Read. Meditate. Change. The Official Blog of BDJ, CYPA Paper Ministries, Capitol Bible Baptist Church
Welcome to BDJ Online!
Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.
Monday, December 6, 2010
Silence: When God Speaks Clearly
Sunday, October 10, 2010
The Thriving Family
Mag-isip ka ng isang pamilya. Magigising ang mga anak, hindi dahil sa tawag ng kanilang ina, o amoy ng masarap na almusal, ngunit dahil sa ingay ng pag-aaway ng kanilang tatay at nanay. Magmamadaling umalis ang tatay; ipapasa naman nung nanay ang kanyang galit sa kanyang mga anak, sa pamamagitan ng bulyaw at masamang tingin. Dahil doon, isa sa mga anak ang sasagot nang pabalang sa kanyang ina.Yung isa pang anak, na mas matanda sa kanya, ay papagalitan siya dahil sa kanyang ugali at manghahamon ng away. Aalis ang mga anak sa eskwela nang mapait at galit.
Walang may gusto ng ganoong pamilya. Ngunit madalas ay makikita natin ang ganitong uri ng eksena sa halos bawat pamilya—baka nga maging sa pamilya mo.
“Ano’ng gagawin namin ngayon?” itatanong mo. Huwag kang mag-alala; may pag-asa. Nagbibigay ang Biblia nang malinaw na mga instruksyon para magkaroon ng isang maka-Dios, lumalago, at nagtatagumpay na pamilya. Apat ito. Anu-ano ang mga ito?
James 1:19—Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:
Proverbs 4:1—”Hear, ye children, the instruction of a father, and attend to know understanding.”
Ang salitang “listen,” noong tingnan ko sa Merriam-Webster Dictionary, ay may apat na ibig-sabihin kung gagamitin ito bilang isang action word. Lahat ay laging may karugtong na pagdinig, tulad ng iyong iniisip marahil. Ang isa ay isang makaluma o archaic na ibig-sabihin: “to give ear to,” paglalaan ng iyong tainga sa isang salita—parang yung ginagawa mo kapag may bumubulong sa iyo. Nagagawa mo na ba ito minsan sa iyong tahanan? Kung ikaw yung ama o ina, nagawa mo na ba ito sa iyong asawa o anak? O kung ikaw ay anak, sa iyong mga magulang? Ang nakakalungkot, ang pakikinig ay isa sa mga malaking “kapanasanan” ng maraming indibidwal kasama mga Kristiano.
Mas madaling tayong magsalita kaysa makinig. Ayon nga sa mga statistics, sa isang grupo na nag-uusap, kailangan lang magsalita ng isang tao ng labindalawang salita para automatic na magsalita ang isa pa. Kahit nagsasalita pa yung isa, awtomatiko, pagkaabot niya ng labindalawang salita, magsasalita na yung iba.
Marami sanang hindi na kinakailangang problema ng pamilya na naresolba kung ang pakikinig lamang ay kasama sa ating pag-uugali.
Ang salitang “hear,” kasama ang lahat ng anyo ng salitang ito, ay nababanggit sa Biblia ng higit sa 810 na beses. Kung paulit-ulit na binabanggit, ibig-sabihin mahalagang-mahalagang ito. Dapat tayong makinig kung magtatagumpay ang isang pamilya.
Heto ang ilang mungkahi na pwede mong gawin kung gusto mong malinang ang pagiging palamakinigin:
· I-break mo ang statistics! Huwag kang sasabay na magsalita sa nagsasalita. Hintayin mo siyang matapos.
· Huwag ka agad mag-react.
· Hayaan mong may makipag-usap sa’yo ngayong lingo at huwag kang magsalita hangga’t hindi niya hinihiling sa iyong magsalita ka.
Ephesians 5:19—Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your heart to the Lord;
Philippians 1:27—Only let your conversation be as it becometh the gospel of Christ: that whether I come and see you, or else be absent, I may hear of your affairs, that ye stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel;
Nasa panahon na tayo kung saan ang “pakikipag-usap nang ispiritwal” ay pinagtatawanan o nililibak. Subukan mong magsabi ng “The Lord be with you” bilang pagbati kung hindi asarin. Pero mukhang hinulaan na ito ng
Hosea 9:7, dumarating na raw ang panahon na ang propeta ay tinatawag nang baliw, ang ispiritwal na tao ay ulol.Ngunit may isang bagay tungkol sa pagsasalita nang ispiritwal na nagpapakalma sa isang tao. May epekto pa nga na parang binabantayan nila ang kanilang aksyon o sinasabi.
