Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Wednesday, February 18, 2009

BDJ 4 -- February 22, 2009

Tunay na Pag-ibig by Bro. Elijah E. Abanto



Kakatapos ko lang magbasa ng isang article tungkol sa isang 12-year old girl, at hindi ko mapigilang mapaluha sa balitang ito.

Medyo may interes ako sa mga nangyayari sa Amerika ngayon dahil nakikita ko na ang struggle ng mga American Christians para patuloy na manindigan para sa Panginoon. Kung hindi niyo nalalalaman, ang Obama na mukhang nakakatuwa sa TV dahil siya ang kauna-unahang pangulong itim sa bansa ay siya ring presidente na salungat ng ating pinaninindigan, kasama ng ang tungkol sa abortion (pagpapalaglag ng sanggol) at gay marriage (pagpapakasal ng parehong gender). Laban tayo dito, ngunit siya ay hindi. At maraming pag-uusig ang ginagawa sa mga Kristiano ngayon ng administrasyon ng Amerika para gawing legal ang mga hindi legal at gawing ilegal ang legal (pagpe-pray, pagbabasa ng Bible). Kaya naman naglalaan ako ng oras upang magbasa ng mga balita tungkol sa kalagayan ng Kristianismo sa Kanluran.

Ang labindalawang-taong gulang na batang babaeng ito ay si Lia, isang elementary student na planong gawing contestant sa isang speech competition o panananalumpati. Anak ng isang Kristiano, alam niya ang kalagayan ng kanyang bansa patungkol sa abortion, at nais niya na magtalumpati laban sa gawaing ito. Isa pa siya mismo ay isang Kristiano at mahal niya ang Diyos at ang Kanyang Salita. Ang problema ay talagang dine-discourage siya ng mga gurong nakakabasa ng kanyang essay, bagaman hindi maitatanggi ang galing sa pagkakasulat ng talumpating ito ng kanyang adviser. Nagbanta pa ang mga husgado na i-de-disqualify siya sa contest kapag hindi niya binago ang kanyang topic. Pero nanatili siyang matatag, at kahit na hindi siya tanggapin bilang contestant ay pinili pa rin niyang italumpati ang essay at pinablish sa Youtube. Dahil nagustuhan ng kanyang adviser ang kanyang gawa, ay hinayaan pa rin siyang magtalumpati.

Nang magtalumpati na siya, sinabi ng school principal at mga guro na obvious na siya ang winner ngunit dinisqualify siya ng mga judges dahil sa isyu na kanyang tinalakay. Ngunit noong sumunod na araw ay nalaman na umalis ang judge na nag-disqualify sa kanya at ang mga natira ay binago ang desisyon at siya nga ang nanalo. Naka-schedule siya na dalhin sa regional level. May 130,000 na ring nakapanood ng kanyang video.

Dapat itong humamon sa atin. Isang bata (kadalasan kasi namamaliit natin ang mga mas bata sa atin) ang nagpakita ng tunay na pag-ibig sa Diyos at tao na sa kabila ng lahat ng maaaring mangyari, ay nagdesisyon siyang magsalita. Dahil mahal niya ang Diyos at tao. May ganito ka na bang pagmamahal sa kanya?

Ang I Corinthians 13 ay isang sikat-na-sikat na kabanata sa Biblia tungkol sa pag-ibig. Isa sa mga sinabing katangian nito ay na ang pag-ibig ay "binabata ang lahat ng bagay, pinapaniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig din ay "nagsasaya hindi sa kasalanan, kundi nagsasaya sa katotohanan." Si Jesus ay tiniis, pinaniwalaan at inasahan ang lahat ng bagay para itanghal ang katotohanan at ibigay sa atin ang kaligtasan. Hindi Siya nanatiling tahimik nang makita Niya ang kamalian sa kanyang paligid, kundi nagsalita Siya.
Dumating na ba sa atin ang pagkakataon kung kailan pinaglaban natin ang katotohanan kahit na may nagbabantang hindi maganda? O ang ginagawa natin ay hinahayaan na lamang ito at iniisip na, "Sila na ang bahala sa Diyos"? Nakakalungkot. Nakikipag-kompromiso tayo para huwag na tayong pagdiskitahan; ngunit hindi natin iniisip na nasasaktan ang Diyos doon.

Sa huling Linggo ng Building in the Power of Love, ine-encourage ko kayo na tumayo para sa Kanya dahil sa pag-ibig natin sa Kanya. Sana kung kailangan tayong hindi pumasok sa school o trabaho, o huwag munang gumawa, o masaktan ng magulang, o bumaba ang grades, o mapagtawanan, hayaan na natin--tulad ng babaeng ito--at least, alam ng Diyos na mahal natin Siya.

No comments:

Post a Comment