Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Friday, June 18, 2010

Dads, Front and Center

by Charles R. Swindoll

Sa libro ni Charlie Shedd, Promises to Peter, ay sinasabi niya kung paanong ang pamagat ng kanyang mensahe sa pagmamagulang ay nagbago nang maranasan niya ang pagiging ama. Noong mga unang taon ng kanyang pangangaral, bago siya maging ama, tinawag niya itong, “Paano Palalakihin ang Iyong Mga Anak.” Maraming mga magulang ang dumayo para mapakinggan ito. Nang magkaroon ng isang anak si Charlie, may kaunting panahon bago niya ibinigay ang mensaheng iyon uli. Nang ginawa niya, may bago na itong pamagat: “Ilang Mga Suwestiyon sa Mga Magulang.” Nadagdagan pa ng dalawa ang kanyang mga anak at ilang taon pagkatapos, tinatawag na niya itong “Mahihinang Paalala sa Mahihinang Magulang.” Ilang taon pa ang lumipas at ilang anak pa, bihira na niyang ibigay ang mensaheng iyon. Ngunit kapag ginawa niya, ang pamagat na ay “Mayroon ba ritong may kaunting mga salita ng karunungan?”

Mahirap maging isang ama. Halos imposible na maabot ang ating mga sariling mga pamantayan, bukod pa ang pamantayan ng Diyos. At ang pinakamahirap sa lahat ay, sa loob-loob natin, alam nating nag-iiwan tayo ng isang hindi mabuburang marka sa buhay ng ating mga anak. Mula sa simple at praktikal na ama hanggang sa komplikado at maraming ideya na ama; mapatigasin at agresibo o mahina at pasibo; siya man ay lulong sa trabaho o lulong sa alak—walang ama na hindi alam na ang kanyang mga “fingerprint” ay nasa kanyang mga anak habang sila’y kanyang hinuhugis patungo sa katandaan.

Paano ito magagawa ng mga ama nang maingat at may karunungan? Sa araling ito ay kukuha tayo ng kaunting tips sa pagmamagulang mula kay apostol Pablo. Hindi natin alam kung si Pablo ay naging ama nang literal. Ngunit sa kanyang sulat sa mga taga-Tesalonika ay makikita natin ang ilang katangiang pang-ama na dapat tularan.


A LITTLE BACKGROUND

Ang unang dalawang iglesiyang naitatag sa Europa at nasa Filipos at Tesalonika. Nang maglakbay si Pablo papuntang Tesalonika, nakita niya ang potensyal ng lungsod na iyon at nagnais na manatili roon, kahit na siya’y hinahabol at inuusig ng mga hindi mananampalataya (tingnan ang 1 Thessalonians 2:1-2). Sa loob ng anim na linggo ay ibinuhos ni Pablo ang kanyang sarili sa mga mananampalataya rito, nagtatrabaho nang umaga’t gabi upang patibayin ang mga ito sa bago nitong pananampalataya. Bagaman hindi na makakabalik si Pablo para sa isa pang malalim na pagbisita, ay nahuli ng mga mananampalataya ng Tesalonika ang kanyang puso. Kaya noong marinig niya ang tungkol sa mga hampas ng pag-uusig na nagbabantang lunurin ang pananampalataya ng mga ito, ay hinagisan niya ang mga ito ng dalawang “life preservers.”

Pinadala niya si Timoteo sa kanila. Dahil hindi kaya ni Pablo na pumunta roon sa kanyang sarili, ay pinadala niya ang kanyang kaibigan si Timoteo dala ang mga salita ng pag-asa at pampalakas ng loob (3:2).

Nagpadala siya ng isang sulat. Nang bumalik si Timoteo kasama ang isang masamang balita, ay sumulat si Pablo ng isang masidhing sulat ng pagtatagubilin. At ang bumubuhos sa pamamagitan ng kanyang panulat ay isang bukal ng pag-ibig mula sa puso ng isang ama.

“But we were gentle among you, even as a nurse cherisheth her children: … and charged every one of you, as a father doth his children.” (2:7, 11b)

Bilang isang ina, bilang isang ama—ang mga salitang ito ay hindi mo makikita sa iba pang mga sinulat ni Pablo. At sa konteksto ng mala-amang puso ni Pablo tayo kukuha ng ilang mga prinsipyo ng pagmamagulang.