Isang magandang halimbawa ng ganitong klase ng pag-uusap ay makikita kina Boaz, kanyang mga manggagawa, Ruth, at Noami. (hal., Ruth 2:4)
Maaari na nating simulan na makipag-usap nang ispiritwal, sundin mo lang ang mga mungkahing ito:
· Panatilihin mo ang salitang “Dios” sa iyong pakikipag-usap nang hindi bababa sa 7 beses isang araw.
· Subukan mong huwag matawa o mang-asar sa taong nagsalita ng ispiritwal. Tanggapin mo ito nang normal at may paggalang.
Let’s submit to one another.
Ephesians 5:21—Submitting yourselves one to another in the fear of God.
1 Peter 5:5—Likewise, ye younger, submit yourselves unto the elder. Yea, all of you be subject one to another, and be clothed with humility: for God resisteth the proud, and giveth grace to the humble.
Isipin mo na lang ang isang anak na lalaki o babae na nagpapasakop na lamang sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga maglang. Wala ditong kaso kung anong klaseng magulang, kahit stepfather o stepmother iyan, masama o mabuting magulang—mas maganda kung nagpapasakop na lamang ang anak.
Isipin mo na lamang ang isang asawang babae na handing magpasakop sa kanyang asawa.
At isipin mo rin ang isang lalaki na binibigyang-konsiderasyon ang mga mungkahi ng kanyang asawa at anak at nagpapasakop rito kung ito naman ay tama.
Ang laki ng kaibahan, tama?
Maraming mga maliliit na bagay ang nagiging “iceberg” dahil sa kakulangan sa pagpapasakop. Ngunit marami din namang mga “icebergs” ang nawawala kapag may submission.
Paano mo lilinangin ang ganitong klase ng attitude? Try these two steps:
· Ikaw na ang magtanong, “Mayroon po kayong ipapagawa?” “May kailangan ka ba?” “Ano sa tingin mo?” Mas madali na magpasakop kapag ikaw na ang nauunang mag-alok.
· Planuhing sabihing “Oo,” kapag may nag-utos sa’yo, o nagbigay ng suwestiyon—basta alam mo namang tama at hindi naman nakakasama.
Philippians 2:3—Let nothing be done through strife or vainglory; but in lowliness of mind let each esteem other better than themselves.
1 Timothy 2:8—I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.
James 5:16—Confess your faults one to another, and pray one for another, that ye may be healed. The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.
Patawarin niyo ako sa pagiging negatibo ko, ngunit, sa totoo lang, sa bawat panahon na ako ay napapadaan sa mga tahanan, kahit na sa mga Kristiano, bihira akong makarinig mula sa magulang ng mga positibong bagay tungkol sa kanilang mga anak. (Aminin!) Sa bawat mabuting ginawa, mayroon naman tayong itutumbas na sandaang masamang bagay tungkol sa tao. Sa mga anak, tuwing Mother’s Day o Father’s Day lang yata nakakapagsalita nang positibo! (Siguro pag may Children’s Day na rin ay magkaroon ng positibong masasabi ang mga magulang sa anak!) Madalas din sa pagitan ng mag-asawa ang ganitong klase ng eksena—pintasan, simangutan.
Ngunit alam mo, at alam ko, na mas nakakatulong ang mga positibong salita kaysa negatibo. Kahit kailan ay ganun na iyon. Mas mahirap tanggapin ang negatibo. Hindi naman dapat mawala ang negatibo, lalo na kung totoo at karapat-dapat namang banggitin; ngunit lalong hindi dapat kung walang positibo.
Ang resulta tuloy ay mga mabababa, imbes na naitataas, na ispiritu. Galit, at hindi kabaitan ang karaniwang resulta ng puro na lang pintas. Bakit hindi purihin ang mga nagawang tama ng isa’t isa? Kung may mali, ipanalangin natin nang taimtim sa Dios; kung kailangang kastiguhin, gawin mo, ngunit hindi dapat nawawala ang pagpansin ng tama.
