Welcome to BDJ Online!

Welcome to the Baptist's Digest Journal Online. You will still read the same articles that will challenge, motivate, inspire and inform you in the Christian Life and Doctrine.May God use this blog to whatever purpose to decides to for your life.


This blog is an online ministry of Capitol Bible Baptist Church, Tanza, Cavite, Philippines. You can visit our church's website: www.capitolbiblebaptist.multiply.com.


Tuesday, May 26, 2009

BDJ 11--They Gave

by Bro. Elijah Abanto
Pagbibigay. Isang napakagandang salita, hindi ba? Oo, lalong-lalo na kung ikaw ang nabigyan. Right. (Pangiti-ngiti ka na siguro. Dahil siguro alam niyo na kung ano ang mga susunod na salita.) Pero kung ikaw kaya ang magbibigay? What do you think? Hindi siguro maipinta ang ating mga mukha kapag ganon ang sitwasyon—lalo na kung mayroon kang maibibigay.
Naranasan ko rin ang naranasan niyo. Minsan kasi bago maligo si Kuya Israel ay nanghingi siya ng shampoo sa akin. “Pahingi naman ng shampoo, ’Loy,” sabi niya. At alam niyo kung ano’ng naging itsura ng mukha ko. “Eh…” sambit ko pa, ngunit sa bandang huli ay binigyan ko rin siya. Parang ang hirap kong magbigay, samantalang kakarampot na shampoo lamang ang hinihingi.
Kaya hindi ako magtataka kung maging kayo ay nahihirapan din. Pero nagawa niyo na bang magbigay nang walang sakit sa dibdib? Yung masaya ka pa? Well, hayaan niyong magbigay ako ng halimbawa ng mga ganon.
Si Mommy, si Ate, si Bunso. Ang tatlong pinakainiibig kong mga babae sa buhay ko ang nagpakita ng ganitong kabaitan. Si Mommy, hangga’t may ibibigay, magbibigay. Makikita ko na lang na ilalabas niya pati ang mga mahahalaga niyang mga ipon at ibibigay kapag kailangan namin ng pera. Yes, si Ate Abigail rin. Mula noon, hanggang ngayon, hindi siya nagsawa na ibigay ang mayroon siya. Mapamayroon (noong nagko-kolehiyo siya marami siyang pera) o Mapawalang pera (ngayon), hindi niya kami pinagdamutan. Si Olivette, na kapag mayroong sitsirya ay lalapit at magse-share. I love these three people. Because they gave.
Yung babaeng balong may dalawang barya at yung isang batang may limang tinapay at dalawang isda. Ang bawat isang taong ito mula sa Biblia ay binigay lahat ng mayroon sila, hindi iniisip kung may babalik pa sa kanila. Mga simpleng tao, mga dukhang tao—pero nagkaroon sila ng kabuluhan. Because they gave.
Si Hadassah. Well, piksyunal lang ang taong ito, mula sa nobela ni Francine Rivers, A Voice in the Wind. Isa siyang alipin na Kristiano, at nakakatanggap lamang siya ng kaunting barya mula sa may-ari sa kanya. Ngunit imbes na impukin, ay ibinigay niya sa isang Romanong babae, ina ng isang sundalo na nagpapaalala ng malagim na sinapit ng kanyang pamilya sa Jerusalem. Nang tanungin siya kung bakit binigay pa niya ang kaunting perang iyon, sagot niya, “May pagkain ako. May tinutulugan ako. May damit ako. Ngunit siya wala ni isa sa mga ito. Mas kailangan niya iyon kaysa sa akin.” Napamahal na ako kay Hadassah. Because she gave.
Ang Diyos. Siya ang pinakamataas na halimbawa ng pagbibigay. Binigyan tayo ng Diyos-Ama ng kalayaan, at mga pagpapala na hindi natin dapat tamasahin, dahil tayo ay mga makasalanan. Bumaba ang Diyos Anak na si Jesus para mamatay lang sa ating kasalanan; binigay Niya ang Kanyang sarili. Ang Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Ispiritu, upang malaman natin kung paano mamumuhay sa sanlibutan. At dahil doon, we are destined to have heaven for our home. Because He gave.
Naalala ko yung favorite verses ni Ate sa Proverbs 3 sa scripture reading noong Lunes, “Withhold not good from them to whom it is due, when it is in the power of thine hand to do it. Say not unto thy neighbour, Go, and come again, and to morrow I will give; when thou hast it by thee” (vv. 27, 28). And surely, these people lived up to that verse. Nagbigay sila nang walang reserbasyon. Dapat tayong sumbatan at hamunin ng mga halimbawang ito. Simula ngayon, magbibigay na ako—nang buong-puso. Ikaw—kailan ka magbibigay nang buong-puso?

No comments:

Post a Comment