FIVE GUIDELINES FOR GOOD DADS

Ang mga talatang 8-12 ng kabanata 2 ay nagpipinta ng isang inspiradong larawan ng isang ama kasama ang kanyang mga anak, isang larawan na karapat-dapat na gayahin.

Magiliw na nasasabik. Ang unang katangian na inilalarawan ni Pablo ay pagkagiliw: “So being affectionately desirous of you” (v. 8a). Mayroon naman sa dulo ng kanyang mga daliri na anim na terminong Griego na pwede niyang magamit sa pagsusulat nito ngunit, pinili niya ang terminong isang beses lamang makikita sa buong Bagong Tipan—isang terminong nangangahulugan “na maramdaman ang sarili na malapit sa isang bagay o tao.” ito’y isang termino ng pagmamahal … isang termino na parehong mariin at malambot, ang larawan ng isang amang maingat na dinuduyan ang kanyang maliit na anak. Ngunit gaano natin kadalas talagang naipapakita ang ganitong klase ng “magiliw na pagkasabik”? Napakadaling yumakap at humalik ng isang sanggol, kahit na isang bata. Ngunit habang lumalaki ang isang bata, ang pisikal na pagkagiliw ay madalas na napapalitan ng pisikal na paglayo. Sa kanyang aklat na The Effective Father, ay nagsama si Gordon MacDonald ng isang kabanata na may pamagat na “Please Show Me That You Care.” Doon ay isinulat niya:

Ang pisikal na ekspresyon ng ating pagkatuwa ay may malaking kahalagahan. Ating pinapatibay kung ano ang isang tao, at ating pinapahalagahan kung ano ang ginagawa niya. Ngunit ang katiyakan na ito ay dapat na maibigay nang higit sa mga salita. Pagkagiliw, ang paraan ng pagpapahayag ng pagiging malapit na hindi gumagamit nang salita, paghawak at pagpisil ay isa sa mga pinakamahalagang karanasan na ibinabahagi natin sa isa’t isa.

Ipinapakita sa ilang mga pag-aaral na ang pagiging mahilig sa sex sa isang babae ay madalas na nag-uugat sa kakulangan ng pagkagiliw ng isang ama sa kanyang pagkabata at kabataan (Dan Benson, The Total Man, [Tyndale House Publishers], p. 178). Mga ama, ipakita ang iyong pagmamahal—ngayon, bago pa ito hanapin ng iyong anak sa ibang lugar.

Isang bukas na pagkatao. Ang talatang 8 ay nagpapatuloy na ilarawan ang ikalawang gabay: isang bukas na pagkatao.

So being affectionately desirous of you, we were willing to have imparted unto you, not the gospel of God only, but also our own souls, because ye were dear unto us.

Hindi ba mahalaga ang ebanghelyo? Siyempre mahalaga! At hindi ba ito sapat? Siyempre hindi! Kinakailangan na marinig ng iyong mga anak ang ebanghelyo para makilala din nila ang Tagapagligtas na iyong iniibig; at lalong mas maganda kung ang Mabuting Balita ay nagmumula mismo sa iyong mga bibig. Ngunit higit pa roon. Kailangan nila ng pagtuturo tungkol sa buhay, at kailangan nila ng isang ama na hinahayaan silang makita siyang ipinapamuhay ito, mga pagkakamali at lahat. Kailangan nilang makita kung paano mo hawakan ang iyong pera, kung paano ka gumagawa ng mga desisyon, kung ano ang iyong mga pinapahalagahan, at kung ano ang nagpapatawa sa iyo. Kailangan nilang marinig mula sa’yo na inaamin mo kung ikaw ay mali at makita ka na tumatayo para sa iyong pananampalataya. Kailangan nilang makilala ka “from the inside out”—at maramdaman ang iyong interes at paniniwala sa kanila. Ang salitang “impart” ay nangangahulugang “pagpapakita, pagbabahagi, pagbibigay nang buo” sa mga anak na alam nang walang pag-aalinlangan na sila’y mahal sa iyo.

Isang hindi maramot na pagsusumikap. Sa talatang 9, si Pablo ay gumuguhit ng isang larawan ng matinding paggawa, ng isang ama na inilalagay ang kanyang sarili sa gawaing nasa kamay.

