Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Sunday, October 31, 2010

Resting in God

butterfly

by Elijah Abanto

Natutulog ka ba? Marami sa atin ang magsasabi ng, “Alangan namang hindi!” Pero mayroon ding mga malungkot na magsasabi, “Gusto ko sana, pero, walang panahon, eh. Siguro idlip. Pikit nang kaunti. Pero higit pa doon...”

Mayroon pa ngang lungsod na tinatawag na “The City that Never Sleeps”—ang New York, USA. Sa totoo nga lang, kinekwenta ng maraming analysts ang pagiging abala ng isang lungsod o bansa sa pamamagitan ng kung ilang oras lamang natutulog ang mga tao sa espisipikong lugar. Mas matindi pa rito, ay sinusukat din ng ilang ekonomista ang kaunlaran ng isang bansa sa pamamagitan ng kung ilang oras patay ang ilaw—which means kung ilang oras tulog ang tao—mas kaunting oras, mas maunlad. Mas masipag, mas may mararating—ang mga bansa o lungsod na hindi natutulog, ika nga nila. At may katotohanan ito. Ang United States of America, isa sa mga pinaka-abalang bansa sa buong mundo, ang siya ring pinakamaunlad at pinakamakapangyarihan. Ako na ang magsasabi sa’yo, ang mga kompanyang may pinakamalalaking kita ay sila na gumagawa “round the clock,” tulad ng mga multinational companies tulad ng Procter & Gamble, Unilever, Coca-Cola, etc. Ang mga successful na artista ay puno ang schedule sa taping.

Pero ito rin ang isa sa mga nirereklamo nila—ang hindi makapagpahinga. Ang USA ay napagod na, at nasa daan na ng pagbagsak ng ekonomiya. Ang mga artista ay sinasamantala ang kaunting oras na walang schedule para matulog o makapagpahinga. Sa mga CEO o Manager o Supervisor ang makatulog lang ng isang oras ay isa nang pribilehiyo. Para sa kanila, ang kaunting sakit ay isang pagpapala. Anuman ang unlad nila, napagtatanto din nilang kailangan nila ng pahinga.

Ako, na tinagurian ng sinumang nakakakilala sa akin kahit ng aking pamilya na “busy man,” ay hindi maitatangging kailangan din ng tulog, ng pahinga—walang kaso kung ano ang posisyon, kung paano matulog, at gaano katagal—ang mahalaga, makapagpahinga. Ang “pagsusunog ng kilay” ay nawalan na ng appeal sa akin; bagaman nagpupuyat pa rin ako from time-to-time, hindi ko na ito nakikita bilang senyales ng pagiging masipag—nakikita ko na ito bilang isang pabigat na dapat alisin sa lalong madaling panahon. Kaya nga pag nakakaramdam na ako ng antok, hindi na ako magdadalawang-isip pa—magpapahinga na ako.

Bagaman ang Dios ay hindi natutulog, ang Dios ay sinasabi ng Biblia na nagpapahinga. Sabi sa Genesis 2:2-3, “At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Walang duda, ang Dios ay nagpahinga; at ang pagpapahinga, para sa Dios, ay isang banal na bagay (“ipinangilin,” ibig-sabihin ay ginawang banal). Kailan pa natin nakita ang pagpapahinga na “banal”? Yet God considered it such.

Nang alukin ni Abraham ang nagkatawang-tao na Dios na magpahinga at kumain, hindi ito tumanggi, bagkus ay inutusan pa siyang gawin ang sinasabi (Genesis 18:1-5). Hindi lamang ang mamamayan ng Israel ang binigyan ng Dios ng pahinga, maging ang lupa—sinabi sa Biblia na ang ikapitong taon ay taon ng pamamahinga ng lupa, kung saan hindi ito tataniman o bubungkalin (Exodus 23:10-11). Kahit ang mga pagmamay-aring hayop tulad ng baka o asno, o maging ang mga katulong o alipin, ay may karapatan at obligasyon na magpahinga (Exodus 23:12). Kung ito ay iniutos ng Dios sa bansa ng Israel, hindi kaya nakakabuti rin sa atin ang magpahinga? Ang hindi nauunawaan ng marami, ang utos ng Dios ay hindi para pahirapan ang tao kundi para bigyang-kaginhawahan ito. Ipinapakita din sa mga aklat ng kasaysayan ng Israel sa Biblia na isang pagpapala ang kapahingahan (cf. Judges, 1 and 2 Samuel, 1 and 2 Kings, etc.). Ayon sa Psalm 127:2, binibigyan ng Dios ang Kanyang iniibig ng pagtulog—sa ibang mga salita, pahinga.