Ilang mga suwestiyon:
· Purihin agad-agad ang nagawang tama at huwag nang ipagpaliban pa. Mas madali itong gawin nang “on-the-spot” kaysa maghintay ka pa ng “tamang” panahon. Hindi na iyon darating.
· Ipag-pray siya kung may nagawa siyang mali.
Mag-isip ka uli ng isang pamilya. Gigising ang mga anak—dahil mayroon silang morning devotions. Babati ang mga anak, “Magandang umaga po.” Pagkatapos ay mananalangin sila. Nakahanda ang masarap na almusal. Mukhang masaya si Ama. Maaliwalas ang mukha ni Ina. Ang lalaki, bago umalis, ay magtatanim ng halik ng pagmamahal sa kanyang asawasa kanyang asawa, na nagsasabing, “Gabayan ka ng Panginoon sa ating mga anak.” “Pagpalain ka ng Dios,” sasagot ang asawa nang pagkatamis-tamis. Ang mga anak? Nakangiti, halos-mangiyak-ngiyak na sa ligaya, at nagsasabing, “Ba-bye.” At mula doon ay magpapasalamat sila sa Dios para sa araw na iyon at sa mga magulang habang papunta sa school.
Ang lahat ay nagnanais ng ganoong klase ng pamilya. Pero, huwag kang mag-alala; hindi lang ito posible sa fairy tale—pwede rin itong mangyari sa totoong buhay. Sa tulong ng Dios, pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita, at patuloy na pananalangin sa Kanya, ang pamilya mo’y magiging maka-Dios, lalago, at magtatagumpay.
Nagsisimula iyon—sa’yo. bdj
Sunday, September 26, 2010
Back to the Basics
by Charles R. Swindoll
Ang yumao nang stratehista sa football, si Vince Lombardi, ay isang panatiko pagdating sa mga saligan. Sila na mga naglaro sa ilalim ng kanyang pamumuno ay madalas na magsabi ng tungkol sa kanyang sidhi, kanyang pwersa, kanyang hindi nawawalang sigasig para sa laro. Regular siyang bumabalik sa mga pangunahing pamamaraan ng blocking at tackling. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang pangkat, ang Green Bay Packers, ay natalo sa isang mas mahinang koponan. Masama na ang matalo … ngunit ang matalo sa koponan na iyon ay hindi mapapasubalian. Tumayag ng pagsasanay si Coach Lombardi noong sumunod na umaga. Tahimik na nakaupo ang mga kalalakihan, na mas mukhang hinagupit na mga tuta kaysa isang koponan ng mga kampiyon. Wala silang ka-ide-ideya kung ano ang aasahan mula sa lalaking kanilang pinakakinatatakutan nila.
Nagtitimpi at tumititig sa bawat isang atleta, nagsimula si Lombardi:
“Okay, babalik tayo sa simula ngayong umaga. …”
Hawak-hawak ang isang football sa taas na makikita ng lahat, patuloy siyang sumigaw:
“… mga ginoo, ito ay isang football!”
Tingnan mo naman kung gaano ka-basic iyon! Ang mga lalaking nakaupo doon ay naglalaro na ng football nang labinlima hanggang dalawampung taon … sila na mas alam ang opensa at depensa higit sa mga pangalan ng mga anak nila … at ngayon ay ipinapakilala niya ang football sa kanila! Para iyong pagsasabi, “Maestro, ito ay isang gabilya.” O, “Librarian, ito ay isang aklat.” O, “Marine, ito ay isang rifle.” O, “Ina, ito ay isang kawali.” Halatang-halata naman kung ano iyon!
