Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Tuesday, May 26, 2009

BDJ 10--Estranghero

by Bro. Elijah Abanto
Pinag-uusapan siya ng lahat. Dahil sa kanya maraming nang- yayaring mga kontrobersiya, pag-aaway-aaway, at mga debate ang nagaganap. May nagsasabi na maganda ang kanyang itsura, mayroon namang nagsasabi na pangit siya. Maraming naniniwalang mabuti siya; yung iba ay napapailing naman sa kasamaan daw niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ganong kalinaw kung sinong tama sa dalawa—dahil sa totoo lang, ay isa siyang estranghero.
Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam mo sa maikling kwentong ito. Malamang ay napakunot ang noo mo at napaisip ka, Kaya? Yung iba ay tatawa at magsasabi, “Kaya naman pala! Estranghero eh!”
Estranghero. Di-kilala. Dayo. Estranghero. Malamang ay may kumatok na sa iyong bahay at nang buksan mo ang iyong pinto ay sumama ang tingin mo—tulad ng naging reaksyon mo sa kwento. Ngunit alam niyo ba na natatakot ako na baka sa ating mga Kristiano ay Estranghero pa rin ang Panginoon?
Oo, isang Estranghero. Di-kilala. Dayo. Ang Panginoong Diyos ba ay parang isang Dayo sa buhay mo? Yung para bang pag may nangyari ay iniisip mo, Bakit ganon ang ginawa mo, Panginoon? Ano kamo? Nagtumba Ka ng mga lamesa at namalo? Yung hindi tayo makapaniwala. Nung nabuhay ka Jesus, nakipagkaibigan ka sa mga patutot, mga kurakot, at mga matapobreng mayaman? Gets? (By the way, ang sagot sa mga tanong mong iyan ay totoo—ginawa iyang lahat ni Jesus.)
Bakit kaya? Wait a minute. Huwag niyong sabihin na may tao o Kristiano na talagang nakakakilala sa Panginoon nang lubusan—wala pa! Pero kadalasan ang dahilan kung bakit hindi madagdagan ang kaalaman natin tungkol sa Kanya ay kagagawan na rin natin. Paano ba natin nakikilala ang Estrangherong ito, at nang hindi tayo matulad sa nasabing kwento na salungat-salungat ang opinyon?
Bible study. Yes, pag-aaral ng Biblia. No, no, hindi pagbabasa lang. Kaya maraming kulto at dibisyon sa iglesiya ay dahil sa kakulangan niyan—bible study. Kailan pa tayo matuto? Kailan pa natin mapagtatanto na ito at prayer lang ang daan para makilala Siya? And yet, kung tatanungin kita, ay malamang alam ko na rin ang sagot. “Hindi ko nagawa eh,” kasunod ang litanya ng mga rason kung bakit.
Nitong nakaraang buwan nalaman niyo na ang dapat malaman tungkol sa Daily Walk. At nalaman natin na ang relasyong maayos at kaibig-ibig ay mapapanatili lamang ng komunikasyon. May regular ka na bang komunikasyon sa Kanya?
Tama na ang stranger syndrome. Sana dumating ang panahon na hindi na estranghero sa atin ang Panginoong Jesus. At alam mo kung paano mo yun magagawa? Bible study and prayer. Nothing more. Wait, wait, wait, pati pala obedience at application!

No comments:

Post a Comment