Isang nakakamanghang eksperimento sa adiksyon ang iniulat sa isang issue ng Good Housekeeping magazine. Hindi adiksyon sa droga. Hindi rin adiksyon sa alcohol. Ito’y adiksyon sa telebisyon.
May isang diyaryo sa Detroit [USA] na nagbigay ng offer sa 120 pamilya sa lungsod. Pinangakuan ang mga pamilya ng 500 dolyares kung sila’y papayag na hindi manonood ng TV sa loob ng isang buwan. Tama—500 dollars kung papanatilihin nilang nakapatay ang TV sa loob lamang ng 30 araw. Hulaan mo kung ilan ang tumanggi sa offer.
Ninety-three.
At sa dalawampu’t pitong mga pamilya na pumayag, lima ang pinag-aralan at iniulat sa article ng magazine na iyon. Naisip mo na siguro kung gaano kalaking adjustment ang ginawa nila. Ang bawat pamilya ay nanonood ng TV mula 40 hanggang 70 na oras kada linggo … yun ay mula 5.7 hanggang 10 oras bawat araw. Isipin mo yun! Bawat araw ng bawat linggo ang mga parehong tunog at larawan ang patuloy na naging bahagi ng mga pamilyang iyon—taon-taon.
Nagkaroon ng mga kakaibang epekto ang hindi panonood ng telebisyon. May isang babae na nagsimulang makipag-usap sa pusa at may mag-asawa na simula noon ay hindi na nakipag-usap sa isa’t isa!
Ngunit mayroon din nangyaring maganda. Ang mga libro ay nahuhugot na mula sa lalagyan, na nakaipon na ng alikabok sa pagpapabaya, at binasa. Ang mga pamilya ay naglaro, nakinig sa radyo, at masayang naglalaro ng pagre-record! Sa isang pamilya may dalawang batang naglaan ng oras para magsanay ng pagi-spell ng kanilang mga pangalan at tirahan!
At, milagro ng mga milagro, mayroon pang mga pamilya na nag-ulat na ang kanilang mga batang anak ay hindi na nagngangawa tuwing papaliguan sila sa gabi! At may ilan (mabuting umupo ka muna) ay kusang nagsanay ng kanilang mga piano lessons.
Ang mga resulta? Well, ang mga “no TV month” families ay kailangang aminin ang apat na mga katotohanan:
1. Sila’y naging mas-close.
2. Mas maraming oras para magkasarilinan ang mga magulang at mga anak.
3. Nagkaroon ng kapansin-pansing pagtaas sa pagiging pasensyoso sa pagitan ng magkakapamilya.
4. Nag-improve ang kanilang pagiging malikhain.
Nais ko sanang i-report ang sumusunod sa kabaligtaran… ngunit nais kong maging honest imbes na maging mapangarapin at idagdag na nanalong muli ang telebisyon sa kanila. Lahat sa limang pamilyang iyon ay bumalik sa kanilang adiksyon sa halos ganun ding kadaming oras kumpara sa una. May ilan pa ngang nakahigit pa.
Hindi naman yung TV ang nagbibigay ng alalahanin sa akin. Hindi, ito’y isa lamang gamit na maaaring magamit at ma-enjoy paminsan-minsan. Ang nagpapalungkot sa akin ay yung pag-abuso nito—yung adiksyon na sinisira ang pagiging malikhain ng tao at lumulumpo ng mga personal na relasyon sa tao. Sumasang-ayon ako sa puna na ginawa ng Christian Medical Society Journal nitong mga nakalipas na taon:
Ang pangunahing panganib ng telebisyon ay hindi nakabase sa pag-uugaling nagre-resulta mula rito kundi sa pag-uugaling pinipigilan nito.
Ang pagbukas ng telebisyon ay maaaring makasira ng proseso na nagbabago ng mga musmos sa pagiging mga mature na tao … at nagpaparalisa ng mga manonood na maging palaisip at maalagang mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit narinig ang isang siyam-na-taong bata sa San Francisco na nagsasabi:
“Mas gusto ko pang manood ng TV kaysa maglaro sa labas dahil nakakabagot sa labas. Pare-pareho lamang naman sila ng nilalaro, tulad ng duyan at iba pang bagay.”
Isang kilalang awtoridad ang nagsasabi na ang mga batang pinalaki sa telebisyon ay dumarating sa katandaan nang walang kitang senyales ng pagbaba ng katalinuhan sa kabuuan. Mukha namang walang malaking kabawasan sa utak, ngunit mayroong ilang mga kakaibahan na nagbibigay-alalahanin sa mga eksperto sa larangang ito.
· Pagtaas ng komunikasyon na halos walang normal na salita (tulad ng “pare … uh … alam mo na … uh…”).
· Napakakaunting naiisip na mga konsepto mula ang mga young adults.
· Isang matindi at halos walang-kabuluhan na pagdepende sa musika na may heavy beat bilang kaisa-isa nilang gusto.
· Madalas na pagkakaroon ng bawal na gamot.
· Mas malaking interes sa mga passive experiences kaysa sa mga bagay na nangangailangan ng pag-iisip at aktibong pakikilahok.
At dahil ang telebisyon ay nasa malaking porsyento ng mga tahanan, ang mga problemang ito ay hindi bumababa.
Mga kapatid, dapat tayong gumawa ng paraan tungkol dito! Dapat lang nating gamitin nang tama ang dalawa sa mga pinakamaliliit na bagay sa iyong bagay, ang on-and-off button ng iyong TV at ang payak ngunit makapangyarihang salitang Hindi. Alalahanin natin ang mga salitang ito:
Finally, brethren, whatsoever things are true, whatsoever things are honest, whatsoever things are just, whatsoever things are pure, whatsoever things are lovely, whatsoever things are of good report: if there be any virtue, if there be any praise, think on these things. (Philippians 4:8, KJV).
Maniwala ka, ang mga benepisyo na inyong makukuha ay mas mahalaga pa kaysa sa $500 at tunay na tatagal.
Para sa pagbabago, tanggalin mo na sa saksakan ang telebisyon mo.
Palalalimin ang iyong mga ugat:
Psalm 25:15; Ezekiel 20:21-31; 1 John 2:15-17
Pagsasanga:
1. Hinahamon kita na patayin ang iyong TV sa loob ng isang linggo at punuin ang mga libre mong oras ng kahit isang magandang libro, pakikinig sa musikang Kristiano, paglalaro ng isang magandang laro, paglakad, pagbisita na hindi mo pa nakikita sa nakalipas na tatlong buwan.
2. Sa bawat isang oras na ikaw ay nanood ng TV, ay tumbasin mo rin ng isang oras ng pagbabasa ng Bible o isang magandang libro.
—————————————————————————————————
Ito ay isang Tinagalog na article mula sa aklat ni Charles R. Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 326-328. Inilathala ng Multnomah Press, Portland, Oregon. ©1983 Charles R. Swindoll, Inc.
No comments:
Post a Comment