For ye remember, brethren, our labour and travail: for labouring night and day, because we would not be chargeable unto any of you, we preached unto you the gospel of God.

Ito ay isang detalyadong larawan ng pinansyal na responsibilidad at pagtitiis sa ilalim ng mga pangangailangan. O anong halimbawa na dapat makita ng iyong mga anak! Hindi nila kailangan ng mga materyal na mga bagay kapalit ng iyong panahon. Hindi nila kailangan na makita ang bunga ang pagpapagal ng kanilang ama imbes na kanilang ama mismo. Ngunit kailangan din nilang makita na ang kanilang ama ay nagtatrabaho talaga ng walong oras para sa walong oras na sweldo; kailangan din nila ng mga oportunidad na kumita sa kanilang paraan.

Pagiging totoo sa ispiritwal na aspeto. Ginamit ni Pablo ang mga talata 9b-10 na binibigyang diin ang dalawang mahalagang aspeto ng ispiritwal na responsibilidad ng isang ama: pananampalataya at pag-uugali.

We preached unto you the gospel of God. Ye are witnesses, and God also, how holily and justly and unblameably we behaved ourselves among you that believe:

Napakaraming mga ama ay hinahayaan na ang ispiritwal na aspeto ng pagpapalaki ng anak sa ina—kung tinuturo man si Kristo, ay kadalasang galing iyon sa ina. Ngunit ipinapakita rito ni Pablo na ang mga ama ay dapat rin na ituro si Kristo … at pagkatapos ay kanilang mga buhay sa paraan na ito’y sinusuportahan.

Isang positibong impluwensya. Ang huling pagguhit sa pagpinta ni Pablo ng pagmamagulang ay isang positibong impluwensya.

As ye know how we exhorted and comforted and charged every one of you, as a father doth his children, That ye would walk worthy of God, who hath called you unto his kingdom and glory. (vv.11-12)

Si Dan Benson, sa kanyang aklat na The Total Man, ay sinasabi ang mga resulta isang nakakabahalang pag-aaral: sa bawat isang positibong pangungusap na sinasabi sa isang ordinaryong tahanan, ay may sampung negatibong pangungusap. Napakahirap na maging positibo habang ang iyong mga anak ay lumalaki. Ngunit ang mga anak na puno ang mga tainga ng mga salitang “Hindi” at “Huwag” at “Itigil mo yan!” ay natututong huwag magtiwala sa kanilang mga kilos at gawi. Ang mga anak na naririnig ang “Ang galing!” at “Kaya mo yan!” na kasindalas ng “Hindi magandang ideya iyan” ay haharap sa mga bagong hamon nang may tiwala sa sarili at tuklasin ang kanilang potensyal nang walang takot. bdj



Ang article na ito ay isinalin ni Bro. Elijah Abanto mula sa ingles na article na “Dads, Front and Center,” ng aklat na Growing Wise in Family Life, ni Charles R. Swindoll, published by Insight for Living and Multnomah Press, pp. 16-19.

Yea and Nay

Jesus’ Simple Command of Verbal Integrity

by Charles R. Swindoll


Nakakamangha na ang mga isyung binigyang-pansin ni Kristo sa Kanyang pangangaral noong unang dantaon ay may kaugnayan pa rin sa ngayon tulad noong una Niyang sinabi ito. Pagpatay (Matthew 5:21-22) at kaguluhan (vv. 23-26). Paghihiwalay (vv. 27-32) at mga kasinungalingan (vv. 33-37). Ngayon ay pag-usapan natin ang huli.

Patungkol sa mga pangangako, binibigyang-pansin naman ni Jesus ang katapatan sa mga sinasabi.

Again, ye have heard that it hath been said by them of old time, Thou shalt not forswear thyself, but shalt perform unto the Lord thine oaths: But I say unto you, Swear not at all; neither by heaven; for it is God's throne: Nor by the earth; for it is his footstool: neither by Jerusalem; for it is the city of the great King. Neither shalt thou swear by thy head, because thou canst not make one hair white or black. But let your communication be, Yea, yea; Nay, nay: for whatsoever is more than these cometh of evil.
Matthew 5:33-37

Inaamin ko, nabasa ko na yan ng isang dosenang beses bago ko maintindihan, kaya huwag kang mawalan ng loob kung sa unang tingin mo ay parang naguguluhan ka.

