Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Tuesday, May 26, 2009

BDJ 12--Hindi Na Mabigat

by Bro. Elijah Abanto
Timbang puno ng tubig. Matabang tao. Kaldero ng kanin. Bag na puno ng libro. Mesa. Kilu-kilong bigas at karne.
Ano’ng pumapasok sa isip mo?
Sa tingin ko mabasa mo pa lang ang mga salitang ito nabibigatan ka na. Parang pasan-pasan mo na ang buong mundo.
Ano’ng pumasok sa isip mo?
Mabigat.
Ang salita pa lang na ito ay mabigat na bigkasin.
Mabigat.
Ini-imagine mo pa lang parang hindi mo na matagalan—parang gusto mo nang ipasa kahit wala naman.
Tutal nag-i-imagine na rin lang tayo, imagine-in mo nang may dala kang napakabigat na bagay. Iniisip mo na dapat ingatan mo ito nang maigi. Ingat ka nang ingat. Ayan, ayan… Dahan, dahan lang… O kaya naman dahil sa’yo naman sa tingin mo, ay kung papano na lang… Magtapon na lang kaya ako ng iba… Pagkatapos maya-maya ay may lumapit sa`yo at nagsabi, “Akin po yan.”
Ano kayang mararamdaman mo?
Titingnan mo nang maigi yung gamit tapos…
Mapapaupo ka. Ang bigat ay biglang mawawala.
Ano kamo? Sa’yo?
“Oo nga pala, pinagkatiwala mo lang pala sa akin.” All of a sudden para sa isang ingat-na-ingat, ay mawawala ang bigat at sasabihin sa may-ari, “Tulungan mo naman ako.” At sa isa na kung papano na lang ay lalaki na lang ang mata ay, “Sorry, paano na yan? Natapon ko na ang iba!”
And yet think of this—halos-lahat ay either of the two sa simula. Do you know na ang lahat ng mayroon tayo ay hindi talaga sa atin?
“The earth is the LORD’s, and the fullness thereof; the world, and they that dwell therein” (Psalm 24:1).
“For every beast of the forest is mine, and the cattle upon a thousand hills. I know all the fowls of the mountains: and the wild beasts of the field are mine” (Psalm 50:10-11).
“The silver is mine, and the gold is mine, saith the LORD of hosts” (Haggai 2:8).
Kaya tayo hirap-na-hirap sa mga bagay na mayroon tayo (kabilang ang pera), ay dahil hindi natin napapagtanto na hindi talaga sa atin ang mga iyon, kundi mga bagay lamang na ipinagkatiwala. At tulad ng ingat-na-ingat ay hihingi tayo ng tulong sa Panginoon, na Siya talagang nakakaalam kung paano iyon gagamitin. At para sa nagbalewala, ay hindi tayo magkandatuto sa pagsisisi, at maaaring ngayon ay binabayaran na natin ang mga sinayang natin.
Nangyari na ito sa akin. Minsan ay masyado na akong nabigatan sa hawak-hawak ko, hindi ko na alam ang gagawin. Ngunit nang Makita ko ang Panginoon sa mga bagay na ito, simula noon ay magkatulong na kaming nagdadala ng bigat—at mas magaan na.
Hindi na mabigat.
Hindi na mabigat.
Di ba ang sarap ng pakiramdam?
Kailan natin yun mare-realize? Mas mabuti, ngayon pa lang ay humingi na tayo ng tulong, at huwag na tayong magpabaya.
At alam niyo isang paraan ng pagpapagaan?
Para maging magaan?
Pagbibigay.

No comments:

Post a Comment