Bakit naman sa tanang mundong ito makikipag-usap ang ekspertong coach na ito sa mga propesyunal na atleta sa ganoong paraan? Pero gumana naman iyon, sapagkat walang sinuman ang nagdala sa isang koponan sa tatlong magkakasunod na kampyonato sa buong mundo kundi siya. Ngunit—paano? Gumawa lamang si Lombardi sa isang simpleng pilosopiya. Naniwala siya na ang kagalingan ay pinakamainam na nakakamit sa pamamagitan ng pagma-master ng mga basics ng isang laro. Ang panlilito, pagpapasaya sa madla, at larong pakikipagsapalaran ay pupuno ng stadio (nang pansamantala) at maaaring makapagpanalo ng ilang mga laro (paminsan-minsan), ngunit sa huling pag-aanalisa ang mga palaging nananalo ay mga koponan na naglalaro nang matalino, taas-noo, at matigas na football. Kanyang stratehiya? Alamin ang iyong posisyon. Matuto kung paano ito gawin nang tama. Pagkatapos ay gawin ito nang buo mong lakas! Ang ganoong kasimpleng plano ang naglagay ng Green Bay, Wisconsin, sa mapa. Bago dumating si Lombardi, ang Green Bay ay isa lamang tigilan sa pagitan ng Oshkosh at Iceland.
Ang gumaganang stratehiya sa laro ng football ay gumagana rin sa iglesya. Ngunit sa mga ranggo ng Kristiyanismo, medyo mas madaling malito. Ah, hindi lang medyo: sobrang daling malito. Kapag sinasabi mong “church” sa ngayon, para lamang itong pag-order ng mainit na inumin … mayroon kang tatlumpu’t-isang klase ng mga lasa na pagpipilian. Maaari mong piliin ang mga madidiskarte, o mga humahawak ng ahas, o mga positibo mag-isip. Mga bandang may makukulay na ilaw, mga nakadamit na “pari” na may madudugong mga patalim, mga inahit na ulo na may magagandang mga bulaklak, at sumisigaw na mga showman na may mga nagpapagaling na mga linya ay mayroon din. Kung hindi pa iyon sapat, hanapin mo ang paborito mong “ismo” at magiging okay na: humanismo, liberalismo, matinding Calvinismo, politikal na aktibismo, antikomunismo, supernatural na spiritismo, o lumalabang pundamentalismo.
Pero teka! Ano ba talaga ang mga basics ng “iglesya”? Ano ang pinakapangunahing Gawain ng isang iglesyang naniniwala sa Biblia? Kung aalisin ang lahat ng mga hindi kinakailangan, ano ang matitira? Makinig tayo sa ating Coach. Sinasabi Niya sa atin na mayroon tayong apat na pangunahing prayoridad kung nais nating matawag na isang iglesya:
katuruan … pagsasama-sama … pagpuputul-putol ng tinapay … pananalangin (Mga Gawa 2:42).
Sa apat na ito tayo ay dapat na “patuloy na igugol ang ating mga sarili.” Ang mga matitibay, balanse, at “nagwawaging” mga iglesya ay sila na mina-master ang mga basics na ito. Ang mga ito ang bumubuo ng aspeto ng ano ng iglesya.
Ang paano ay pareho lamang na mahalaga. Muli, ang Coach ay sinasabihan ang ating koponan. Sinasabi Niya na ang iglesya na ginagawa ang kanyang trabaho ay ang iglesya na:
… nagsasanay sa mga banal para sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Kristo … (Efeso 4:12).
“Aba, ang dali naman pala,” sasabihin mo. “Napaka-simple naman yata?” itatanong mo. Handa ka na ba sa isang panggulat? Ang pinakamahirap na trabaho na maaari mong maisip ay ang pagpapanatili ng mga pangunahing gawain na ito. Maraming mga tao ang walang ideya kung gaano kadaling iwanan ng mga kinakailangan at mapasali sa ibang mga gawain.
Maniwala ka—mayroong tuluy-tuloy na daloy ng mga hiling mula sa mabubuti, at nakatutulong na sources na gamitin ang pulpit bilang isang plataporma para sa kanilang agenda. Inuulit ko, mabubuti at nakakatulong na sources, ngunit hindi kinakailangan … hindi direktang may kaugnayan sa ating pangunahing layunin. Ang layunin ng iglesya ay ang interpretasyon, eksposisyon, at aplikasyon ng Banal na Kasulatan.
Ngunit ang ganoong iglesya ay napakabihira sa ating lupain, parang gusto mong tumayo at magsabi:
“Mga Kristiano, ito ay Biblia!”
Pagpapalalim ng iyong mga ugat: Acts 2:42-47; Ephesians 4:12-16; Ephesians 2:19-22
Pagsasanga: Gawin ang mga sumusunod na basics: 1) matuto sa mga tinuturo; 2) makipag-fellowship sa kapwa mananampalataya; 3) sumama sa mga activities ng church; 4) manalangin.
