Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Tuesday, February 3, 2009

BDJ 1--February 1, 2009

Nagbabasa Ako… by Bro. Elijah Abanto


Hindi karaniwang ugali ng Pilipino ang magbasa. Bunga ito ng mga pagano nating simula bilang mga Indones at nagpatuloy sa pananakop ng mga Español na kung saan ay ginawa pa lalo tayong mga ignorante na dapat "sumunod na lang at huwag nang magtanong" sa loob ng 333 taon. Naibalik lang ang ating kamalayan sa pananakop ng mga Amerikano nang 77 taon kung saan nabigyan tayo ng tamang edukasyon. Ngunit ang 77 taong ito ay hindi sapat upang tablan ang 333 taong impluwensiya ng Romano Katoliko sa ating buhay—isa na ang pagiging walang tiyaga sa anumang uri ng kaalaman, bukod nga lang sa tsismis. Ngunit salamat na nga lamang dahil higit pa sa edukasyon, hinatid din sa atin ng Amerika ang totoong Mabuting Balita, kung saan tayo naligtas ng dugo ng Anak ng Ama na si Jesu-Kristo, at nabuksan ng Banal na Ispiritu ang ating isip sa pang-unawa. Ang malungkot lang ay hindi natin mapagtagumpayan ang katamaran nating magbasa.

Nakita ko na ito agad sa ating iglesiya. Sa biyaya ng Panginoon ay naging mahilig akong magbasa (para sa akin ay isang pagpapala ang mahilig sa pagbabasa, lalo na ng nakakaluwalhati sa Kanya), at lahat ng aking natututunan ay gusto kong ibahagi sa inyo. Ito nga ang nagdulot upang kilusin ako ng Panginoon upang simulan ang CYPA Paper Ministries kasama ang Baptist's Digest bilang isa sa mga publikasyon. (Mapapansin niyo siguro na karaniwan na napa-publish sa BD ay mga isinalin na mga articles sa Ingles, dahil marami kaming librong Ingles.) Bukod pa roon, nakahiligan ko rin na mamigay ng mga sobrang libro o booklets mula sa aming tahanan sa bawat pamilya ng mga miyembro. Ang ikinalulungkot ko nga lang, madalas ay hindi ito binabasa. (Hindi kasama rito ang mga alam kong talagang binabasa ang anumang makita niyang interesante, kabilang ang BD.) Isang halimbawa na lamang ay sa tuwing araw ng Linggo na namimigay ako ng Baptist's Digest sa mga miyembro, kadalasan ay makikita ko na iniwan sa mga song book, Bible (!), at mga upuan ito pagkatapos ng service. Minsan ay nakikita ko pang lukot at punit-punit o puro lupa. Ang masama pa, malalaman ko kung sino ang taong iyon na nang-iwan dahil sinusulat ko ang pangalan ng binibigyan ko! (Hindi para manghuli kundi para maibahagi ko nang tama sa mga miyembro ang BD.) Isa pang patunay ay ang mga Bibliyang nakikita kong naiiwan sa church. Naisip ko, Paano nga namang magbabasa ng BD ang mga ito kung mismong Bibliya nila ay hindi nila binabasa? Harapin natin ang ating katotohanan: Hindi tayo mahilig magbasa.

Ngunit iba ang sinasabi ng Biblia. Gusto ng Diyos na tayo'y nagbabasa. Bakit? Unang-una ay dahil binigyan Niya tayo ng isang Bibliya. Susulat ba ang Diyos ng libro na hindi naman babasahin? Pangalawa, ayaw tayong maging ignorante ng Diyos. Tingnan mo kung ano ang nagiging bunga ng kawalang-kaalaman: "Ang aking bayan ay nawasak dahil sa kakulangan sa kaalaman" (Hosea 4:6). Pangatlo, paulit-ulit na binanggit ng Bibliya ang pagbabasa. Ang salitang "read" at lahat ng anyo nito ay 76 na beses na ginamit sa Biblia (KJV). Kadalasang ginagamit ng Diyos ang pag-uulit ng isang salita upang ipakita ang kahalagahan nito. Pang-apat, binibigyan ng Diyos ng pagpapala ang sinumang nagbabasa at naghahanap ng kaalaman. (Pahayag 1:3; Kawikaan 3:13). Sa totoo lang, ang pagkakaroon ng takot sa Diyos ang mag-uudyok sa'yong magkaroon ng kaalaman (Kawikaan 1:7).

Nagpapasalamat ako sa Diyos na napalaki ako ng mga magulang ko na may kagustuhang magkaroon ng kaalaman. At gusto ko maranasan niyo rin ang pagpapapala na dulot ng pagbabasa. Make it a commitment to God to start reading this year. Una basahin mo ang Bible mo, at pagkatapos ay iba pang mga libro o babasahin na tutulong upang lumago ka bilang Kristiano.

So paano! Magbabasa pa ako!

No comments:

Post a Comment