Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Showing posts with label promises. Show all posts
Showing posts with label promises. Show all posts

Thursday, July 1, 2010

Being Loyal

by Elijah Abanto

TAYO NGAYON AY NASA HENERASYON KUNG SAAN ANG SALITANG “COMMITMENT” AY WALA SA MGA DIKSYUNARYO NG PUSO AT ISIP NG TAO. Ang salitang ito ay “obsolete” na para sa kanila. Tama na ang bigat ng “commitment” sa asawa. Tama na ang bigat ng “commitment” sa pagpapalaki ng anak. Tama na ang bigat ng “commitment” sa kaibigan, sa pangako, sa sinabi. Natural na para sa tao na magsabi ng, “Gagawin ko,” ngunit hindi gagawin. Natural na para sa marami na magsabi na, “Totoo ang sinasabi ko,” na sa totoo lamang ay isang kasinungalingan. At ang malungkot, ang bagay na ito ay nadala sa pakikipag-ugnayan natin sa iglesiya. Sasasabihin natin, “Aattend ako,” hindi naman pala. At hindi lang inimbitahang bisita ang nagsasabi nito; may mga miyembro rin. Mayroon naman ding mga nagsasabing, “Ayokong mangako.” Pwede mong sabihin na ito’y mas okay kaysa mangako na hindi tutuparin, ngunit isa lamang din itong senyales na hindi kayang magtalaga ng tao ng kanyang sarili sa isang bagay.


This is where loyalty comes. Loyal ka ba? Ang “loyalty” ay nangangahulugang pagkakaroon ng commitment sa isang partikular na bagay o tao o grupo ng tao. Madali na makakuha ng katapatan mula sa taong personal mong naging kaibigan, nakasama. Ngunit, mahirap magkaroon ng katapatan sa mga bagay o tao na hindi mo kilala, kaibigan, o alam nang buo. This is especially true of new members and transferees in a church. Madalas ang mga bagong miyembro ay mananatiling committed sa church hangga’t naroroon ang nagdala sa kanila sa Panginoon; kapag nawala ito mawawala na rin sila. Marami sa mga transferees o galing sa ibang iglesiya o palipat-lipat na ay wala nang commitment na kahit ano sa iglesiyang kanilang nilipatan. Maaaring maging miyembro sila, maaaring maging isa sila sa mga nagbibigay, aktibo, ngunit naghihintay lamang ng bagay na ikaka-offend nila at sila’y aalis na. Simply put, ang katapatan ay mahirap magkaroon sa isang tao.

Minsan sa Seminary ay nag-usap-usap kami ng aking mga schoolmate kung saan nag-iisip sila ng topic na kanilang ipu-pursue sa thesis, at sinabi ko na ang pinakamagandang thesis na magagawa nila ay ang thesis na mula sa kanilang puso. Kaya, nagsalita ang isa, “Elijah, ang gusto ko, yung tungkol sa loyalty—loyalty sa church. Yun ang nasa puso ko eh.”

Today, what is in my heart is loyalty to the church. Sa totoo lang, dapat nasa puso ng bawat isa ang pagiging tapat sa iglesiyang kanyang kinabibilangan ngayon. Ang aking church, Capitol Bible Baptist Church, ay magsa-sign ng Church Covenant once again pagkatapos ng dalawang buwan ng pag-aaral ng Church Covenant sa Sunday School, at sa pamamagitan niyon, sa pamamagitan ng pirma ko, ay ipinapakita ko ang aking katapatan. If you’re a member of this church, at ikaw ay pipirma sa isasagawang Church Covenant, ang pirma bang iyon ay nangangahulugan na magiging tapat ka sa iglesiyang ito? Kung mayroon mang ilang hindi magiging matapat, ayokong maging isa ka roon. Isa ka na ba sa magsasabi, “Ito ang aking iglesiya. Dito na ako hanggang kunin ako ng Panginoon”?

Kung nais nating matuto ng loyalty o katapatan, isang magaling na guro ang Biblia. At isa sa mga lessons nito tungkol sa katapatan ay makikita sa mga karakter na mababasa rito. At naisip ko na gamitin ang tatlong karakter na sumusunod upang tulungan kang maging matapat sa anumang bagay na pinagtalagahan mo, kabilang na ang iglesiya: si Mark, si Demas, at si Peter, ilan sa mga taong minsang hindi naging matapat sa Diyos at anuman o sinumang may kaugnayan sa Kanya.



