Jesus’ Simple Command of Verbal Integrity
by Charles R. Swindoll
Nakakamangha na ang mga isyung binigyang-pansin ni Kristo sa Kanyang pangangaral noong unang dantaon ay may kaugnayan pa rin sa ngayon tulad noong una Niyang sinabi ito. Pagpatay (Matthew 5:21-22) at kaguluhan (vv. 23-26). Paghihiwalay (vv. 27-32) at mga kasinungalingan (vv. 33-37). Ngayon ay pag-usapan natin ang huli.
Patungkol sa mga pangangako, binibigyang-pansin naman ni Jesus ang katapatan sa mga sinasabi.
Again, ye have heard that it hath been said by them of old time, Thou shalt not forswear thyself, but shalt perform unto the Lord thine oaths: But I say unto you, Swear not at all; neither by heaven; for it is God's throne: Nor by the earth; for it is his footstool: neither by Jerusalem; for it is the city of the great King. Neither shalt thou swear by thy head, because thou canst not make one hair white or black. But let your communication be, Yea, yea; Nay, nay: for whatsoever is more than these cometh of evil.
Matthew 5:33-37
Inaamin ko, nabasa ko na yan ng isang dosenang beses bago ko maintindihan, kaya huwag kang mawalan ng loob kung sa unang tingin mo ay parang naguguluhan ka.
Huwag natin itong gawing komplikado. Kitang-kita naman, ang paksa ay mga taong nagsasabi ng katotohanan. Ang mga sumpa ay may kinalaman sa paggawa ng pangako sa layuning makapagdadagdag ito ng katotohanan sa isang bagay na sinabi. Kapag ako ay nanghiram ng libro at sinabi ko sa iyo, “Ibabalik ko ito; pangako,” ’yon ay isang pangako. Kung gagamitin ang biblikal na termino, ito ay isang sumpa. May mga halimbawa pa akong naiisip. Kapag ang isang presidente ay kakahalal pa lamang, inilalagay niya ang kanyang kamay sa isang Biblia at gumagawa ng pangako na itataas ang Kontitusyon ng bansang iyon. Tinatawag pa nga natin yung “taking the oath of office” (panunumpa). Ang mga indibidwal na inordinahan sa ministeryo ay gumagawa ng pangako na may kinalaman sa pagiging matapat sa paglilingkod habang kanilang itinatalaga ang kanilang mga sarili sa isang buhay na dalisay at may debosyon kay Jesu-Kristo at Kanyang Salita. Kapag ikaw ay pumupunta sa korte upang maging testigo, ikaw ay nanunumpa na, “nasasabihin ang katotohanan, ang lahat ng katotohanan, at pawing katotohanan lamang, kaya tulungan mo ako Diyos.” Gumagawa ka ng isang sumpa. Hindi ito nagpapanatili sa’yo mula sa iyong kasalanan, ngunit ginagawa ka nitong responsible kung ikaw ay talagang nagkasala, sapagka’t nangako ka na sasabihin mo ang katotohanan.
Kapag sinasabi ni Jesus na, “Huwag ka nang gumawa ng sumpa,” sinasabi ba niyang hindi na nga dapat mangako? Sinasabi ba Niya sa ating presidente na huwag nang ipatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng Biblia at mangako na kanyang itataas ang Kontitusyon? Sa tingin ko’y hindi. Ang sinasabi ni Jesus ay may kinalaman sa mga pangako na idinadagdag sa isang pangungusap, iniisip na ang mga karagdagang mga pangako ay magiging mapagkakatiwalaan ang pangungusap na iyon. Hindi. Ang punto ng sinabi ni Jesus ay, dapat ang mismong sinabi ay tumayo sa sarili nito. Kung pwede namang isang salita lang, bakit ka pa magsasayang ng iyong hininga sa marami pang salita? Simplehan mo lamang. Sabihin mo kung oo o hindi. Ang dami ng salita ay hindi nagpapatunay na totoo nga ang sinasabi.
Sinasabi mo, “Wala namang problema dun, ah. Pambihira, kaya namang gawin iyan ng kahit sino eh.” Okay, hayaan niyo akong magtanong tungkol dito. Sabihin nating nangako ka na maghuhulog ka para sa isang utang kada buwan. Ginagawa mo ba iyon? Binabayaran mo ba ito nang on-time? O kaya ay sabihin nating nanghiram ka ng isang kasangkapan mula sa iyong kapit-bahay at sinabi mong ibabalik mo iyong pagkatapos mong gamitin. Ginawa mo ba? Nangako ka na magiging tapat ka sa iyong asawa. Tapat ka nga ba? Sa isang seryosong sandali ng pagka-convict mo ikaw ay nangako sa Panginoon na ikaw ay titindig para sa Kanya. Ginagawa mo ba iyon? Hindi na kailangan na magdagdag pa ng maraming salita o matutunog na mga pangungusap na naninigurado; gawin mo na lang.
