Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Monday, October 4, 2010

How to Benefit from the Bible

by Reyvie Manalo

Jas 1:21  Wherefore lay apart all filthiness and superfluity of naughtiness, and receive with meekness the engrafted word, which is able to save your souls.

Bilang mga Kristyano, hindi natin ikinahihiyang sabihin na ang Bibliya ang ating batayan sa ating pananampalataya at pamumuhay. Ito ay isang napakagandang patotoo. Sa atin na mga Baptists na nagfe-Facebook, nakalagay sa ating profile na ang Bible ang ating favorite book.

Subalit kung nais nating makakuha ng pakinabang sa Aklat na ito, hindi sapat na sinasabi lamang natin ito. Kaya hayaan nyo akong magbigay ng ilang pamamaraan kung paano tayo makakakuha ng tunay na benepisyo mula sa Bibliya.

I Must Receive the Word of God

Kung nais talaga nating makinabang mula sa Salita ng Dios, dapat natin itong tanggapin sa ating mga buhay.

Sa ating teksto ay gumagamit si Santiago ng isang ilustrasyon ng isang binhi at isang lupa. (...receive with meekness the engrafted word). Sa Matthew 13, binigyan tayo ng Panginoon ng isang talinhaga na kapareho ang klase. Sinasabi Niya ang tungkol sa binhi (ang Salita) at sa lupa (ang puso). Paano yun na parehong uri ng binhi ang ginamit, ngunit nagbubunga ng iba’t ibang resulta? Ang sagot ay nasa lupa! Yung isang lupa ay tinanggap ang Salita nang may tamang pag-uugali, habang ang iba ay hindi.

How do I receive the Word with right attitude?

1. Be careful - Jas 1:19  Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:

Maging mabilis na makinig. Ibigay ang iyong buong atensyon. Maging alerto. Don’t miss the message!

2. Be calm - Jas 1:19 …slow to wrath.

A relaxed attitude increases receptivity. Kung ikaw ay relaxed, mas kaya ng tao na makipag-usap sa’yo nang higit at kaya mong makaintindi nang malinaw. Sa kabilang banda, kung tayo ay galit, balisa, nagdaramdam, mapait, nagiging balakid/harang ito sa pagpapanatili sa ating mapakinggan ang Salita ng Dios.

3. Be clean - Jas 1:21  Wherefore lay apart all filthiness and superfluity of naughtiness, and receive with meekness the engrafted word, which is able to save your souls.

Nangangahulugan ito na pagtigil sa paggawa ng anumang imoral o masama. Bago ka makapagtanim ng isang binhi, mahalaga na bunutin muna ang mga damo. Ang mga damo ay nagiging balakid sa paglago ng halaman. Kapag tayo’y may kasalanan sa ating mga buhay, hinaharangan nito ang pakikinig ng Salita. Pinipigilan ng kasalanan ang Salita ng Dios na lumapit sa ating mga puso. Kaya hangga’t hindi tayo malinis, hindi tayo masyadong makikinabang mula sa Salita.

4. Be compliant.  Jas 1:21  ..and receive with meekness the engrafted word,..

Ito ay nangangahulugan na pagtanggap nang may kababaan ng loob. Ito ay nangangahulugang yung pwedeng maturuan, mapagpakumbaba, at bukas sa pagbabago. Huwag kang umakto na parang alam mo na ang lahat. Kapag iniisip mo na alam mo na lahat, mawawalan na ng silid para sa Salita na bigyang-pakinabang ka sa iyong buhay-Kristiano.

I Must Reflect on the Word of God

Jas 1:23  For if any be a hearer of the word, and not a doer, he is like unto a man beholding his natural face in a glass: 24  For he beholdeth himself, and goeth his way, and straightway forgetteth what manner of man he was.

Gumagamit dito si Santiago ng ilustrasyon ng isang salamin. Ang Salita ng Dios ay tulad ng isang salamin. Ang gamit ng salamin ay para suriin ang ating mga sarili. Anong silbi ng salamin kung matapos mong makita ang iyong sarili, ay wala ka namang gagawin patungkol dito?

Ang Salita ng Dios ay isang salamin ay kailangan nating gunitain!

Binibigyan tayo ni Santiago ng tatlong praktikal na mga paraan sa kung paano magbubulay-bulay sa Salita:

1.      Read it. Jas 1:25  But whoso looketh into the perfect law of liberty, and continueth therein, he being not a forgetful hearer, but a doer of the work, this man shall be blessed in his deed.