—Mula sa Growing Strong in the Seasons of Life ni Charles R. Swindoll, pp. 372-375.
Tuesday, October 27, 2009
The Editor This Present Darkness

Let us realize this. If Satan's underlings did their work before, don't they do more effort now? Now enough with five-minute prayer, non-sense fasting, sins and neglecting God. Let us keep in mind that we are in the midst of darkness, and that we are the light of the world.
Will you now let your light shine in this Present Darkness?(Matthew 5:16)
Tuesday, May 26, 2009
BDJ 9--Lakad Tayo!
Ano nga ba ang pakikipag-usap? Ito ang pakikipagpalitan ng dalawa o higit pang mga persona ng mga salita tungkol sa isang pangkaraniwang paksa. Kaya sa pakikipag-usap hindi pwedeng mag-isa ka lang, bukod na nga lang kung kinakausap mo ang iyong sarili—in a way, parang dalawang tao din iyon!
With that in mind, imagine-in niyo ang dalawang taong naglalakad sa daan. Karaniwan ay ganito ang eksenang ating kinabibilangan kapag tayo ay may visitation o soul winning. Ano bang ginagawa niyo habang kayo ay naglalakad-lakad sa daan? Wala bang imikan? Walang salita, lakad lang? Siguro napapasabi ka, “Siyempre naman hindi! Nag-uusap kami—nakaka-boring kaya ang walang kausap!” Tama. At tsaka kung gusto mong mapalapit sa taong iyon, hindi mo siya susupladuhan. Tama?
Dalhin natin ang ganyang kaisipan sa relasyon natin sa Diyos. Simula nang tayo’y magsisi sa ating mga kasalanan, naniwala sa Kanyang ginawa sa krus ng Kalbaryo, at tinanggap Siya sa ating mga puso bilang Tagapagligtas, nagkaroon na tayo ng relasyon sa Diyos: Siya ang ating Ama, at tayo nama’y Kanyang mga anak. At simula nang maging Kristiano ka, ay lagi na tayong lumalakad na kasama Niya. Mayroon na tayong daily walk kasama Siya.
Ngunit nakikipag-usap ka ba sa Kanya? Para alalahanin kung ano ang ibig-sabihin ng pakikipag-usap, bumalik ka sa unang pahina. “Pakikipagpalitan.” In some way, “mahiyain” ang ating Ama, at nais Niya na ikaw ang magsimula ng usapan—ayaw ka Niyang pilitin sa usapang hindi mo naman gustong gawin.
Nalaman natin na tayo ay nagsasalita sa Ama sa pamamagitan ng prayer, o pananalangin. Ang Diyos naman ay nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng pag-aaral natin ng Biblia, o Bible study. (Bible study, dahil, kung babasahin lamang, at hindi natin iintindihin, hindi iyon pakikipag-usap.)
Ano’ng ginagawa natin pag nanalangin? Sinasabi natin lahat (lahat, dapat) sa Kanya—ating mga kasalanan (pag-amin), ating mga pagpapala at biyaya (pagpapasalamat), at ating mga kailangan (paghiling). Sa paraang ito ay nagsasalita tayo sa Kanya. At karamihan sa atin ay hindi nabibigo sa bahaging ito—kahit iilang minuto lamang (ngunit hindi naman din dapat ganon lang kaikli), ay nagagawa nating magsalita sa Kanya. (Pansinin niyo na laging “magsalita” ang ginagamit ko, hindi “makipag-usap.”) Ngunit paano ang Bible study? Marami sa atin ang nabibigo sa bahaging iyan. At parang wala lang sa atin kung mapag-aralan natin ang Biblia o hindi sa buong araw.
Ngunit isipin mo na lamang kung sa usapan ay yung kasama mo lang ang salita-ng-salita at hindi ka niya binibigyan ng pagkakataon na magsabi ng kahit isang salita lang. Naiinis ka. Nababagot ka. Baka hindi ka na makapagpigil at magsabi ka, “Ano ka ba, bakit ayaw mo akong pagsalitain? Gusto mo ikaw lang ang nagsasalita?” At ikaw, galit, ay mas mamabutihin pa iwan na lang siya, at maghanap na lang ng ibang bubuwisitin niya.
