loyalty. Totoong nawala na ito sa isip at puso ng maraming tao. Maaaring ito’y nawala na sa iyo sa ngayon. Ngunit, hindi mo kailangang mawalan ng loob. Si Mark, pagkatapos mabigo, ay natutunan din sa bandang huli ang katapatan, at natawag pa siyang kagamit-gamit ni Paul paglaon. Si Peter, naging mas kagamit-gamit at matapat na apostol pagkatapos niyon, at tinawag pa siyang isa sa mga haligi. Nagsulat pa siya ng dalawang aklat sa Bagong Tipan. Sa totoo lang, ang Book of Mark ay nasulat ni Mark sa pagdidikta mismo ni Peter. You just don’t know. At kung ikaw ay matapat na, ipagpatuloy mo lang. Isipin mo lamang si Jesus, na naging matapat sa Kanyang Diyos at Kanyang misyon, “even [to] the death of the cross.” (Phil. 2:8) bdj

Tuesday, May 26, 2009

BDJ 6--Fasting: CBBC's Trademark

by Bishop Felizardo D. Abanto

Naniniwala ako na talagang ang Panginoon ang nanguna sa akin na mapagtanto ang kapangyarihan ng pag-aayuno (fasting) sa aking personal na buhay. Sa tingin ko kung hindi ko ito natutunan malamang ngayon ay nasa kung saan ako sa labas ng gawain ng Diyos. Kung hindi ko ito isinasagawa hindi ko talaga alam kung ano na ang mangyayari sa pamilya ko ngayon. Ngunit dahil sa ispiritwal na disiplinang ito na sa papaanong paraan ay binabago ang isip ng Diyos at kinikilos Siya na makialam sa mga suliranin ng tao o iurong ang Kanyang inihayag na aksyon, kami ay nasa unahan pa rin ng ministeryo ng Diyos.

Sa aking pagkakaalam, wala akong maisip na pastor na Baptist na nagturo sa akin ng pangangailangan at kapangyarihan ng pag-aayuno. Sa tingin ko ang nahimok sa akin na isagawa ko ang disiplinang ito ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro. At pagkatapos na ako ay talagang nakumbinse na ito’y nasa sa Kasulatan wala nang rason para sa akin para balewalain ang kasanayang ito. Iyon ang dahilan kung bakit ko isinama ang pag-aayuno sa aming mga gawain sa iglesiya. Noong una, itinakda namin ang aming pag-aayuno tuwing kalagitnaan ng linggo, isang beses isang buwan. Ang pagdalo ay umiikot mula sampu hanggang dalawampung miyembro. Kaunti lamang ang dumadalo dahil ang iba ay nasa eskwelahan o trabaho o ayaw na dumalo. Nito lang ko naisip na ito’y i-skedyul ng Linggo.

Noong una inisip ko lamang na ito’y gagawin ko lamang noong partikular na Linggo na naidaos iyon, ika-dalawampu’t dalawa ng Pebrero. Ngunit bago dumating ang Pebrero 22, isa sa aming mga miyembro, si Bro. Allan ay nagmungkahi na idaos ito isang beses isang buwan. Pagkatapos ay prinisenta ko ito sa mga miyembro ay sila’y sumang-ayon. Kaya ngayon, amin nang itinakda kada huling Linggo ng buwan ang aming araw ng fasting! Purihin ang Panginoon! At sa tingin ko ay isa na naman itong bagay na magbibigay ng kaibahan sa ating iglesiya sa iba pang Baptist. Bukod pa riyan, sa tingin ko ito ay magiging isang marka ng Capitol Bible Baptist Church na mapapatatag sa hinaharap.