Ito’y nangangahulugan na dapat ay hindi tumigil sa pagtingin. Hindi lang ito basta pagbabasa, kung mas mailalarawan pa ng mga salitang research at investigation. Ang salitang look ay na nangangahulugang to stoop down and gaze in.

May dalawang paraan ng pagtingin sa salamin. Maaari kang sumulyap rito (glance), o tumitig rito (gaze). Kapag sumulyap ka lang, mabilis ka lang na aalis at kakalimutan kung ano ang iyong nakita. Ngunit hindi iyon ang gustong gawin natin ng Dios kapag nagninilay-nilay tayo sa Kanyang Salita. Nais Niya na tayo’y tumitig rito (pagmasdan ito nang mabuti). Magbigay ng mas mahabang oras/atensyon/tuon sa Salita.

Maraming mga Kristiano, para lamang masabi na nag- “quiet time,” ay susulyap lamang sila sa kanilang Biblia, at yun na yun. Hindi iyan ang ibig-sabihin natin kapag sinasabi nating I Must Reflect on God’s Word.

May isang magandang aklat akong natapos ilang buwan ang nakalilipas na pinamagatang Bible Study Methods. Sa aklat na iyon, ang awtor ay nagmungkahi ng siyam na bagay na dapat tingnan habang nagninilay-nilay sa Salita.

Gumamit siya ng isang acronym para rito para madaling maalala:

S – Is there a Sin to confess  

P – Promise to claim

A – Attitude to change

C – Command to obey

E – Example to follow

P – Prayer to be prayed

E – Error to avoid

T – Truth to believe

S – Something to praise God for

Simula noong matutunan ko ito, ginagamit ko na ang pattern na ito para magnilay-nilay sa Salita.

2.      Review it.  Jas 1:25  But whoso looketh into the perfect law of liberty, and continueth therein..

Ito ay pagbabasa ng Biblia at pag-iisip tungkol dito nang paulit-ulit. Pagbubulay-bulay ang tawag dito ng Biblia. Ang pagbubulay-bulay ay nangahulugang pag-iisip nang seryoso tungkol sa isang bagay nang paulit-ulit.

Kung alam mo kung paano mag-alala, alam mo kung paano magbulay-bulay. Kumuha ka ng isang negatibong ideya at isipin mo ito nang paulit-ulit, iyon ay tinatawag na “worry” o pag-aalala. Ngunit kung kinuha mo ang Salita ng Dios ay pinag-isipan mo ito nang paulit-ulit, ito ay tinatawag na “meditation” o pagbubulay-bulay.

Psa 119:97  MEM. O how love I thy law! it is my meditation all the day.

The Lord told Joshua Jos 1:8  This book of the law shall not depart out of thy mouth; but thou shalt meditate therein day and night..

Maaaring ikaw ay nagmamaneho, ngunit ikaw ay nagbubulay-bulay; maaaring ikaw ay nagluluto/naglilinis ng bahay/naglalaba ng mga dami, ngunit ikaw ay nagbubulay-bulay. Dapat tayong magsanay na pagbulay-bulayan ang Salita ng Dios.

3.      Remember it. Jas 1:25  But whoso looketh into the perfect law of liberty, and continueth therein, he being not a forgetful hearer..

Dito na pumapasok ang kahalagahan ng Scripture memorization. Kabisaduhin mo ang mga kasulatan sa iyong isip at ingatan ito sa iyong puso. Sinabi ng psalmista, Thy word have I hid in my heart that I might not sin against thee.

Huwag mong tingnan ang pagkakabisado na isang pabigat. Dapat blessing ang memorization, hindi burden.

And speaking of remembering, sila na nanag-take note ay may malaking lamang sa mga iba na hindi. Meron silang mababalikan na material in case makalimutan nila ang mensahe na kanilang napakinggan before.

So those are the practical ways to Reflect on the Word: Read it, Review it, and Remember it.

Para sa panghuling bahagi, kung nais nating mapagpala ng Salita ng Diyos, kinakailangan nating tumugon sa Salita ng Diyos!

I Must Respond to the Word of God

Going back to the book of James, Jas 1:22 But be ye doers of the word, and not hearers only, deceiving your own selves.

Huwag lang basta makinig sa Salita—sanayin ito, isabuhay ito, kumilos ayon dito, at gawin kung ano ang sinasabi nito!

May mga Kristiano na gusting ma-church, making sa mensahe, ngunit umaalis sila nang walang intensyon na tumugon sa anumang napakinggan nila.

Sinasabi ni Santiago na dinadaya natin ang ating mga sarili kung hindi natin hahayaan ang Salita na baguhin tayo. May mga Kristianong nag-iisip na sapat na ang biblikal na kaalaman upang lumago. Ngunit sa nakikita natin, ang sukatan ng pagiging malago ay hindi kaalaman—ang sukatan ng pagiging malago ay ang karakter.

