Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Saturday, July 31, 2010

Proud to Be A Missionary!

by Elijah Abanto

Missionary. Ang salitang ito ay narinig kong una sa aking ama, nang banggitin niya sa amin ang misyonerong nagkasal sa kanila ng aking ina, si Missionary Dennis Ebert. Sinabi rin ng aking tatay sa akin na ito rin ang kanilang nilapitan nung sila’y nagkaproblema at kailangan ng payo. Nung unang beses na narinig ko ito ay nagtataka ako kung bakit parang hindi pang-Pilipino ang apelyido noong sinasabing Missionary Dennis: Ebert. Nung medyo lumaki ako at nakarating na ako sa camp, naintindihan ko na siya ay isang Amerikano! Nung una ko siyang makita sa camp ay ang puti-puti niya, ang tangkad-tangkad niya, at English na English ang salita! Narinig ko rin siyang makipag-usap kay Tatay, at nasabi ko sa aking sarili, “Ang galing naman ni Tatay, kayang makipag-English-an!” Naintindihan ko na nanggaling siya sa Amerika para makibahagi sa paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-aakay at pagpapatibay ng mga Kristiano dito sa Pilipinas. Kaya naman mula sa puntong iyon ay nasabi ko na ang “missionary” ay isang taong naglilingkod at nag-aakay ng kaluluwa at nanggagaling sa ibang bansa.


May ilang beses na rin akong nakarating sa mga tinatawag nilang “missions conference”; siguro ay tatlo. Isa sa Heritage Bible Baptist Church (sa ilalim ni Pastor Abraham Legaspina) sa Salauag, Dasma; isa sa Holy Word Bible Baptist Church (sa ilalim ni Pastor Arnold Castrence) sa Sucat, Muntinlupa; at ang isa naman ay sa Bible Baptist Church of Pasay (sa ilalim ni Pastor Joey Sauco). Iba’t iba ang kanilang approach pagdating sa program, ngunit, may dalawang bagay na magkakapareho ang bawat isa: 1) may display ng lahat ng flag ng mga bansa sa mundo, at 2) hindi pwedeng walang foreign missionary (ibig sabihin ay Kristiano na pupunta sa ibang bansa o galing sa ibang bansa) na nandoon. Kaya naman lalong tumibay sa aking isip na ang “missionary” ay isang tao na iba ang lahi o isang kalahi ko na pupunta ng ibang bansa. I’m sure marami sa mga Kristiano ang may ganito ring pag-iisip tungkol sa salitang “missionary.”

But as I go through my Christian life, natutunan ko na ang ganitong konsepto ay kulang. Ang aking pang-unawa sa “missions” at “missionary” ay kulang; kalahati lamang nito ang aking naunawaan. Ngunit ang isa pang nakadadagdag ng ganitong “half-understanding” ay kung paano namin diniscuss ang “Missions” sa Bible school. Walang mali sa aming mga pinag-aaralan, but I can say na, kulang. Ang unang-unang lesson na aming pinag-aralan ay ang kultura ng ibang bansa at kaugnayan nito sa pagmi-misyon. And then brought to the topic ay yung kung paano magde-deputize sa mga church, na totoo at tama naman i-discuss, ngunit, kulang.

Ito ang natutunan ko: hindi mo na kailangang lumabas pa ng bansa, pumunta ng ibang lugar, o kahit na maging foreigner para maging misyonero. Hindi na kailangan pang umalis sa kinalalagyan mo para makakita ka ng missionary. In fact, nandyan na siya sa mismong kinatatayuan mo—ikaw! Ikaw! Kung ikaw ay niligtas na ng Panginoon mula sa iyong mga kasalanan, naging Kristiano ka na, at higit pa roon ay miyembro ka na ng isang iglesya, isang Baptist, ikaw ay isang missionary! Missionary! Diyan sa kinatatayuan mo, diyan sa kinalalagyan mo. Hindi mo na kailangang tumingin pa sa ibang lugar.

Kung nasa isang tahanan ka kung saan ang iyong ama, ina, mga kapatid, o mga kamag-anak ay hindi pa ligtas, ikaw ay misyonero doon.

Kung ikaw ay nasa isang partikular na eskwelahan, elementary, high school, college man yan, I assure you, missionary ka sa eskwelahang iyon, at ang misyon mo ay ang iyong kaklase at titser.

Kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kompanya, organisasyon, o negosyo, ay misyonero ka doon, at ang misyon mo ay ang employer mo, at mga tulad mong empleyado.

Kung ikaw ay nasa isang barangay, siyudad, bansa, sinasabi ko na sa iyo, ikaw ay misyonero doon, at ang misyon mo ay ang mga mamamayan roon, puti, dilaw, kayumanggi, o itim man ang balat nila.

Ikaw ay isang misyonero. Sabi sa Acts 1:8 (emphasis mine):



But ye shall receive power, after that the Holy Ghost is come upon you: and ye shall be witnesses unto me both in Jerusalem, and in all Judaea, and in Samaria, and unto the uttermost part of the earth.



Kitang-kita. Ikaw ay misyonero muna sa lugar kung nasaan ka: ang iyong “Jerusalem.” Pagkatapos ay doon ka magiging misyonero sa ibang malalapit na lugar (ang iyong “Judaea”), mga kalapit-bansa (ang iyong “Samaria”) at saan man sa buong mundo. But it starts right where you are.

Ang tanong eh, naging misyonero ka nga ba talaga diyan sa lugar mo—“sa isip, sa salita, at sa gawa”? Mas mahirap maging misyonero sa labas kung hindi mo muna sinikap na gawin ang nakaatas sa’yo bilang misyonero sa loob—sa sarili mong tahanan, sa sarili mong eskwela, pinagtatrabahuhan, o komunidad. Tatlumpung taon muna na nasa tahanan si Jesus bago Siya lumabas at nagturo at nangaral sa labas. Naging misyonero muna Siya sa tahanan. Nung hindi Niya makumbinse ang mga nasa “loob,” doon Siya nagdesisyong magturo at mangaral sa “labas.”

Ikaw ay isang misyonero, ngunit, taas-noo ka ba sa propesyon mong ito? Hindi tama kung ligtas ka na at parang wala sa’yo ang mga kamag-anak mong hindi pa ligtas, kung wala lang sa’yo kung pupunta sa impyerno o langit ang mga kaklase’t kaibigan mo, o kakilala mo, o kahit yung taong nasasalubong mo. Ang sabi ni Jesus sa Mark 16:15:



Go ye into all the world, and preach the gospel to every creature.



Kristiano, it’s high-time now. Kung mayroong panahon kung saan kailangan mong maging tunay na misyonero ka na, ngayon iyon. Bakit hindi ka mag-schedule uli ng soul winning time mo? Mag-soul winning ka sa bahay na tinitirhan mo, sa school na pinag-aaralan mo, sa workplace na pinagtatrabahuhan mo? It would be hard I know. Pero, tandaan mo, kung wala ding misyonerong lumapit sa’yo kung nasaan ka, hindi mo rin makikilala si Jesus. Be proud to be a missionary! bdj

No comments:

Post a Comment