May ibang taong nag-iisip na sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salita mas magiging kapani-paniwala ang mga sinasabi mo. Hindi ganun. Ang kailangan lamang ay, “Magkita tayo bukas dito nang alas-dos ng hapon,” hindi “Pupunta ako dito, sinisigurado ko sa’yo, nang alas-dos nang hapon. Sinusumpa ko sa’yo, gagawin ko. Sa ngalan ng langit, mapagtitiwalaan mo ang salita ko.” Hindi iyon nakapagdadagdag ng katotohanan sa iyong sinasabi. Kailangan ko lamang na siguraduhin sa sarili ko na nandoon ako sa kung nasaan ako dapat nang alas-dos ng hapon. Ang oo ay dapat na oo. Ang hindi ay dapat na hindi. Simplehan mo lamang.
Minsan ang isang simpleng pangungusap ng katotohanan ay maaaring maging isang malakas na motibasyon para sa mga taong nasa paligid mo. Nagsabi ng Koreanong ebanghelistang si Billy Kim ng isang magandang kwento na inilalarawan ang aking punto.
Pagkatapos ng digmaan ay dumagsa ang mga komunista sa South Korea mula sa North. Isa sa mga una nilang ginawa ay ang pagsama-samahin ang isang grupo ng mga Kristiano sa kanilang church building, kung saan pinwersa nila ang mga pinuno na ikaila ang kanilang Panginoon. Sinamahan pa nila ang kanilang pamemwersa ng mga pahirap at panakot sa mga buhay ng mga preso nila. Isa-isa ang mga pinuno ay sumuko. Nung ang mga nagpahirap ay iniabot ang mga Bible sa mga ito at inutusan na duruan ito, ginawa nung mga pinuno. Hanggang sa dumating sa isang maliit na babae.
Walang takot siyang tumingin nang matalim sa kanyang mga tagapagpahirap at nagsabi, “Maaari niyo akong martilyuhin nang martilyuhin. Maaari niyo akong paluin hanggang mamatay ako, ngunit hindi ko ikakaila ang aking Panginoon!” Pagkatapos ay nagsimula siyang umawit, pagkatapos lumingon sa mga pinuno na bumagsak at nagsabi, “Maawa nawa ang Diyos sa inyong mga kaluluwa.” Ano ang naging resulta? Ang mga tao kasama sa iglesiya ay sinamahan siya sa pag-awit. Iniba niya ang direksyon papuntang pagtanggi sa Panginoon na sinimulan ng mga pinuno. Ano ang ginawa ng mga komunista? Kanilang pinatay ang mga pinuno na ikinaila si Kristo at pinalaya ang babae na malinaw na ipinakita ang kanyang katapangan.1
Ang payo ng Panginoon ay malinaw: hayaan ang iyong oo ay maging oo; at hayaan ang iyong hindi ay maging hindi. Sa ibang mga salita, makilala bilang isang tao na may integridad ang mga sinasabi. May mga naghihintay na espesyal at minsan ay nakagugulat na resulta para sa kanila na tumatangging magdagdag pa ng mga salita sa kanilang sinabi. Pinaparangalan ng Diyos ang payak na katapatan.
Sa kanyang gawa, The Christian Century, ay sumusulat si Lloyd Steffen ng isang panahon pabalik sa ika-labinwalong dantaon nang si Haring Frederick II ng Prussia ay bumisita ng isang preso sa Berlin. May isang nakakulong tapos isa pa na sinubukang kumbinsihin ang hari na siya ay inosente. Sinabi ng mga ito na sila ay naparusahan nang hindi karapat-dapat para sa mga krimen na hindi naman nila ginawa—lahat sila, iyon ay, bukod sa isang lalaki na nakaupo nang tahimik sa isang sulok habang ang iba ay ikinuwento ang kanilang mga mahahaba at komplikadong mga istorya.
Nakikita ang lalaki na nakaupo roon, walang pakielam sa komosyon, ang hari ay tinanong ang hari kung bakit ito nakakulong. “Armed robbery ho, Mahal na Hari.”
Nagtanong ang hari, “Totoo ba ang akusasyon sa’yo?”
“Oho,” sinabi nito nang hindi sinusubukang pasubalian ang maling nagawa.
Doon nagbigay ng utos si Haring Frederick sa bantay: “Palayain ang makasalanang taong ito. Ayokong dumihan niya ang pag-iisip ng lahat ng mga inosenteng tao rito.”2
Ang bahaging ito ng pangangaral ni Jesus ay hindi mahirap na intindihin. Nagsasalita Siya sa mga salitang naiintindihan ng kahit sino, bagaman totoo ring hindi lahat ay nakikita ang Kanyang mga sinasabi na madaling tanggapin. Nagsasalita Siya tungkol sa katapatan sa mga sinasabi. Ating ibuod ang kanyang katuruan sa pamamagitan ng suwestiyong ito.
Sabihin ang nais mong iparating at gawin ang sinabi mo. Ganun lang kasimple. Wala nang mumbo-jumbo, wala nang mahaba, makukulay, at tunog-relihiyong mga salita ang kinakailangan. Basta sabihin mo lang ang totoo. bdj
1Billy Kim, sinipi sa Stuart Briscoe, Now for Something Totally Different (Waco, Tex.: Word Books, 1978), 100-101.
2Lloyd H. Steffen, “On Honesty and Self-Deception: ‘You are the Man,’” The Christian Century, 29 April 1987.
Ang artikulong ito ay sinipi mula kay Charles R. Swindoll, Simple Faith (Dallas, Tex.: Word Publishing, 1991; Nashville, Tenn.: W Publishing Group, 2003), 89-92.
No comments:
Post a Comment