Huwag natin itong gawing komplikado. Kitang-kita naman, ang paksa ay mga taong nagsasabi ng katotohanan. Ang mga sumpa ay may kinalaman sa paggawa ng pangako sa layuning makapagdadagdag ito ng katotohanan sa isang bagay na sinabi. Kapag ako ay nanghiram ng libro at sinabi ko sa iyo, “Ibabalik ko ito; pangako,” ’yon ay isang pangako. Kung gagamitin ang biblikal na termino, ito ay isang sumpa. May mga halimbawa pa akong naiisip. Kapag ang isang presidente ay kakahalal pa lamang, inilalagay niya ang kanyang kamay sa isang Biblia at gumagawa ng pangako na itataas ang Kontitusyon ng bansang iyon. Tinatawag pa nga natin yung “taking the oath of office” (panunumpa). Ang mga indibidwal na inordinahan sa ministeryo ay gumagawa ng pangako na may kinalaman sa pagiging matapat sa paglilingkod habang kanilang itinatalaga ang kanilang mga sarili sa isang buhay na dalisay at may debosyon kay Jesu-Kristo at Kanyang Salita. Kapag ikaw ay pumupunta sa korte upang maging testigo, ikaw ay nanunumpa na, “nasasabihin ang katotohanan, ang lahat ng katotohanan, at pawing katotohanan lamang, kaya tulungan mo ako Diyos.” Gumagawa ka ng isang sumpa. Hindi ito nagpapanatili sa’yo mula sa iyong kasalanan, ngunit ginagawa ka nitong responsible kung ikaw ay talagang nagkasala, sapagka’t nangako ka na sasabihin mo ang katotohanan.

Kapag sinasabi ni Jesus na, “Huwag ka nang gumawa ng sumpa,” sinasabi ba niyang hindi na nga dapat mangako? Sinasabi ba Niya sa ating presidente na huwag nang ipatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng Biblia at mangako na kanyang itataas ang Kontitusyon? Sa tingin ko’y hindi. Ang sinasabi ni Jesus ay may kinalaman sa mga pangako na idinadagdag sa isang pangungusap, iniisip na ang mga karagdagang mga pangako ay magiging mapagkakatiwalaan ang pangungusap na iyon. Hindi. Ang punto ng sinabi ni Jesus ay, dapat ang mismong sinabi ay tumayo sa sarili nito. Kung pwede namang isang salita lang, bakit ka pa magsasayang ng iyong hininga sa marami pang salita? Simplehan mo lamang. Sabihin mo kung oo o hindi. Ang dami ng salita ay hindi nagpapatunay na totoo nga ang sinasabi.

Sinasabi mo, “Wala namang problema dun, ah. Pambihira, kaya namang gawin iyan ng kahit sino eh.” Okay, hayaan niyo akong magtanong tungkol dito. Sabihin nating nangako ka na maghuhulog ka para sa isang utang kada buwan. Ginagawa mo ba iyon? Binabayaran mo ba ito nang on-time? O kaya ay sabihin nating nanghiram ka ng isang kasangkapan mula sa iyong kapit-bahay at sinabi mong ibabalik mo iyong pagkatapos mong gamitin. Ginawa mo ba? Nangako ka na magiging tapat ka sa iyong asawa. Tapat ka nga ba? Sa isang seryosong sandali ng pagka-convict mo ikaw ay nangako sa Panginoon na ikaw ay titindig para sa Kanya. Ginagawa mo ba iyon? Hindi na kailangan na magdagdag pa ng maraming salita o matutunog na mga pangungusap na naninigurado; gawin mo na lang.

May ibang taong nag-iisip na sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salita mas magiging kapani-paniwala ang mga sinasabi mo. Hindi ganun. Ang kailangan lamang ay, “Magkita tayo bukas dito nang alas-dos ng hapon,” hindi “Pupunta ako dito, sinisigurado ko sa’yo, nang alas-dos nang hapon. Sinusumpa ko sa’yo, gagawin ko. Sa ngalan ng langit, mapagtitiwalaan mo ang salita ko.” Hindi iyon nakapagdadagdag ng katotohanan sa iyong sinasabi. Kailangan ko lamang na siguraduhin sa sarili ko na nandoon ako sa kung nasaan ako dapat nang alas-dos ng hapon. Ang oo ay dapat na oo. Ang hindi ay dapat na hindi. Simplehan mo lamang.