Nakita natin na ang pagpapahinga (tulad ng pagtatrabaho) ay ginagawa ng Dios, nirerekomenda ng Dios, pinapayagan ng Dios, inuutos ng Dios, binibigay ng Dios—ngunit ang nakapagtataka, maraming tao, maging mga nagsasasabing nananampalataya sila kay Jesus bilang Tagapagligtas, ay hindi ito ginagawa. Pinipili nating magtrabaho nang Linggo at Huwebes kaysa makipagtagpo sa Panginoon—magtrabaho kaysa magpahinga. Pinipili nating sumuway kaysa sumunod—dagdag pasanin imbes na pahinga.

Nais ng Dios na bigyan tayo ng pahinga. Kaya sinabi ni Jesus, “Come unto Me, and I will give you rest” (Matthew 11:28-29). “[Cast] all your care upon Him; for he careth for you” (1 Peter 5:7). Isa sa mga dahilan kung bakit tayo gustong iligtas ng Dios ay dahil gusto Niya tayong bigyan ng walang-hanggang kapahingahan kapag pumanaw na ang ating buhay, isang bagay na mangyayari lamang kapag tayo’y nasa langit na. Ayaw Niya tayong maghirap, magtangis, magngalit ng ngipin—mga bagay na mangyayari sa sinumang mapunta sa walang-hanggang kaparusahan, ang impyerno. Ngunit alam ng bawat Cristiano na mas maraming tumatanggi sa kapahingahang ito kaysa tumatanggap rito.

Bakit hindi tayo magpahinga sa Dios? Bakit hindi natin ilagak ang ating mga problema, pasanin, kabalisahan, kalungkutan, lahat-lahat, sa Dios, na nais namang ibigay ito—at dumalo sa simbahan, imbes na magtrabaho? Bakit hindi tayo sumandal sa Kanyang mga bisig, sumilong sa anino ng Kanyang mga pakpak, at magpahinga? Ibig-sabihin eh, makipag-usap sa Kanya sa pananalangin, magbasa at magbulay-bulay ng Kanyang Salita, makinig sa pangangaral, at makisama sa mga mananampalataya? Bakit hindi tayo magpahinga?

Sabi nga ng ating pastor, “Kawawa naman sila! Nagtatrabaho imbes na mag-church!” Oo nga naman. Kawawa nga sila. Puro sila nagtatrabaho; wala silang oras para magpahinga. At kawawa ka rin kung tumutulad ka sa kanila.

Bakit hindi natin tularan si Jesus? Siya ay nagpahinga nang apatnapung araw sa pag-aayuno (Matthew 4:1-2). Noong nandito pa Siya sa mundo, hindi Niya inisip na kasayangan ang magpahinga sa Dios sa pamamagitan ng panalangin gabi-gabi (Matthew 14:23; 26:36; Luke 5:16). Hindi Siya nagdalawang-isip matulog sa gitna ng bagyo—hindi Siya nabalisa, nanghinawa—nagpahinga Siya (Matthew 8:23-27; Mark 4:35-41). Bakit hindi mo rin ito gawin? Subukan mong magpahinga sa Kanya, at baka tulad Niya—magtagumpay ka laban sa diyablo, sa mga pagsubok, at “makapagpatigil” ng mga bagyong dumarating sa iyo. bdj

Saturday, October 23, 2010

The Harvest of Giving

Elijah Abanto

Harvest. Sino’ng higit na maligaya kaysa sa magsasaka kapag tag-ani? Natapos na ang yugto ng “hindi naman nakatayo, hindi naman nakayuko,” at kaunting tiis na lang, dala-dala na sa tahanan ang ani at handa nang pakinabangan. Babalikan niya ang lahat ng pagpapagal, hirap, lakas, talino, at kahit na salapi na ginugol niya—at masasabi na at least, ay maaani na niya kahit papaano kung ano ang tinanim niya.