MARK (Acts 13:5-13)

Si Mark, o John Mark, ang kanyang buong pangalan, ang sumulat ng aklat ng Book of Mark, ang pangalawang aklat ng Bagong Tipan. Siya marahil ang lalaki na hindi pinangalanan sa Mark 14:51-52. Nang si Apostle Paul, at si Barnabas, ay inordinahan ng iglesiya sa Antioch na maglakbay sa Asya upang mag-akay ng kaluluwa, (Acts 13:1-2) ay nagdesisyon silang dalhin si Mark para maging katulong nila sa mga bagay-bagay. (v. 5) Nung mga panahong iyon ay hindi pa malakas si Mark bilang Kristiano. At kung babasahin mo ang mga sumunod na nangyari sa kanila, ay makikita mo ang maraming hirap na naranasan nila mula sa pag-uusig ng mga hindi naniniwala. Nakakita na siya ng isang halimbawa nito sa Salamis pa lamang, ang unang lugar na kanilang pinuntahan, at marahil sinabi niya sa sarili, “Naku, siguradong mayroon pang darating na mas matindi dito. Ayokong masali sa gulong ito.” Kaya, makikita mo na iniwan na lamang niya sila at umuwi sa Jerusalem. (v.13)

Loyalty Principle #1: Ang isang matapat na tao ay handang harapin ang hirap kaugnay ng bagay na kanyang binigyan ng pangako. Dahil wala pang loyalty si Mark noon, natural na madali siyang susuko pag naharap sa nagbabantang hirap at pagsubok. Walang hirap na mag-aalis ng katapatan ng isang matapat na tao.



DEMAS (2 Timothy 4:10)

Kaunti lamang ang nalalaman natin tungkol kay Demas, bukod sa tinawag siyang “fellow worker” ni Paul nang dalawang beses sa sulat nito (Colossians 4:14; Philemon 24). Maaaring isa siya sa mga nakita ni Paul bilang isang Kristiano na aktibo sa iglesiya.

Ngunit sa ikalawang sulat ni Paul kay Timothy ay sinabihan ni Paul si Timothy na magsumikap na pumunta sa kanya:



For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica…



Loyalty Principle #2: Ang isang matapat na tao ay hindi maaakit ng mga bagay mula sa labas na mukhang maganda o kapaki-pakinabang. Marahil ay nakita niyang mas nakakaakit ang mga bagay ng mundo kaysa sa bagay ng Diyos, kaya kahit na ikasama ng isang kapatid sa Panginoon, ay iniwan niya ito. Ngunit ang isang matapat na tao ay hindi naaakit ng ibang bagay, dahil iisa lamang ang kanyang puso, ang kanyang isip. Na nagdadala sa atin sa isa pang katotohanan:

Loyalty Principle #3: Ang isang matapat na tao ay iisa lamang ang binibigyan ng kanyang tuon at debosyon. “Ye cannot serve God and mammon,” sabi ni Jesus(Matthew 6:24). Hindi kailanman nagiging loyal ang isang tao na dalawa-dalawa ang iniisip. “A doubleminded man is unstable in all his ways,” sabi ni James (1:8).



PETER (Luke 22:54-62)

Kilala natin si Peter bilang isa sa mga pinakakilalang apostol sa Bagong Tipan. Siya ang pinakamasalita, pinakamasigasig sa mga apostol. Siya ang nagpahayag na si Jesus ang Messiah; siya ang naglakas-loob lumakad sa tubig papunta kay Jesus; siya rin ang nagsabi na hanggang sa kamatayan, ay hindi niya iiwan si Jesus. Ngunit—ngunit, sa pagkakataong ito, ay mapatunayang mababaw pa ang kanyang katapatan.

Mababasa natin sa talatang tinutukoy sa taas na inaresto na si Jesus ng mga Romanong sundalo at dinala sa harap ni Caiaphas, ang mataas na saserdote noong panahong iyon. Tumakbo ang mga alagad sa takot sa mga ito, kasama si Peter, ngunit nagdesisyon din siyang sundan ito sa malayo. Hanggang sa lumamig. Nagpainit siya sa isang apoy sa paligid kung saan may nakakilala sa kanya. “Kasama ka niya ah!” sabi nung isa. Sa takot niya ay tumanggi siyang siya ay kasama ni Jesus. Hanggang may pangalawang nakakilala, hanggang sa pangatlo. Sa huling pagtanggi ay hindi na niya napigilang magmura. Pagkatapos ay tumilaok ang manok. Mukha sa mukha, nalaman niyang hindi pa pala siya ganoong katapat kay Jesus.

