Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Tuesday, May 26, 2009

BDJ 13--Tamang Gamit Naman Oh!

by Bro. Elijah Abanto
Hayaan niyo pong isa-isahin ko ang mga bagay na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos:
Time (oras). Ang pinakamahalagang binigay sa atin ng Diyos para gamitin ay ang oras. Lahat ng tao sa mundo ay may pare-parehong bilang ng oras na natatanggap (24 oras kada araw)—walang sobra, walang kulang. At inaasahan ng Diyos na ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon ay ginagamit natin nang may katuturan at naaayon sa Kanyang gusto. Mas mainam pa na mabuhay ka ng 20 taon sa mundo na naglingkod ka sa Diyos kaysa 100 na taon na ginamit lamang para magbisyo at pumunta sa party kaysa church. (Ephesians 5:16)
Talent (kakayahan). Bawat isang tao ay may kakayahang natanggap sa Diyos, at nararapat lang na gamitin natin ang mga kakayahang ito para sa Kanya. Nakita naman natin sa Biblia kung paanong ginamit ng mga alagad ng Diyos ang kung anong mayroon sila para sa Diyos: si Moises ay may tungkod, yung balo ay may dalawang kusing, si Elias ay may mantel, at si Dorcas ay may karayom at tela. (Maaari mong alamin kung paano ginamit ng bawat isa ang kung anong mayroon sila sa Biblia o magtanong ka sa isang may alam na Kristiano.) Nagagamit mo ba ang sa iyo?
Body (katawan). Bakit ba tayo nagsusuot ng maayos na damit? Bakit ba tayo hindi naglalasing at naninigarilyo? Bakit ba tayo nagpapahinga at natutulog? Bakit tayo kumakain ng masustansya? Dahil isa rin ang ating katawan sa pinagkatiwala ng Diyos sa atin. Oo nga may 24 oras ka nga, may talento ka, ngunit sakitin ka naman, kung hindi naman maayos ang paggamit mo sa iyong katawan? Wala din. Unang-unang ginagamit natin upang makapaglingkod sa Diyos ay ang ating katawan, kaya dapat lamang nating ingatan. (1 Corinthians 6:19-20)
Gospel/Salvation (ebanghelyo/kaligtasan). Hindi tayo niligtas ng Diyos para lang pumunta ng Langit at maligtas mula sa Impyerno—may dahilan kung bakit tayo naligtas. Nakapagbabahagi ba tayo ng Ebanghelyo sa mga hindi pa naliligtas? Hindi na kailangan ng Soul Winning Program para gawin iyon! (1 Peter 4:10; Romans 1:14; Mark 16:15)
Opportunities (mga pagkakataon). May mga pagkakataon na binibigay sa atin ang Diyos na maaari nating gamitin para makapaglingkod sa Kanya. Nagagamit ba natin o pinapalagpas lamang natin? Dapat nating sikapin na ito’y kunin at gamitin para sa Kanya.
Money and Possessions (salapi at mga pag-aari). Saan mo ginagamit ang iyong “mammon”? Diyan malalaman kung isa kang mabuting katiwala ng Diyos. Dapat ay nag-i-ikapu at nagbibigay-handog ka. Ngunit hindi lamang doon nagtatapos—maghanap tayo ng paraan makatulong sa kapwa—at kung mayroon tayo magbigay tayo. (Deut. 8:18; Malachi 3:10)
Ngayon, tanong—nagagamit ba natin ang mga bagay na ito nang tama at maayos? Hinilihiling ko sa Diyos na sana ay nasa tama tayo.
May salitang kanto na kapag mali ang pagkagamit ng isang bagay o pananalita ay sinasabihan ng, “Tamang gamit naman oh!” at kapag ako ay nagaganon ay nag-iisip ako kung may mali akong ginawa (o kung mayroon man, eh mangangatal na akong magsalita). Masasabihan kaya tayo ng Diyos ng ganitong ekspresyon? Kung sakaling tingnan Niya ang iyong mga “records,” matutuwa kaya Siya? O masasabi Niyang “Tamang gamit naman oh!”
Nawa ay hindi. Sa tulong ng Diyos, gamitin natin ng totoong tama ang mga pinakatiwala Niya sa atin.

No comments:

Post a Comment