Minsan ang isang simpleng pangungusap ng katotohanan ay maaaring maging isang malakas na motibasyon para sa mga taong nasa paligid mo. Nagsabi ng Koreanong ebanghelistang si Billy Kim ng isang magandang kwento na inilalarawan ang aking punto.

Pagkatapos ng digmaan ay dumagsa ang mga komunista sa South Korea mula sa North. Isa sa mga una nilang ginawa ay ang pagsama-samahin ang isang grupo ng mga Kristiano sa kanilang church building, kung saan pinwersa nila ang mga pinuno na ikaila ang kanilang Panginoon. Sinamahan pa nila ang kanilang pamemwersa ng mga pahirap at panakot sa mga buhay ng mga preso nila. Isa-isa ang mga pinuno ay sumuko. Nung ang mga nagpahirap ay iniabot ang mga Bible sa mga ito at inutusan na duruan ito, ginawa nung mga pinuno. Hanggang sa dumating sa isang maliit na babae.


Walang takot siyang tumingin nang matalim sa kanyang mga tagapagpahirap at nagsabi, “Maaari niyo akong martilyuhin nang martilyuhin. Maaari niyo akong paluin hanggang mamatay ako, ngunit hindi ko ikakaila ang aking Panginoon!” Pagkatapos ay nagsimula siyang umawit, pagkatapos lumingon sa mga pinuno na bumagsak at nagsabi, “Maawa nawa ang Diyos sa inyong mga kaluluwa.” Ano ang naging resulta? Ang mga tao kasama sa iglesiya ay sinamahan siya sa pag-awit. Iniba niya ang direksyon papuntang pagtanggi sa Panginoon na sinimulan ng mga pinuno. Ano ang ginawa ng mga komunista? Kanilang pinatay ang mga pinuno na ikinaila si Kristo at pinalaya ang babae na malinaw na ipinakita ang kanyang katapangan.1

Ang payo ng Panginoon ay malinaw: hayaan ang iyong oo ay maging oo; at hayaan ang iyong hindi ay maging hindi. Sa ibang mga salita, makilala bilang isang tao na may integridad ang mga sinasabi. May mga naghihintay na espesyal at minsan ay nakagugulat na resulta para sa kanila na tumatangging magdagdag pa ng mga salita sa kanilang sinabi. Pinaparangalan ng Diyos ang payak na katapatan.

Sa kanyang gawa, The Christian Century, ay sumusulat si Lloyd Steffen ng isang panahon pabalik sa ika-labinwalong dantaon nang si Haring Frederick II ng Prussia ay bumisita ng isang preso sa Berlin. May isang nakakulong tapos isa pa na sinubukang kumbinsihin ang hari na siya ay inosente. Sinabi ng mga ito na sila ay naparusahan nang hindi karapat-dapat para sa mga krimen na hindi naman nila ginawa—lahat sila, iyon ay, bukod sa isang lalaki na nakaupo nang tahimik sa isang sulok habang ang iba ay ikinuwento ang kanilang mga mahahaba at komplikadong mga istorya.

Nakikita ang lalaki na nakaupo roon, walang pakielam sa komosyon, ang hari ay tinanong ang hari kung bakit ito nakakulong. “Armed robbery ho, Mahal na Hari.”

Nagtanong ang hari, “Totoo ba ang akusasyon sa’yo?”

“Oho,” sinabi nito nang hindi sinusubukang pasubalian ang maling nagawa.

Doon nagbigay ng utos si Haring Frederick sa bantay: “Palayain ang makasalanang taong ito. Ayokong dumihan niya ang pag-iisip ng lahat ng mga inosenteng tao rito.”2



Ang bahaging ito ng pangangaral ni Jesus ay hindi mahirap na intindihin. Nagsasalita Siya sa mga salitang naiintindihan ng kahit sino, bagaman totoo ring hindi lahat ay nakikita ang Kanyang mga sinasabi na madaling tanggapin. Nagsasalita Siya tungkol sa katapatan sa mga sinasabi. Ating ibuod ang kanyang katuruan sa pamamagitan ng suwestiyong ito.

