Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Tuesday, May 26, 2009

BDJ 14--Ang Walang Mayroon

by Bro. Elijah Abanto
Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga makabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas mapagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan.at kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.
At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatanging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)
Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay i-dedicate sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?
Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.
Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.
Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil walang Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na kung isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.
Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos. Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.

No comments:

Post a Comment