Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Wednesday, May 5, 2010

Who's Blazing Your Trail? by Steve Farrar

Psalm 16:8-11 8I have set the LORD always before me: because he is at my right hand, I shall not be moved. 9Therefore my heart is glad, and my glory rejoiceth: my flesh also shall rest in hope. 10For thou wilt not leave my soul in hell; neither wilt thou suffer thine Holy One to see corruption. 11Thou wilt shew me the path of life: in thy presence is fulness of joy; at thy right hand there are pleasures for evermore.
Psalm 119:105
Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.
Luke 9:23 And he said to them all, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross daily, and follow me.



Sa kasaysayan, mayroong mga kilalang landas. Ang Appalachian Trail, ang Oregon Trail, ang Natchez Trail, at ang Chisholm Trail ay ilan lamang sa mga mga kilalang landas noong unang mga araw ng Amerika. Ang mga ito ang unang interstate system ng bansa.
Ngunit anumang landasin ang iyong naiisip, ipinapakita na naman ng kasaysayan nang paulit-ulit kung gaano karunong na manatili sa tamang landas. Kung ikaw ay papunta sa Oregon, talaga namang dapat na dumaan ka sa Oregon Trail, imbes na subukan ang daang gustuhin natin. Hindi na kailangan ng malalim na pag-iisip para malaman kung bakit.
Kailangan munang gumawa ng pagkarami-raming paglalakbay sa mga dead-end na landas bago nabuo ang tamang landasin. Ngunit sila na nauna ay nakatagpo din ng isang landas na mayroon lahat ng kinakailangan. At maaari mong masabi na ang mga nauna sa ating dumaan roon ay minarkahan ang daanang iyon para sa susunod sa kanilang dadaan din doon.
Ang landas, kung gayon, ay ang daan ng karunungan. Kapag dumikit ka rito, maaari kang umasa na makakahanap ka ng tubig, damuhan para sa iyong hayop, sisilungan, at pahingahan habang nasa daan.
Siguro ay hindi mo masyadong napag-isipan, ngunit, ikaw ay nasa isang landas din. Ngayon mismo, sa oras na ito. At tulad din ng mga nauna, umaasa ka na mahahanap mo ang lahat ng iyong kailangan doon.
  Maaaring ikaw ay nasa tamang landas o nasa maling landas. Ngunit kung nasaan ka man, ikaw ay nasa gitna ng daang iyon. Kung ikaw ay nasa maling landas, mayroon pa ring oras upang baguhin mo ang iyong direksyon. Kung ikaw ay nasa tamang landas ngayon, maaari mo pa ring mapili ang maling landas bukas. Araw-araw kapag bumangon ka mula sa iyong higaan, pipiliin mo na naman kung ano ang landas na iyong dadaanan.
Ang buhay Kristiano ay isang landas. Ang landas na iyon ay nagsisimula noong ikaw ay ipagbuntis at natatapos sa kamatayan. At ngayon, sa iyong pagtatapos sa eskwela, ay gagawa ka na naman ng isang desisyon. Isang napakahalagang desisyon. Anong daan ang iyong susundin—at sino ang pinagkakatiwalaan mo upang magliwanag ng landas para sa iyo?

Ang article na ito ay Tagalog version ng isang devotional article ng Our Journey, January 14, 2007, pp. 28-29. Unang na-publish sa BDJ Volume 3, Issue 6, March 18, 2010. All rights reserved.

No comments:

Post a Comment