Ang pagbibigay ay tulad ng pagtatanim—sigurado ang pag-ani. Tulad ng pagtatanim na maaaring, isang araw, isang buwan, isang taon, o dalawampung taon pa minsan bago mo matikman ang ani—ang pagbibigay ay nagbibigay ng ani, maaaring ito’y dumating na ngayon, sa isang araw, sa isang buwan, sa isang taon, o pagkatapos pa ng dalawampung taon—ngunit sigurado ang ani. Sigurado. At kapag sinabi mong ani, maganda, at hindi pangit, ang makukuha mo.

“But this I say, He which soweth sparingly shall reap also sparingly: but he which soweth bountifully shall reap also bountifully” (1 Corinthians 9:6). Matagal ko na itong memorized, at malamang kahit na ikaw ay kabisado mo na rin siguro ito. Ngunit nakukuha kaya natin ang ibig-sabihin nito? Kung kaunti ang ating hinasik, kaunti ang ating naaani; kung marami, tiyak na marami rin ang ating aanihin. Isang prinsipyo tungkol sa pagbibigay: Depende sa ibinigay natin ang ibibigay sa atin. “Give, and it shall be given unto you,” (Luke 6:38) sabi nga ni Jesus. Iniisip ko kung bakit pwede namang “Give, and ye shall ye receive” tulad ng paghingi (Matthew 21:22; John 16:24); bakit pinahaba pa ni Jesus? Sa isang hindi nagbubulay, ang pagtanggap (“receive”) ay tulad lang ng pagbabalik sa iyo (“given unto you”); ngunit kung iisiping mabuti, ang dalawang ito ay may pagkakaiba. Ang una ay hindi mo alam kung ano o gaano kalaki ang makukuha mo; ang pangalawa ay tiyak kung ano at gaano kalaki (“it shall be”). Dinagdag pa ni Jesus: “good measure, pressed down, and shaken together, shall men give into your bosom”—higit pa madalas, sabi Niya.

When will we get this? Sa tingin ko ay naintindihan na natin, ngunit hindi lang natin pinaniniwalaan pa nang buo; may reserbasyon pa tayo. Ngunit kahit si Charles F. Stanley, isang Baptist pastor nang mahigit sa limampung taon na at founder ng In Touch Ministries ay sinabi na, bilang isa sa mga “Life Principles” ng Biblia, “You reap what you sow, more than you sow, later than you sow.”1

Nang gumawa ng article si Charles R. Swindoll, isang Baptist pastor sa loob ng halos 40 taon at founder ng Insight for Living, base sa Luke 6:37-38, ay ikinwento niya ang tungkol sa isang lolo na nakatira sa bundok kasama ang kanyang apo. Kapag sumigaw siya doon, ay aalingawngaw ang kanyang boses. Minsan nung sumigaw siya ng “I love you,” ay umalingawngaw din ng “I love you… I love you… love you…” Nung sumigaw siya ng “I hate you!” Binalikan din siya ng alingawngaw na “I hate you! … I hate you… hate you…” Ang ginagawa ay bumabalik sa ating parang alingawngaw.2 Paano kaya kapag “sumigaw” tayo ng pagbibigay? “Aalingawngaw” din sa’yo ang binigay mo; madalas mas marami pa kaysa sa binigay mo.