Loyalty Principle #4: Hindi isinusuko ng isang matapat na tao ang kanyang katapatan sa ilalim ng kagipitan. Alam ko na nung sinabi niyang hindi niya iiwan at ikakaila si Jesus ay seryoso siya, ngunit dahil hindi pa ganoong kalalim si Peter sa kung ano ang kanyang pinapasok, ay ikinaila niya si Jesus. Ang isang matapat na tao ay hindi natatakot o nadadala sa kagipitan, gaanuman ito katindi.

Loyalty Principle #5: Ang isang matapat na tao ay hindi dumidepende sa kanyang sarili para manatiling matapat, kundi sa iisang Matapat, ang Diyos. Nakita mo ba, kala ni Peter ay kaya niyang gawin ang mga bagay-bagay sa kanyang lakas, ngunit nadaya siya. Bago siya maging tunay na matapat sa isang bagay o tao, kailangan niya munang dumipende sa Diyos, ang magbibigay ng lakas sa kanya upang magawa niya ito. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang manalangin, magbulay-bulay ng at makinig sa pangangaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos, dahil dito mo pinapakita na ikaw ay umaasa sa Kanya, nagtitiwala sa Kanya.



Commitment. Loyalty. Totoong nawala na ito sa isip at puso ng maraming tao. Maaaring ito’y nawala na sa iyo sa ngayon. Ngunit, hindi mo kailangang mawalan ng loob. Si Mark, pagkatapos mabigo, ay natutunan din sa bandang huli ang katapatan, at natawag pa siyang kagamit-gamit ni Paul paglaon. Si Peter, naging mas kagamit-gamit at matapat na apostol pagkatapos niyon, at tinawag pa siyang isa sa mga haligi. Nagsulat pa siya ng dalawang aklat sa Bagong Tipan. Sa totoo lang, ang Book of Mark ay nasulat ni Mark sa pagdidikta mismo ni Peter. You just don’t know. At kung ikaw ay matapat na, ipagpatuloy mo lang. Isipin mo lamang si Jesus, na naging matapat sa Kanyang Diyos at Kanyang misyon, “even [to] the death of the cross.” (Phil. 2:8) bdj

Friday, June 18, 2010

Yea and Nay

Jesus’ Simple Command of Verbal Integrity

by Charles R. Swindoll


Nakakamangha na ang mga isyung binigyang-pansin ni Kristo sa Kanyang pangangaral noong unang dantaon ay may kaugnayan pa rin sa ngayon tulad noong una Niyang sinabi ito. Pagpatay (Matthew 5:21-22) at kaguluhan (vv. 23-26). Paghihiwalay (vv. 27-32) at mga kasinungalingan (vv. 33-37). Ngayon ay pag-usapan natin ang huli.

Patungkol sa mga pangangako, binibigyang-pansin naman ni Jesus ang katapatan sa mga sinasabi.

Again, ye have heard that it hath been said by them of old time, Thou shalt not forswear thyself, but shalt perform unto the Lord thine oaths: But I say unto you, Swear not at all; neither by heaven; for it is God's throne: Nor by the earth; for it is his footstool: neither by Jerusalem; for it is the city of the great King. Neither shalt thou swear by thy head, because thou canst not make one hair white or black. But let your communication be, Yea, yea; Nay, nay: for whatsoever is more than these cometh of evil.
Matthew 5:33-37

Inaamin ko, nabasa ko na yan ng isang dosenang beses bago ko maintindihan, kaya huwag kang mawalan ng loob kung sa unang tingin mo ay parang naguguluhan ka.