Ngayon balik tayo sa Diyos. Kinakausap Niya tayo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia. (“Kinakausap” ang aking ginamit dahil bago ka kausapin ng Diyos, ikaw muna ang dapat lumapit sa Kanya at magsalita. Ipapaliwanag ko maya-maya.) Ibig-sabihin, kung hindi tayo nagbabasa at nag-aaral ng Biblia, parang tayo yung taong ayaw pasalitain yung kausap. Nakuha niyo ba? At dahil doon, “iiwan” Niya tayo at hindi na pakikinggan ang ating panalangin—bagaman, dahil mapagpasensya ang Diyos ay matagal pa bago Niya gawin ’yon. Pero isipin mo na lang kung ano’ng nararamdaman Niya sa ating ginagawa pag walang Bible study. Parang tinatakpan natin ang bibig Niya nang sapilitan.
Dahil ang Diyos ay “mahiyain,” lumapit ka sa Kanya at sabihin mong kausapin ka Niya. “Ano po bang gusto Ninyong sabihin sa akin?” Lumapit ka sa Bible mo at buksan sa Scripture reading, at sabihin mo, “Ano po ang gusto Niyong ipaunawa mula dito?” At kakausapin ka Niya nang buong puso, at pakikinggan Niya rin kung ano ang sinasabi mo sa Kanya. Di ba ganon ang magandang pakikipag-usap? Titibay ang inyong relasyon ng Diyos; nasisiyahan Siya, at natutuwa ka rin.
Bakit hindi mo iyon gawin simula ngayon? Tama ang walang imikan! Tama na ang ikaw lang ang salita nang salita! Isaayos mo na ang paglakad mo kasama Siya.
Maglaan ka ng takdang oras. 6 AM. 12 NN. 3 PM. 9 PM. Kahit ano’ng oras basta magtakda ka. At sundin mong palagi. Huwag kang mahuhuli—dahil hindi nahuhuli ang Diyos sa iyo. At kung sakaling mabigo ka ng isang beses, ‘wag kang manghina—hingin mo lang ang Kanyang tawad, at magsimula kang muli nang panibago. At kung ano’ng sabihin Niya sa iyo, huwag magdalawang-isip na sundin iyon. At sinasabi ko sa iyo, mas malamang ay “susundin” Niya rin ang sinasabi mo sa Kanya!
“Lakad tayo!” sabi ng Diyos. At sa paglakad na iyon ay titindi lamang ang inyong relasyon ng Diyos kung mag-uusap kayong dalawa. Di ba ang ganda? Kung mapagtatanto lang natin.
BDJ 8--Wala Bang Signal?
Sa totoo nga lang, sa lahat ng panahon sa kasaysayan, ay kailangan ng pananalangin. Sa unang mga araw ng sanlibutan, nakipag-usap ang Diyos sa mga tao tulad nina Adan, Noe, Abraham, Jacob, Jose, Moises at marami pang iba. Sa pagpapatuloy ng mundo, nariyan naman sina David, Samuel, Elias, Eliseo, Esaias, at mga propeta—kinakausap ng at nakikipag-usap sa, Diyos. At sa panahon ng Bagong Tipan, mismong si Jesus ay nanalangin—ang Diyos na nagkatawang-tao. Sinundan ito ng mga apostol at ng mga unang iglesiya sa iba’t ibang dako ng Kanluran.
Ngunit ang nakalulungkot, ang ating panahon ay nakakaranas ng pinakamahinang “signal” ng komunikasyon sa Diyos. Masyado nang naging abala sa mga gawain—mula bata hanggang matanda—at ang pakikipag-usap sa Diyos ay “naputol” na sa karamihan ng mga Kristiano. Noong una, kaya ng hanggang apatnapung-araw makipag-usap ng tao sa Diyos (halimbawa ay si Moises, si David, at mga propeta, hanggang kay Jesus). Noong panahon ng iglesiya, “araw-gabi” ay nananalangin ang buong iglesiya. Maging noong panahon ng Dark Ages at Reformation, ang mga Ana-Baptist at Protestante ay nananalangin ng dalawang-oras kada umaga, tanghali, gabi. Ngunit ngayon? Maaari nang ikaw ang sumagot sa tanong na iyan.