May mga Kristiano na nag-iisip na sila’y mga ispiritwal na higante dahil sa dami ng biblikal na impormasyon sa kanilang ulo, ngunit sa paningin ng Dios sila ay mga ispiritwal na kutong-lupa, mga wala pa sa gulang, sapagka’t hindi nila matutunan na tumugon sa kanilang nalalaman.

Dapat natin alalahanin na ang kaalaman ay nagdadagdag ng responsibilidad. Kapag mas marami tayong alam, mas mrami tayong pananagutan. Sinabi ni Jesus, To whom much is given, much is required. Sinabi ni Santiago, To him who knows to do good and doeth it not, it is sin.

Kaya ang tanong sa atin ngayon ay ito, “Ano ang gagawin ko sa aking nalalaman? Ako ba ay tumutugon sa Salita ng Dios?”

Naalala ko na may nabasa akong kwento tungkol sa isang myembro ng church na dumating nang huli isang Sunday ng umaga. Habang siya’y nakaupo sa tabi ng isa pang myembro, tinanong niya ito nang mahina, “Tapos na pa yung preaching?” Matalinong sumagot ang myembro sa kanya at nagsabi, “Na-preach na yung message, pero hindi pa natin nagagawa!”

Kaya mga Kristiano, kung nais talaga nating makinabang mula sa ating Biblia, umaasa ako na maaalala natin ang tatlong simpleng mga hakbang na ito: Receive the Word, Reflect on the Word, and Respond to the Word. bdj

Ang article na ito ay sinulat ni Bro. Reyvie Manalo, at pinublish originally sa Facebook in three parts under the same title. Isinalin nang buo sa Tagalog ni Bro. Elijah Abanto.

Si Bro. Reyvie ay dating myembro ng Capitol BBC, at aktibong myembro na ng Calvary Baptist Church sa Dubai, UAE. Kasama niyang nakikinabang sa Biblia ang kanyang asawang si Rio at anak na si Hannah.

Sunday, September 26, 2010

Back to the Basics

by Charles R. Swindoll

Ang yumao nang stratehista sa football, si Vince Lombardi, ay isang panatiko pagdating sa mga saligan. Sila na mga naglaro sa ilalim ng kanyang pamumuno ay madalas na magsabi ng tungkol sa kanyang sidhi, kanyang pwersa, kanyang hindi nawawalang sigasig para sa laro. Regular siyang bumabalik sa mga pangunahing pamamaraan ng blocking at tackling. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang pangkat, ang Green Bay Packers, ay natalo sa isang mas mahinang koponan. Masama na ang matalo … ngunit ang matalo sa koponan na iyon ay hindi mapapasubalian. Tumayag ng pagsasanay si Coach Lombardi noong sumunod na umaga. Tahimik na nakaupo ang mga kalalakihan, na mas mukhang hinagupit na mga tuta kaysa isang koponan ng mga kampiyon. Wala silang ka-ide-ideya kung ano ang aasahan mula sa lalaking kanilang pinakakinatatakutan nila.

Nagtitimpi at tumititig sa bawat isang atleta, nagsimula si Lombardi:

“Okay, babalik tayo sa simula ngayong umaga. …”

Hawak-hawak ang isang football sa taas na makikita ng lahat, patuloy siyang sumigaw:

“… mga ginoo, ito ay isang football!”

Tingnan mo naman kung gaano ka-basic iyon! Ang mga lalaking nakaupo doon ay naglalaro na ng football nang labinlima hanggang dalawampung taon … sila na mas alam ang opensa at depensa higit sa mga pangalan ng mga anak nila … at ngayon ay ipinapakilala niya ang football sa kanila! Para iyong pagsasabi, “Maestro, ito ay isang gabilya.” O, “Librarian, ito ay isang aklat.” O, “Marine, ito ay isang rifle.” O, “Ina, ito ay isang kawali.” Halatang-halata naman kung ano iyon!