Huwag natin itong gawing komplikado. Kitang-kita naman, ang paksa ay mga taong nagsasabi ng katotohanan. Ang mga sumpa ay may kinalaman sa paggawa ng pangako sa layuning makapagdadagdag ito ng katotohanan sa isang bagay na sinabi. Kapag ako ay nanghiram ng libro at sinabi ko sa iyo, “Ibabalik ko ito; pangako,” ’yon ay isang pangako. Kung gagamitin ang biblikal na termino, ito ay isang sumpa. May mga halimbawa pa akong naiisip. Kapag ang isang presidente ay kakahalal pa lamang, inilalagay niya ang kanyang kamay sa isang Biblia at gumagawa ng pangako na itataas ang Kontitusyon ng bansang iyon. Tinatawag pa nga natin yung “taking the oath of office” (panunumpa). Ang mga indibidwal na inordinahan sa ministeryo ay gumagawa ng pangako na may kinalaman sa pagiging matapat sa paglilingkod habang kanilang itinatalaga ang kanilang mga sarili sa isang buhay na dalisay at may debosyon kay Jesu-Kristo at Kanyang Salita. Kapag ikaw ay pumupunta sa korte upang maging testigo, ikaw ay nanunumpa na, “nasasabihin ang katotohanan, ang lahat ng katotohanan, at pawing katotohanan lamang, kaya tulungan mo ako Diyos.” Gumagawa ka ng isang sumpa. Hindi ito nagpapanatili sa’yo mula sa iyong kasalanan, ngunit ginagawa ka nitong responsible kung ikaw ay talagang nagkasala, sapagka’t nangako ka na sasabihin mo ang katotohanan.

Kapag sinasabi ni Jesus na, “Huwag ka nang gumawa ng sumpa,” sinasabi ba niyang hindi na nga dapat mangako? Sinasabi ba Niya sa ating presidente na huwag nang ipatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng Biblia at mangako na kanyang itataas ang Kontitusyon? Sa tingin ko’y hindi. Ang sinasabi ni Jesus ay may kinalaman sa mga pangako na idinadagdag sa isang pangungusap, iniisip na ang mga karagdagang mga pangako ay magiging mapagkakatiwalaan ang pangungusap na iyon. Hindi. Ang punto ng sinabi ni Jesus ay, dapat ang mismong sinabi ay tumayo sa sarili nito. Kung pwede namang isang salita lang, bakit ka pa magsasayang ng iyong hininga sa marami pang salita? Simplehan mo lamang. Sabihin mo kung oo o hindi. Ang dami ng salita ay hindi nagpapatunay na totoo nga ang sinasabi.

Sinasabi mo, “Wala namang problema dun, ah. Pambihira, kaya namang gawin iyan ng kahit sino eh.” Okay, hayaan niyo akong magtanong tungkol dito. Sabihin nating nangako ka na maghuhulog ka para sa isang utang kada buwan. Ginagawa mo ba iyon? Binabayaran mo ba ito nang on-time? O kaya ay sabihin nating nanghiram ka ng isang kasangkapan mula sa iyong kapit-bahay at sinabi mong ibabalik mo iyong pagkatapos mong gamitin. Ginawa mo ba? Nangako ka na magiging tapat ka sa iyong asawa. Tapat ka nga ba? Sa isang seryosong sandali ng pagka-convict mo ikaw ay nangako sa Panginoon na ikaw ay titindig para sa Kanya. Ginagawa mo ba iyon? Hindi na kailangan na magdagdag pa ng maraming salita o matutunog na mga pangungusap na naninigurado; gawin mo na lang.

May ibang taong nag-iisip na sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salita mas magiging kapani-paniwala ang mga sinasabi mo. Hindi ganun. Ang kailangan lamang ay, “Magkita tayo bukas dito nang alas-dos ng hapon,” hindi “Pupunta ako dito, sinisigurado ko sa’yo, nang alas-dos nang hapon. Sinusumpa ko sa’yo, gagawin ko. Sa ngalan ng langit, mapagtitiwalaan mo ang salita ko.” Hindi iyon nakapagdadagdag ng katotohanan sa iyong sinasabi. Kailangan ko lamang na siguraduhin sa sarili ko na nandoon ako sa kung nasaan ako dapat nang alas-dos ng hapon. Ang oo ay dapat na oo. Ang hindi ay dapat na hindi. Simplehan mo lamang.

Minsan ang isang simpleng pangungusap ng katotohanan ay maaaring maging isang malakas na motibasyon para sa mga taong nasa paligid mo. Nagsabi ng Koreanong ebanghelistang si Billy Kim ng isang magandang kwento na inilalarawan ang aking punto.

