AN INTRODUCTION FROM THE EDITOR
Ayon sa Wiktionary, ang salitang “greed” ay nangangahulugang “A selfish or excessive desire for more than is needed or deserved, especially of money, wealth, food, or other possessions”1 o isang makasarili o sobra-sobrang paghahangad nang mas marami pa sa kinakailangan o karapat-dapat, lalo na ng pera, kayamanan, pagkain, o iba pang mga pag-aari.
Madalas kong iniisip, bakit ba ang tao ay nagiging “greedy” o sakim? Bakit ba ang isang tao ay gusto na sa kanya lang ang isang bagay, at bakit pag mayroon na siya ng ganito ay gusto niya pa ng mas marami? Sabi nga sa Ecclesiastes 5:10, “He that loveth silver shall not be satisfied with silver; nor he that loveth abundance with increase: this is also vanity.” Pero bakit nga ganoon?
Discontentment. Hindi pagiging kontento. Kaya bago mo resolbahin ang greed, dapat ay bigyang-pansin muna natin ang discontentment.
1Wiktionary, “greed,” en.wiktionary.org.
****************************************************************
THE GRIND OF DISCONTENTMENT
Maraming mga tao ang kinakain ang kanilang mga puso, naghihirap mula sa sakit na “If Only.” Ang mga germs nito ay sinasabi ang bawat aspeto ng ating buhay.
Kung mayroon lang akong mas maraming pera
Kung kaya ko lang makakuha ng mas magandang grado
Kung mayroon lang kaming mas magandang bahay
Kung hindi lang kami nagkaroon ng ganung kapangit na investment
Kung hindi lang ako nanggaling sa masamang background
Kung nanatili lang siya na asawa ko
Kung mas matibay lang ang aming pastor
Kung kaya lang lumakad ng anak ko
Kung mayroon lang kaming anak
Kung hindi lang kami nagkaroon ng anak
Kung nagtagumpay lang yung negosyo
Kung hindi lang namatay ang asawa ko nang bata
Kung humindi lang ako sa droga
Kung binigyan lang nila ako ng pahinga
Kung hindi lang ako na-aksidente
Kung sinabi lang niya sa akin
Kung tatanggapin lang nila ako sa kung sino ako
Walang katapusan ang listahan. Nakahabi sa lahat ng mga salitang iyon ay isang buntung-hininga na nagmumula sa pagiging hindi kontento o discontentment. Pag nadala pa ito nang mas malayo, dumarating tayo sa punto ng pagkaawa sa sarili—isa sa mga pinaka-hindi-katanggap-tanggap at hindi mapapasubalian sa lahat ng mga ugali. Ang discontentment ay isa sa mga pahirap sa atin na pinipwersa ang iba na makinig sa listahan ng ating mga aba. Ngunit hindi sila magtatagal! Ang mga kaluluwang hindi kontento ay mabilis na nagiging mga kaluluwa na naiiwang mag-isa.
Natutuwa ako na hindi iniwasan ni Solomon ang isyu ng discontentment. Sa tatlong magkakahiwalay na okasyon ay nagsulat siya ng mga kasabihan para basahin nating lahat. Ang bawat isa ay isang kasabihan na may paghahambing kung saan iyung mas nauunang bahagi ay ipinapakita na “mas mainam” kaysa nahuling bahagi. Halimbawa:
Better is a dinner of herbs where love is, than a stalled ox and hatred therewith. (Proverbs 15:17)
Sino’ng nangangailangan na kumain ng mamahaling steak? Ano’ng malaking bagay kung kumakain nga kayo ng steak eh wala namang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang kumakain nito? Napangiti ako nang may mabasa ako tungkol sa isang babae sa isang party na pinipiliit pasayahin ang hitsura ilang taon na ang nakalilipas. Napansin ng isang kaibigan ang malaking nangigislap na bato sa kanyang daliri at napabulalas, “My gulay! Napakagandang diyamante!”
“Oo,” pag-amin niya, “yan ay isang Callahan na diyamante. Kasama nito ay isang Callhan na sumpa.”