Sabihin ang nais mong iparating at gawin ang sinabi mo. Ganun lang kasimple. Wala nang mumbo-jumbo, wala nang mahaba, makukulay, at tunog-relihiyong mga salita ang kinakailangan. Basta sabihin mo lang ang totoo. bdj

1Billy Kim, sinipi sa Stuart Briscoe, Now for Something Totally Different (Waco, Tex.: Word Books, 1978), 100-101.

2Lloyd H. Steffen, “On Honesty and Self-Deception: ‘You are the Man,’” The Christian Century, 29 April 1987.

Ang artikulong ito ay sinipi mula kay Charles R. Swindoll, Simple Faith (Dallas, Tex.: Word Publishing, 1991; Nashville, Tenn.: W Publishing Group, 2003), 89-92.

A Mother's Greatest Gift

by Charles F. Stanley

Bilang mga magulang, nais natin na ang ating mga anak na maglaan ng oras kasama natin, makipag-usap sa atin, at manatiling malapit sa atin nang habang buhay. At mas mahalaga, nais natin silang gustuhin din ang kaparehong bagay. Ngunit kung hindi natin sila iibigin nang walang pasubali o kondisyon ngayon, malamang ay hindi nila gugustuhin na maging malapit sa atin sa darating na panahon.

“Ngunit hindi ba ako ang responsible para tulungan silang malinang tungo sa kanyang pinakamataas na potensyal?” maaari mong itanong. “Wala bang mga pagkakataon na kailangan kong itulak pa sila nang kaunti?”

Tumpak! Sa totoo lang, ang pagmo-motivate sa ating mga anak patungo sa kagalingan at pag-unlad ay bahagi ng pagpapakita ng walang-pasubaling pagmamahal at pagtanggap sa kanila. Kapag hinahayaan natin ang ating mga anak na basta na lamang makasabay sa buhay ay isang anyo ng hindi-direktang pagtanggi.

Kung nais mong ma-motivate ang iyong mga anak nang hindi nagpapakita ng kahit anong ugali ng pagtanggap na may kondisyon, dalawang mga bagay ang dapat na maging totoo:

Una, ang lahat ng iyong pagtulak at pagtatagubilin ay dapat na unahan ng pagpapakita ng walang-kondisyong pagmamahal sa kanila. Nararapat na magkaroon ng mga alaala ng kanilang pagiging karapat-dapat sa iyong mga mata. Sa mga alaala, ang ibig kong sabihin ay mga naunang pangyayari o pakikipag-usap na malinaw na nagpakita ng iyong pagmamahal.

Ang mga alaala ay nakakatulong dahil nagbibigay ang mga ito sa iyong mga anak ng mga bagay na maaalala para mapaalalahanan kapag tinutulak mo silang gumawa. Minsan ang iyong mga inaasahan ay magiging napakataas, at sila’y mabibigo. Kapag walang mga paalaala ng iyong walang-pasubaling pagtanggap, maaaring katakutan ng mga anak ang iyong pagkadismaya at pagtanggi.

Ang mga alaala ay maaaring maisagawa sa anyo ng isang regalo o kahit na pagbibigay ng ilang mga pribilehiyo. Sa pagbibigay ng regalo, idiin na iyon ay hindi konektado sa anumang partikular na okasyon o aksyon sa kanilang bahagi; binibigyan mo sila dahil mahal mo sila.

Pangalawa, upang maayos mong ma-motivate ang iyong anak, dapat mo siyang sukatin sa pamamagitan ng kanyang kakayahan, hindi sa kakayahan ng iba. Ang pagkukumpara ng nagagawa ng isang anak sa nagagawa ng iba pagdaka ay nakasisira ng tamang pagtingin sa sarili, pagpapahayag ng indibidwalidad, at pagiging malikhain.