Pagkatapos ng digmaan ay dumagsa ang mga komunista sa South Korea mula sa North. Isa sa mga una nilang ginawa ay ang pagsama-samahin ang isang grupo ng mga Kristiano sa kanilang church building, kung saan pinwersa nila ang mga pinuno na ikaila ang kanilang Panginoon. Sinamahan pa nila ang kanilang pamemwersa ng mga pahirap at panakot sa mga buhay ng mga preso nila. Isa-isa ang mga pinuno ay sumuko. Nung ang mga nagpahirap ay iniabot ang mga Bible sa mga ito at inutusan na duruan ito, ginawa nung mga pinuno. Hanggang sa dumating sa isang maliit na babae.


Walang takot siyang tumingin nang matalim sa kanyang mga tagapagpahirap at nagsabi, “Maaari niyo akong martilyuhin nang martilyuhin. Maaari niyo akong paluin hanggang mamatay ako, ngunit hindi ko ikakaila ang aking Panginoon!” Pagkatapos ay nagsimula siyang umawit, pagkatapos lumingon sa mga pinuno na bumagsak at nagsabi, “Maawa nawa ang Diyos sa inyong mga kaluluwa.” Ano ang naging resulta? Ang mga tao kasama sa iglesiya ay sinamahan siya sa pag-awit. Iniba niya ang direksyon papuntang pagtanggi sa Panginoon na sinimulan ng mga pinuno. Ano ang ginawa ng mga komunista? Kanilang pinatay ang mga pinuno na ikinaila si Kristo at pinalaya ang babae na malinaw na ipinakita ang kanyang katapangan.1

Ang payo ng Panginoon ay malinaw: hayaan ang iyong oo ay maging oo; at hayaan ang iyong hindi ay maging hindi. Sa ibang mga salita, makilala bilang isang tao na may integridad ang mga sinasabi. May mga naghihintay na espesyal at minsan ay nakagugulat na resulta para sa kanila na tumatangging magdagdag pa ng mga salita sa kanilang sinabi. Pinaparangalan ng Diyos ang payak na katapatan.

Sa kanyang gawa, The Christian Century, ay sumusulat si Lloyd Steffen ng isang panahon pabalik sa ika-labinwalong dantaon nang si Haring Frederick II ng Prussia ay bumisita ng isang preso sa Berlin. May isang nakakulong tapos isa pa na sinubukang kumbinsihin ang hari na siya ay inosente. Sinabi ng mga ito na sila ay naparusahan nang hindi karapat-dapat para sa mga krimen na hindi naman nila ginawa—lahat sila, iyon ay, bukod sa isang lalaki na nakaupo nang tahimik sa isang sulok habang ang iba ay ikinuwento ang kanilang mga mahahaba at komplikadong mga istorya.

Nakikita ang lalaki na nakaupo roon, walang pakielam sa komosyon, ang hari ay tinanong ang hari kung bakit ito nakakulong. “Armed robbery ho, Mahal na Hari.”

Nagtanong ang hari, “Totoo ba ang akusasyon sa’yo?”

“Oho,” sinabi nito nang hindi sinusubukang pasubalian ang maling nagawa.

Doon nagbigay ng utos si Haring Frederick sa bantay: “Palayain ang makasalanang taong ito. Ayokong dumihan niya ang pag-iisip ng lahat ng mga inosenteng tao rito.”2



Ang bahaging ito ng pangangaral ni Jesus ay hindi mahirap na intindihin. Nagsasalita Siya sa mga salitang naiintindihan ng kahit sino, bagaman totoo ring hindi lahat ay nakikita ang Kanyang mga sinasabi na madaling tanggapin. Nagsasalita Siya tungkol sa katapatan sa mga sinasabi. Ating ibuod ang kanyang katuruan sa pamamagitan ng suwestiyong ito.

Sabihin ang nais mong iparating at gawin ang sinabi mo. Ganun lang kasimple. Wala nang mumbo-jumbo, wala nang mahaba, makukulay, at tunog-relihiyong mga salita ang kinakailangan. Basta sabihin mo lang ang totoo. bdj

1Billy Kim, sinipi sa Stuart Briscoe, Now for Something Totally Different (Waco, Tex.: Word Books, 1978), 100-101.

2Lloyd H. Steffen, “On Honesty and Self-Deception: ‘You are the Man,’” The Christian Century, 29 April 1987.

Ang artikulong ito ay sinipi mula kay Charles R. Swindoll, Simple Faith (Dallas, Tex.: Word Publishing, 1991; Nashville, Tenn.: W Publishing Group, 2003), 89-92.