Sa devotional article pa ni Harold J. Sala, kilala sa Pilipinas bilang founder ng Guidelines International Ministries simula pa noong 1963, ay sinabi na kabilang sa tatlong dahilan kung bakit dapat tayong magbigay ay dahil iyon ang paraan ng Dios para tayo’y pagpalain.3 Lagi naman nating naririnig ito mula kay Pastor Abanto at marami pang biblikal na pastor at misyonero. Sinabi pa ni Sala, base sa Biblia, na makakapagpala lang ang Dios kung tayo’y nagbibigay.

Sinabi na rin ng Dios sa atin sa pinakakilalang talata na Malachi 3:10, “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in mine house, and prove me now herewith, saith the LORD of hosts, if I will not open you the windows of heaven, and pour you out a blessing, that there shall not be room enough to receive it.” Sa mga hindi ito ginagawa, hindi siguro dahil hindi nila alam ang sinasabi ng Dios, ngunit dahil ayaw nilang maniwala dito. Ngunit napatunayan ko na totoo ang Salita ng Dios. Marami akong nakitang halimbawa kung saan ang nagbibigay pa sa Gawain ang siyang inuutangan ng mga ibang hindi naman nagbibigay.

Saktong-sakto ang mga salitang binitawan ni William Stafford, isang Baptist pastor at evangelist nang mahigit sa 50 taon na rin, sa kanyang aklat na Spirit-Filled Giving. Ito ang kanyang sinabi: “Narito ang susi na nagpapalaya ng ani sa ating mga buhay. Nagiging bahagi tayo ng plano na ekonomiya ng Dios, ngunit kailangan muna nating simulan ang proseso sa pamamagitan ng pagbibigay. Higit pa rito, tayo ay nagbibigay dahil may layunin, hindi lang para matupad natin ang ating mga obligasyon sa Dios. Ang pag-iikapu ay isang utang na dapat nating bayaran, ngunit ang pagbibigay ay isang binhi na inihahasik.”4 Magkakaroon lamang ng ani kung naghahasik tayo. Gagana lamang ang ekonomiya ng Dios kung sisimulan ng pagbibigay natin.

But this is the good news: hindi talaga tayo nawawalan kapag nagbibigay. Tulad ng sinabi ni Pastor Felizardo Abanto, ito ay investment. “Cast thy bread upon the waters: for thou shalt find it after many days” (Ecclesiastes 11:1). Hindi lang fair ang Dios; more than fair pa ang Dios. Hindi Niya lang ibabalik ang binigay mo; higit pa rito. Hindi ko ipinapanalangin na maunawaan niyo ito; alam kong nauunawaan niyo ito. Ang panalangin ko ay paniwalaan niyo ito.

Pinagpala ka ng Dios kung ikaw ay malayang nagbibigay sa Panginoon, at sa Kanyang gawain. Expect that it will be given back to you. At huwag mong isipin na kapag nag-e-expect ka ng blessing mula sa binigay mo ay makasalanan iyon. No. Ganoon talaga ang sistema ng Dios. Tandaan natin ang sinabi ng Dios, “For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD” (Isaiah 55:8).

I want to end this article with a story. Mula sa Mark 12:41-44:

Umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman. Nakita niya kung papaano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Maraming mayayaman ang naghulog ng maraming salapi sa kaban ng yaman. Lumapit ang isang dukhang babaeng balo at naghulog ng dalawang sentimos na maliit lang ang halaga.  Tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang dukhang babaeng balong ito ang naghulog ng higit na malaking halaga kaysa sa kanilang lahat na naghulog ng salapi sa kaban ng yaman. Ito ay sapagkat silang lahat ay naghulog ng mga labis nila. Ngunit siya, sa kabila ng kaniyang karukhaan, ay inihulog ang lahat ng kaniyang kabuhayan.

Ano kaya ang nangyari sa babaeng balo? You judge. bdj

1 Stanley, Life Principles Notes. In Touch.org.

2 Swindoll, Growing Strong in the Seasons of Life, p. 155.

3 Sala, Today Can Be the Best Day of Your Life, August 4.

4 Stafford, Spirit-Filled Giving, pp. 98-99.