Ang tunay na susi rito ay ang tingnan ang bawat isa sa iyong mga anak bilang isang indibidwal na unique, o walang katulad. Ang bawat bata ay pinagkalooban sa isang partikular na paraan. Ang iyong layunin bilang isang magulang ay ang makita ang kalakasang ito at idiin ito habang ang iyong anak na lalaki o babae ay lumalaki, sapagka’t sa lugar ng talento ng iyong anak ay nakahimlay ang pinakamalaking potensyal para sa kagalingan. Sa pamamagitan ng paglilinang ng mga kalakasang ito, ikaw ay makakagawa din ng mga dakilang bagay para sa tamang pagtingin ng iyong mga anak sa kanilang sarili.

Nung ako’y lumalaki, hindi ako naging mahusay sa high school. Naging okay naman ang lahat, pero hindi ako nagkaroon ng magandang simula. Bilang resulta, hindi ko sinabi sa aking mga anak na inaasahan ko silang makakuha ng mga A o B habang sila’y nasa eskwela. Hindi ko sinabi sa kanila na kailangan nilang makasali sa baseball team o maging pinaka-popular. Imbes, ang aking tanong ay, “Ginawa mo ba ang the best mo?” Isang magandang paraan upang malaman kung nakakaramdam ang iyong mga anak nang walang-pasubaling pagtanggap o hindi ay sa pamamagitan lamang ng pagtatanong sa kanila, “Ano sa tingin mo ang kailangan mong gawin para maipagmalaki ka ni Nanay at Tatay?”

Limiin ang sagot nang maingat. Ito ba ay may kaugnayan sa ginawa? Nararamdaman ba nila na kailangan muna nilang gawing ang lahat ng mga Gawain arawaraw o maging estudyante na puro A? Pakiramdam ba nila na sila’y obligado na makasali sa isang grupo, o makagawa ng isang gawain upang makuha nila ang iyong pagtanggap? Marahil ang sagot ay mas may-kaugnayan sa karakter. Naniniwala ba ang iyong mga anak na ang paggawa ng kanilang pinakamagaling sa bawat gawain na mayroon sila ay ang siyang magpapasaya sa’yo? Alam ba nila na maipagmamalaki mo sila sa pagsunod sa Diyos, anuman ang kapalit?

Ang kanilang sagot ay magbibigay sa’yo ng kaalaman sa kung ano talaga ang iyong naiparating, anuman ang iyong nasabi. Ang naitatag mong sistema ng pagpapahalaga ang magsisilbing basehan kung saan matatanggap nila ang kanilang mga sarili at ibang tao.

Ang pagsasabi sa iyong mga anak na tinatanggap mo sila nang walang kondisyon ay hindi sapat. Sumulat ang apostol Juan, “Mga maliliit kong mga anak, huwag tayong umibig sa salita o dila lamang, ngunit sa gawa at sa katotohanan” (1 John 3:18). Ang walang-kondisyon na pagmamahal at pagtanggap ay naipaparating nang mas malinaw sa pamamagitan ng ating ginagawa at kung paano natin ito gawin kaysa sa kung anong
sinasabi lamang natin.

Ang ating mga anak ay dapat na magkaroon ng mga nakatabing mga alaala upangmapanatili ang kanilang paniniwala na tunay natin silang minamahal, anuman ang mangyari. Ang ganitong klase ng pag-ibig ay sinasabi sa ating mga anak na tinatanggap natin sila sa kung sino sila—anuman ang kanilang nagagawa. O anong klase ng seguri-dad at pagtanggap ang naibibigay nito sa kanila!


Pinapalakas mo ba ang loob ng iyong mga anak upang magtagumpay? Hindi mo kailangang magtulak ng mga ekspekstasyon sa kanila. Kung ating ide-derekta ang kanil-ang tuon sa Panginoon, ay gugustuhin nilang maging masunurin at gawin ang kanilang pinakamagaling para sa Kanya.

Huwag mong baliwalain ang impluwensya na mayroon ka sa buhay ng iyong mga anak. Tandaan, ang paraan kung paano ka kumilos sa harap nila ngayon ay nakaka-impluwensya nang malaki sa paraan kung paano sila tutugon sa’yo bukas. bdj

Ang artikulong ito ay ibinase sa aklat ni Dr. Charles R. Stanley na, “How to Keep Your Kids on Your Team” (1986) at nakuha sa www.intouch.org, May 13, 2010. Isinalin sa Tagalog ni Elijah Abanto.