Wala na bang ‘signal’ ang ‘telepono’ natin sa Diyos sa mga panahon ngayon?
Sa sobrang ka-busy-han sa trabaho (empleyado man o may-ari mismo), sa eskwela (mula sa elementarya hanggang kolehiyo), at maging sa gawain ng Diyos (soul winning, Bible study, discipleship, choir), ay nawawalan na tayo ng panahon para sarilinin ang Diyos—Siya na iginugugol ang buong panahon Niya sa atin. Ang malala pa ay napupunta rin ang oras sa laro, panliligaw, paglalakwatsa, pakikipagdaldalan at pagtunganga sa TV ang panahon na maaari na sanang ilaan sa pakikipag-usap sa Diyos. Ang masama ay hindi ito ang panahon para magpatumpik-tumpik pagdating sa panalangin.
Yun nga lang mga tao na may matitigas na puso ay marahil sa hindi natin isinasama sa ating mga panalangin sila na nangangailangan ng kaligtasan. Ang buong mundo, pasama-nang-pasama (makikita mo kapag nagbabasa o nanonood ka ng balita), at kapit-kapit ang kanilang kamay para usigin ang mga Kristiano, ngunit ni isang misyonero ay hindi man lang natin maipanalangin. Ang ating bansa, na nasa bingit ng Charter Change, pag-angkin ng mga Muslim, at korapsyon, ay walang lugar sa ating mga prayer request. Ang ating lungsod, ang ating barangay, kailan natin nailapit sa Diyos? Ang ating iglesiya, paanong ito’y lalago at magiging patotoo sa paligid kung sa pagdadasal nati’y wala—ang ating pastor na nangunguna sa atin, kanyang pamilya, at bawat isa? Ang ating mga pamilya, paanong titibay, paanong lalakas, kung ang panalangin nati’y sasampung minuto lamang?
Mahina ba ang signal? Hindi mga kapatid. Kung gaano kalinaw ang reception noon sa kalangitan noon ay ganoon pa rin ngayon, walang pagbabago. Hindi nga lang natin ginagamit ang telepono, at madalas ay missed call o iilang saglit lamang. Kitang-kita na ito sa dami ng dumadalo sa prayer meeting—yun at yun na lang palagi pag Huwebes. May nagsabi ngang ebanghelista, “Kung gaano karami ang tao tuwing Sunday ng umaga, ganon ka-popular ang pastor. Kung gaano karami ang tao tuwing Sunday ng gabi, ganon kakilala ang iglesiya. At kung gaano karami ang tao tuwing prayer meeting, ganon ‘kasikat’ ang Diyos.” Hindi ba kilala ang Diyos sa ating buhay? Malamang ay dahil hindi natin Siya kadalas kausap. Paano natin makikilala ang hindi naman natin o bihira lamang natin kausapin?
BDJ 7--Long Distance Relationship: Will It Endure? Does It Work?
Ito ang mga bagay na sumagi at naglaro sa aking isip nang aking bigyang pansin ang iba’t ibang uri ng relasyon.
Sa relasyon ng magkaibigan, isang kapatid ang minsang nagsabi sa akin, “Sa dinami-dami ng kaibigang tinuring ko ikaw ang binilang kong the best sa mga kaibigan na ’yon.” Hindi lang isa o dalawa ang nagbigkas ng ganyang mga kataga sa akin, pero dahil walang ganoong komunikasyon, sa anumang kadahilanan, ang pagiging best friends na tinatawag ay hindi ko napatunayang nanatili o tumibay, marahil hanggang sa puso lamang.
Isang pagiging katuwang sa gawain nang buong buhay ang naging pangako ng magkapatid sa Panginoon. Naunawaan niyang ang ‘gawain’ ay tunay na di simpleng grupo na pinupuntahan kada Linggo, pakikinig ng pangangaral ng Salita ng Diyos, pagkukumustahan—kundi ito’y pagtatalaga ng sarili upang sa lahat ng makakayang paraan ay maging katuwang ang isa’t isa sa pagpapatuloy at pagsulong nito. Datapwa’t sa agwat ng distansya tila ang pagtatalaga (commitment) ng pangako ay napapako. Nakakalungkot mang isipin na ang kasabihang, “Out of sight, out of mind” ay nagkakatotoo.