Bakit naman sa tanang mundong ito makikipag-usap ang ekspertong coach na ito sa mga propesyunal na atleta sa ganoong paraan? Pero gumana naman iyon, sapagkat walang sinuman ang nagdala sa isang koponan sa tatlong magkakasunod na kampyonato sa buong mundo kundi siya. Ngunit—paano? Gumawa lamang si Lombardi sa isang simpleng pilosopiya. Naniwala siya na ang kagalingan ay pinakamainam na nakakamit sa pamamagitan ng pagma-master ng mga basics ng isang laro. Ang panlilito, pagpapasaya sa madla, at larong pakikipagsapalaran ay pupuno ng stadio (nang pansamantala) at maaaring makapagpanalo ng ilang mga laro (paminsan-minsan), ngunit sa huling pag-aanalisa ang mga palaging nananalo ay mga koponan na naglalaro nang matalino, taas-noo, at matigas na football. Kanyang stratehiya? Alamin ang iyong posisyon. Matuto kung paano ito gawin nang tama. Pagkatapos ay gawin ito nang buo mong lakas! Ang ganoong kasimpleng plano ang naglagay ng Green Bay, Wisconsin, sa mapa. Bago dumating si Lombardi, ang Green Bay ay isa lamang tigilan sa pagitan ng Oshkosh at Iceland.

Ang gumaganang stratehiya sa laro ng football ay gumagana rin sa iglesya. Ngunit sa mga ranggo ng Kristiyanismo, medyo mas madaling malito. Ah, hindi lang medyo: sobrang daling malito. Kapag sinasabi mong “church” sa ngayon, para lamang itong pag-order ng mainit na inumin … mayroon kang tatlumpu’t-isang klase ng mga lasa na pagpipilian. Maaari mong piliin ang mga madidiskarte, o mga humahawak ng ahas, o mga positibo mag-isip. Mga bandang may makukulay na ilaw, mga nakadamit na “pari” na may madudugong mga patalim, mga inahit na ulo na may magagandang mga bulaklak, at sumisigaw na mga showman na may mga nagpapagaling na mga linya ay mayroon din. Kung hindi pa iyon sapat, hanapin mo ang paborito mong “ismo” at magiging okay na: humanismo, liberalismo, matinding Calvinismo, politikal na aktibismo, antikomunismo, supernatural na spiritismo, o lumalabang pundamentalismo.

Pero teka! Ano ba talaga ang mga basics ng “iglesya”? Ano ang pinakapangunahing Gawain ng isang iglesyang naniniwala sa Biblia? Kung aalisin ang lahat ng mga hindi kinakailangan, ano ang matitira? Makinig tayo sa ating Coach. Sinasabi Niya sa atin na mayroon tayong apat na pangunahing prayoridad kung nais nating matawag na isang iglesya:

katuruan … pagsasama-sama … pagpuputul-putol ng tinapay … pananalangin (Mga Gawa 2:42).

Sa apat na ito tayo ay dapat na “patuloy na igugol ang ating mga sarili.” Ang mga matitibay, balanse, at “nagwawaging” mga iglesya ay sila na mina-master ang mga basics na ito. Ang mga ito ang bumubuo ng aspeto ng ano ng iglesya.

Ang paano ay pareho lamang na mahalaga. Muli, ang Coach ay sinasabihan ang ating koponan. Sinasabi Niya na ang iglesya na ginagawa ang kanyang trabaho ay ang iglesya na:

… nagsasanay sa mga banal para sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Kristo … (Efeso 4:12).

“Aba, ang dali naman pala,” sasabihin mo. “Napaka-simple naman yata?” itatanong mo. Handa ka na ba sa isang panggulat? Ang pinakamahirap na trabaho na maaari mong maisip ay ang pagpapanatili ng mga pangunahing gawain na ito. Maraming mga tao ang walang ideya kung gaano kadaling iwanan ng mga kinakailangan at mapasali sa ibang mga gawain.

Maniwala ka—mayroong tuluy-tuloy na daloy ng mga hiling mula sa mabubuti, at nakatutulong na sources na gamitin ang pulpit bilang isang plataporma para sa kanilang agenda. Inuulit ko, mabubuti at nakakatulong na sources, ngunit hindi kinakailangan … hindi direktang may kaugnayan sa ating pangunahing layunin. Ang layunin ng iglesya ay ang interpretasyon, eksposisyon, at aplikasyon ng Banal na Kasulatan.

Ngunit ang ganoong iglesya ay napakabihira sa ating lupain, parang gusto mong tumayo at magsabi:

“Mga Kristiano, ito ay Biblia!”

Pagpapalalim ng iyong mga ugat: Acts 2:42-47; Ephesians 4:12-16; Ephesians 2:19-22

Pagsasanga: Gawin ang mga sumusunod na basics: 1) matuto sa mga tinuturo; 2) makipag-fellowship sa kapwa mananampalataya; 3) sumama sa mga activities ng church; 4) manalangin.

—Mula sa Growing Strong in the Seasons of Life ni Charles R. Swindoll, pp. 372-375.