“Callahan na sumpa?” tanong ng kanyang kaibigan. “Ano yun?”
“Yung asawa ko—si Mr. Callahan,” sinabi niya nang nakakunot.
Itinatanong ni Solomon, “Ano’ng buti na magkaroon ng maraming-marami ng isang bagay kung may kasama namang poot?”
Isa na namang pagkastigo:
Better is a dry morsel, and quietness therewith, than an house full of sacrifices with strife. (Proverbs 17:1)
Nakakita na tayo nang ganyan. Maraming mga tao at party, walang tigil na pagdating at paglabas ng mga tao, walang katapusang gawain at tone-toneladang pagkain … ngunit may awayan. Huwag na lang. O gaano kadaling madaya ng lahat ng ingay at usok ng pagkain! Ang isang simpleng mangkok ng lugaw sa isang payapang lugar ay mas mabuti pa.
Better is a little with righteousness than great revenues without right. (Proverbs 16:8)
Hindi mo rin kayang hindi makuha ang punto noon. Kahit ano—kahit ano¬—na nangangailangan ng kawalan ng hustisya para makamit ay hindi magdadala ng kasiyahan. Kahit na ang Taj Mahal kung may kawalang-hustisya ay walang binatbat sa “kaunti” na may katuwiran. Ano ang kwenta kung ang isang tao ay puno nga ang pera sa bangko at ang kanyang na-invest ay kahanga-hanga kung kailangan naman pala niyang mabuhay nang nakokonsensya? Para lang iyong pagtulog na nakasabit sa hanger. Bawat galaw na iyong ginagawa ay isa na namang paalala na may mali.
Dapat itong marinig, hindi lang ng mga mayayaman, kundi pati ng mga mahihirap. Pareho lang na kailangan ng ganitong payo ang tao na gusto ng (at mayroon namang) napakarami at ang tao na pakiramdam nila ay kailangan pa nila ng mas marami. Bihira na magkaroon ng kaugnayan ang hindi pagiging kontento sa kalagayan mong pinansyal. Ang kasakiman ay siyang kanser ng pag-uugali, hindi dahil sa kakulangan sa pondo kundi dahil sa maling mga motibo. Mayroong hindi na kailanman makokontento, gaanuman karami ang mayroon sila. Ang discontentment ay parang isang magnanakaw na patuloy na iniistorbo ang ating katahimikan at ninanakaw ang ating kasiyahan. Hindi ito tumitigil sa pagbulong ng, “kailangan mo ng mas marami pa … mas marami pa … mas marami pa … mas marami pa …”
Basahin mo ang 1 Timothy 6:6-10, 17-19 nang maingat, na parang binabasa mo pa lang ito sa kauna-unahang pagkakataon.
Sabi nga ng pilosopong Tsino na si Lao Tzu:
Walang hihigit na unos kaysa sa sobrang pag-aasam sa mga bagay. Walang hihigit na pagkakasakdal kaysa hindi pagiging kontento. At wala nang hihigit na kasiraan kaysa sa kasakiman.
********************************************
PAGNINILAY-NILAY TUNGKOL SA
DISCONTENTMENT
1. Nung binasa mo yung listahan ng mga “if only,” ay maaaring wala doon ang partikular mong “if only.” Kung ganon, sabihin mo na ito rito.
2. Basahin mong muli ang mga salita ni Lao Tzu. Ngayon ay isipin mo, mayroon ba talaga dapat na hindi ikakuntento?
3. Si Jesus, sa kanyang walang kamatayang Sermon on the Mount, ay sinabi na “You cannot serve God and mammon” (Matthew 6:24). Ano ang pagkakaiba ng “pag-iipon” at “paglilingkod” sa pera? Isa pang kaisipan: Kung si Jesus ay mabubuhay kaya ngayon, makakaramdam kaya Siya ng kahit na kaunting discontentment? Bakit? O bakit hindi?
bdj
———————————————————————
Mula sa
Living Beyond the Daily Grind, pp. 221-225. Inilathala ng Word Publishing. Isinalin sa Tagalog ni Elijah E. Abanto.