Sa harap ng bandana, dalawang mag-sing-irog ang nagbitiw ng pangakong “till death do us part,” datapuwa’t sa kahirapan ng buhay napilitang lumayo ang isa sa kanila upang pag-unlad ng pangarap ay magkaroon ng katuparan. Bihira sa ‘hindi’ ang pangakong “till death do us part” ay naibigay na sa malapit na kapiling na nagpadama ng pagmamahal na tunay daw.
So far so bad ang sagot sa tanong na hinahanapan natin ng sagot. But don’t lose hope, I still have one stick to go before we make a conclusion.
Tatlumpung taong nakalilipas nang tinanggap ako ng Diyos bilang anak, sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Physically ang Ama ay napakalayo sa akin. Ngunit ang mga pangakong pagtanggap at pag-ari sa akin bilang anak kailanman ay hindi binawi sa akin. Malayo man ang Ama sa akin ngunit ang Kanyang pangakong pagtatalaga na “kailanman ay hindi kita iiwanan ni pababayaan man”—wala akong naaalalang pangyayari o sapantaha na iniwan Niya o pinabayaan man ako. Naniniwala akong kahit isa sa Kanyang mga anak ay hindi nakaranas ng pagpapabaya. Bagaman sa pisikal na aspeto ay wala ang Diyos sa piling natin at di tiyak kung kailan ang takdang panahon ng pagsasama natin sa Diyos, walang pagkikitaan sa buhay ko na ang pagmamahal ng tunay ng Diyos ay di Niya pinadama sa akin. Hindi naging hadlang ang kawalan ng pisikal na presensya ng Diyos sa akin upang mapatunayang ang pangako Niya ay laging tapat. Laging ang linya ng komunikasyon ng Diyos ay bukas at di naging pang-abala sa Kanya. Ang pangako ng di pagpapabaya at pagmamahal ay lagi Niyang pinararanas sa bawat anak Niya.
In my sense of terms: Long Distance Relationship: Will it endure, does it work? Yes. Dahil ang ating Ama ay pinatunayan ito. Manatili lamang sa tamang landas, manatili lamang sa pagsunod sa ating Ama, dahil Kanyang sinasabi, “It is God which worketh in us both to will and to do of his good pleasure” (Philippians 2:13). Mabuti Niyang kaluguran na ang mga ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan, magkakapatid, at mag-aasawa ay trabahuhin at pagtiisan kahit na ang distansya ay mahaba. Nagawa ito ng Ama kaya kaya rin natin itong gawin.
Pagpapalain kayo ng Diyos!
Wednesday, February 25, 2009
BDJ 5--How Long Do You Pray?

This query was asked in one of our session in our leadership training program led by Pastor Felizardo Abanto. The answers? Some said 30 minutes, some 15, some 10, 5, 3, 1, ... well, some even said less than 1 minute and others say they are not timing their prayer. We know that whether it be long or short, as along as what we pray for (for the good of all and not self), and pray to (God and not idols or other gods), the way we pray (specific and direct not meaningless repeatings), and the reason we pray (for God's glory not man's praise) is right, then technically, it's right.
Now, let's assume that our prayer is right. Now then comes how long we pray. Are you timing your prayer? Whether we like it or not, it's important how long we pray. Are you one of those Christians who pray relatively long, or those who pray five minutes or less than a minute? I'm not talking about praying before meal, or in meetings, or in public, or any other, but your personal prayer. How long are you conversing with God?
The Bible and the Holy Spirit is the way God talks to us, which are certainly more than a minute or five minutes. Prayer is our way of talking back to him. So are we fair with God? Do we pray as long as He talks to us?
Don't say you don't have something to pray, because there's much to pray for. Begin with God's will, then for the world, your country, your community, your church, loved ones, family, then yourself. The word much is not enough to describe it. There's so very much to pray for, so less-than-a-minute prayer is not tolerable for God. If we want to please Him, we would talk to Him much. Examine how many words you say to your loved one or friend, and you'll find how should you talk to the One who have always talked to you.
"Time your prayer life," my pastor says. And it's a good advice for you my friend, if you want to grow in Christ. --Bro. Elijah E. Abanto
To read this paper in Filipino language, request our BDJ Paper by e-mailing us: cypapaper@live.com.